(L U N C H B R E A K)
CAROL'S POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain at kasama na naman naming kumain si sir Carl at ang asungot na si Lancelot na manyak.
"Carol, sa kwento mo kanina base sa panaginip mo... Sino ang suspetiya mo na killer sa atin??" tanong ni Jonah sa akin
"Sa tingin ko..." sabay isip at lumapit sa kaniya para ibulong kung sino ang killer "Si sir Lance, wala kasi siyang alibi eehh..."
Napa-tango siya sabay hawak pa sa chin niya habang nag-iisip rin
"Pwede rin siya Carol... Pero pwede ring hindi"
"Bakit sino ba sa tingin mo ang killer na iyon Jonah??"
"Ano ba yang killer sinasabi niyo at ang panaginip mo Carol??" si sir Carl
"Ano kasi sir, iki-kwento namin po sa inyo, kung okay lang sayo Carol???" si Roy na bumaling pa sa akin, napatango naman ako sa kaniya
"Base kasi sa kwento ni Carol, ganito po ang nangyari...." simula ni Jake
"Sa panaginip ho niya kasi, may isang tao na naka-maskara ng itim, naka-bonnet, may naka-sabit axe sa likod, may hawak na baril sa kanang kamay at sa may belt niya may orange na bulaklak" si Roy ang sumunod na nag-kwento
"Ang bulaklak ho na iyon ay Marigold it symbolizes cruelty, grieving for someone or jealousy ang ibig sabihin ng bulaklak na iyon" si Ms. Marie sabay sandal sa upuan niya at naka-cross ang dalawang braso niya
Ayon kinwento nila lahat ang nangyari sa panaginip ko, nakinig sila sir Carl at Lancelot sa kanila habang ako ay parang ewan na nagpi-pigil na tumawa sa reaksyon nila.
Gawa-gawa ko lang naman yung kinwento ko atsaka hindi naman yan ang totoong panaginip ko, tuwing ini-isip ko yung walang kwentang panaginip ko....
Hindi ko talaga nagustuhan yung panaginip na iyon... Okay lang sana kung ibang scenario eehh... Pero yun?! The eff is happening... Wet dream tapos yung mokong pa na yun.
"So para sa inyo?? Sino ang taong yun'?? Ang suspetiya niyo sino??" si Roy na parang excited siyang malaman ang saloobin namin
Tapos na pala sila mag-kwento sa gawa-gawa ko lang na kwento na iyon.
"Sa akin, si sir Lance.. pasensya na ho pero, wala ho kasi kayong alibi o kasama nung may tumawag ho sa inyo" si sir Carl
"Ako rin, pasensya na ho pero kayo rin ho ang pinag-s-suspetyahan ko sir"
Tumango lang si sir Lance at tumingin muna sa akin bago sumagot.
"Maaari ngang ako ang pinaka-suspicious sa panaginip mo Carol" sabay tingin sa akin at ngumiti
"Pero maaari ring may iba rin tayong kasama sa rest house na iyon at hindi lang tayo ang nandoon" sabi ni sir Lance ng saloobin niya
"Ang sabi rin ho sa kwento ni Carol ho ay, wala hong kalapit na bahay na malapit sa inyo at puro pa mga puno ang na nandoon" sabi Roy
"What if, yung killer ay may bahay doon sa gubat tapos..." nag-isip pa si Lancelot sa pwedeng mangyari
"What if, sa killer pala na yun yung rest house na iyon... At doon sila naninirahan nong asawa niya dati pero iniwan lang siya" dagdag pa na sabi ni Lancelot
"OOOOPPPSSS..... tama na yan guys, baka magka-gulo pa kayo dito sa cafeteria" pigil ni sir Carl sa kanila ni Roy
"Pwede rin ho yung sinabi niyo, pero hindi rin mawawala sa isip namin na isa ka sa pinag-s-suspetyahan namin" sabi ni Roy kay Lancelot at dinuro pa ito, medyo napa-lakas rin ang boses
"Ano ba Roy, panaginip lang yun okay... At hindi naman yun magkaka-totoo ehh" pigil ni sir Carl kay Roy
"Atsaka baka, kung anong sabihin ng ibang tao kay sir Lance, Roy... He's not really commiting a crime right guys" sabay tingin ni sir Carl kay Lancelot
"If that's what you're trying to say Roy, okay then, I accept it" sabay sandal sa upuan niya at naka-cross arms pa talaga siya at nakipag-titigan Kay Roy sabay smirk. He's face is mocking
Nakaka-bwiset yung mukha niyang pina-pakita kay Roy... kaya sinapak ko siya sa batok niya at takang napatingin sa akin
"Bakit mo yun ginawa?! Yung pagsapak mo sa akin?!" kunot-noong inis na tumingin siya sa akin
"Eh sa nai-inis ako sa pagmu-mukha mong pina-pakita eehh... Kaya sinapak kita, problema na ba yun?!" walang ganang sabi ko sa kaniya
"Bakit ka nai-inis sa pagmu-mukha ko?! Wala naman tung kinalaman sa panaginip mo diba?!" confused siyang napa-tingin sa akin habang yung kilay niya ay malapit ng pumantay
"Wala naman... Sa nai-inis ako eehh" sabay kurot sa isang pisngi niya
"Hhhmmmpp... Ang sabihin mo, naga-gwapohan ka sa pagmumukha ko" mayabang na sabi niya.
LANCE'S POV
"Hhhmmmpp... Ang sabihin mo, naga-gwapohan ka sa pagmumukha ko" mayabang na sabi ko
"Hindi, ang lakas kasi ng apog mo, ang yabang mo pang tignan tapos pangit ka pa sa paningin ko" sabi niya, pilit na ngiti at kurot sa pingi ko.
"Na-c-cute-an ka sa akin, Ano?! Kurot ka kasi ng kurot sa pisngi ko" sabi ko sabay lapit ng mukha ko sa mukha niya
"Huwag nga kayong maglampungan dito, nila-langgam kami ano ba?!" reklamo ni Jake sa amin
"Anong cute, saan banda..." sabay hanap sa gilid o likod ko "Bakit hindi ko makita ang ka-cute-an mo??" sabay hinto sa harap ng mukha ko
"Nandito nga sa harap mo oh... Tignan mo ngang maigi?!" reklamo ko sabay hawak sa pisngi niya at hinarap sa mukha ko at tinignan ko ng maigi yung mukha niya
Hindi siya tumingin sa mukha ko dahil tumingin siya sa gilid...
"Hindi nga sabi..." sabay halik sa labi niya at nakita ko pa ng bahagya ang mukha niyang gulat.
Medyo tinu-tulak niya pa ako ng malakas pero hinawakan ko ang pisngi niya para mahalikan ko siya ng mabuti
"Get a room guys, hindi niyo nakitang maraming tao ang naka-tingin sa inyo?! Please sa iba kayo at huwag dito" rinig kong reklamo ni Jonah sa amin
Ako na ang nag-hiwalay sa labi namin at pareha kaming hingal na hingal sa ginawa ko.
"Oy Carol, bakit ang pula ng pisngi mo... Dahil ba yan sa halik ni sir Lance sayo??" napatingin ako kay Carol dahil sa sinabi ni Roy sa kaniya
Bigla niyang hinawakan ang dalawang pisngi niya at hindi maka-tingin sa amin ng diretso.
"H-Hindi noh... I-Inis n-nga ako sa g-ginawa niya eehh" utal na sabi niya parang nahihiya siya na ewan... yumuko siya para hindi namin makita ang mala-kamatis na pisngi niya.
"Bakit parang hindi Carol, may hindi ka sinasabi sa amin ha" tuksong sabi ni Marie sa kaniya habang ako sinisilip ang naka-yuko niyang mukha
"H-Hindi nga k-kasi g-ganon ang i-ini-isip ko... n-nai-nai-inis nga a-ako sa g-ginawa n-niya s-sakin?!" nahihiyang sabi niya
Bakit parang hindi para sa akin itong kinikilos ni Carol...
Huwag mong sabihin... Gulat akong napa-tingin sa kaniya habang sinisilip parin siya...
Posible rin kasi ang nai-isip ko eehh... Atsaka, sana... Sana lang talaga, hindi na yung kapatid ko ang nasa puso niya, kundi ako na...
"Hindi nga sabi eehh?!" nahihiyang reklamo niya sabay tingin ni Carol sa amin at tinignan niya kami ng masama
"Edi hindi, kung hindi... Bakit ba ganyan ang reaksyon mong binibigay sa amin... Parang may naaamoy akong..." si Jake sabay tukso niya kay Carol.
Tinignan niya kami ng masama habang yumuyuko siya sa kahihiyan...
Sana lang talaga, tama ang nai-isip ko... Kung may kulang man sa pagmamahal niya, pupunan ko ng doble basta....
Napangiti ako ng mapakla...
"Halina kayo guys, 1:30pm na pala at may kailangan pa tayong gawin sa opisina na natin, at baka may important meeting ho kayo sir Lance mamaya" sabi ni Marie.
Sabay-sabay kaming napatayo at umalis na sa cafeteria habang paalis kami ay hinila ko si Carol papunta sa pwesto ko, nauuna kasi sila Carl, Roy, Jonah at Marie sa amin at nandito kami sa likod nila at hinawakan ko ang kamay ni Carol.
Pilit niyang kumawala sa hawak ko pero hinihigpitan ko iyon, in-intertwine ko ang kamay ko sa kaniya pero siya hindi niya ginaya ang ginawa ko sa kamay niya.
Binitawan ko ang kamay niya pero pinulupit ko ang braso ko sa baywang niya.
"Shit... Ano ba Lance, may kiliti ako diyan" para siyang kiti-kiti na iniiwas niya ang baywang niya
"May kitilit ka dito??" sabay tusok sa tagiliran niya
"Ahaha... Huwag nga diyan sabi eehh..." pinilit niyang hindi siya matawa
Hanggang sa nandito na kami sa elevator
"Sir kayo dalawa na lang ho ang sumakay diyan sa elevator niyo, nahiya po kasi kami sa ginagawa niyo eehh" si Carl sabay lahad ng kamay niya sa elevator ko
"Okay lang naman na sumabay kayo sa amin eehh" sabi ko pero si Carol parang kiti-kiti
"Eh kasi naman sir..."
"Hoy Carol para kang kiti-kiti diyan?! Problema mo?!" si Jake na hindi maipaliwanag ang mukha.
"Kasi naman eehh... May kiliti kasi ako sa baywang ko... Sir?! Bitawan mo na kasi eehh.."
"Ayoko nga, bahala ka diyan... Para malaman nila na akin ka" tinignan ko siya ng seryoso at natigilan naman siya sa sinabi ko.
Sumimangot bigla ang mukha niya... Tumigil naman siya sa ginawa niya na parang kiti-kiting hindi mapakali... Buti nga at natigil rin.
Inilapit ko pa ang baywang niya sa katawan ko, napatingin naman siya sa ginawa ko
Hanggang sa bumukas ang elevator at pumasok na kaming dalawa pero sinilip ko muna sila pero hindi ko na sila naabutan dahil nakasakay na sila sa isa pang elevator kaya naman sinarado ko na yun.
"Nagustuhan mo ba ang bulaklak na binilin ko sa desk mo??" malambing na sabi ko sabay lapit sa kaniya at niyakap ko siya sa likod niya habang hina-halikan ko ang balikat niya.
"May isa lang akong nagustuhan dun sa binigay mong bulaklak" sabi niya at napatigil ako sa pag-halik sa balikat niya
"Ano naman yun??"
"Yung purple rose, atsaka hindi ako mahilig sa mga bulaklak noh... Na-attract lang ako sa kulay nung purple rose"
Siniksik ko ang mukha ko sa balikat niya at nilalagyan ng kiss mark ang leeg at balikat niya.
Bigla ko siyang hinarap and I kiss her in a passionate way yung isang kamay ko nasa kaliwang pisngi niya at isang kamay ko nasa batok niya.
Nung una ay hindi niya pa ako hinalikan pero ngayon ay hinalikan na niya ako pabalik habang yung dalawang kamay niya nasa magkabilang balikat ko, nilapit ko ng bahagya ang katawan ko sa katawan niya.
I deepen the kiss but in a passionate way hanggang sa kinarga ko siya ng hindi naghi-hiwalay ang mga labi namin.
Bigla niyang hiniwalay ang labi namin para naka-hinga pero siniil ko siya ng halik kaagad hanggang bumaba ang halik ko sa leeg niya papunta sa balikat niya.
Kita sa mukha niyang nasasarapan siya sa mga halik ko hanggang sa....
"TTTIIINNNGGG...." bumukas ang elevator pero sinarado ko yun agad at pinag-patuloy ang pag-halik ko sa pisngi niya papunta na naman sa labi niya sabay bitaw.
"Tama na" hinalikan ko siya agad sa labi pero nilayo niya agad ang labi niya "Lance, tama na" sabay halik na naman sa labi niya at dinilaan ko yung labi niya bago humiwalay
"Ayoko pa eh" sabay halik saglit sa labi niya "later babe, dinner tayo" sabay halik saglit sa labi niya
Binaba ko na siya at hinalikan ko na naman siya ng mas matagal sa labi niya... Hanggang sa ako na ang nag-hiwalay sa labi niya...
I can't get over her...
Tumalikod na siya at binuksan yung elevator pero hinalikan ko muna siya sa balikat niya saglit at nag-paalam na. Sinarado ko na yung elevator..
I want her now.... Shit?! Yung alaga ko...
Hinawakan ko bigla ang labi ko at hinalikan yung dalawang daliri ko.
Siya ang kakainin ko mamaya wala akong paki-alam sa ibang pagkain basta siya ang nasa hapag siya ang kakainin ko ng buhay.... I want her raw body and her lips to mine...
Mamaya ka lang sa akin Carol, hindi talaga kita titigilan mamaya...
Napakagat ako ng labi dahil sa nai-isip ko ngayon...
Be prepared later babe... (smirk)