Tải xuống ứng dụng
76.78% My Unpredictable Boss / Chapter 43: Forty Two

Chương 43: Forty Two

CAROL'S POV

Pagkatapos naming mag-lunch ay wala akong Lancelot na bumaba para sumabay na mag-lunch sa amin.

At bakit mo hinahanap si Lancelot ha?! Carol?! Gusto mo na ba siya o ano?!

Pakshet naman oh... Pupuntahan ko pa yung mokong na yun, ayoko sana siya makita ngayon ehh... Nagsasawa na ako sa pagmumukha niyang manyak.

"Punta muna ako kasi sir Lance, ha..."

"Go bakla"

"Carol, baka hindi pa nakaka pag lunch so sir niyan, baka hinihintay ka niyang pumunta dun sa opisina niya" pangungunsensya ni Jonah sa akin

"Oo nga Carol, sabi niya kasi kanina sakin, hihintayin ka daw niya sa opisina, baka mag-tampo yun sayo" so sir Carl

Laguta oi... Ngano mana, kailangan jud ipa-konsensya ko nila... Bwesit mana siya oi, pa-special kaayo?! Special Child

(Translation: Kainis... bakit kailangan nila pakonsenyahin... Ka-bwesit siya ha, masiyado siyang pa-special?! Special Child)

Laguta jud ana niya oi, moadto nako oi... Abnormal...

(Kainis siya masiyado ha, punta na nga ako... Abnormal)

"Oo na, pupunta na nga ako diba... Huwag niyo na akong pakonsensyahin... Nakokonsensya tuloy ako" bulong ko sa huling sinabi ko

"Sabay na tayo Carol, sabi kasi ni boss Lance na, sumabay na daw kayo sa akin pero sa CEO's Elevator daw tayo sasakay" sabay tingin kila Roy

Habang naghihintay kami ay nag-kwentuhan muna sila ako naman nakikinig, may time na sumasabat rin ako sa usapan at tumatawa pag may nakaka-tawa sa kwentuhan namin.

Sumabay nga kami sa kaniya papunta sa 15th dahil doon bababa sila Roy, Jonah, at Jake, kami naman ni Sir Carl ay papunta sa opisina ni sir Lance.

"Goodluck bakla, sana hindi mag-tampo yung lovey doves mo at hindi rin siya magalit... Muah... Muah sir Carl" sabay halik niya sa ere sa amin

"Oo na bakla, shu shu..." sabay alis sa kanila na parang aso...

"Sana ma discourage yun sa akin at magalit ng sobra... Hahahaha" bulong ko sa sarili sabay baliw na tumawa

"Ang creepy mo talaga Carol, kinaka-usap mo yung sarili mo at tumatawa ng walang dahilan" si sir Carl na parang natatakot sa akin

"N-Narinig mo yun sir?? Binulong ko na yun ha.." sabay isip ko

"Oo naman noh... Tayo nalang kaya ang dalawa dito tapos wirdo mo pa"

"Yan siguro ang nagustuhan ni Sir sayo... Yang pagka-wirdo at pagka-baliw mo" sabi niya

"W-Weird po ba talaga ako??" nahihiyang napapakamot ako sa ulo ko

"Hindi naman, pero kapag mas kilala ka na nga tao, lumalabas yung pagka-baliw mo/natin"

"G-Ganon po ba... Hehehehe..." shit nakakahiya ka Carol

"May tanong sana ako sayo Carol eehh..."

"Ano po yun sir??"

"May gusto ka na ba kay sir Lance o one-sided lang siya??"

Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko na Lang pinahalata yung gulat ko, yumuko muna ako at nag-isip muna ng maisasagot sa tanong niya...

"Hhhhmmmmm....." sabay tingala at nag-isip ng malalim.

Ano bang isasagot ko sa nakaka-gulat niyang tanong..

"Hhhmm... Hindi naman ho siyang mahirap mahalin eehh... Atsaka hindi pa po ako nahihirapan pa ho ako sa past relationship ko..."  sabi ko Kay sir

"Pero may possibility bang magustuhan mo siya, sa ginagawa niya sayo"

Ano ba toh... Teka Lang nangangapa pa ako ng sagot eehh.....

"Siguro po, may posibilidad na magustuhan ko siya... Pero hindi pa ho sa ngayon"

"Ganon, bagay pa naman kayo ni sir Lance, Carol... Sana kayo ang magkatuluyan sa huli... Aasahan ko kayo ha... Ninong ako sa kasal niyo at sa magiging anak niyo"

"He..he..he..he.." awkward na tawa ko sa kaniya...

Nako sir, huwag niyo naman ho akong isumpa sa kaniya... Ang manyak niya kaya atsaka napaka-possessive niya masiyado.

"TING......." tunog ng elevator yan

Lumabas na kami at pumunta na sa opisina nila sir at sir Lance.

Pumasok na ako sa opisina ni sir Lance, nakita ko siyang tumayo pero naka-talikod siya sa akin at tumingin siya sa labas ng bintana at mukhang may ini-isip na malalim.

"Sir Lance, n-nandito na ho ako" tumalikod pa rin siya at parang walang paki kung may tao ba o wala dito

LANCE'S POV

"Sir Lance, n-nandito na ho ako"

Parang boses ni Carol ha... Hindi ko siya hinarap at tumingin pa rin ako sa labas ng bintana.

Nagta-tampo pa rin ako sa kaniya... Hindi pa naman ako kumain para maka-sabay ko siya.

"S-Sir L-Lance, h-hindi pa ho ba kayo k-kumain?? K-Kung hindi pa ho, ipagluluto ko ho kayo o pupunta na Lang ako sa baba, para bilhan kayo ng pagkain" sabi niya

Gusto ko na siyang harapin at halikan ng halikan pero kailangan mong mag-resist Lance, huwag puro sunggab sa kaniya...

Kailangan mong iparating sa kaniya na nagta-tampo ka at maya-maya mo na siya harapin

"S-Sir, n-nagta-tampo ho ba kayo dahil, h-hindi ako pumunta dito b-before lunch??"

Humarap na ako sa kaniya dahil hindi ko na kaya ang hindi tignan yung mukha niya... Pero blangko pa rin ang mukha ko pagharap ko sa kaniya.

Gusto kong ngitian siya pero ayoko muna resist Lance resist...

"H-Hindi pa h-ho ba kayo kumakain??" nahihiyang sabi niya

"Tingin mo?? Mukha ba akong kumain... Alam mo bang nag-tiis ako dito kasi alam kong dadating ka at sabay tayong kakain??" seryosong sabi ko sa kaniya at tinignan ko rin siya ng seryoso.

"A-Akala ko ho kasi, s-sasabay ho kayo s-samin kumain k-kanina eehh.. k-kaya h-hindi nalang ho a-ako pumunta dito" utal na sabi niya sabay kagat labi.

Fuck... Those lips... Shit I can't resist that biting lips of her..

Tanga mo rin Lance eehh... Pwede ka namang bumaba at sumabay sa kanila diba?? Minsan hindi ka rin nag-iisip ng matino eehh... Pero akala ko kasi pupunta siyang mag-isa dito at sabay na kaming bababa para kumain...

Pinikit muna ako dahil baka mahalikan ko siya ng wala sa oras...

"At may sasabihin rin kasi akong importante sayo diba?? Remember??" sabi ko

"Importante ho ba yan P-Pribado ho yan??" nag-aalalang sabi niya at tumango ako sa kaniya

"H-Hala s-sir p-pasensiya na ho, a-akala ko ho kasi..." sabay lapit ko sa kaniya at inikot ng isang daliri ko ang buhok

"Yeah... Its a private matter kaya sana pumunta ka dito kanina" sabay bulong sa tenga niya

"Can you cook me a food, I'm kinda hungry... Hinintay pa naman kita kanina pero wala eehh..." bulong ko sabay dismiyadong mukhang sabi ko

"S-Sige ho, s-sandali Lang ho aahh.. mag-hintay ho kayo diyan saglit" sabi niya at dali-daling lumabas ng opisina ko

Napa-buntong hininga ako sabay hawak sa puso... Shit ang hirap talagang mag-resist sa kaniya... Gusto ko na siyang halikan kanina eehh...

"Ho... Ho... Ho..." sabay inhale-exhale ko

SORRY FOR THE TYPOS

THANKS A LOT GUYS

God Bless po sa inyo

Please Vote, Follow and Comment

Please Follow me to my Account:

twitter: @taoclaire16

instagram: @abrokenart

facebook: clairequinto12@yahoo.com

Love You so Much Guys

😊💕😍😘


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C43
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập