AMIRA'S POV
Naglalakad na kami ngayon papasok ng bahay dahil may dumating na sasakyang hindi ko alam kung kanino. Buong tanghali kami ni mr.linc sa tree house.
"Miss amira, dunkan is waiting at your room" napatingin ako sa isang katulong na hindi ko kilala, baka kay dunkan yan. Lumingon ako kay mr.linc na napakibit balikat lang.
"I'll be there"
"May alam ba kayo bakit siya nandito?"
"Hindi po miss amira" sagot ng yaya ko. Inutusan ko muna sila na maghanda ng pagkain namin habang si mr.linc nakasunod lang sa akin. Papunta na kami sa kwarto ko.
*toktok* hindi ako sigurado kung papasok ba ako o hindi. Kinabahan ako bigla. Bakit dito siya naghihintay?
Tahimik lang sa loob kaya sumenyas muna ako kay mr.linc na dito lang siya bago pumasok.
"Dunkan? Why are you here? Pwede ka namang maghintay sa baba" bungad ko. Nakaharap siya sa bintana habang umiinom. Lumapit ako sa tabi niya at binuhusan muna ang dalawang roses sa pot.
"So you received the rose?" nagtaka ako bigla. Ngumisi pa siyang humarap sa akin.
"Huh?"
"I told you I can give efforts than him" kinuha niya yung isang rose at inamoy pa. Hindi kay m-mr.linc galing yan? Pinutol niya ng kaunti ang stem tsaka lumapit sa akin.
"D-dunkan what are you d-doing?" hinawi niya ang buhok ko tsaka sinabit sa tenga ang rose.
Nalungkot ako nang isipin kong paano ako kinilig kagabi sa pagbigay niya nito pero hindi pala, hindi sa kanya galing!!! Mr.linc!!!
"I like you more than you know amira"
"D-dunkan I like ace b-but for you? I-I'm sorry, si ate-siya may gusto siya sayo kaya subukan mo din siyang pansinin"
"Umaasa ka pa rin ba kay ace?" tumawa siya ng konti kaya tumaas ang isang kilay ko. Kakaiba siya sa dunkan na kilala ko!! "Bukas puntahan mo siya. Tignan natin kung alin sa amin ang mas pipiliin mo"
"I-I-mmI r-really need to t-talk to him" hindi siguradong sabi ko. Kakausapin ko pa ba siya?? What for?? Makipag ayos---????
"Palaging nasa bear house yun. Naghahanap"
"N-naghahanap n-ng a-ano dunkan?" ngumisi siya kaya mukhang hindi ko na gustong marinig pa.
"Babae"
"Si ate kausapin mo. Wala tayong patutunguhan nito" tatalikod na sana ako nang hilahin niya ako paupo sa couch at pumaitaas sa akin para hindi ako makatayo!!
"I don't like zaira. I like you amira" dumikit pa ako sa couch nang bumababa ang tingin n-niya.
"I-I'm really sorry dunkan. I really can't--" hindi ako natapos dahil hinalikan niya ako bigla habang nakahawak ng mahigpit sa batok ko "Hmm! Tu--tu--long!!"
*blag* kinapa ko ang drawer sa tabi namin pero wala akong makuha!!! Pilit ko siyang tinulak pero hindi ko kaya!!
"Hmm ano-ba Dun--kan!" nanlaki ang mga mata ko nang ihubad niya ang polo niya "Tulong!!"
"I am waiting for this" tumindig ang balahibo ko dahil sa bulong niya. Natanggal niya ang lace sa balikat ko kaya inipon ko pa ang buong lakas at tinulak siya.
*blag* hindi ako nagdalawang isip na lumabas tsaka nilapitan agad si mr.linc na papunta pa dito.
"Mr.linc! Mr.linc!" lumingon ako kay dunkan na lumabas din ng kwarto at nakasunod sa akin.
Mabilis akong nagtago sa likod ni mr.linc kaya agad din niyang hinawakan sa balikat si dunkan bago pa makalapit sa akin.
"What happened?!" dumating si ate zaira kaya tumigil na si dunkan.
"A-ate ang bastos niya!" sumbong ko. Pumagitna sa amin si ate a-at tinignan lang ako ng masama. Nakita din yun ni mr.linc!
"Ulitin mo nga!?"
"G-gusto n-niya akong--" hindi ako natapos dahil mabilis na tumaas ang kamay niya at hahampasin sana ako nang inilag ako ni mr.linc.
"Hindi totoo yan!" galit na sigaw niya. Lumapit sa kanya si mr.linc para ilayo sa akin. Umiyak na ako habang nakayukong kinakagat ang daliri "Malandi ka lang talaga! Lumayas ka dito!! Hindi magagawa ni dunkan yan sayo!!"
"Z calm down" mahinang sabi ni mr.linc habang niyayakap na para hindi makatakas. Tumabi sa akin si dunkan at hinawakan ako sa magkabilang balikat tsaka pinisil pa.
"Ako na bahala sa kanya" sabi niya at maglalakad na sana kami nang hawakan din siya ni mr.linc sa braso.
"You, sta--"
"Malandi ka!!" hinila ako ni ate at tinungo ang kwarto ko.
"Ateee~" lumingon ako kina mr.linc at dunkan na nakasunod sa amin.
"Z"
"Zaira don't do this to her"
"Isusumbong kita kay papá sa mga ginagawa mo!" tinulak niya ako papasok. Muntik pa akong matumba "Walang nangyari!! Tandaan mo yan!!!"
"Ate"
*BLAG* sinara niya ang pinto kaya bumuntong hininga na lang ako. Nagalit siya kasi may gusto siya kay dunkan.
***
Kinabukasan
Sumusunod lang ako kay mr.linc na palakad lakad lang sa buong bahay. Sumasakit na ang paa ko! Pipilitin ko na lang iwasan si ate para hindi ulit mangyari yun!!
"Mr.linc~ please. I need your cooperation right now!" pagmamakaawa ko habang sumusunod pa rin sa likod niya. Papunta siya ngayon sa hagda-- what?! Pang dalawang beses na naming baba to!!
"You can go. I won't stop you. Just inform someone in your family that you will go out" sabi niya kaya sumama ang itsura ko.
"But that minions will stop me for sure!!" naiiyak na sigaw ko. Gusto kong kausapin ng maayos si ace pero itong si mr.linc ayaw mapakiusapan!!!
"That's not my problem anymore"
"Sige na mr.linc kung ayaw mo sumama at least tulungan mo lang akong makalabas tapos hintayin mo lang ako doon dahil baka may masamang loob na naman ang susugod sa akin"
"Tsk pinalala mo lang. Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sayo nung nakaraan?" napabusangot ako at humawak sa damit niya. Umuulan kasi kaya pareho kaming makapal ang suot. Trip kong gayahin siya at gustong gusto ko ang panahon.
"Anong gagawin ko para pumayag ka?~ Sabi ni dunkan puntahan ko daw si ace ngayon! I am curious!"
"Nothing" tumigil na siya at humarap sa akin "At? Anong mangyayari pagkatapos?"
"Ano" nagkibit balikat ako kaya inayos niya ang mga papel sa mesa. What?! Hindi ko namalayang nakarating na pala kami dito sa kwarto niya!!
"See? Hindi lang yan ang poproblemahin natin, mas mananagot tayo kapag mahuli nila tayo. Unless you want your sister to put all the fire against you AGAIN?"
"Mr.linc~" pumunta ako sa gilid niya at pinasok sa loob ng sleeves ng sweater niya ang mga kamay ko para matigil na siya sa ginagawa.
"Don't ruin may clothes!" sita niya kaya napabusangot pa ako lalo.
"Bahala ka~ hindi kita lulubayan mr.linc!~" tumingin siya sa akin na parang pinipigilan lang na di mainis.
"MISS AMIRA. I thought you will listen to me??" tanong niya at pinandilatan pa ako.
"Laaaast na to promise! Gusto ko lang talaga siyang kausapin ng maayos"
"No" diretsong sabi niya at haharap na sana sa ginagawa kanina pero naalala niyang hindi pa rin magagamit ang mga kamay niya.
"Mr.linc~"
"Miss amira remove it" hindi ako gumalaw kaya huminga siya ng malalim "Give me the BEST reason you had"
"Kase ano" tumingala ako sa kanya at nagisip pa. Ano nga ba? wala akong maisip na best reason ehh!!
"See?!--"
"Lalambingin kita hanggat pumayag ka!" tinanggal niya ang isang kamay ko at niligpit na ang mga nagkalat sa mesa.
"Akala ko ba turned off ka na"
"Ay basta!" napadabog na ako dahil base sa itsura niya ayaw talaga!! Ngumisi ako nang may maalala akong panakot sa kanya "Tatanggalin ko yang piercing mo sa tenga!!"
*BLAAG*
"YAYA NASAAN YUNG STUPID NA YUN?!!!!"
"Ah miss naglibot libot lang po ata" napatigil ako at humarap sa pinto nang marinig ang sigaw ni ate zaira sa labas.
"DON'T LET THAT STUPID REACH THE ROAD!! PATAYIN NIYO KUNG PWEDE!!!"
"Opo miss"
"NASAAN SIYA?! BANTAYAN NIYO SIYA NG MABUTI!!---ALAM KO NANDYAN KA SA PALIGID STUPID!! HUWAG NA HUWAG KANG LUMABAS AT MAGPAKITA SA AKIN!! ARRRGHH!! TAWAGIN NIYO SI L!!" napatingin ako kay mr.linc nang banggitin siya ni ate. Inayos niya ang damit niya at naglakad palabas.
ZAIRA'S POV
"L what's these?!" nilagay ko sa harap ng mesa ang mga litrato.
That stupid might forget that ace is popular kaya ang daming tagasunod! Tumingin lang siya dun kaya lumapit ako sa kanya.
"Tell me bakit hinayaan mong makalabas ang special na yun?!!!"
"I don't know z" sagot niya kaya napasinghap ako. Malandi malandi!! Kung hindi kay dunkan, kay ace naman?!!! Wag naman niya sanang agawin sa akin lahat!! Bwesit siya!!! AHHH!!! Ang sarap niyang sabunutan!!
"L pinagkatiwala ko sayo ang special na yun sana naman ayusin mo!!" nakatingin lang siya sa akin kaya napakuyom na lang ako dahil sa panggigigil sa special child na yun!! "Sa susunod ayusin mo ang trabaho mo L!! Kahit anong gawin dyan aalis at aalis yan!!"
"I will, I'm sorry" hinilot ko na lang ang sintido at bumuntong hininga. Because of that stupid nasigawan ko si L.
"I'm sorry I didn't mean to" humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit "Ano ng nangyari sa inutos ko sayo?"
"Sinusubukan ko pa rin" tumango tango lang ako at nakapikit. He is already forgiven. I know he is the best and nothing to compare with.