Tải xuống ứng dụng
9.09% Our Endless Magical End / Chapter 1: Ang Sumpang Magwawakas
Our Endless Magical End Our Endless Magical End original

Our Endless Magical End

Tác giả: Krishaz

© WebNovel

Chương 1: Ang Sumpang Magwawakas

Hindi ako kailanman makapapayag na ako ay iyong tanggihan, Goshun. Ikaw man ay anak ng matalik na kaibigan ng aking ina, hindi ko pa rin magagawang palampasin ang iyong ginawang pagtakas sa kasunduang itinakda ng aking ina at ng iyong pumanaw na ama. Hindi ko man makakayang ikaw ay piliting maging sa akin, magagawa ko namang ikaw ay magdusa nang dahil sa pag-ibig.

Nalulunod sa kaiisip si Prinsesa Elvy Lirha, ang kaisa-isang tagapagmana ng Kaharian ng Incoasa, ang isa sa dalawang kahariang bumubuo sa planetang Asicaon.

Ang planetang Asicaon ay lingid sa kaalaman ng mga naninirahan sa planetang Earth. Ang layo nila sa isa't-isa ay katumbas ng isang daang ulit ng layo ng planetang Earth sa planetang Neptune. Kung kaya, walang ideya ang mga tao sa planetang ito.

Samantala, ang prinsesa ay patuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Hinahalo niya ang malapot na katas ng dahon ng Ozkiu, ang halamang pangunahing sangkap sa paggawa ng potion o gayuma na may kakayahang magbago ng wangis ng sinumang maghahangad nito. Ngunit, ito ay magiging mabisa lamang kung may basbas ng prinsesa sa pamamagitan ng kanyang mahika.

Ang mga nilalang sa Asicaon ay nagtataglay ng magkakaibang mahika na nagsisilbi nilang kapangyarihan. Ngunit katulad ng mga tao, sila rin ay may kanya-kanyang kahinaan.

Habang nagpapakalunod ang prinsesa sa kanyang pag-iisip, dumating ang isa sa kanyang mga tagapaglingkod.

"Mahal na prinsesa, narito na po ang inyong munting bisita," wika ng tagapaglingkod.

Hindi pa rin natitinag sa kanyang ginagawa ang prinsesa, ngunit makikita sa kanyang mga mata ang galak nang marinig ang balita.

"Papasukin siya," utos ng prinsesa sa tagapaglingkod na nananatiling nakatungo sa kanyang harapan na tanda ng paggalang.

"Masusunod po, kamahalan."

Maya-maya pa ay pumasok na ang isang munting nilalang na mayroong kulay berdeng mga pakpak na katulad ng sa mga tutubi.

"Kamahalan," wika niya bago tumungo, "ikinagagalak ko pong makita kayong muli."

"Ano ngang muli ang iyong pangalan?" tanong ng prinsesa habang ang mga tingin ay nakatuon pa rin sa bangang nasa kanyang harapan.

"Mahal na prinsesa, ako po si Lilven Alurha na handang maglingkod sa inyo." Mapapansin sa kanyang wangis at tinig na siya ay nasasabik na muling maipakilala ang sarili sa prinsesa.

Ngumiti ang prinsesa. "Hindi ko naman nalimutan ang iyong pangalan. Nais ko lamang na magpakilala kang muli," ani prinsesa.

Nanatiling tahimik ang munting nilalang. Bagama't nais niyang tanungin ang prinsesa sa kanyang layunin ay nanatili siyang walang imik, sapagkat nalalaman niyang siya ay wala namang karapatan.

Muling namayani ang tinig ng prinsesa. "Pagmasdan mo ang laman ng bangang nasa aking harapan," utos niya. "Nalalaman mo ba kung para kanino ito?"

Pinagmasdan nga ni Lilven ang laman ng banga, ngunit hindi niya batid kung para saan iyon.

"H-Hindi ko po alam kung para kanino iyan, kamahalan."

Muling ngumiti ang prinsesa. "Para ito sa iyo," aniya na ikinagulat ng kanyang kausap. "Hindi ba, nais mong maging tao?"

"N-Nais ko lamang pong manirahan sa kanilang mundo, ngunit ayaw ko pong mawalan ng kapangyarihan, kamahalan."

"Kaya nga, Lilven. Ang mundo ng mga tao ay para lamang sa mga tao. Hindi tatanggapin doon ang isang tulad mo," paliwanag ng prinsesa. "Para sa kanila, ikaw ay isa lamang munting tutubi na kanilang huhulihin at igagapos hanggang sa mamatay."

Nabalot ng kalungkutan ang mukha ng munting nilalang.

"Ngunit maaari ring

mangyari ang ninanais mo," pahayag ng prinsesa.

"Maaari po, kamahalan?" Lingid sa kanyang kaalaman na ang laman ng banga ang sagot sa kanyang kahilingan.

"Tama ka, ngunit"- iniangat ng prinsesa ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga mata - "iyon ay sa isang kondisyon."

Nagpantig ang mga tainga ni Lilven.

"Tutuparin ko ang iyong kahilingan, ngunit tutuparin mo rin ang anumang ipag-uutos ko sa iyo."

"Opo! Opo!" bulalas niya. "Handa po akong gawin ang lahat."

"Mainam kung gayon," wika ng prinsesa sa mababang tono.

Kumuha ng isang maliit na bote ang prinsesa. Muli niyang hinalo ang malapot na katas ng dahon bago ito isinalin sa bote.

Iniabot niya ito kay Lilven. "Inumin mo ito," utos niya. "Bago matapos ang araw na ito ay makikita mo ang pagbabago sa iyong anyo."

Hindi na nagdalawang-isip pa si Lilven. Mabilis niya iyong ininom hanggang sa maubos.

"Ang iyong anyo ay magiging tulad ng sa tao. Ngunit, ayon sa iyong kahilingan, ang iyong kapangyarihan ay mananatili sa iyo."

"Kung mananatili ang aking kapangyarihan, maaari ko rin po bang maibalik ang aking dating anyo, kamahalan?"

"Oo, at iyon ay sa iyo nakasalalay. Sa iyong mga kamay nakabatay ang iyong magiging kapalaran, Lilven. Piliin mong mabuti kung kailan ka magiging tao at hindi. Tandaan mo, mainit ang mga mata ng lahat sa naiiba," paalala ng prinsesa kay Lilven.

"Tatandaan ko po ang inyong sinabi, mahal na prinsesa," sagot niya. "Ngunit, ngayong natupad na ninyo ang aking kahilingan, ano naman po ang maipaglilingkod ko sa inyo, kamahalan?"

"Tungkol ito kay Goshun Lezzur."

"K-Kay Prinsipe Goshun ng Kaharian ng Oncasia, kamahalan?!" Hindi niya napigilan ang kanyang sarili dahil sa pagkagulat. "P-Patawad po, kamahalan."

"Hindi na bago sa akin ang ganyang kilos ng sinuman kapag naririnig ang kanyang pangalan," wika ng prinsesa na tila isang bulong. Mapapansin ang namamayaning kalungkutan sa kanyang mga mata bagama't siya ay nakatungo.

"Kamahalan?" usisa ni Lilven.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

"Bukas nakatakdang ipatapon si Goshun sa mundo ng mga tao. Iyon ay dahil tinakasan niya ang kasunduang binuo ng aking ina at ng kanyang yumaong ama."

Tiyak ang pagkagulat sa mukha ni Lilven, ngunit sa kabila niyon ay minarapat niyang huwag magsalita.

"Iyon ang kapalit ng kanyang ginawa. Iyon ang parusang ipinataw sa kanya." Sandaling natahimik ang prinsesa. "Ngunit hindi iyon sapat para sa akin."

Unti-unti nang napapalitan ng pagkagalit ang nararamdamang kalungkutan ng prinsesa.

Nagpatuloy siya. "Dalawa lamang ang nais kong gawin mo para sa akin, Lilven. Alamin mo ang kanyang bawat galaw at ipaalam mo iyong lahat sa akin."

Nag-isip si Lilven.

Madali lang kung iisipin ngunit mahirap kung akin nang gagawin. Oo nga pala. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko iyong gawin.

Sa wakas ay sumagot na siya. "Masusunod po, kamahalan." Bagama't hindi lubos na malinaw para kay Lilven ang pakay ng prinsesa ay hindi na siya nagtanong pa.

Samantala, lingid sa kaalaman ni Lilven na hindi lamang iyon ang parusang ipinataw ng kanilang kaharian sa prinsipe. Binigyan ng kaharian ang prinsesa ng karapatang magpataw ng isa pang parusa sa kanya. At sa kagustuhan ng prinsesa, tanging silang dalawa lamang ng prinsipe ang nakaaalam kung ano ang parusang iyon.


Load failed, please RETRY

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập