Paasa siya, pa fall, pa cute, pa ewan!! Naiinis tuloy ako ang gwapo niya tapos ayaw niya sakin na maganda di joke feeling amp, bumababa ako at kumain ng late snack patay gutom ang peg? Kumain ako ng sandwich at juice lang yun kang nasa ref eh.
Pag tapos kong kumain bumalik ako sa taas, para lunurin yung sarili kong isip kung bakit di niya ako mahal 'di joke ulit. Chinat ko lang si farhana siya lang kasi matitripan ko. Chinat ko siya bat ang panget niya abg reply ng punyeta "dahil mana ako sayo 😙" tangina sineen ko lang.
Binaba ko yung phone ko tapos pumunta sa study table ko para mag doddle, wala akong magawa kaya tamang drawing lang, ako lang ba? Pag drawing na project panget yung drawing, pero pag trip-trip pang museum char! HAHAHA futa mag aalas - 6 na may feeling talaga ako tatawagin ako eh para mag saing-
"MAYUMI MAG SAING KANA, 4 na cups!" huhu sabii kona nga ba, bumaba ako papunta sa kusina para kag saing alangan naman tumae de joke
Kinuha ko yung kaldero hinugasan ko, tapos tumakos ng 4 na cup, hinugasan ko ying rice then nag add ng tubig, ay basta alam mo na, tapos linagay kona sa lagayan :)
"MA TAPOS NA!" sabi ko para ma bantayan ni mama.
Bumalik uli ako sa taas para ayusin yung bag ko for tomorrow, at nag cellphone lang, tamang ml kala mo naman ano rank gm lang naman pala, lose streak ako amp o bobo lang talaga ako mag laro
Shuta naalala ko nanaman siya, siya kasi dahilan bat ako nag lalaro nito eh, yung dati na "BESTFRIENDS" pa kami nag yaya siya mag laro kaso di ako marunong, sabi niya mag download ako tapos tuturuan daw ako amp di nga siya nag invite, di lang siya paasa sa feelings pati sa laro!
--
Alas 8 na tapos na akong kumain at mag hugas, ngayon niready ko lang outfit ko para incase late ako di na dadag to. Humiga na ako sa bed ko and tamang scroll lang sa Facebook, Twitter, Instagram, dyan lang ata umiikot ang buhay ko. Pero sa kanya umiikot ang mundo ko yie kilig kana yarn. In off ko na yung ilaw at matutulog na sana.
Sadyang nag ooverthink nanaman ako. Hays bakot ganito buhay ko? Oo nga masaya ako paminsan… pero kung bibilangin mas marami pa atang masama ang nangyari sakin. No hate ha pero mas gusto ko talaga sa school kesa sa bahay kasi… feeling ko pag nasa bahay ako isa akong malaking disappointment sa kanila, yung bibig nila puro, buti patong anak ni ano, bakit ganyan grado mo, di ka pasok sa top 5.
Nakakapagod isipin ginawa ko naman best ko pero bakit ganon? Yan yung reason kung bakit paminsan wala na akong pake sa pag aaral ko. Buti nga meron sa si Hannah eh she's there when i really need her. I wish. I wish na magiging okay na ako. At dun… dun nakatulog na ako.
*ring~ring~ring*
Oh gosh! 5:50 na, shutaaa tumakbo ako papunta sa cr para maligo agad, at nag bihis sinilio ko yung orasan at pota 6:00 na buti ayos na gamit ko, uminom lang ako ng tubig at bibili nalang ako ng lunch sa canteen.
Sumakay agad ako ng tricycle at nga 6:12 na akong naka baba sa tricycle, tumakbo ako sa room namin at buti ni reserve ako bg upuan ni farhana kundi sa pinaka likod ako uupo, and that's a no no not with this near sighted eyes. Di rin ako nag gla-glasses kasi di naniniwala parents ko na di ako makakita sa malayo.
"shuta thanks sa pag reserve." sabi ko bait ako ih.
"ulol late comer!" umagang umaga taray ni bakla
"far ang gwapo ni Ivan no?" unconsciously ko nasabi
"huh?" sabaw amp
"huhkdog." sabi ko sabay tawa
"k." sungit
oof nandito na yung English prof. namin.
"goodmorning tulip, sino na dito nabili na ang requirements?" hala gago oo nga pala bibili ako ng requirements
"anyone? Wala pang naka bili? Okay understandable, but I'll not tolerate na ha if next week wala parin, so for today we'll not do any thing but I'd like all of you to introduce yourselves." SHOCKS AYAW KO! Di ako nakapag hand! Tulong!
"not infront in your seat lang, and just say your name, age, hobbies. So we will start in the front row." phew buti nalang nasa gitna ako, shems tangkad ka te?
Nag start na sila mag introduce and ngayon ako na.
"Hi I'm Mayumi Anne K. Clarz, 17 years old, my hobbies are eating, sleeping, and annoying people HAHAHAHAH joke lang sir." shuta huhu buti di masyado ako nag stutter
"AHAHA well done Ms. Clarz." na itawid ang problema yaho!
Tapos dumaan na yung ubang subs buti di nag pa introduce nakipag chika lang samij yung nga teachers, lunch time na baba na sana ako… ng ma bungo ko si dave, sabay ata kami lumabas ng pinto di ko napansin.
"oi sorry" sabi niya, oi ehe enebe okey lang nemen ih!
"a-aah o-ook-kay la-ngg." yawa ayoko na kainin niyo na ako earth
Shuta parang ginawa kong awkward, lumabas lang siya, wala ng sinabi, huhu yawa ka Yumi. Bumalik nalang ako sa loob wala na akong gumana kumain.
Dumaan nalang yung boung araw, na di ako nakipag eye contact sa kanya shuta obvious na obvious ako!! Yoko na, bat ganito huhu ang mundo sakin!?