Tải xuống ứng dụng
61.7% She Leaves (Tagalog) / Chapter 29: The Truth Behind The Past

Chương 29: The Truth Behind The Past

Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.

Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.

Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.

Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na puro buildings and masiyadong masalimoot na world. At saka, mahirap hagilapin ang ganitong klaseng environment, 'no!

Some random music is playing on my airpods when suddenly, it stopped and then it rings. Nakuha ko ang phone ko sa left arm to check the notification and then a peppy smile flaunt on me.

Lola Auring is calling.

"Hello, 'La! Good morning po!" Masiglang bati ko. Mas lalong naging maganda ang umaga ko.

"Apo! Good morning too!" Pa-sweet na sagot naman ni Lola. Mas lalo akong nangiti. Nagpapalambing kasi si Lola.

"Bakit ang aga n'yo naman pong tumawag, 'La?" I put the phone back on the case and continue jogging.

"I've heard you're home, apo?"

"Yes 'La, just yesterday lang po."

"Good, good. So, what are you doing right now?"

"I'm endulging myself with some jogging, La."

She chuckled on the other side of the line.

"Can my apo come here later? I want to see you, apo." pinagbuksan ako ng sekyu ng gate nang makarating ako sa bahay. "Or you need to review pa rin?"

"Oo naman po, Lola! I can go there today. It's Saturday naman po and puwede naman po akong magpahinga muna sa pagri-review, 'La. Actually nga po, balak ko nga po sanang pumunta r'yan today kaso ang sabi schedule po ng monthly check-up n'yo po?"

"Yes, it is my schedule today pero you can go here before kaming umalis ni Lolo mo. May ipapagawa sana ako sa 'yo, and I know it is you who can only do it."

Wala sa sarili akong ngumisi habang papasok ng bahay.

"Lola naman! Ang sabihin n'yo po, masiyado na pong busy ang mga apo n'yo kaya ako na lang po ang tinawagan n'yo po," pagbibiro ko. Lola snorted a laugh, a pompous laugh.

"Hindi naman, na-miss ko lang talaga si Constancia ko," wika ni Lola sa malumanay na paraan.

"Sige po 'La, shower lang po ako then d'yan na po ako magbi-breakfast."

"Sige apo, mag-ingat ka sa pagmamaneho papunta rito ha?"

"Bye 'La!" I imitate a kiss before ending the call.

Sakto namang papasok ako ng bahay nang makasalubong ko si Mely.

"Mel, pupunta ako sa mansion nina Lola. Doon na rin ako magbi-breakfast. Pakisabi na rin kay Manong Bong to prepare my car."

"Sige po Ma'am MJ," magalang na sagot niya bago ako pumanhik sa kuwarto ko.

I did my routine and after that, umalis na ako para puntahan ang mansion ng grandparents ko.

Nasa kabilang barangay pa ang mansion ng Lolo at Lola, ito rin ang bahay kung saan lumaki sina Papa at mga Tito. Sa ngayon, may sariling mga bahay na ang mga anak nila Lolo at Lola maliban na lang kay Tito Rey and family dahil nanatili sila sa mansion. Request din naman ng dalawang matanda para kahit papaano ay may kasama sila. Bunsong anak din si Tito Rey.

Pagkarating ko sa mansion at papasok na ako nang makasalubong ko ang pinaka-bunsong pinsan namin.

"Hi, Regiena! Where are you going?" Tanong ko sa kaniya. She's still six years old.

"Hi, Ate MJ! Good morning!" Maligayang bati niya rin sa akin.

"Good morning din! Good morning, Tita Rose!" Nakipag-beso na rin ako sa asawa ni Tito Rey na si Tita Rose.

"Nasa loob si Mama, hinihintay ka na," nakangiti ring sagot ni Tita sa akin matapos ang batian.

"Ate MJ! We're going on a beach! It's Juan's birthday today!" Maligayang kuwento naman ni Reg para maagaw ang atensiyon ko.

Halata nga na pupunta siyang beach kasi nakapang-beach attire na ang bata.

"Oh? Can I come with you then? I want to go to the beach, too."

Sumimangot ang bata kaya pa-simple akong tumawa.

"No you can't, Ate MJ! Lola needs you here," she insisted na mas lalo kong tinawanan.

"But I want to swim on the beach, too, Reg. Kaya isama mo na ako," pagbibiro ko naman. Mas lalong sumeryoso ang mukha niya at tinuro pa ako.

"Lola will get mad at you if you will come with us, she said pa naman na she misses you, so you need to be here with her." Parang may ipinaglalaban na depensa niya na mas lalo kong tinawanan.

Napalingon ako kay Tita Rose.

"Ang conyo ng anak mo, Tita, ha," puna ko. Pabirong napangiwi lang si Tita Rose.

Hinalikan ko na lang sa pisnge ang pinsan ko at nakipag-beso ulit kay Tita Rose bago sila umalis. Binati ko na rin si Tito Rey nang makita niya ako.

Pumasok ako sa malaking mansion ng mga Osmeña. It's the usual Spanish inspired mansion. Medyo matagal na, kasi nga bahay pa ito nina Papa bago pa man sila ipanganak. Pero dahil well-maintained ang buong mansion, nagmukha itong bago sa paningin ko. One of my favorite mansions in our ciudad.

Sinalubong ako ng kanilang uniformed maids at iginiya sa hapag-kainan. It's a long table, at kung susumahin, kasya ang lahat ng Osmeña rito. Ganoon ka laki ang lamesang ito.

"Lola! Nandito na ang pinakamaganda mong apo!" Naabutan ko si Lola na nagmamando sa mga iba pa niyang maids kaya maligaya ko siyang binati, without minding how loud I am in this house.

"Constancia, apo!" Siyempre, mahigpit na yakap ang sinalubong ko kay Lola. "Nakasalubong mo ba sina Tita Rose mo? Aalis sila kasi birthday noong pamangkin ni Rose na si Juan," dagdag ni Lola nang nakayakap pa rin.

"Yes po. Biniro ko nga po si Regiena na gusto kong sumama sa kaniya kaso ang sabi niya miss mo na raw ako?" May pagtaas-baba ng kilay pang tanong ko, nagpapalambing na rin.

"Yes naman, Constancia! Sa tuwing pinapapunta ko rito ang mga pinsan mo, ikaw lang 'yong wala. Halika na, doon tayo sa garden mag-agahan." Sabay muwestra sa akin papuntang garden ng mansion.

"Si Lolo nga po pala, 'La?" Habang naglalakad papunta sa garden ay naitanong ko na kay Lola 'yon.

"Maagang umalis pero babalik din naman 'yon. May pinuntahan lang."

Imbes na ako ang umalalay kay Lola, siya pa mismo ang umalalay sa akin para makaupo sa bangko.

Lola is so thoughtful talaga! Kahit kailan, walang mintis, alagang-alaga kaming mga apo niya sa kaniya. Wala silang paborito, lahat kami pantay-pantay ng pag-aalaga at pagmamahal. Walang competition sa amin and I think that made our family close to each other. Walang problema, smooth lang.

"Wow, Lola! Ang dami naman nito? Agahan pa po ba 'to?" Puna ko sa mga nakalatag na pagkain sa lamesang nandito sa gazebo ng garden.

Ang daming nakahandang pagkain. Mga hardcore na ulam talaga! Hindi lang pang-agahan.

"Siyempre naman, Constancia. Alam na alam ko kasing pupunta ka kaya ipinahanda ko na ang mga paborito mong ulam. At saka wala kami mamaya ni Lolo mo sa pananghalian kaya gusto kong personal na matikman mo ulit ang mga luto kong paborito mo."

I smiled sweetly to Lola. Kahit kailan talaga, grandparents' girl ako.

"Ito rin uulamin ko mamayang pananghalian, 'La, ha? It's so impossible to finish this right now so I'll reserve some for later."

Sabi sa inyo e, hindi kami classy na mayaman. Nag-uulit din kami ng ulam, 'no.

"Sure, sige na, kain na."

Nagsimula na nga akong kumain ng agahan. Tapos na raw kasing mag-agahan si Lola kaya nakatingin lang siya sa akin ngayon. Habang kumakain, like my usual self, nagku-kuwento ako kay Lola.

"'La, alam mo bang nagpunta ng Singapore si Breth at Steve para lang mag-party?" Sumbong ko naman.

"Talaga?"

"Opo!"

"Hay naku, kahit kailan talaga, magkadugtong ang bituka ni Renaldo at Guelle."

Lolo and Lola are so fond of calling us on our second names. Kaya nga Constancia ang tawag nila sa akin. Kay Kuya Yosef naman ay Ricardo, kay Ate Tonette ay Antonette tapos ganoon din sa iba ko pang pinsan. Like Brethren Renaldo and Steven Guelle.

"Sinabi mo pa, 'La. Na-kuwento nila 'yon sa akin noong nagkita kami one time, no'ng pumunta kaming Palawan?"

"About that... gustong sumama nina Lany, Arnel, at Arlene sa inyo? Kaso hindi n'yo raw sinama?"

"E, kasi naman 'La, biglaan po 'yong trip nila. Hindi nga sana dapat ako kasama. Kung hindi pa ako nagpasundo sa kanila that time, baka hindi ko pa po malalaman na aalis pala sila."

"Ganoon ba? O kumusta naman ang pagri-review mo?" Pag-iiba ni Lola sa usapan habang hinahaplos ang mahaba kong buhok at ako naman ay ngumunguya pa rin tapos susubo naman. Ang sarap talaga 'pag si Lola ang nagluto.

"Okay naman po. Maayos naman po," patango-tango ko pang sabi. "Mas nakaka-excite nga po ang pagri-review kasi marami akong natututonan. Mga jargons and everything na hindi namin na-discuss noong nag-aaral pa lang ako," kuwento ko naman tapos susubo ng isang kutsarang kanin at ulam.

"Mabuti naman kung ganoon. E, 'yong si Darwin Charles? Maayos ba ang pakikitungo sa 'yo? Hindi ka na binibigyan ng sakit ng ulo?"

Punyemas?

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Lola. Mabuti napigilan ko. Ayaw ko siyang mag-alala kahit na ako 'yong nag-aalala sa naging tanong niya.

"H-Hindi naman po, maayos naman po kami. Kailangan ko pong maging maayos para sa pagri-review," rason ko naman at saka ako uminom ng tubig para malunok ang pagkain na muntik nang magpabilaok sa akin.

"Mabuti naman kung ganoon. Kung sakaling bigyan ka niya ng sakit ng ulo at kung maantala ang pagri-review mo nang dahil doon, sabihan mo lang ako at ang Lolo mo, kami na ang bahala."

Punyemas. Not Lolo, hindi niya gusto si Darry, e. And I'm afraid of what they can do. I am really afraid and I know I won't like it.

"S-Sige po..." Sagot ko na lang at inabala ang sarili sa pagkain.

Matapos ang ilang segundong katahimikan at pagko-concentrate sa pagkain, binasag ko na naman ang katahimikan.

"'La, sana maging okay ang check-up n'yo mamaya. Balitaan n'yo po ako ha?"

"Sige, sige, babalitaan kita."

"Ano nga po pala ang ipapagawa n'yo sa akin? 'Di ba sabi n'yo po, meron?" Uminom ulit ako ng tubig at halos patapos na sa agahan.

"Oh! Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan..." Biglang tumayo si Lola at hinarap ang malawak niyang garden. "Gusto ko sanang ayusin ang hardin, pero aalis kami ng Lolo mo ngayon kaya hindi ko magagawa ito sa ngayon. Sayang naman kasi ang mga tanim, ngayong araw kasi ang dating. Na-sakto pa sa check-up namin ng Lolo mo. Kaya rin kita pinapunta rito para masimulan mo ang pag-aayos ng hardin. I need your green hands, apo."

Ngumiti ako kay Lola na parang kinikilig.

"Naks naman, Lola, you're flattering me with your remarks naman po." Tuluyan na akong natapos sa pagkain kaya nilapitan ko siya at tinanaw na rin ang medyo may kalakihan niyang garden.

"Totoo naman, 'di ba, Constancia? You were my helping hands everytime I want to plant some new flowers in the garden!"

I hug Lola from the back. I rested my chin on his left shoulder.

"Sige po... ako na po ang bahala. Marami po bang bagong bulaklak na ilalagay?"

Merong hardinero ang mansion pero sa tuwing may bagong ipatatanim si Lola, ako o kaming dalawa mismo ang magtatanim, hindi niya pinapaubaya sa ibang tao ang pagtatanim. Sa kaniya ko namana ang pagkahilig sa mga bulaklak.

"Yes and one of them is your favorite!"

Wala sa oras akong napahiwalay kay Lola at gulat siyang tiningnan.

"Tulips?" Maligayang tanong ko. Hoping she'll say yes.

"Yes, apo," sagot niya sabay haplos sa pisnge ko. Hindi ako nakuntento, sa sobrang saya ko, niyakap ko si Lola. She chukled when I did that.

"Hala, Lola, thank you! Ang tagal ko na pong request 'yon, a?"

"Pasali naman ako sa yakapan n'yong dalawa."

A silvery voice bombarded us. I immediately look at his direction to also greet him only to see that he's not the only one.

What. Is. He. Doing. Here?

Napahiwalay ako kay Lola at wala sa sariling napalapit kay Lolo.

"Hi, Lolo, good morning po." Pinilit ko ang sarili kong maging masaya, mabuti naman at nagawa ko. I hug Lolo and kiss him on the cheeks.

"Tapos ka na bang mag-agahan, Constancia?" He then ask after I greeted him. Not minding if I ignore the person behind him.

"Y-Yes, Lolo, katatapos ko lang po."

"Mabuti naman kung ganoon," sagot ni Lolo sabay tapik sa balikat ko, still ignoring his piercing eyesight. "Nandito ang kaibigan mong si Engineer Valmayor, tutulong siya sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak ng Lola mo."

What the shit?

"Oo nga pala, apo, hindi ko nasabi kanina... siya rin ang nagbigay ng mga Tulips para sa garden."

Gulantang sa lahat ng narinig at nalaman... tulala at wala sa sarili akong nagpaalam sa Lolo at Lola ko.

Maski nang makaalis na sila, tulala pa rin ako. Hanggang sa nakaharap na ako sa space na paglalagyan ng mga bagong pananim, tulala lang ako.

But then bigla akong natauhan nang maisuot ko na ang garden gloves at nang maramdaman ang presensya niya sa aking tabi.

"So where do we start?"

Punyemas.

Marahas ko siyang nilingon. Katulad ko, naka-garden gloves na rin siya.

"Why are you here?" Lakas loob na tanong ko.

"I'm here because I'm willing to help you plant some new flowers, Cony." Pumikit ako ng mariin at umiwas ng tingin sa kaniya habang umiiling. "Humingi ng pabor si Senyor Mado, sabi niya tulungan daw kitang magtanim ng mga bagong bulaklak," dagdag na sabi niya nang makitang para na akong maiinis sa kaniya pero dahil sa sinabi niya, para yatang nainis na talaga ako.

"Bakit ka pumayag?" Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"Bakit naman hindi? Wala naman akong ginagawa tapos alam mo namang may kaalaman din ako sa pagtatanim."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tinitigan ang malayong bakod ng mansion.

"Bakit ka nga pumayag na tulungan ako? Alam mo namang magagalit si Darry 'di ba?" Sabi ko sabay lingon sa kaniya.

Pero umurong ng kaonti ang kaluluwa ko nang makita siyang nakangisi.

"Galit na rin naman siya sa akin, so what's the use?"

Punyemas?

Iniwan niya ako at pinuntahan ang mga itatanim namin na inihanda na ng hardinero kanina.

Punyemas? Ano 'yong sinabi niya?

"So ganoon na lang 'yon? Okay lang sa 'yo na magkagalit kayo ni Darry? Nang kaibigan mo? Nang bestfriend mo?" Sinundan ko siya sa paglalakad. Nagsimula na siya sa pag-aayos ng mga pot pero ako heto't mariin siyang tinitingnan.

"Mas matimbang ang pagmamahal ko sa 'yo kesa sa pagkakaibigan namin, Cony."

What?

"What the shit are you talking about, Tibor? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Halos mag-hysterical na ako rito. Wala na akong pakialam.

"Yes, kasi ganoon kita ka-mahal, Cony." Napatigil siya sa pagbubuhat ng mga paso at kalmado akong tiningnan.

Nagsalubong ang kilay ko at hindi makapaniwala sa tumatakbo sa isipan niya.

"How many times do I have to tell na wala na Tibor? Wala ka nang babalikan sa akin!"

"Tama na, Cony. Let's just do what your Lola asked you to do," malumanay pa ring sagot niya at nagpatuloy sa pag-a-arrange ng mga pasong gagamitin.

Napahilot ako sa sentido ko at napailing. At the end of my thinking, sinunod ko ang sinabi niya. Hindi dahil inutos niya, kundi dahil ito ang tamang gawin. Baka kung ano pa ang masabi ko.

Kahit mabigat sa loob ko ang presensiya niya, pinagpatuloy ko ang pagtatanim. Hindi nga lang maiwasang hindi ako magdabog. I am not comfortable with his presence. It's been two months since the last time I saw him. Isa rin sa rason kung bakit hindi ako masiyadong lumalabas ng bahay habang nagri-review ay dahil alam kong nandito siya sa ciudad. Working on his renovation.

Wala naman akong nabalitaan na nag-iba ng Engineer si Darry para sa renovation, siguro nagpatuloy at siguro ganoon lang ka-professional ang dalawa para magpatuloy pa rin despite of the misunderstanding.

Nanatili akong tahimik hanggang sa mag-tanghalian. Sa loob ng mansion kami kumain.

Matapos kumain ay dumiretso ako sa gazebo para magpahinga at para na rin sana umiwas sa kaniya. Pero mali yata ang lugar na napili ko, agad nakasunod si Tibor sa akin. Napabuntunghininga ako habang nakatanaw sa mga tanim na ginawa na namin kanina.

"Bakit ba hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin? I already said my reason at pinagsisihan ko na 'yon." Pagbabasag niya sa katahimikan, ilang segundo nang makarating siya sa gazebo. Nanatili akong tahimik, itinikom ang bibig. "Sabihin mo naman sa akin, o. Akala ko magiging okay na ang pakikitungo mo sa akin matapos kong sabihin ang rason ko pero bakit hanggang ngayon, may galit ka pa rin sa akin? I thought you needed space and time to contemplate so I gave you that pero bakit ganoon, Cony?"

Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at dahan-dahan siyang nilingon gamit ang isang seryosong tingin.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?"

"Oo naman! Masiyado ba talaga kitang nasaktan noon dahil lang sa sinabi ko, Cony? Ganoon lang ba? Nasabi ko na nadala lang ako ng selos at pagtatampo ko kaya ko nasabi sa 'yo ang mga salitang iyon. And to think na we're just kids that time, Cony," depensa naman niya kaya malalim ulit akong huminga at tuluyang iniharap ang sarili ko sa kaniya.

Binasa ko ang labi ko at pinigilan ang sariling ibuhos ang lahat ng emosyon.

"Alam mo ba kung anong nangyari noon? The time when E-Eliseo got injured because of me?" I never thought I could mention his name again after a decade.

"A-Ang sabi niya-"

"Gusto mong malaman kung anong nangyari sa tambayan nating iyon? At kung bakit nagkaroon ng sugat ang ulo niya?" I said in a provoking voice, still trying my self to calm the punyemas down.

"Nag-uusap nga kayo tapos-"

"Tapos nairita raw ako sa kaniya kaya ko pinukpok sa ulo, 'di ba? 'Yon ang sinabi niya 'di ba?"

"Oo, 'yon nga."

"Mali ka. Maling-maling ka, maling-mali kayong lahat." Punong-puno ng pait ang aking boses, inaalala ang mga tingin nila sa akin.

"Bakit? May ginawa ba si Eliseo sa 'yo na hindi namin alam?" Seryosong tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya at mapait na ngumisi.

"Oo, Tibor, pinukpok ko siya sa ulo gamit ang isang bote at kung hindi ko pa napigilan ang sarili, baka isinaksak ko na sa kaniya ang basag na baba ng boteng iyon!"

"Cony!"

"Kasi alam mo kung anong nangyari? Oo tama kayo, pinukpok ko siya sa ulo dahil sa iritasyon ko. Kasi oo nga naman, sino ba naman ang hindi maiirita, sino ba naman ang hindi magagalit kapag muntik ka nang gahasain?" And as if on cue, biglang bumagsak ang mga luhang pilit kong pinigilan kanina. Not minding his reaction to what I said.

"Cony? Cony, what the fuck?"

"Oo, lintik, oo, Tibor! Muntik na akong gahasain ng lintik mong kaibigan! Muntik na! Kung hindi ko lang naipagtanggol ang sarili ko, baka tuluyan na niya akong ginahasa! Oo, Tibor! Punyemas!" Sigaw ko. Walang pakialam kung sino man ang makarinig. Lintik!

"C-Cony? H-Hindi ko alam..." Bumalatay ang gulat sa mukha ni Tibor pero wala akong pakialam. Patuloy pa rin ako sa marahas kong pagpalis ng luha.

"Paano mong hindi malalaman kung ang una mong pinaniwalaan ay ang rason ng iyong kaibigan? Paano mo malalaman kung napangunahan na kayo ng akusa sa akin?" Buong loob na depensa ko, reliving that moment, when he and his friends looked at me like I'm a disgusting pig in their eyes.

"Bakit hindi mo sinabi, Cony? Bakit?"

"Kasi naunahan ako ng takot! Takot na takot ako na baka walang maniniwala sa akin! Takot na tako ako, Tibor!"

"Ako, Cony! Maniniwala ako sa 'yo." Pilit siyang lumapit sa akin pero ako ay pilit din na umaatras.

"Maniniwala ka sa akin? E, dahil nga sa pagtatampo sa maling rason, nagawa mong husgahan ako, e, ang paniwalaan pa kaya kung anong sasabihin ko?" Wala na akong pakialam sa mga luhang patuloy na umaagos. Kailangan ko nang ilabas ang lahat ng ito. "Kaya galit na galit ako sa 'yo, Tibor. Ikaw ang sinisi ko sa lahat. Bakit hindi ka agad dumating? Bakit ang tagal mong dumating! Bakit wala ka nang dumating ako sa tambayan? Bakit wala ka!" Sigaw ko sa kaniya habang nakaduro sa sarili niya. "Kasalanan mo ang lahat! Kung hindi ka makikipagkita sa akin sa araw na iyon, hindi ko makikita si Eliseo at hindi niya gawin sa akin 'yon. Kung hindi kita nakilala, hindi mangyayari sa akin 'yon! Punyemas, Tibor! Nagbago ang buhay ko nang dahil sa pangyayaring iyon! Nagbago ako! Kaya putang ina! Sinong punyemas na nilalang ang babalikan ka matapos ang lahat? Sinong punyemas na tao ang gusto ka pang makita matapos mangyari sa akin 'yon? You became the living proof to what had happened to me, Tibor, kaya galit na galit ako sa 'yo!"

"C-Cony, so-sorry..." He looked at me with pleading eyes but I am not moved.

"Kaya ano pa bang babalikan mo sa akin, Tibor? Tapos na, wala ka nang babalikan sa akin kasi sa tuwing nakikita kita, palagi ko lang naaalala ang nangyaring iyon sa buhay ko. Sinabi ko lang ito sa 'yo sa dahil gusto ko nang makalaya sa nakaraan ko. Sinabi ko lang ito sa 'yo para manahimik at tumigil ka na!"

"Cony, I'm sorry."

Punyemas.

Bigla akong napatigil sa pag-iyak nang yakapin niya ako. Hinang-hina na ako. Pagod na pagod na.

Nanatiling nakayakap si Tibor sa akin pero hindi ko sinuklian ang yakap niya. Patuloy ako sa paghikbi, maski siya umiiyak na rin at patuloy lang sa paghingi ng sorry. As if it can take away and changed what happened. But no, it can't be.

The way he said sorry, the way his voice broke, the way he cried made me shiver, made me want to melt my heart right away.

Napapikit ako ng mariin para kahit papaano ay mapigilan ang pagbugso ng damdamin, ang pagbuhos ng mga luha, pero kahit anong gawin ko, patuloy pa rin talaga itong tumutulo.

Please stop, Tibor.

"I'm sorry, Cony," patuloy niyang sabi.

"Tama na Tibor, what's done is- Shit?"

"What the fuck, Tibor?"

Hindi agad ako nakagalaw sa sobrang bilis ng pangyayari. Sa sobrang gulat ko, ang unang rumehistro sa paningin ko ay ang naka-bulagtang si Tibor.

"What the fuck Tibor? What's the meaning of this?" Sigaw na naman ng isang baritonong boses.

Punyemas?

Susugod na ulit sana siya pero mabuti at nahablot ko ang braso niya.

"Tama na, Darry!" Sigaw ko.

Anong ginagawa ni Darry dito?

"Fuck you, Tibor! 'Di ba sabi ko layuan mo na siya? Ano 'to? Bakit ka nandito? Wala ka bang respeto?" Malakas na sigaw niya, galit na galit. Nahihirapan pa akong pigilan siya sa sobrang agressive ng kaniyang katawan.

Napatingin ako kay Tibor, nanatili siyang nakaupo habang sapu-sapo ang ulo at humihikbi pa rin. Punyemas, tumayo ka nga!

"Ikaw ang walang respeto, Darry! Puwede ba? Kumalma ka muna? Mali 'yang iniisip mo!" Pigil ko naman sa kaniya kaya napatingin siya sa akin na galit na galit din.

"Ano?! Sasabihin mo na namang mali ang nakita ko? E, kitang-kita na niyayakap ka ng gagong 'yan, e," sabay duro niya kay Tibor.

Napahilot ako sa sentido ko at masama siyang tiningnan. At saka ako lumapit kay Tibor.

"I'm sorry, Cony. I'm so sorry, Cony. Sorry talaga. Hindi ko alam," patuloy niya pa ring sabi habang humihikbi. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at matigas na tumayo sa harapan niya.

"Tama na, Tibor. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin kaya sana maintindihan mong ayaw ko na talaga. Kahit anong gawin mo, wala na talaga." Pa-simple kong pinalis ang panibagong luha na bumagsak. "Umalis ka na Tibor," dagdag ko.

"I'm sorry, Cony. I'm sorry it happened to you. I'm sorry." Ang huli kong narinig mula sa kaniya bago siya nawala at umalis sa gazebo, probably in the mansion.

Pumikit ako nang mariin at kinalma ang sarili. Huminga ako nang malalim at nakaramdam ng kahit papaano'y kaginhawaan sa puso ko. Hindi na kasing bigat ng dati. Parang effective nga yata na sinabihan ko si Tibor sa nangyari, kasi kahit papaano talaga nawala ang nakadagan.

Pumihit ako paharap at ang una kong nakita ay ang mata niyang maalab at puno ng tanong.

Punyemas, nandito pa pala siya.

Namungay ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Pagod na pagod na ako. Nakakapagod na.

"Care to explain what I saw?" Panimulang tanong niya habang nakatingin lang sa akin.

"Bakit mo biglang sinuntok si Tibor?" Kalmadong tanong ko.

"Sinong hindi magagalit? Kakauwi ko lang tapos ganoong eksena ang madadatnan ko! Sinong hindi magagalit, MJ?"

Pagod akong napangisi sa sinabi niya at nag-iwas na ako ng tingin.

"Galit ka ba talaga dahil sa nakita mo o naapakan lang ang pride mo?"

"What the fuck are you saying, Maria Josephina Constancia?" Medyo tumaas na ang boses niya kay mas lalong namungay ang mata kong nakatingin lang sa kaniya.

"Mahal mo ba talaga ako? Kasi kung mahal mo ako, may tiwala ka sa akin, hindi ka agad nagagalit sa nakikita mo." Shit! punyemas! "O baka naman katulad ka nila na playgirl pa rin ang tingin sa akin? Na makakita lang ng lalaking kasama ko, iisipin na nilalandi ko na agad. Katulad ka ba nila, Darry?"

Punyemas.

Sunod-sunod kong pinalis ang mga luha kong nagsisibagsakan na naman. Ano ba? Wala na bang katapusan itong pag-iyak ko ngayong araw?

"Kasi kung oo, Darry, maiintindihan ko kung ganoon din ang tingin mo sa akin. Mahirap na mahirap mahalin ang isang MJ Osmeña. Sa sobrang hirap, pati sarili ko nahihirapan na akong mahalin, e." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinilit na kalmahin ang sarili ko.

Punyemas. Tama na please.

"What are you saying, wife?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang siko ko. "Mahal kita, hindi ko lang talaga nagustuhan ang nadatnan ko pagdating ko rito. I know you and Tibor had a thing in the past that's why I'm afraid... natatakot ako na baka iwan mo ako dahil sa kaniya."

Shit naman.

Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at sunod-sunod na namang nagsibagsakan ang mga punyemas kong luha.

"Hindi na ako babalik kay Tibor," panimula ko habang nakatingin lang sa malayong parte ng mansion. "Kahit kailan hindi na ako babalik kay Tibor. Kahit maghiwalay man tayo. Alam mo kung bakit?" Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang kaniyang mga titig. Sasabihin ko ba?

Pero imbes na sabihin, napangunahan na naman ako ng iyak. Shit naman MJ! Ngayon ka pa talaga manghihina? Malakas ka 'di ba? Mahilig kang magsabi ng totoo, bakit ngayon nababahag na naman ang buntot mo?

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siyang mabuti.

Sa kalmadong paraan, nasabi ko sa kaniya ang mga dapat niyang malaman. Lahat ng sinabi ko kay Tibor, sinabi ko rin sa kaniya. The amazing part is my tears stopped from falling. Ni isang patak ng luha, wala akong nailabas habang sinasabi kay Darry 'yon.

Kinuwento ko sa kaniya lahat, simula sa pagkakaibigan namin ni Tibor hanggang sa mangyari nga iyon. Sinabi ko sa kaniyang iyon ang isa sa naging rason kung bakit ako naglalaro sa buhay, kung bakit muntik nang masira ang buhay ko.

Sumandal ako sa bakal na upuan ng gazebo at tinanaw ang mga pananim na hindi pa namin natapos ni Tibor kanina.

Natuyo na ang mga luha ko at sigurado akong namamaga pa rin ang mata ko sa kakaiyak kanina. Wala na akong pakialam, wala rin namang silbi.

"I'm speechless..."

Napasinghap ako habang nakatitig sa mga pananim nang basagin ni Darry ang katahimikan.

"You don't have to say anything. I just told you that para mapanatag ka at para na rin makawala na ako sa nakaraan ko."

"Are you fine now?"

Umayos ako sa pagkakaupo at matamang tiningnan si Darry na nakasandal lang sa isang haligi ng gazebo. Bakas sa mukha niya na malalim ang kaniyang iniisip.

"Yes, I am, Darry, kaya wala ka nang dapat ipag-alala. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili kong sabihin kay Tibor ang lahat. Wala sa plano ko na ipaalam sa kaniya but he left me with no choice, nasabi ko 'yon para tumigil na siya."

"So wala kang planong sabihin sa pamilya mo na may nangyari sa 'yong ganoon?"

That's the only thing I don't want to happen.

Umigting ang aking panga at mas lalong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Naikuyom ko rin ang kamao ko dahil sa hindi inaasahan niyang tanong.

"There's no need for them to know. Tapos na ang lahat, nangyari na ang lahat, wala na rin naman silang magagawa. Mas mabuting itago na lang ang lahat." Tumayo ako sa upuan ko at mataman siyang tiningnan. "Mapagkakatiwalaan naman kita 'di ba? Hindi mo naman sasabihin sa kanila 'di ba? I said that because I trust you."

Bigla siyang lumapit sa akin at marahang hinawakan ang magkabila kong pisnge. Ang mata niyang nag-aalab kanina ay napalitan na ngayon ng tingin nang nag-iingat.

"Sorry sa ginawa ko kanina."

Nice.

Mapakla akong ngumiti at dahan-dahang tinanggal ang mga kamay niyang nasa pisnge ko.

"Hindi, ako dapat ang manghingi ng pasensiya. Pasensiya kasi hindi ko sinabi sa 'yo agad na magkakilala kami ni Tibor. I was just protecting that side of my life." Pinisil ko ang dalawang kamay niya. "Kaya sorry if I broke your friendship. If I knew from the start na may connection kayo-"

"Bakit? Hindi ka magpapakasal sa akin?"

Natigil ang pagpisil na ginawa ko at napayuko.

"H-Hindi sa ganoon..."

Shit naman, paano ba sabihin 'to?

"Simula pa lang ayaw mo naman sa akin 'di ba? Simula pa lang si Kuya naman talaga ang gusto mong pakasalan. It happened na he just fucked up kaya ako ngayon ang ikinasal sa 'yo. Simula pa lang, extra lang naman talaga ako sa istorya mo 'di ba?"

What?

Gulat at nagtataka ko siyang tiningnan. What is he talking about?

"Hindi sa ganoon, Darry. Ang ayoko lang naman ay ang nasisira ang relasyon mo sa ibang tao nang dahil sa akin..."

"Mas mabuti nang masira ang relasyon ko sa iba, 'wag lang sa 'yo."

Really, huh?

Bahagya akong umatras sa kaniya at pailing-iling siyang tiningnan.

"That's not how life works, Darry. Despite of everything, you still need to balance the every aspect of your life." Nilampasan ko siya sa paglalakad, at sinimulang puntahan ang mga hindi pa natapos na pananim. "I don't know why you're here but better do your errands."

Isinuot ko ulit ang garden gloves at nagsimulang ayusin ang mga pananim.

"Umuwi ako para makasama ka tapos iiwan mo lang ako roon?" Another baritone voice bombarded me. Open space itong kinalulugaran namin pero nanatili pa ring baritono ang boses niya. Punyemas this man!

"Sino ba kasing nagsabing umuwi ka rito?" Rebuttal ko naman sa kaniya. Siya na ngayon ang nakasuot ng garden gloves na kaninang sinuot ni Tibor. Hindi ko tuloy ma-iwas ang tingin ko sa kaniya. With one swift move, madali niyang nailalagay ang mga pananim na bulaklak. Napatigil tuloy ako sa ginagawa.

Punyemas this man talaga, lahat na lang ba talaga na gagawin niya nagiging madali sa paningin ko?

"Umuwi lang naman ako para makita ka tapos makikita ko pang nakayakap ka sa gagong iyon?"

Masama ko siyang tiningnan. Naibalik ang sarili sa kasalukuyang nangyayari.

"Tumahimik ka nga, Lizares, babalik na naman ba tayo r'yan?" Singhal ko sa kaniya at padabog na nagpatuloy sa ginagawa.

"Biro lang, wife, galit ka na naman." Lumapit siya sa akin at biglang kinurot ang mukha ko gamit... punyemas?

"What the shit, Lizares? Ang dumi!!!" Iwinakli ko ang kamay niya at sunod-sunod na pinahiran ang mukha ko gamit ang manggas ng shirt ko. Shit naman!

Pero ang walang hiya, tumawa lang.

"Ang cute mo," natatawang sabi niya.

Kaya masama ko siyang tiningnan at kumuha na rin ng medyo basang lupa at hardcore na ipinahid sa mukha niya.

"Cute pala, ha?"

At 'yon, sinuklian na naman niya ako ng lupa na naman. Pero bago niya pa magawa 'yon ay tumakbo na ako palayo sa kaniya.

"Ano ba!" Naiirita pero natatawang sabi ko sa kaniya nang habulin niya nga ako. Tumakbo ako nang mabilis sa kabuuan ng garden ni Lola.

Noong una, hindi niya pa ako mahabol dahil alam ko ang pasikot-sikot ng garden. Alam ko kung paano magtago sa malalaking bushes ni Lola. Kaya nang hindi niya ako mahabol ay tinawanan ko siya at binelatan, inasar na rin para masaya.

Nakipag-patintero na rin ako sa kaniya sa gitna ng mga halaman. Kaya nang hindi pa rin niya ako maabutan ay tumakbo ako palayo habang tumatawa. Pero sadyang mahahaba ang bias niya kaya agad niya akong nadakip. Niyakap patalikod at pilit pinapahiran ng putik ang mukha. Siyempre, palaban ako, pinahiran ko rin siya ng putik habang umiilag sa kaniya.

"Ano ba, Darry! Nakakadiri ka! Ang dumi na ng mukha ko!" Sabi ko sa kaniya habang nasa ganoon pa rin ang posisyon namin.

Napatigil siya sa ginagawa habang ang isang kamay ay nasa baywang ko at ang isa naman ay nasa ere, para sana ipahid sa akin ang putik. Nakipagtitigan ako sa kaniya and a hard pump from my heart made me twinkle my eyes while staring at his. Naging seryoso ang tingin niya sa akin but his smile is still evident on his face. Ganoon din yata ako, pero wala na akong pakialam. Minsan ko lang makita ang ganitong mukha sa ganito ka lapit na distansya, lulubos-lubosin ko na.

In one swift move, pinaharap niya ang katawan ko sa kaniya without leaving his hand on my waist. Ngayon, dalawang kamay na niya ang nakahawak sa baywang ko.

I swallowed slowly while staring at his tantalizing eyes. His damn tantalazing eyes that makes me fall harder than ever. Paano nagagawa ng mga mata niya 'yon?

"You're still beautiful kahit madumi ang mukha mo," seryosong saad niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Punyemas, baby!

And then, slowly, he leaned forward to reach for my lips and me as an intellectual, gave in.

My soft flesh touched his and let my heart rule again this time. Isang malalim, makahulogan, at masarap na halik. Nagpatianod ako sa hangin, nagpadala sa sariling nararamdaman. Tuyong dahon na muling nabuhayan, imposibleng mangyari pero posible sa isang taong nagmamahal.

Punyemas, I don't even know what I'm saying. Basta ang alam ko lang, masaya ako. Masaya ako kapag nandito si Darry.

Shit, baby, mahal na nga talaga kita. Mahal na mahal.

Kaya simula sa araw na iyon, naging open na kami sa isa't-isa. After that weekend sa probinsiya namin, nanatili kaming pareho sa Negros. Siya for the business, ako para pa rin sa pagri-review. Malapit na rin kasi ang pagbubukas ng galing ng mga tubo kaya siya nandito. Personal niyang pangangasiwaan 'yon.

Siguro nakatulong ang pagiging okay namin ni Darry dahil naging inspirado ako sa pagri-review. Mas masarap pala talagang mag-review kapag wala kang naiisip na iba, na walang ibang problemang bumabagabag sa 'yo. Smoothly, naging okay ang lahat. Family, friends, review, my relationship with Darry, okay ang lahat at natutuwa ako para roon. Napatunayan ko na naman na totoong puwedeng maging masaya ang isang tao. Kahit simple lang ito, napapaligaya naman ako ng simpleng pagtitipon ng pamilya namin, sa simpleng pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ko kahit na paminsan-minsan lang, sa simpleng pagkaka-score ko ng malaki sa mga self-made questionnaire ko sa review, at sa simpleng pakikisama lang kay Darry.

Sa bahay natutulog si Darry pero I assure you mga kaibigan, walang nangyayari sa amin. Tamang cuddle lang, ganoon. Alam n'yo naman, mamamatay pa rin akong virgin at kahit na sumugal ako sa kaniya, Diyos ko po, hindi ko pa kaya, kaya 'wag kayong ano r'yan.

After a month, two weeks before the board exams, bumalik kami ng Manila ni Darry. Doon na ako magpapatuloy ng review dahil malapit na rin ang mock board namin na kailangan ko talagang attend-an.

"Are you sure you don't want to sleep in our room tonight, wife?"

Kararating lang namin sa penthouse at naipasok na ni Erna at Alice ang mga gamit sa sarili naming mga kuwarto at heto na nga siya, inaasar na nga niya ako.

"Ikaw..." Turo ko sa kaniya. "'Wag mo akong dinedemonyong demunyu ka ha? Maaga pa ako bukas at gusto ko nang mahabang tulog." Iwanasiwas ko ang kamay ko sa kaniya at agad humarap sa pintuan ng kuwarto ko.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"This is the first night na hindi kita makakatabi." After that warmth kiss on the forehead ay sinabi na nga niya 'yon na imbes na ikatuwa ko, mas lalo kong inismiran.

"Ang OA mo pala, Lizares? Baka nakakalimutan mong apat na buwan tayong hindi magkasama sa iisang kuwarto?" Panghahamon ko sa kaniya.

He carefully fondled my waist and held me closer to him.

"Kaya nga ako bumabawi, 'di ba?" His baritone voice is gone now and just whispered me those words na mas lalong nagpatindig ng balahibo ko sa batok. Daig ko pa nasa horror movie nito.

"Clingy ka pala, Lizares?" Taas-kilay na tanong ko, pilit tinatago ang kilabot na naramdaman ko sa buong sistema ko. Punyemas, nakakapang-init. "Alam mo bang ayaw ko sa mga clingy?" Malambing na tanong ko.

Naging seryoso ang tingin niya sa akin at parang naninimbang ang kaniyang mga tingin.

"Okay, you sleep well there and wake up early. Maaga pa ang mock boards mo bukas." Tuloy-tuloy na wika niya na sinabayan niya pa ng halik sa noo. "I love you, wife," dagdag niya.

Pinigilan ko ang sarili ko sa huling sinabi niya. Punyemas naman.

"But I like how clingy you are, Lizares. Keep it up." I took a peck on his lips and dali-daling pumasok sa kuwarto ko at nag-lock ng pinto.

Sumandal ako sa pinto at hindi na nga napigilan ang mapangiti, ang kiligin. Damn! Para akong high school student kung kiligin. Sobrang saya palang kiligin? Bakit ba kasi hindi ko hinayaan ang sarili ko dati na kiligin?

It feels heaven, euphoric, a rhapsody. Kaya nakatulog akong nakangiti.

Kinabukasan, nagsimula ang araw ko sa isang masayang umaga. Pinagluto ako ni Darry ng agahan, hinatid ako sa review center, nasagutan ko ang mga mock board exam questions nang inspirado, sinundo ako ni Darry, at sabay kaming umuwi ng penthouse nang hindi bumababa ang level of happiness ko. Punyemas naman, ikaw pa ba 'yan, Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares?

"You want to go out?" He ask out of nowhere when we reached the penthouse. Kabibigay ko pa lang ng gamit kay Alice ay kinausap na agad niya ako.

"Out? What kind of out? Out of the penthouse? Out of the country? Out what?" I lazily rested my body sa couch ng salas at nanood ng balita.

Darry chuckled and sat beside me.

"Bar with friends. Lalabas kasi sila Amox, isasama sana kita."

Whoa? Talaga?

Sa sobrang gulat sa sinabi niya, agad akong napatingin sa kaniya na may malawak na ngiti. Umaasa na sana tama ang narinig ko.

"Puwede ba?" Nakangiting tanong ko pa rin sa kaniya.

"Oo naman. It's my reward for you, for answering well on your mock boards."

Nice.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko at halos halikan ang mukha niya sa sobrang saya. Mabuti na lang at ang paghawak sa mukha lang ang nagawa ko, nakapagpigil ako kahit papaano.

"Magbihis ka na, and you can also call your friends, they can join us."

Nice one!

Isang panandaliang halik sa pisnge ang ginawa ko bago ako umakyat sa kuwarto ko para makapag-prepare at para na rin tawagan sina Maj at Jessa na nandito lang sa Manila.

It's been awhile ardent spirits, I'm gonna see you again!

~


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C29
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập