Tải xuống ứng dụng
51.21% Saki's One Shot Stories / Chapter 21: Chapter 21: Hallucinate

Chương 21: Chapter 21: Hallucinate

"LEAH Netchely, itigil mo na ang pagsusulat. Gusto mo bang masira iyang mga mata mo ha?" Saway sa'kin ni Mama

Kumakamot sa ulong tiningnan ko si Mama sa'king likuran

"Ma! Hindi pwede kailangan ko itong tapusin, tambak na nga 'yong mga trabaho ko eh" Sagot ko at ipinagpatuloy ang ginagawa

Narinig kong napabuntong hininga si Mama

"Bahala ka—" Usal nito at lumabas ng aking kwarto

Napairap na lang ako sa hangin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kahit ilang ulit pa akong sawayin ni Mama still hindi pa rin ako makikinig sa kanya, writing is my passion at walang makakapagpigil sa'kin kung ano man ang gusto kong gawin.

Napapikit ako ng mariin at parang mabali ko na aking parker pen dahil sa sobrang higpit kong pagkakahawak.

Iyong pinakaayaw ko talaga sa lahat ay iyong nagugutom ako ng wala sa oras—kasi nawawala lahat ang mga ideya ko

Katulad ngayon, kunting pag-aalburuto lang ng tiyan instant erase lahat. Nakakapagod din kaya ang mag-isip

Pasalampak kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama. Hay, parang kailan lang baguhan pa ako pero ngayon ang dami ko ng kailangan gawin—yes, I'm a certified writer at naiistress na ako.

Kada minuto ay may tumatawag sa'kin, ino offeran ako at I can't say no to that. Di bale ng mabigat basta malaki ang kapalit di ba?

Napasabunot na lang ako sa aking buhok at padaskol na kinuha ang aking cellphone at sinagot ang walang kapagurang caller

"Hello? This is Leah Netchely Elen, speaking?" Pangunguna ko sa pagod na pagod na boses

"Ms Agatha Underhill, may new assignment akong ipapagawa sa'yo. Siguraduhin mong matatapos mo ito sa isang buwan lang—" Diretsong sabi sa'kin ni Mr Petilo

Na naman!

"Sige, anong klaseng project ba 'yan?" Nakapikit at panay ang hilot sa'king sentido

"I want you to write a story that is full of matured content. Ikaw na ang bahala kung maraming bed scenes sa mga chapters, random lang ang gusto kong genre at sana may series—" Pagpapaliwanag ni Mr Petilo

"May series? What if I'll make it in Trilogy, how's that?" Suhestiyon ko

"Hmm, that sounds good. Basta ikaw na ang magdesisyon" Sabay hang up

Napapantistikuhang tiningnan ko ang aking cellphone at napatawa na lang ako ng pagak ng makita kong hinang up nga niya

"Anong akala niya sa'kin, robot?"

"Lay, gatas mo" Pangdidisturbo sa'kin ni Mama sa gitna ng aking pagtatrabaho

"Thanks Mom—" Tugon ko at hindi man lang siya binalingan

Ilang segundong natahimik si Mama hanggang sa naramdaman ko na lang na binabasa niya ang aking mga akda

"Hindi ka ba napapagod?" Ungot nito sa'kin

Huminto ako sa pagtitipa sa aking laptop at tiningnan si Mama

"Syempre napapagod, pero kailangan ko po talaga 'tong tapusin ma" Mahihimigan sa aking boses at bakas din sa aking mukha ang pagod

"Magpahinga ka kaya muna, halata sa mukha mo na stress ka. Ipagpabukas mo na lang  'yan—" Saad ni Mama at iniligpit ang mga nagkalat kong gamit sa aking study table

Napabuntong hininga na lang ako at ipinaliwanag ulit kay Mama kung bakit ko ito kailangang gawin at bakit kailangan ko itong tapusin

"Ma, sorry ulit pero hindi ko susundin ang gusto mo. Kailangan ko ang perang makukuha ko sa pagsusulat; ayoko na po kasing umasa at kumapit sa inyo malaki na po ako at parang nakakahiya naman kung iaatang ko pa sa balikat niyo ang pambayad ng aking tuition fee sa school—" Malumanay kung pagpapaintindi kay Mama

Sana naman ay maiintindihan na niya ako

Napabuga ng hangin si Mama at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa mesa

"Anak, hindi mo naman kailangan gawin 'to eh. Kaya namin ng Papa mo na kumita ng limpak limpak na pera. Kahit anong gusto mo maibibigay naman namin, magpahinga ka naman anak ko..." Pagmamakaawa ni Mama

"Sige Mom, pagbibigyan ko kayo pero kailangan ko itong tapusin ngayon two chapters na lang epilogue na ako then pagkatapos no'n magpapahinga na ako..." Pangangako ko

"Sige, basta pagkatapos niyan matulog ka na ha?" At hinalikan ako sa noo

Pagkatapos no'n ay lumabas na si Mama

Nang matapos ko ng isulat ang unang project na inoffer sa akin ni Mr Petilo nag dive kaagad ako sa bago kong assignment. Kahit pagod na pagod na ako kailangan ko talagang maisulat ang isa sa mga Langenkamp's Series na gustong ipagawa sa'kin ni Mr Petilo

"Apo, alam mo bang bawal sulatan ang anino lalo na't pag gabi?" Usal ni Lola sa'kin ng makita niya ako sa sala na nagsusulat sa journal notebook

Napapantistikuhang nag-angat ako ng tingin kay Lola at nagtatanong ang mga matang tinitigan ko siya

"Ha? Bakit naman po La? Wala naman akong ginawang masama ah?" Pagrereason out ko

Nga pala muntik ko ng makalimutan na nagbakasyon si Lola dito sa amin ewan ko ba pero hindi siya nang inform na darating siya, mahilig kasi si Lola sa mga surprises

"Gusto mo bang malaman ang rason apo?" Parang nanunubok na bulalas ni Lola

Hindi ko alam kung anong rason pero nagkaroon ako ng urge na gusto malaman ang istorya niyon, hindi naman ako mahilig sa mga bagay lalo na iyong mga nakapaligid sa'kin pero bakit parang nagkaroon ako ng interes sa salitang bawal sulatan ang anino lalo na't pag gabi

"Gusto po, ano pa lang reason Lola at tsaka bakit bawal?" Parang batang tanong ko sabay kunot ng noo

Umupo naman si Lola sa katabi kong sofa at sinuklay suklay ang aking buhok

"Bakit bawal? Kasi masamang tingnan iyon isipin mong mabuti, ngayong gabi ay nagsusulat ka tapos tingnan mo ang anino mo—" Turo ni Lola sa may kaliitang mesa

"Diba, nakalatag sa mesa, tapos tinalikuran mo pa ang nag-iisang ilaw dito so anong resulta. Masusulatan mo talaga siya...." Pagpapaliwanag ni Lola sa'kin

"Ahh, 'yun pala 'yun—" Napatango tango kong usal

Akala ko naman kung anong kainteres interesante wala naman pala, psshh

"Pero, mag-ingat ka Leah apo ko. Hindi sa lahat ng panahon may magandang mangyayari sa buhay mo, hindi sa lahat ng panahon ay ligtas ka. Kaya mag-iingat ka" Habol ni Lola

Napakurap kurap ako ng ilang beses, ginugulo lang siguro ni Lola ang utak ko

"Ano ba 'yan Lola, siguro ikinukwento niyo lang sa'kin 'yan para maguluhan ako 'no. Tapos para matigil na ako sa pagsusulat?" Nakangising tugon ko pero nanatiling seryoso ang kanyang mukha

"Hindi ko sinasabi sa iyo 'to Leah para maguluhan ka. Sinasabihan lang kita—" At tumayo sa pagkakaupo

Sinundan ko ng tingin si Lola hanggang sa makapasok na ito sa kusina—nagkibit balikat na lang ako saka ipinagpatuloy ang pagsusulat

"Ma'am Leah, gatas niyo po pinapahatid ng Mama niyo—" Pasok ni Cana ang pinakabatang katulong sa bahay namin

"Pakilagay na lang diyan, at salamat." Nakapako ang tingin sa laptop na sagot ko

Sinunod naman ni Cana ang utos ko at naki-usisa sa aking ginagawa

"Ilang chapters na po 'yan ma'am?" Mahinhin nitong tanong sa'kin

Tiningnan ko siya at di makapaniwalang sinagot ang kanyang tanong

"Nagbabasa ka? Nasa Chapter 20 na ako bakit?" Nakukyoryus kong saad

"Ah, wala lang po. Nagagandahan po kasi ako sa mga gawa niyo nakaka thrill tapos hindi cliché" Sagot naman nito

Napatango tango ako sa kanyang sinabi

"Ah, ganoon ba? Salamat ha na appreciate ko by the way basahin mo pa 'yung ibang stories ko huh tapos mag iwan ka ng feedback kung nagustuhan mo." Nangingiti kong sagot

"Oo naman po Ms Agatha Underhill—"

Hindi talaga ako sanay na tinatawag ako sa ginagamit kong pen name pero mukhang nakasanayan ko na naman 'yun

Nang makalabas na si Cana ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa, halos mag lilimang oras akong nakaupo sa aking upuan at babad na babad sa kakacheck ng mga grammatical errors.

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong pumipintig ang mga ugat sa aking mata

Nakahinga lang ako ng maluwag ng mawala na ito at ng akma ko na sanang iinomin ang gatas ng makita kong malapit na itong maubos.

Napataas ang isang kung kilay

Hindi naman siguro magtitipla ng gatas si Mama na ganito ka kunti

Sa halip na bigyan ito ng pansin ay ininom ko na lang ito

Another hours had been passed still my gist is awake, alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Salamat sa makitid kong utak at binigyan ako ng sangkatutak na knowledge

Napalingon ako sa aking likuran ng may bumato ng kung ano sa labas ng aking pintuan

"Sino 'yan?"

Walang sumagot sa aking tanong

Ibinalik ko ulit ang atensiyon sa laptop at ipinagpatuloy ang ginagawa. Makailang segundo lang ay naulit na naman ang pangyayari

"Sino 'yan? Bakit ka ba nambabato sa kwarto ko!" May inis sa aking boses na nagtanong ulit ako

At gaya nga ng inaasan ko wala na namang sumagot

Padaskol akong tumayo at tinungo ang pintuan. Binuksan ko ito at matalim ang mga tinging hinanap ko sa madilim na kapaligiran ang mapangahas na mahilig mambato

Nagtaka ako na wala akong makitang tao sa labas akala ko ay isa lang 'yun sa mga pinsan ko. Mahilig kasi silang mambato ng kung ano ano sa aking kwarto, minsan pa nga  nilalagyan nila ng packing tape sa gitna para paglabas ko instant dikit ang mukha ko.

"Hoy kung sino ka mang hinayupak ka 'wag kang disturbo. Alam mo bang ilang araw na akong walang tulog tapos dadagdag ka pa sa problema ko, why is that?" Prangka kong sabi at pabalibag na sinara ang pinto

Kung kanina ay iniwan kong naka on ang laptop, ngayon ay naka off na ito. I'm hundred percent sure na naka on iyon kanina—hindi naman ako makakalimutin para hindi 'yun maalala

At ng tiningnan ko ng ilang segundo ang aking laptop bigla na lang itong nag on, naturang nagsitayuan ang aking mga balahibo ng makita ng dalawang mata ko na nag open ito ng tabs

"Hindi Leah, naghahallucinate ka lang. Stress ka diba oras na para magpahinga" Pagka-usap ko sa'king sarili at dali-daling ini off ang laptop

Napasimangot na bumangon ako sa pagkakahiga ng tumunog ang aking alarm clock

Bakit ko ba kasi naiset ng alas singko ng umaga na dapat sana ay alas syete

"Oy, Leah bumangon ka na diyan. Malalate ka na school mo!" Parang nakalunok ng megaphone na sigaw ni Mama sa labas

"Oo na, gising na ako babangon na po tsaka maliligo—"

Nang matapos ang isang labanan sa bahay na puno ng sandamakmak na salita ay walang gana akong napaupo sa upuan ko

"Oy, alam mo bang patok sa netizens 'yung gawa ni Agatha Underhill? Grabe girl sobrang galing niyang magsulat—I salute her na" OA na palatak ng kaklase kong updated sa chismis

"Ay talaga? Hindi ko pa nababasa 'yung mga top works niya eh. Can you eradicate those?" Sagot naman ng isa pa na halos hindi na maintindihan dahil sa anong klaseng accent ang ginamit

Napapailing na lang akong nangigiti sa narinig

Hinding hindi mangyayari ang kinatatakutan ko....

Isang linggo ang nakalipas naging successful naman ang book one ng aking novel and I'm still writing the book two, stress na stress na ako. Naglalakihang eyebags, namumulang mga pimples at iba pa

"Psst!" Sitsit ng maginaw na boses sa aking likuran, hindi ko iyon pinansin at patuloy pa ding nagsusulat sa aking yellow pad

"Psst!" Sitsit ulit ng boses

Again I didn't give a shit about that tittle-tattle voice

Hanggang sa pa unti unting lumalakas ang boses na umabot na sa puntong bumulong na talaga sa kanang tenga ko

"Ano ba!" Nakangiwing reklamo ko at bahagyang nanampal sa ere

"Papansin kang masyado ah, hindi mo ba nakikita may ginagawa ako! Stress na stress na ako nangungulit ka pa!!" Nang dahil sa biglaan kong pagsigaw humahangos na pumasok naman si Mama sa aking kwarto

"Anak Leah, anong nangyayari sa'yo ba't ka sumisigaw may nakapasok ba ha?" Napaparanoid na bulalas nito

"Wala ma, may baliw kasing naninitsit sa'kin parang nagpapansin ganoon hindi ko naman matukoy kung sino?" Salubong ang dalawang kilay na tugon ko

Nang marinig ni Mama ang sinabi ko ay napatayo ito ng tuwid at parang nanigas sa kanyang kinatatayuan—yeah right, what just happened?

"Ma, okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya

"A-ahh, oo o-okay lang ako. Matulog ka na"  Parang wala sa sariling bulalas ni Mama at lumabas ng aking kwarto

Namamawis ng malamig na pabalik balik ng lakad ang ina ni Leah sa kwarto ng ina nito

"Ma! Hindi iyon pwede, di ba wala na siya? Bakit?!" Parang nahihibang na tanong ng ina ni Leah

"Anak, relax ka lang malabo iyang sinasabi mo—"

"Hindi Ma! Rinig na rinig ko ang sinabi sa'kin ng anak ko kanina may boses daw na sumisitsit diba 'yun naman ang nangyari sa sa'kin no'ng bata pa ako?"

Napabuga ng hangin ang Lola ni Leah

Alam na ng matanda na mangyayari ulit ang kinatatakutan ng kanyang anak. At posibleng makuha nga ng demonyong 'yun ang apo niya

"Arrgh! Tumahimik ka nga pwede?" Inis na inis na reklamo ulit ni Leah

Ayaw ba talaga siya nitong patahimikin? Kahit sa pagtulog ayaw din

Tumagilid siya ng higa

At ganoon na lang ang pag kagulat niya ng makakita ng anino na nakatayo sa gilid ng kanyang kama

Matangkad iyon na anino, lalaki siya at may maliit na sungay. Agad siyang nagtalukbong ng kumot sa nasaksihan, ano 'yun at parang binabantayan siya nito

Ito na nga 'yung sinasabi niya eh, sa sobrang pagka workaholic niya kung ano ano na lang ang naiisip at nakikita niya

Naramdaman niyang parang may humawak sa balikat niya, malaki ang kamay at medyo may kabigatan iyon. Nanginginig siya sa takot—takot na baka saktan siya nito o baka patayin

Matapos mangyari ang tagpong iyon ay wala sa sariling nakatingin siya sa kawalan habang kinakausap ng doctor

"Leah, may iba ka pa bang nararamdam?" Tanong sa kanya ng doctor

Dahan-dahan siyang tumingin dito at umiling

"Wala naman daw'ng nararamdaman ang anak niyo Mrs Elen."

"Ganoon ba doc? Palagi kasi siyang wala sa sarili eh" Sagot naman ng kanyang ina

Pero para kay Leah wala naman talagang problema sa kanya it's just that palaging pumapasok sa kanya ang lalaking walang mukha at parang hinhintay siya na sumama dito

Hanggang sa hindi nga napigilan ng Mama niya na dalhin siya sa espesiyalista.

"Ma'am, didiretsuhin ko na po kayo. Ayon sa nakitang results namin sa anak niyo may disorder po siya—" Ani psychiatrist at tiningnan si Leah na nakaupo sa hospital bed ng pribadong silid

"Ano? Walang diperensiya ang anak ko!" Sigaw ng ina ni Leah at naluluhang tiningnan ang anak na nakangiti  na sa kawalan at nagsasalitang mag-isa

"Actually ma'am meron po talaga, your daughter has a psychotic disorder or should we say hallucination or delusion. Actually po nangyayari 'yan sa sobrang pagod, kaya naghahallucinate na siya" Sabi ng psychiatrist

Hindi makapaniwalang tiningnan ng ina ang kanyang anak na nagdudusa sa sakit nito

Sana ay hindi siya pumayag na maging nobelista ito. Okay lang naman sa kanya kung anong gusto ng anak pero ng makita ito na nakasuot ng damit pang pasyente ay nasasaktan siya

Para itong baliw kong titingnan sa lagay na iyon

"Iimpormahan ko na lang po kayo kapag may nagbago sa anak niyo," Huling bilin ng psychiatrist at iniwan siyang masuyong tinitingnan ang anak

"Sorry, anak kong nadamay ka pa sa nakaraan ko. Kung hindi dahil sa aninong nasulatan ko ay hindi ka niya gagambalahin—"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C21
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập