"Clyde! What the fuck are you doing?!"
Nagpumiglas ako habang buhat-buhat niya 'ko. Bridal style pa ang buhat niya kaya ang hirap kong kumawala sa bisig niya. Sinama niya 'ko sa outing ng pamilya niya at hindi naman tumanggi roon sila Tita. Mas masaya nga sila kasi kasama ako.
"Put me down! Ayoko pang maligo! Oh sh—" hindi ko na natuloy ang sinisigaw ko dahil bigla na lang niya 'kong inihagis sa pool. Basang sisiw akong umahon sa pool habang masama ang tingin ko sa kanya pero tawa lang siya nang tawa.
Pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sa'kin.
"Isusumbong kita kay Tita!" Pananakot ko sa kanya. Hindi siya natinag at mas lalo lang na tumawa sa pool side. Binabasa pa niya 'ko ng tubig kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
Ang lamig lamig! Nakakainis talaga 'tong Clyde Ian na 'to!
"Tita nga po si Clyde!" Sinumbong ko talaga siya! Akala niya kasi nakakatuwa 'yung ginagawa niya sa'kin. Mabilis akong mainis ngayon kasi alam kong malapit na akong dalawin nung period ko. Hindi ko na halos macontrol 'yung emotions ko.
"Clyde," Tita warned him. I stuck my tongue out and made face at him.
Ang childish naming tignan! Kasalanan niya 'to e! Kung hindi niya sana ako inihagis sa pool, hindi sana ganito!
Hindi ko pinansin si Clyde kahit ginagamit na niya si Calvin para lang pansinin ko siya. Bahala siya dyan! Manigas siya! Huwag na niyang gamitin pa 'yung bata sa kalokohan niya. Hindi na uubra sa'kin 'yan.
"Calvin, give this to your Kuya," Tita gave him a plate full of foods. Kung ano-ano ang nakalagay doon. May hotdog, may sunny side up na itlog, may kanin at may kung ano-ano pang putahe na niluto ni Tito.
Binigay naman ni Calvin ang mga pagkain na dala niya sa Kuya niya na nasa pool side pa rin. Ano 'yan? Nagpapainit ba siya roon?
"Dana!" Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Ate Cailyn. Ang sabi niya kasi kanina, susunod lang siya dahil may gagawin pa daw siya. "Truth or Dare tayo!"
Kadarating niya lang?! 'Yon na agad?!
Tumawa nang malakas si Clyde pagkatapos niyang marinig ang sigaw ni Ate. Ano 'yon? Pinagkakaisahan nila 'ko ngayon? Uuwi na lang ako!
"Tita! Uuwi na po ako," kinuha ko ang gamit ko kahit basa pa 'ko. Nakakainis! Pinagtritripan ako ng boyfriend ko!
"Hindi ka uuwi," niyakap ako mula sa likod ni Clyde at hinila paalis. Nagtatakang tumingin sa amin si Tita dahil nagpupumiglas talaga ako kay Clyde.
"Ano ba! Bitawan mo sabi ako!" Tumawa lang si Clyde at mas hinigpitan ang yakap sa bewang ko. Hindi ko alam kung saan kami patungo dahil hindi ko naman tinitignan kung saan niya 'ko dinadala.
"Huwag ka nga makulit," sinamaan ko siya ng tingin. Ano ba problema nito at gustong-gusto akong pagtripan ngayon?
Binuhat niya na parang sako kaya naman sinigawan ko ulit siya. Kailan ba titigil 'to?! Nakakainis na talaga!
"Fuck! Stop squirming." Mariin niyang sabi sa'kin kaya napatigil ako sa ginagawa ko. "Para kang bata,"
"Ako pa talaga?!" Galit kong sabi at hinampas ang likod niya. "E ikaw 'tong kanina pa nagpapakaisip bata!"
"Don't fight," rinig kong sabi ni Calvin. Lumingon tuloy ako sa gilid ko nang makita ko siya roon na nakataas ang kamay habang nakacross.
Inirapan ko si Clyde nang ibaba niya 'ko sa isang upuan. Nasa round table kami at nandoon na si Ate Cailyn kasama ang boyfriend niya.
"Kuya Zyde," tinanguhan ni Clyde ang boyfriend ng Ate niya bago umupo sa tabi ko. Naka-crossarms lang ako habang masama ang pinta ng mukha.
Ate Cailyn chuckled a bit before gaving me a small smile. She called Calvin kaya agad na pumunta sa kanya ang bata. She whispered something on his ears and after that Calvin smiled.
Lumapit sa'kin si Calvin at kumuha ng isang upuan bago tumayo roon para mapantayan niya 'ko. Tinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang mukha ko. He slowly reached for my brows at inalis ang pagkakakunot noon.
My face softened after he did that. I chuckled and reached for him. I silently held him to sat him on my lap.
Nakangiting tumingin sa'kin si Ate Cailyn bago bumaling sa katabi ko. Nilabasan ko lang ng dila si Clyde nang makita ang itsura niya. Nakakunot ang noo habang nakatingin kay Calvin.
"Okay! Let's start!" May nilapag na bote si Ate Cailyn. "Ang hindi gumawa o sumagot ay iinom! Juice lang!"
"Ang boring mo, Ate," komento nitong katabi ko. "Dapat alak na e!"
"Hindi pwede! Bawal pa malasing!"
"What is alak, Ate?" Nakatingala na tanong sa'kin ni Calvin. Kaagad akong umiling sa kanya at sinabing huwag na lang niya muna alamin 'yung bagay na 'yon. Bata pa siya!
"Start na!" Pinaikot na ni Ate Cailyn ang bote at unang tumapat 'yon kay Kuya Zyde. Nagtaas ng kamay si Clyde para siya ang magtanong.
"Truth or Dare?"
"Truth," sagot kaagad ni Kuya. Tumingin si Ate Cailyn sa kanya na parang inaabangan ang magiging sagot ng boyfriend sa magiging tanong ng kapatid.
"Who's your first girlfriend?" Nilagay ni Clyde ang braso niya sa likod ng upuan ko kaya lumayo ako. Napalingon siya sa'kin at kumunot ang noo. Bahala siya dyan!
Nilaro ko lang ang kamay ni Calvin habang hinihintay ang sagot ni Kuya.
"Your Ate," napaawang ang bibig ko sa sagot ni Kuya. Seryoso?! Wow!
"Sana all," bulong ko. "Calvin, no,"
Kinukuha kasi ni Calvin 'yung bote sa gitna namin pero nahawakan ko kaagad ang kamay niya. Baka mabasag pa niya 'yon kung sakaling mabitawan niya.
"Next na," tumawa nang mahina si Kuya Zyde at siya naman ang nagpaikot nung bote. Matagal na umikot 'yung bote at maya maya ay tumapat 'yon sa'kin. Napahinga ako ng malalim.
"Dare," sabi ko kaagad kahit hindi pa tinatanong ni Kuya.
"I dare you to..." umaktong parang nag-iisip si Kuya. May binulong si Ate Cailyn kay Kuya kaya nagsmirk bigla si Kuya. "Ignore Clyde in the whole game."
"Sure! Easy!" Napasigaw tuloy ako sa dare ni Kuya. Ayos lang din 'yon, hindi naman ako ang magsusuffer.
"Ate! Kuya!" Reklamo agad ni Clyde at hinila papalapit ang upuan ko sa tabi niya. Ngayon ay abot na abot na niya ako at nakahawak na siya ngayon sa bewang ko. Napaka-clingy!
Pero kahit ganon hindi ko talaga siya pinansin. Akala niya ha! Hindi ako magpapatalo ngayon.
"Ako na," pinaikot ko ang bote at sa'kin na naman tumapat! Ano ba naman 'to! Sinong magtatanong sa'kin?!
"Ako magtatanong." Clyde's voice was fucking stern! Putaena ayoko nitong boses na 'to!
"Dare," Oh shit! Mali 'yung sinabi ko! "I mean, truth!"
"Nah, bawal na magpalit." He smirked at me. "Now, listen to my dare."
I groaned. Sinasabi ko na nga ba, mali 'tong desisyon ko. Napatingin tuloy ako kila Ate at Kiya na nakangisi lang sa'kin, walang balak na tulungan ako.
"I dare you to stop ignoring me," he said.
"No," sabi ko at kinuha ang baso ng juice. Iinom na lang ako kesa sundin ang dare niya!
"You're not going to drink that," bigla niyang kinuha sa'kin ang baso at nilayo 'yon.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah?!" Hindi ko na talaga napigilan pa 'yung sarili ko. I snap him which made him avoided it. Tumayo ako at iniwan si Calvin sa tabi ni Ate Cailyn at umalis doon.
"Tita nga po, si Clyde! Nakakainis na po siya!" Konti na lang ay malapit na 'kong umiyak. Malapit na talaga akong dalawin!
"Clyde, what did you do to her?" Nakita kong sinamaan ng tingin ni Tita si Clyde pero tumawa lang ang loko sa kanya. May gana pa talaga siyang tumawa ha? Tignan natin kung may gana ka pang tumawa kapag umalis ako dito!
"She's just cute whenever she's pissed," lumapit siya sa'kin at bigla akong niyakap. He placed his face on my nech and smell my scent. "I'm sorry, baby,"
"Nakakainis ka kasi!" Hinampas ko ang braso niya at mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya kahit nasa harap lang kami ni Tita.
"I'm sorry," he chuckled a bit before my kissing my neck. "What do you want to do?"
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan na ang kamay ko. Hinatak niya 'ko paalis doon kaya natawa sa amin si Tita.
"Magpapalit na ako ng swimsuit," sabi ko kaya tumango siya sa'kin. Wala na rin naman na akong magagawa dahil basa na ako kanina pa. Mas magandang magpalit na ako ng swimsuit ko.
Pumunta kami sa suit nila at doon niya 'ko pinagpalit. Sinuot ko 'yung black two piece ko at nagsuot rin ako ng see through na damit bago ako lumabas. Nakita kong nakapag-palit na rin siya ng board shorts at wala ng suot pantaas.
"I'm done," I said. Tumayo na siya at hinawakan na ulit ang kamay ko. Sabay kaming lumabas sa suit at nilock niya muna 'yon bago kami bumalik kila Tita.
"Bati na kayo?" Tanong ni Ate Cailyn nang makita niya kaming naglalakad na papalapit sa kanila habang magkahawak kamay.
"Malakas ako e," pagyayabang ni Clyde. Inirapan ko siya dahil sa tono niya.
"Yabang," inirapan din ni Ate Cailyn si Clyde kaya ako naman tumawa nang malakas. Ayan may pinagmanahan ka rin pala.
"Kakain ka na babe?" Lumingon ako sa kanya habang may nakakaasar na ngiti.
"Hala, pafall." Sabi ko at agad siyang nagkunot noo. Natawa si Tito sa sinabi ko at napatingin sa'kin. "Hala pafall siya,"
Siya naman ang umirap sa'kin. "Nafall ka naman,"
Tumawa ako, hindi tinanggi ang sinabi niya. Totoo naman, nahulog ako. Ang lalim pa nga buti na lang sinalo niya.
"Alam mo ba dati nasugatan dati 'yan si Clyde nung nagbubukas siya ng delata," kwento ni Ate nang magsimula na kaming kumain.
"Sa daliri?" Tumango si Ate sa sinabi ni Kuya.
"Oo, pero ang pinagtataka namin ay biglang nagsara." Si Tita na ang nagtuloy kaya naman kumunot ang noo ko.
"Hala!" Napatingin tuloy silang lahat sa'kin. "Hala, bampira ka?"
"Babe!" Reklamo niya kaya natawa kaming lahat. Joke lang naman. "Puro ka kalokohan,"
"Joke lang naman." Tumawa ulit ako at inubos na ang pagkain. Kaunti lang kasi ang kinuha ko dahil gusto kong mag-enjoy ngayon sa pool.
Inirapan niya 'ko at inubos na rin ang pagkain niya. Uminom muna kami ng tubig bago niya 'ko hinila patayo at dinala ulit sa pool. Inalis ko ang suot kong see through bago tumalon sa pool. Natalsikan si Clyde nung tubig kaya natawa ako nang pumikit siya.
Lumapit ako sa kanya habang tinatawanan ko siya. "Sorry,"
Umiling lang siya sa'kin at hinawakan ako sa bewang. Hinapit niya ako papalapit sa kanya kaya napahawak ako sa magkabilang balikat niya. He kissed me on my forehead.
"Do you know where I badly want to kiss you?" He whispered. My brows furrowed but answered his question.
"Lips?" Umiling siya kaya nag-isip pa ako ng pwedeng sagot. "Cheeks?"
"No," tumawa siya nang mahina.
"Then where?" I asked.
"In church. In front of our families when we both say 'I do'." Tumawa ako para maitago ang pag-init ng pisngi ko.
"Sige ha, hintayin mo 'yan." Biro ko. Tumawa rin siya at binitawan na ako. Lumayo ako sa kanya at feeling ko ay halos isang metro 'yon.
"Ako naman ang may sasabihin sa'yo," I smiled at him. "I'm going to treasure every moments of us, baby. Everytime na magkasama tayo ay sobra sobra ang saya ko. Buong-buo ang araw ko kapag kasama kita. Hindi mo alam kung paano mo 'ko napapasaya kaya sobra akong thankful sa'yo, babe. I love you,"
I gave him a flying kiss and he acted to catch it. Lumapit siya sa'kin and gave me a peck on my lips.
"Hindi ka na makakawala sa'kin," he whispered on me as he closed his eyes. I smiled and hug him. "I love you, not for now but for always."
"Ang sweet niyo naman! Picture nga kayo!" Natawa ako kay Ate Cailyn na may hawak ng camera habang nakatutok sa amin. Humarap kami sa kanya at nag-pose. Nag-peace sign ako habang nakangiti naman si Clyde. "Iba naman!"
Humarap ako kay Clyde at hinawakan ang mukha niya habang nakatingin sa lips niya. He encircled his arms on my waist and looked at me too. Pagkatapos kaming picture-an ni Ate Cailyn ay pinakita niya sa amin 'yung picture.
"Send ko sa inyo mamaya!" Tumawa si Ate Cailyn at binigay kay Clyde 'yung camera. "Kuhanan mo si Dana!"
"Thanks, Ate!" Ngumiti ako ng malaki at nag-thumbs up naman siya sa'kin. Umahon ako sa pool at humanap ng magandang view.
Nang makahanap ay tinawag ko si Clyde. "Take me a picture here!"
"That's my baby!" He complimented me. "Okay, last."
Nag-pose ako ng iba at napangiti ako sa camera. Sa halip na '1, 2, 3 Smile' ang sabihin niya ay iba ang sinabi niya.
"I love you," he told me.
And I guess, my smile is prettier compared to my other smiles.
________________________________________________________________________________________________________________
.