Tải xuống ứng dụng
54.54% Witch Fate (Tagalog) / Chapter 6: SESE AT SALLOS

Chương 6: SESE AT SALLOS

Patuloy pa Rin Ang pag agos ng luha ni Jess, kasalukuyang syang nag mumukmok dahil sa sinabi ni Dyesebel. Hindi matanggap ng binata na hihilingin ito ng dalaga sa kanya, na siya na mismo ang pumatay sa dalaga.

"Hindi bat kamatayan na rin ang hiniling nya sayo? Maaari mo itong tuparin at si Dyesebel Ang unang espirito na iyong maikukulong sa katawan ni Sese." Payo ni Koro. Dahilan para mapahinto ang mga luhang umaagos sa mga mata ni Jess.

"Ito na rin ang tyansa mo na subukan ang sinasabi mong naituro sa iyo ng pinyin na iyon" dugtong pa ni Koro. Sa sinabing iyon ni Koro, ay napaisip si Jess.

"Paano kung isanib ko mismo Ang kaluluwa ni Dyesebel Kay Sese? Alam Kong possible iyon dahil Nakita Kong ginawa iyon ni Chu an Noong naglaban kami" Tila ba nabuhayan ng loob si Jess kahit papaano.

"Maaari yang naisip mo" sagot ni Koro sa kanya. Tinignan ng binata si Dyesebel at Saka sumigaw ng

"HINDI BAT KAHILINGAN MONG MAMATAY SA AKING MGA KAMAY? AT PANGARAP MO RIN NA MAGLAKBAY?! AKO SI HENRY JESS ALASAN, ANG HINIRANG NA MANGKUKULAM! AKING TUTUPARIN ANG IYONG HILING AT PANGARAP!" Sigaw ni Jess sa dalaga. Bumuhos Ang mga luha ni Dyesebel habang nakatingin kay Jess.

"Jess na hinirang.. Pugutan mo ako ng ulo matapos Kong kumanta sa paglubog ng araw." Huling hiling ni Dyesebel.

Papalubog na Ang araw, Kaya Naman inumpisahan na ni Dyesebel ang kanyang pag kanta. Isang napakagandang tinig ang nag mula kay Dyesebel. Isang tinig na kahit si Jess ay nabighani sa taglay nitong ganda. Ito ay bukod tanging tinig, Hindi mo ito maririnig sa kung saang panig ng mundo at kong kaninoman.

"Walang puso ang mga sirena. Kaya tuluyan mo itong mapapatay kung pupugutan mo ito ng ulo." Sinabi ni Koro Kay Jess. Bahagyang nagulat si Jess. Labag sa kalooban ng binata na paslangin si Dyesebel, Lalo na at ito ang nag ligtas sa kanyang buhay.

"Sagutin mo ko Koro! Bakit hindi ko na lamang pwedeng isama si Dyesebel ng buhay" lumuluhang tanong ni Jess.

"Alam mo ang sagot sa tanong mong iyan Jess. Hindi sya tao, gusto mo bang ang mga prinsipe pa ng impyerno ang tumapos sa buhay ng sirenang nag ligtas saiyo? Isang sirena si Dyesebel, sa mata ng mga cardinal sinners ay Isa lamang syang masarap na pagkain" depensa ni Koro. Alam ni Jess na may punto ang mga sinabi ni Koro.

Kinontrol ni Jess si Sese at Kinuha Ang manipis na espada nito sa payong ni Sese. Tumayo sya sa likod ni Dyesebel, nanginginig na itinaas ang kamay hawak ang espada para sa pagpugot na gagawin.

Kasabay ng pag lubog ng araw, ang pakahulog ng ulo ni dyesebel sa buhangin sabay ang huling tinig ni Dyesebel, Pinugutan ni Jess ng ulo ang dalaga.

Dahan-dahang nanlumo si Jess sa kanyang ginawa. Napaluhod ang binata habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Maaaring makatakas ang espirito ni Dyesebel!" sigaw ni Koro Kay Jess. Natauhan si Jess at agad na binuksan ang Utakora chakra nya upang hulihin ang espirito ni Dyesebel bago pa ito maging isang ganap na multo.

Patuloy pa Rin Ang pag agos ng luha ni Jess habang inaalala ang mga itinuro ni Pinyin sa kanya tungkol sa pag huli ng espirito at sa pag kulong nito. Mula sa pagiging espirito, ginawa nya itong tila isang bolang apoy na tinatawag na santelmo. Ginamitan naman nya si Sese ng isang sinulid na kulay Rosas, nakahalo dito sa sinulid ng Oramata Ang pangalawang estado ng chakrang Utakora, dahilan para magkunwari nitong si Sese ng katawan at dito kinulong ang santelmo.

Tinuro ni Pinyin, na ang santelmo ay isang uri ng elemento na susunod lamang kanyang amo o sa lumikha dito. Ang santelmo ay gagala lamang sa Oras na inutusan ito ng kanyang amo na umalis o lumayo. Ang kadalasan sa mga santelmo ay ginagawang alagang espirto, ngunit iilan lamang ang gumagawa nito dahil Ang pag aalaga ng santelmo ay nangangailangan ng malakas na supply ng mana dahil sa lakas kumain ng mana ng santelmo.

Kaya Karamihan ng iba at pati na Rin ng mga babaylan, ay matapos gawing santelmo Ang espirot ng isang nilalang ay pinapaslang nila ito. Tanging Ang nga Utakora user lang Rin Ang may kakayahan na gumawa o gawing santelmo Ang isang espirito.

Ang espirito ng isang yumaong nilalang ay babalutin ng chakra ng Utakora. Ito ay magiging bilog, kakainin ng chakra ng Utakora Ang kasamaan ng espirito, Hanggang sa Ang matira na lamang ay Ang inosenteng kaalaman nito. Ang magiging alam lamang nito ay sundin Ang Utakorang chakra na syang nakabalot sa katawan nito.

Matapos gawing santelmo ay Hindi na alam ni Jess Ang gagawin sa santelmo. Tanging Ang pag huli at gawing santelmo lamang Ang naituro sa kanya ni Pinyin. Hindi alam ni Jess kung paano ililipat Ang santelmo sa lalagyan na pagkukulungan nito.

Ngunit ilang Segundo na pag Alala at pag iisip ay muling kumilos si Jess. Alam na alam na nito ang gagawin at tila ba Hindi ito ang unang beses na kanyang gagawin ito. Hindi makapaniwala si Koro sa kinilos ni Jess, tila ba Hindi sanay na sanay na ang binata.

Dito pumasok sa isipan ni koro ang tinapay na kinain ni jess. Mula noong kainin ni ang tinapay ay pansin ni koro na minsan ay parang hindi si jess ang kasama nya na tala ba ibang tao ito.

"Bakit at Paano?" tanong ni Jess sa sarili. Hindi Rin makapaniwala Ang binata na nagawa nyang isalin Ang santelmo sa manikang si Sese. Labis Ang mangha ni Koro sa nasaksihan. Labis ngang nag taglay muli si Jess ng mga kaalaman at lakas sa pag gamit ng Utakora. Ilang Segundo at pinaalalahanan ni Koro si Jess na Hindi nya maaaring Gawin Ang ganung teknik sa espirito ng tao. Hindi nya mailalagay Ang isang espirito ng tao sa isang bagay na may nakalagay nang espirito.

Sa Oras na mamatay Rin Ang tao, ay kusang mag sasara Rin Ang chakra nito sa katawan. Kaya Hindi Rin maaaring ilagay Ang espirito sa isang katawan na Patay na. Mabuti na lamang ay isang manika si Sese. Kaya Naman naging madali lamang Ang proseso. Walang mga chakra Ang bagay na syang pag lalagyan ng mga santelmo.

Agad na nahanap si Jess ng malapit na pag huhukayan at paglilibingan ni Dyesebel. Ilang minuto ring naghukay si Jess, inaalala Ang mga pangyayari Kasama ang dalaga. Matapos naghukay ay muling sinuot ni Jess Ang damit na ipinahiram sa dalaga kanina. Muling umagos ang mga luha sa mata ni Jess. Inunang inilalag ni Jess Ang katawan Ng dalaga sa hukay, nang Makita ni Jess Ang ulo ng dalaga ay Hindi nito napigilan na yakapin ito sa huling sandali Bago isama sa hukay.

Ilang minuto matapos ilibing ay patuloy pa rin Ang pag luha ni Jess. Nakaramdam si Jess na may papalapit sa kanya, dahilan para mapatigil sya sa pag luha at iangat ang kanyang ulo para tumingala.

Nang tignan nya ang papalapit sa kanya ay Nakita nya si Sese na Naglalakad. Papalapit ito sa kanya kahit Hindi Naman ito kinokontrol ni Jess. Tulalang pinagmamasdan ni Jess si Sese. Hindi makapaniwala ang binata.

"Ayos ka lang po ba master?" tanong ni Sese Kay Jess.

"Ikaw ba yan Dyesebel?!" Tanong ni Jess Kay Sese sabay hawak sa magkabilang balikat nito. Tinitiyak kung tunay ba ang kanyang nakikita.

"Base sa chakra at inyong Ala-ala, ako po ay si Sese, Ang papet na ginawa para inyo." Sagot ni Sese Kay Jess. Nalungkot si Jess sa sinagot ni Sese, natulala muli ito at Hindi alam Ang gagawin.

Ilang minuto Bago muling basagin ni Jess Ang katahimikan. "may kailangan Kang ipaliwanag sa akin" Sabi nito Kay Koro.

Sinabi ni Koro Kay Jess na Ang papet ay isang papet. Ginawa gamit Ang mga materyal. Ngunit ng bigyan ni Jess ng pangalan ito ay nabuo na Ang mga Ala-ala at imahe nito. Binigyan lamang ng kakayahan ng espirito ni Dyesebel si Sese na kumilos at makagalaw. Pero Ang papet ay si Sese. Nagkaroon ito ng mga ala ala Noong Oras na inumpisahan nyang gamitan ito ng chakra mula sa otakora. Sa bawat pag banggit ni Jess ng pangalan ni Sese, ay nabubuo sa isipan ni Sese Ang sariling memorya nito na nakabase sa memorya ni Jess. Dahil sa nakakonekta kay jess ang sinulid lahat ay kadikit lamang ng utak ni jess dahil sa chakra nya ito isa lamang yan sa hiwaga ng otakora chakra.

Lahat ay nakakonekta Kay Jess. Dahil Kay Jess nagmumula Ang chakrang pumapasok sa katawan ni Sese, dahilan para maging aktibo ito. Sa tuwing ginagamit ni Jess si Sese ay tila ba nagigising ito. Nagagamit ni Sese Ang chakrang nagkokonekta sa kanilang dalawa ni Jess. Gamit Ang mga chakra nito ay nakabubuo ng mga Ala ala si Sese kahit pa ito'y isang materyal na bagay lamang.

Halimbawa na lamang Ang mga hunted na bagay. Nagiging hunted ang isang bagay dahil sa chakrang mga nakapaligid dito. Kaya nagiging hunted ang isang bagay na dahilan ng mga malalagim na pangyayari.

Hindi na Bago ito para Kay Sese. Ang tanging pinagkaiba lamang ay si Jess Ang nagbibigay ng chakra Kay Sese. Samantala, Ang mga Ala-ala Naman ni Dyesebel ay maiiwan sa katawan nito, Hindi maaaring madala ng isang espirito Ang mga Ala-ala sa Oras na Ang katawan nito ay namatay dahil ang mga ala ala ay nasa utak at hindi nasa espirito.

Labis Ang inis ni Jess sa kanyang sarili. Tila ba tuluyan ng nawala Ang mga pag asang si Dyesebel ay nailipat nya sa katawan ng manikang si Sese. Napaluhod si Jess sa lupa at inuntog ng inuntog Ang kanyang ulo sa lupa. Inis na inis Ang binata sa kanyang sarili dahil wala Rin syang nagawa upang mabuhay si Dyesebel para tuparin ang pangarap nito.

Ilang minuto Rin ng mahimasmasan si Jess. Nilapitan sya ni Sese "Okay ka lang ba master?" tanong ni Sese Kay Jess. Nang tignan Naman ni Jess si Sese, ay Hindi ulit nito napigilan na mapaluha.

"bakit si Chu an ay nagawang sumanib Kay Sese?" Tanong ni Jess Kay Koro.

"Dahil buhay si Chu an. Buhay Ang katawan ni Chu an, at Ang kaluluwa nito ay konektado pa Rin sa kanyang katawan sa Oras na sumapi sya sa ibang bagay. Ang katawan ni Dyesebel ay Patay na, at wala na Ang koneksyon sa espirito at katawan nito." Naging malinaw Kay Jess Ang nangyari.

Ilang sandali ay nagpasya si Jess na ipagpatuloy Ang kanyang paglalakbay kahit pa Gabi na ng mga Oras na iyon. Masyadong maraming kaganapan Ang Gabing ito Kay Jess, batid nyang Hindi Rin sya makatulog ng payapa dahil sa mga nasa isip nya.

Halata Ang panlulumo Kay Jess habang patuloy sa kanyang pag lalakbay.

Kinabukasan ng tanghali ay nakarating si Jess sa bayan ng Apollo. Ang bayan kung saan marami daw sinasapian na tao, ayon Kay Pinyin.

Pagod at lungkot Ang makikita sa Mukha ni Jess. Wala pa itong pahinga dahil buong Gabi itong Naglalakad para matungo Ang bayan. Buong araw Rin tahimik si Jess.

Ayon sa mga nakausap ni Jess na mamamayan at sa pag mamasid ni Jess, ay kakaunti na lamang Ang mga taong sinasapian. Minsan na lang Rin may mga taong sinasapian sa bayan. Usap usapan Rin Ang mag amang mangbabarang na dumating isang araw na Ang nakalipas.

Nag iwan Rin Ang Mambabarang ng isang orasyon sa bayan, bilang proteksyon Sa mga ligaw na espirito.

Sinabi ng Mambabarang na Ang pag Dami ng mga ligaw na espirito ay sa kadahilalang maraming halimaw Ang kinakain ng mga prinsipe. Kaya Naman Ang nga espirito nito ay nakakawala at muling naghahanap ng magiging katawan. Nabanggit Rin ng mga mamamayan na Mula sa Di kalayuang kagubatan ng Apollo ay matatagpuan Ang mga bangkay ng mga halimaw na kinakain ng mga prinsipe. Kaya Naman Hindi na nakakapagtaka na sa bayan ng Apollo dumidiretso Ang mga espirito dahil ito Ang pinaka malapit na bayan dito.

Naisip ni Jess na wala na pala syang misyon sa bayan na ito. Napag pasyahan ni Jess na umupa muna Ng matutuluyan sa bayan upang makapag pahinga. Masyado ng pagod si Jess dahil sa tuloy tuloy na paglalakbay.

Hapon ng nagpahinga si Jess at nagising sya Mula sa maingay na kaguluhan Mula sa mismong palapag ng kanyhang inuupahan.

Isang kapwa Man lalakbay na umupa roon Ang sinaniban.

"kung ganon ay Hindi ganoon kalakas ang iniwang proteksyon Ng Mambabarang. Kulang at Hindi sapat Ang bayad para sa mas malakas na proteksyon" bulong ni Koro. Humingang malalim si Jess saka sinabing "kung ganon ay may mga trabaho pa pala tayo dito sa bayan na ito"

Agad pinuntahan ni Jess Ang kwarto ng lalaking nasabing sinasapian. Sinabi ni Jess sa mga tao na sya ay isang Mambabarang. Agad nyang pinalabas Ang mga taong nakikiosyoso upang masimulan nya Ang pag eexorsismo sa lalaki. Wala namang nagawa Ang mga taó kundi sundin Ang sinabi ni Jess.

Nang mag Isa na lamang si Jess ay agad nyang binuksan ang Utakora chakra nya. Nang sinubukan ni Jess na hulihin na Ang espirito sa katawan ng lalake ay bigla syang pinigilan ni Koro.

"kilala ko Ang espirito na iyan!" Sambit ni Koro. Mabuti na lamang at napigilan ni Koro na mahuli ni Jess Ang espirito dahil kung sakaling mapasakamay ni Jess Ang espirito na ito, ay maaaring saniban si Jess nito. Hindi normal Ang espirito na nasa harap nila. Damang dama ni Koro na may ranggo sa impyerno Ang espiritong ito.

Dito naintindihan Ni Koro ang mga kaguluhang nangyayari sa bayan ng Apollo. "ang espiritong iyan ay si Sallos. Marahil ay Kaya nasabi ng Mambabarang na prinsipe Ang may kumakain sa mga halimaw dahil Hindi nalalayo Ang taglay na lakas nito sa mga prinsipe." Paliwanag ni koro. Ang tanging naisip lamang ni Koro na dahilan Kaya nasa lupa si Sallos ay paniguradong pinatawag ito ng mga prinsipe at sinabing mag tungo sa lupa. May katungkulan si Sallos sa impyerno Kaya Naman Hindi ito umaalis ng impyerno kung Hindi iniutos ng mas nakakataas sa kanya. Wala Ang pisikal na anyo ni Sallos. Espirito lamang nito Ang nandito sa lupa, Kaya kumakain ng maraming halimaw ito upang magpalakas. Naisip ni Koro na Hindi dapat maliitin si Sallos kahit pa na mahina ito sa ngayon, dahil napatunayan ni Koro na talagang malakas Ang iniwang orasyon ng Mambabarang sa bayan, sadyang may lakas lamang si Sallos upang makapasok sa harang.

"Hmm, napakatalino mo pa Rin Koro. Matagal na panahon kana ring wala sa impyerno, pero naaalala mo pa Rin ako" natatawang Sabi ni Sallos. Hindi ito pinansin ni Koro bagkus ay si Jess Ang binulungan nito. "Maghanda ka Jess, Hindi normal Ang laban na iyong kakaharapin ngayon."

Ilang Segundo lamang ay bumangon bigla ang sinasapiang lalake, tila pala sa maikling oras na pagpapaliwanag ni koro ay tuluyan nang naangkin ni sallos ang katawan ng lalake.

Umatake na si Sallos, napakabilis itong lumapit Kay Jess upang sipain si Jess. Agad na tumilapon si Jess, nasira pa nito Ang pader ng pinauupahang kwarto.

Nakita ng nga tao Ang kaguluhan na nangyari at agad itong tumawag ng mga authoridad.

Dahan dahan tumayo si Jess sa pagkakatilapon. "Bakit dito ka sa bayan na ito nanggugulo" tanong ni Koro Kay Sallos.

Papunta na sana sila Sallos sa kaharian dahil pinatawag sila ng Jakan. Nang Makita nya Ang maraming espirito na papunta sa bayan ng Apollo. Hindi na sana sya tutunggo rito ngunit napansin ni Sallos Ang proteksyon na bumabalot sa bayan. Nakita Rin nya na Hindi makapasok Ang mga espirito sa loob ng bayan.

Pumasok sila Sallos sa bayan upang hanapin Ang sino Mang naglagay ng proteksyon sa buong bayan. Ngunit Hindi nya ito mahanap, at napagdesisyunan na kinakailangan Rin Naman nila ng katawan, bakit Hindi sya sumapi sa mga tao.

"Sila?! Kung ganon ay Hindi ka nag iisa!" sigaw ni Jess Kay Sallos, Kasabay ng isang mabilis na pag atake. Nagulat si Koro sa atakeng ginawa ni Jess. "Mag ingat ka Jess! Katulad ng sinabi ko ay Hindi normal Ang espiritong kaharap natin ngayon" paalala ni Koro sa binata.

Napansin ni Koro na ayaw magpasindak ni Jess kahit pa alam nitong malakas si Sallos. Binuksan ni Jess Ang Oramata chakra nya at lumabas si Sese sa kwartong pinagtutulugan ni Jess kanina. Mabilis na tumakbo si Sese Kay Sallos at agad na umatake. "Huwag Mo muna akong isipin ngayon, gusto Kong isuot ka ni Sese upang magabayan mo sya" Malakas Ang Senses ni Koro. At makakatulong ito Kay Sese na nagagawa ng kumilos at mag isip mag Isa.

Agad na sinunod ni Koro ang inuutos ni Jess. Si Jess Naman ay nag simulang mag manta at mudra. Ngunit ayaw nang patagalin pa ni Sallos Ang laban dahil nag hihintay sa kanya Ang Jakan sa kaharian.

Mabilis na nakakasabay si Sese sa malapitang laban nila ni Sallos. Mabilis Ang palitan at pag ilag sa mga suntok, sipa Na ibinabato sa isat Isa. Nang saglit na makakita ng pagkakataon si Sallos ay agad nyang sinugod si Jess, na kasalukuyang nag mamantra. Ngunit napag handaan na pala ni Jess Ang Planong ito ni Sallos.

Buong Akala ni Sallos ay maaatake nya si Jess, ngunit mabilis syang nahabol ni Sese at sinangga Ang atakeng ibibigay nya sana Kay Jess. Mabilis na nakagalaw si Jess dahil nagawang isanib ni Jess Ang kanyang kaluluwa Kay Sese, katulad na lamang ng ginawa ni Chu an noong naglaban sila.

Sa pamamagitan ng pag mamantra ay natutunan ni Jess Ang teknik na iyon, sumakto lamang na nagawa nya ito sa Oras na papaaatake na si Sallos sa kanyang katawan.

Dalawang espirito na Ang nasa katawan ni Sese. Ang espirito ni Jess at Ang espirito ni Dyesebel. Nagawang makapasok ni Jess sa katawan ni Sese dahil bagay pa rin si Sese at walang sariling buhay o walang chakra.

Dahil sapag sanib ni Jess sa katawan bi Sese ay nagawa nitong sabayan at salagin Ang mabilis na pag atake ni Sallos. Isabay pa rito Ang matalas na senses ni Koro, nagamit Rin ni Jess Ang malakas na pandama, pandinig, paningin.

Napipikon na si sallos kaya Naman inilabas na nito Ang isang malaking buaya at sinakyan ito. Isang mahaba at matulis na Sibat Rin Ang inilabas ni Sallos. Muling umatake si Sallos, binuka ng buaya Ang malaking bunganga nito at nag akmang lalamunin si Jess at Sese.

Binuksan ni Sese Ang payong na kanyang panangga at iniharang ito sa bunganga ng buaya dahilan para sya ay makatakas. Sinabi ni Koro Kay Sallos na dahil sa pag gamit nito ng buaya ay Lalong manghihina si Sallos.

Alam ni Koro na wala pang sapat na lakas si Sallos. At Ang kapangyarihan nito ay nagamit na sa mga atakeng nagawa nito kanina. Kaya ganun na lamang Ang pag mamadali ni Sallos na tapusin na Ang laban.

Alam ni Koro ang tunay na lakas ng buayang inilabas ni Sallos. Malayong malayo Ang lakas ng buayang inilabas ni Sallos kumpara sa normal na buaya nito sa impyerno. Masyadong mahina Ang buang nilabas ni Sallos sa pagkakataong iyon.

Dahil sa payong na nasa bunganga ng buaya ay Hindi nito magawang makakilos ng maayos. Kaya Naman bumaba si Sallos upang direktang atakihin si Sese. Maging si Jess ay nakatuon lamang Ang atensyon Kay Sallos, Kaya Naman Hindi nito napansin Ang paghamas ng buntot na ginawa ng buaya sa katawan mismo ni Jess.

Humiwalay Ang espirito ni Jess sa katawan ni Sese. Bumalik Ang espirito ni Jess sa mismong katawan nito dahil nawala Ang meditasyon ng katawan ni Jess.

Habang kaharap ni Sallos si Sese ay ginamitan Naman ni Jess ng manipulasyon gamit Ang Oramata Ang buaya, upang Hindi sya nito atakihin. Gamit Ang Utakora Naman ay inilabas ni Jess Ang isang malasibat na may kadenang awra. Natutunan ni Jess Ang ganitong teknik habang sya ay nasa katawan ni Sese. Sa pagmamantra at meditasyon na kanyang nagawa ay nakakita si Jess ng panibagong kakayahan na maaari nyang gamitin.

Dito inutos ni Jess Kay Sese na hawakan nito si Sallos upang Hindi makagalaw. Mahigpit Ang pagkakahawak ni Sese Kay Sallos, maging Ang mga paa ni Sese ay nakapulupot sa Binti ni Sallos.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
namme namme

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C6
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập