Tải xuống ứng dụng
100% I'm Not Her [MR Series #2] (Tagalog) / Chapter 41: Special Chapter

Chương 41: Special Chapter

Klaire's Pov

"Hey" Pagpansin ko sa kanya ngunit tulala lamang ito at para bang marami ang iniisip

Napabuntong hininga na lamang ako dahil mag mula nang tumira kami at sumama sa akin ay nagka ganito na sya.

"I'm sorry." Paghingi nito nang tawad na ikina tango ko na lamang.

Sa bawat araw na lumilipas ay nagigising ako nang madaling araw dahil palagi na lang nya binabanggit ang pangalan 'Nicole Gusto kong masaktan doon at palagi na lang nya akong niyayakap na mahigpit at inaakalang ako yung babae na nasa panaginip nya.

Naulit pa muli iyon pero hindi ko na lamang pinapasabi sa kanya at nag t tyaga na lamang. Kapag kakain kami ay palagi itong naka tulala at para bang ma iiyak kaya naman kino comfort ko na lang sya.

"Ako ang kasama mo, pero nasa iba ang isip mo." Isang araw nang mawala ako sa mood ay sumama ang loob ko sa kanya. Hinihiling na sana itigil na niya ang pag iisip sa babae na yon ngunit mas lalo syang lumala.

Ang akala ko ay magiging masaya na kami pareho ngunit nag kamali ako. "I'm sorry." Pag hawak nito sa kamay ko ngunit agad ko namang iniwas.

Hindi ko akalain na mapapamahal sya sa babae na iyon nang sandaling mawala ako. Gusto ko nang sabihin ang lahat na nasasaktan ako pero bakit hindi niya maramdaman iyon.

Isang beses na narinig ko siyang umiyak nang alas tres nang madaling araw. Napa bangon ako nang palihim at nakita ko ang wallpaper nya sa cellphone nya at tamang titig lang sya doon. Kaya naman humiga na lang ulit ako at nag panggap na tulog at umiyak nang tahimik.

Ilang beses ko na rin sya inaalagaan ngunit nang panahon na iyon ay hindi ko na naitago pa ang emosyon ko. Umiyak ako sa harap nya na syang ikinagulat nya sa pagkatulala. Sinubukan nyang hawakan ako ngunit ako na ang lumayo.

"Nicole" Pagsabi non sa akin at talaga naman ikinagulat ko nang maiiyak na rin sya.

Sinampal ko sya at yun ang gusto ko nang gawin matagal na. Para naman magising sya na hindi ako ang babae na iyon.

"For Pete's sake! Scott! Tigil tigilan mo na ang pag tawag nang pangalan sa babae na iyon. Please. Because I am not her and never be like her." Paghahagulgol ko at mukhang natauhan sya doon.

Ilang araw na wala kaming pansinan hanggang sa napag desisiyon kong makipag hiwalay na lang dahil alam kong parehas lang kaming magkaka sakitan at maghihirapan.

"Let's break up." Kalmadong sambit ko habang kumakain kami nang tanghalian. Sinabi ko iyon matapos namin kumain at mukhang hindi na sya nagulat doon.

Tinanggal ko na din ang engagement ring at binigay sa kanya iyon.

"You're not surprised huh." Pagmamataray ko sa kanya.

"I'm sorry. Don't leave me." Pagmama kaawa nito. Napahilamos na lamang ako nang mukha doon at hindi na naman mapigilan maiyak.

"Let me go, hayaan mo. Dadalhin kita sa kanya para matahimik kana at para na rin matahimik ang buhay ko. Sawang sawa na ako maka rinig nang pangalan nya mula sa yo!" Dere deretsong sambit ko na ikina tungo nya. " Ako ang palagi mong kasama, pero isip mo sya! That's why I'm breaking up with you dahil hindi ko na kaya." Pinunasan ko ang tumutulong luha ko at tumayo. "Don't worry, ako ang bahala kaila mom and dad. You're free now."

Matapos kong sabihin iyon ay dinala ko sya sa hospital. Hindi na ako magtataka kung kahit nasa malasyo siya ay update sya kay Nicole. Sinamahan ko sya hanggang taas at nang maka tapat sa pintuan ay nilingon nya ako na ka agad ko naman iniwas.

Nagulat ako nang yakapin nya ako. Pinigilan ko naman ang luha ko doon. "Thank you and I'm sorry." Yun lamang ang sinabi nya na ikina tango ko na lang. Tinapik ko ang balikat nya upang pumunta na roon.

"Thanks for the memories." Yun ang huling sabi ko bago ako maka alis.

Matagal ko nang tanggap ngunit mahirap talaga siyang pakawalan. Nag mahal lang din naman ako at nag paubaya para sa ikakasaya nya. Handa akong masaktan, makita lang ang taong mahal ko na may mahal nang iba.

Wala akong magagawa kundi ang tanggapin ito. Magsisimula ulit sa panibagong buhay.


Load failed, please RETRY

Kết thúc Viết đánh giá

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C41
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập