Lyn's PoV
"K-kuya."
"How are you, sis?" Malamig na sambit nito at pilit kong nilalakasan ang loob ko.
"I'm f-fine." Wika ko at tumango lamang ito bago bumalik sa Living room.
Napabuga na lamang ako nang hangin. Sa lahat nang pamilya si Kuya ang kinatatakutan ko. Well, si Daddy ay hindi naman mahigpit. Hindi ko alam kung makaka gala paba ako dahil nag balik na siya ngayon dito.
Pumasok ako nang kwarto at nagbihis. Mabuti na lang at hindi ako nangamoy aso kanina. My Kuya is 28yr old and my Ate is 25 Me is 21. 3 yrs ang abwat namin kapag pinagsama sama at ako ang bunso, kaya ganun na lang kahigpit si Kuya.
Panigurado ay sa susunod darating naman si Ate Klaire, ang Fiance ni Kuya. Sweet ang Kuya ko, ngunit kay Ate Klaire lamang at kay Ate Yvonne. Sa akin naman ay paminsan minsan pero hindi madalas.
Nang gumabi ay kumain na lang agad ako at natulog nang maaga. Kinabukasan ay nakatulala lamang ako sa kwarto ko dahil paniguradong hindi ako papayagan lumabas.
*Riinngg* (Tunog ng cp yan.)
"Hello, Xhloe."
"Nandyan na yung Kuya mo?"
"Oo, kaya naman naiinis na rin ako. Hindi na naman ako teen ager pero ang lakas pagbawalan ako." Halos pabulong ko nang sabi kahit gusto ko na talagang ipagsigawan iyon upang marinig nya.
"Kayo na lang ni Krisha."
"Sige sige, good bye sis."
"Bye."
Pagka ligo at ayos ko ay bumaba na ako upang mag almusal.
"Nasaan sina Kuya at Ate?" Tanong ko kay manang
"Ay nako iha, parehas umalis dahil busy daw sila."
"Sige ho, salamat."
Hindi na muna ako nang jogging dahil tinamad ako kaya naman kumain na ako bago lumabas at pumunta sa kapit bahay.
"Pupunta kaba sa kapit bahay?"
"Yes ho"
"Sige."
Nang mag door bell ako ay binati agad ako nang kambal ni Nerdy ko at deretsong pumasok.
"Aalis ako at pakibantayan na lang siya."
"Sure." Pansin ko na nakapang alis ito at dumeretso na labas.
Sana naman ay may pagkain dito, para man lang maipag luto ko siya. Nakakita ako nang bacon, egg, corned beef at hotdog. Pinirito ko ang mga iyon at gumawa na rin nang mga sangag.
Tinawagan ko ang assistant ko at inalam ang background ni Nerdy ko. Kaya paniguradong magigising sya sa amoy na niluluto ko.
Pinagtimpla ko na rin sya nang creamy white na kape. Hindi ko maiwasan mag imagine na swerte nang papangasawa nito kung marunong din mag effort at magluto katulad ko.
Nang matapos ang lahat ay inayos ko ang tali ko at tinaggal na rin ang apron at gloves bago umakyat sa kwarto niya.
Hindi na ako kumatok at agad ko nang binuksan. Nakita kong wala nang naka higa sa kama at paniguradong naliligo na ito. Napangiti na lang ako sa iniisip dahil paniguradong naamoy nya ang paboritong niluluto ko kaya agad itong nagising.
Nang marinig ko ang pag tigil nang tubig sa shower ay inihanda ko ang sarili ko. Nilugay ko ang buhok ko na hanggang bewang at pumunta sa kama nya at nag model doon.