Tải xuống ứng dụng
24.44% Chasing Her Smile / Chapter 22: Ricai’s New Profession 

Chương 22: Ricai’s New Profession 

Makalipas ang dalawang linggo,

"Tita Rica tapos na po."

"O—Oo andiyan na."

Nag punta naman sa sala si Ricai para puntahan si Baby na gumagawa ng assignment "tapos na po ako sa Math check nyo na po."

"O—Oo Baby."

At chineck nga ni Ricai ang assignment ni Baby kahit alam nya ng mali na naman ang sagot nito "ano po tama na?"

"Ha…ha…ha… ahm…malapit na Baby halos kadakit na."

"Po?"

"Ahm…Baby, kung bibigyan kita ng sampung apple at kukunin ko yung lima ilan nalang ang matitira sayo?"

Nag isip si Baby bago sya sumagot kay Ricai "ahm… five po."

Sa isip-isip ni Ricai "sa problem nakakapag tuos sya pero pag dating sa numbers lagi syang sobra ng isa. AHHHHH!!!"

"Tita Ricai?"

"Ha? A—Ano tama naman Baby kaya ganun din ang gawin natin sa assignment mo okay?"

"Opo."

Tamad na tamad naman ng turuan ni Ricai itong si Baby dahil pang 5x niya na ito at hindi parin nagiging tama ang sagot.

"Mukhang nagkakasundo po sila Miss at si Baby." Ang sabi naman ni Belj kay Chase habang nasa balcony sila at pinag mamasdan yung dalawa.

"Pffft… kala mo lang."

"Po?"

"To be honest kahit ako nakukulitan na sa batang yan pero si Ricai? Pinapantayan nya talaga ang kulit ng batang yan kaya ending parati syang pagod na pagod."

"Ehe… kawawa naman po si Miss. Eh kung kumuha nalang po tayo ng tutor para kay Baby? Para naman hindi na mapagod si Miss."

Ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Chase "ah… eh…ang aking lang po kasi…"

"Anyways, kamusta ang Barrio? Para atang wala pinapaaligid si daddy."

"Ahh…busy po ang daddy nyo."

"Busy? At saan naman bukod sa mga illegal nyang gawain?"

"Gaya po ng sinabi ko sa inyo nung nakaraan may babaeng parating bumibisita kay Chairman pero hindi pa ito nahuhuli ng daddy nyo."

"Huh! Ayos ah, mukhang matinik ang babaeng yon. Sige, ipahanap mo ang babaeng yon."

"Boss?"

"Gusto kong lalo pang maintriga si daddy sa babaeng yon kaya gusto kong tayo ang mauuna sa kaniya. Baka mamaya may kinalaman sya kay Mommy."

"Masusunod po Boss."

"At nga pala kamusta ang nanay at tatay ni Ricai?"

"Okay naman po Boss kaso ang tatay ni Miss hindi pa rin maayos ang kalagayan."

"Pero hindi ba gumising na sya?"

"Opo Boss, kaso hindi po nag sasalita parati lang pong nakatulala."

"Siguraduhin mong patuloy ang gamutan ng tatay ni Ricai ayokong mag alala sya."

"Opo Boss pero bakit hindi pa po natin sabihin kay Miss na…"

"Shhh…."

Bigla namang sumulpot si Ricai at narinig nito ang huling sinabi ni Belj "anong sasabihin?"

Nagkatinginan naman yung dalawa "a---ano si Boss po kasi Miss."

"Ano?!"

"Wag ka ng magluto dahil kakain tayo sa labas." Ang palusot na sambit ni Chase.

"Opo yun nga Miss na banggit po kasi ni Baby na gusto nyang kumain ng bingsu."

Na excite naman agad si Ricai dahil narinig nya yung salitang bingsu na paborito nya "talaga? Kakain tayo ngayon ng bingsu?"

"Ayan, diyan ka magaling eh no? Bilisan mo na at tapusin nyo na ni Baby ang assignment para makaalis na tayo."

"Yes Sir."

At pandalas na ng pasok si Ricai na excited na "tignan mo ang isang yon naniwala talaga?"

"Eh, Boss paborito nya kasi yon. Lam nyo namang bingsu lover si Miss kaya magiging masaya po talaga sya."

"Oh? Ano pang ginagawa mo? Mag book ka na ng resto."

"Ay, opo Boss."

***

Gabi ng nakauwi si Fernan sa kanilang mansion at lasing na lasing rin ito.

"Anong nangyare?" Ang pag salubong na sambit ni Eulla kay Dante na kanang kamay ni Fernan.

"Na sobrahan sya ng inom pasensya na."

Sa isip-isip ni Eulla "dapat hindi mo na inuwi ang gurang na yan dito."

"Ma'am?"

"Ah…sige ako ng bahala sa kaniya ibaba mo nalang sya sa sofa tapos makakaalis ka na."

"Sige po."

At nung papaalis na si Dante napansin nitong parang bihis na bihis si Eulla at mukang may pupuntahan kahit gabi na.

"Sige na makakaalis ka na ako ng bahala kay Fernan."

"Si—Sige."

Pero hindi agad umalis si Dante at nag antay lang sa kaniyang kotse at nag abang kay Eulla kung may pupuntahan ito o wala.

"Yaya!!!" Ang sambit naman ni Eulla na para bang sa kaniya ang buong mansion.

"Ano yon?" Ang sabi ni Felly isang yaya sa mansion ng mga Alcantara na dating kaibigan ni Eulla.

"Huh! Anong sabi mo? Ano yon? Hindi ba sinabi ko laging may "po at Madam" kapag ako ay inyong kakausapin?"

"Po at Madam? Na hihibang ka na? Hindi porket girlfriend ka ni Don Fernan eh sayo na ang buong mansion na ito! Dahil isa ka paring yaya sa paningin naming lahat!"

"Anong sabi mo?!" Sinabunutan nya si Felly pero hindi naman ito nag patalo sa kaniya.

"Bitawan mo ko!!!" Itinulak nya si Eulla at pinagbantaan "wag mo kong simulan Eulla bata palang tayo kilala na kita kaya kung ayaw mong mawala sa kung nasan ka man ngayon kaya kitang ilagay sa dati mong kinalalagyan!" then she walked out.

"FELLY!!!"

Habang papalayo si Felly naka salubong nya si Ysmael "Si—Sir…"

"Mukhang marami kang nalalaman kay Eulla."

"Ah…Ahm…A—Ano po kasi mag kababata po kami ni Eulla."

"Maari ba tayong mag usap kahit sandali lang?"

"Si—Sige po."

Samantala may nakita si Belj na isang babaeng kamukhang kamukha ng nanay ni Chase na matagal na nitong hinahanap.

"Ma'am Andrean?"

Nakasakay naman na sa kotse sila Chase at Ricai kasama si Baby at si Belj nalang ang inaatay nilang sumakay.

"Belj!!!" Ang sambit ni Chase na nasa front seat.

"Bo—Boss."

"Ano ba pang ginagwa mo? Halika na!"

"O—Opo andiyan na."

Hindi sinabi ni Belj ang nakita nya dahil hindi naman sya sigurado kung iyon nga ang nawawalang nanay ni Chase.

"Tito Chase…" Ang sabi ni Baby na nasa backseat katabi si Barbie.

"Ano yon Baby?"

"Are we going home na po?"

"Yes, may gusto ka pa bang bilhin?"

"Ahm… nothing po pero pwede po ba puntahan natin si Mommy?"

"Ha? I mean ngayon na?"

"Opo gusto ko pong makita si Mommy."

Napa tingin naman si Chase kay Ricai na para bang gusto nitong humingi ng tulong "cough… Baby, gabi na kasi hindi ba pwedeng ipagpa bukas nalang natin? May pasok ka pa bukas."

"Hmmm…pwede naman po kaso sabi kasi ni teacher kailangan ko may kasamang parents bukas."

"Ha?" Ang sabay na sambit nila Chase at Ricai.

"Sabi po kasi ni teacher may award daw po ako."

"Ikaw may award?" Ang nag dududang sambit ni Ricai.

"Cough… ano bang sinasabi mo?" ang pabulong na sambit ni Chase.

"So—Sorry Baby…A— Anong award ang ibibigay ng teacher mo?"

"Ms. Rose said kailangan kasama ko daw po parents ko hindi pa po nya kasi sinasabi eh."

"Ah…Ha…Ha…baby anong nga palang meron bakit may award ka?"

"Ohhh…alam ko na may tumawag nga pala sakin sorry Boss nalimutan ko pong sabihin sa inyo pero mukhang kailangan nga ni Baby ng parents bukas. Lam nyo na po bata problems." Ang sambit ni Belj at na intindihan naman nila Chase at Ricai ang nais nitong ipabatid.

Kaya pag uwi nila ng condo sinabi ni Belj kila Chase at Ricai na may nakaaway si Baby sa isa sa mga kaklase nito.

"Pambihira! Bata palang may kaaway na sya?" Ang sambit ni Ricai.

"Shhh…baka marinig ka nung bata." Ang sagot naman ni Chase.

"Tsss…tulog na nga diba sa kotse malamang tulog na tulog na."

"Paano po yun? Hindi pwede ang mommy ni Baby? Ako nalang po?" Sambit naman ni Belj.

"Hindi, kami na ni Ricai."

"Ano? Bakit pati ako kasama? Ako na ng ang tutor nya ako parinj ang guardian?"

"Sasama ka sa ayaw mo man o sa gusto."

"No! Ayoko!"

"Okay, ikaw rin minus 50K pa man sana."

"Ikaw naman hindi na mabiro. Ano bang oras?"

"Tsss… quick change eh no?"

"Ehe… sige tulog na ko baka magising kasi si Baby. Bye."

At pandalas na nga ng walked out itong si Ricai "hahaha…nakakatuwa talaga yang si Miss ang cute. Hehe…"

Ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Chase "ha…ha…ha… mas cute naman po si Baby. Di ba po? Hehe…"

"Tsss…"

"."

Kinaumagahan, maagang na gising si Ricai para mag luto…

"Oh? Gising ka na?" Ang bungad naman ni Chase kay Ricai na busy mag gayat ng bawang at sibuyas.

"Hinde, standee ko lang ito nagalaw di ba? Bwiset! Bakit ba ang aga mo?"

"Paki mo? As far as I know bahay ko ito di ba?"

"Tsss… umupo ka muna ikukuha na kita ng kape mo."

"Ayoko."

"Ha?"

"Wala ako sa mood mag kape init na init ako."

"Hmm? Anong nararamdaman mo?"

Hinipo naman ni Ricai ang noo ni Chase at naramdaman nitong "hindi ka naman mainit."

"Hindi nga pero sa loob pakiramdam ko sobrang init ko."

"Eh? baka hb ka. Sandali kukunin ko ang pam bp."

At kinuha nga ni Ricai ang pang bp at nakatingin lang si Chase dito at sa isip-isip nya "ilang linggo ko na ba syang kasama dito? Bakit parang ang tagal ko na syang kasama? Alam na alam nya na ang bawat pasikot sikot dito sa condo, alam nya rin kung nasan ang mag importanteng gamit at higit sa lahat kilalang kilala nya na rin ako. Pero… gang kailan ba kami ganito? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala pa sya sa tabi ko…"


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
lyniar lyniar

Okay sino ang team RiChase dito? Beke nemen penge po powerstones.

Char! (っ^▿^)

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C22
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập