Hindi binanggit ni Ricai kay Chase ang balak nyang baking business pero hindi naman ito naitago ni Belj kay Chase.
"So, yun pala ang balak nya."
"Ye—Yes po Sir pero Sir…"
"Don't worry wala akong sasabihin hahayaan ko lang sya at sabihin mo sa mga tao natin na wag na silang umorder ng pang breaktime nila ako ng bahala."
"Po?"
"Umorder ka kay Ricai ng lahat ng dessert na meron sya at dalhin nya kamo dito sa studio."
May shooting kasi ngayon si Chef Chase para sa kaniyang cooking show na pinamagatang "Chaselious"
"Pero Sir…"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Umorder ka kay Ricai ng pang buong team."
"So—Sobra naman po atang dami nun ang alam ko nasa 100 po ang tao dito sa set."
"So? Hindi ko na yun kasalanan tignan natin kung kaya nya! Isama mo na rin ang security dito pati ang utility at wala kang ititira!"
"Pe—Pero Sir more than 100 people na po yun kung kasama po sila."
"Wala akong pakialam dahil mag babayad naman ako yun naman ang gusto ni Ricai ang makaipon ng ibabayad sakin di ba?"
"O—Opo pero…"
"Gawin mo na!"
"Ye---Yes Sir."
"Tawagan mo sya ngayon rin!"
"Sir?"
"Bilis!"
"O—Opo."
At tinawagan nga ni Belj si Ricai habang nakikinig si Chase "opo Miss ganun pong karami kaya nyo po kaya?
Ricai: Hindi ko pa alam pero kkayanin ko.:
Belj: Tutulungan ko po kayo.
Pinandilatan naman ng mata ni Chase si Belj para sabihin wag tulungan si Ricai "ah…ahm…hindi po pala ako pwede mamaya may gagawin po kasi ako sorry Miss."
Ricai: Ayos lang ako ng bahala sige na ibababa ko na ito ha? Para makabili na ako ng mga ingredients.
Belj: Si—Sige po bye. Ingat po kayo.
Pagkatapos namang kausapin ni Belj si Ricai tinanong nya agad si Chase kung bakit nya pinahihirapan si Ricai "kilala mo ko at pag bored ako gusto kong malibang kaya tignan natin kung anong gagawin ng Ricai na yan."
"Sir, sorry pero bakit ang lupit nyo kay Miss? Hindi po ba nahuhulog na ang loob mo sa kanya?"
Tinignan naman ng masama ni Chase si Belj "are you tired?"
"So—Sorry po Sir."
"Ang ayoko sa lahat yung pinangungunahan ako at alam kong alam mo yan kaya kung gusto mo pa ng trabaho mo umayos ka!"
"Ye—Yes Sir patawarin nyo po sana ako."
"Get lost! Sinisira mo ang araw ko!"
"So—Sorry po talaga Sir!"
At umalis na nga si Belj at iniwang nakaupo si Chase ng biglang may lumapit na isang lalaki "bro, long time no see."
"Who are you?"
"What the?! Ako ito si Floyd."
"I don't know you at wala ako sa mood na mkakipag usap kung gusto mong sumama sa casting ng show ko ayun si direk yun ang kausapin mo. Get lost!"
"Aba't lukong ito! Hindi mo talaga ako nakikilala?"
"Wala akong pakilam kung sino ka man base sa suot mo hindi ka naman ganoong ka yaman kaya kung hindi kita ka level umalis ka na!"
"Aba at napaka yabang ng isa ito ah…"
May dumaan namang isang lalaking staff at tinawag yun niu Chase "hey…yes you!"
"Sir?"
"Palabasin mo nga ang isang yan hindi ba sinabi ko na sa lahat na ayoko ng may iisotorbo sakin kapag breaktime ko."
"Pe—Pero Sir, hindi nyo po ba sya nakikilala?"
"Wag ka ng mag aksaya ng laway mo sa hambog na yan ako ng bahala sa kanya."
"Si—Sige po."
At umalis na nga yung isang staff na lalaki "ho—hoy!!!"
"Tumigil ka na nga! Bata palang tayo ganyan ka na kaya ayos lang sige mag papakilala ako sayong baliw ka. Ako si Floyd ang sikat na chef vlogger kupal ka hindi mo ko nakikilala? Ako yung kaklase mo nung elementary tayo na tinulungan mo kasi nasira yung bag ko ng mga nambubully sakin. Hindi mo na ko naalala? Isinama mo pa nga ako sa mansion nyo tapos sabi mo "mamili ka na ng bag dyan ibibigay ko sayo ang magustuhan mo" ako yung batang nerd na tinulungan mo."
Tinignan naman sya ni Chase mula ulo hanggang paa "eh? ikaw na yung pobreng batang yon?"
"Maka pobre ka naman."
"Sandali lang ikaw na ba talaga yon? Ang liit mo nun di ba? Bakit parang mag kasing height na tayo."
Tumayo sya at sinukat ang height difference nila ni Floyd "hehe…uminom kasi ako ng pampatangkad lam mo na kumikita na kasi ako sa pag vlog ko kaya eto nakaka luwag-luwag na rin."
"What the?! Iba talag ang nagagawa ng pera pero you look cheap pa rin kumpara sakin."
"Tsss! Hindi ka na nga talaga nag bago napaka hambog mo pa rin pero ayos lang dahil tinulungan mo naman ako nung mga bata tayo tsaka nakasanayan ko na. Pero nag tampo ako sayo nun nung bigla ka nalang nawala isang araw."
"Ahhh…that day my dad and I went to New Zealand we lived there for almost a decade na rin siguro dun na ko nag aral."
"Wow! Iba talaga ang Alcantara."
"Well, I used to it itinakda talaga akong maging mayaman."
"Tsss…ewan ko sayo nga pala ikaw pala yung chef na makakasama ko?"
"Hmm? Wait, ikaw yung guest chef ko?"
"Lintek ka! Hindi mo talaga ako kilala? Sikat kaya ako sa youtube meron na kong 2Million ang counting na subscriber for your information."
"I don't care as long as hindi ka mas mayaman sakin."
"Haysss…iba talaga yang tabas ng dila mo kung hindi nga kita kilala baka nasapak na kita eh kanina pa."
"Sorry but you can do that I'm the most valuable person here ako ang star kaya you can't hurt me."
"Ewan ko sayo, anyways, pagtapos natin dito tara mag kape? So we can catch up?"
"Lemme think…depende kasi yan sa kapeng iinumin ko hindi kasi ako basta nainum ng kape ng mga commoner."
"Alam mo sasapakin na talaga kita."
"Hahaha…just kidding sige mamaya pero pwede bang sa condo ko nalang?"
"Okay lang sakin actually hindi pa nga ako gaanong sanay dine sa Manila i-tour mo naman ako."
"What? Ganyan ba talaga pag mahihirap?"
"Pag ako di talaga naka pag timpi papatayin na kita eh."
"Hahaha…ito naman para kang others sige akong bahala sayo titignan ko na muna ang schedule ko para masamahan kita. Saan ka nga pala natuloy ngayon?"
"Actually kararating ko lang ng Manila at dito na ako dumeretso kaya hindi ko pa alam kung saan ako mag papalipas ng gabi."
"Ohhh…I see wala ka bang kasama? Or secretary man lang?"
"Wala solo lang akong nag punta dito yung manager ko kasi bukas pa ang dating niya may inasikaso pa kasi sa probinsya."
"Ohhh…if you want I will book you to a hotel."
"Nako, hindi na may pwede ba akong rentahang room or apartment isnag linggo lang naman ako dine sa Manila."
"Ahhh…okay dun ka nalang sa condo ko if you want."
"Talaga? Baka naman nakakahiya."
"Tsss! Sanay na ko sa gaya mong probinsyano actually hindi lang naman ako ang nasa condo may kasama ako."
"Hmm? Sino?"
"Yaya ko."
"Ya---Yaya?"
"Yes, malalaman mo rin mamaya."
"O—Okay?"
***
Nang malaman ni Ricai na higit 200katao ang ipag be-bake nya ng cakes at mga brownies bumuli na agad sya ng mga kakailanganin nya at sya lang ang gumagawa ng lahat ng yon.
"My gosh! Kaya ko kaya yung 200 cupcakes? May brownies pa ko nagagawin tapos may cakes pa pero buti nalang at hindi 200 cakes wagas kung hindi gagahulin ako sa oras."
Haggard na nga agad si Ricai sa kahit nakaka isang oras palang syang nag be-bake "hayssss…dapat ata hindi kuna tinanggap yung sinabi ni Belj hindi ko ata kakayanin kung ako lang ang mag be-bake pero sure ako ng may kinalaman dito ang bwiset na si Chase. Nararamdaman ko sya talaga ng nag utos kay Belj para subukan ako. Hayyyyysss!!! Nakakainis talaga ang bwiset na yon! Malasin sana sya ngayong araw."
"Ding… Dong…"
"Sino naman kaya yung nag doorbell? Wala naman akong inaasahang darating."
At pag bukas nga ni Ricai ng pinto nakita nya doon si Tasha ang matalik nyang kaibigan simula pagkabata "Rica!!!"
Niyakap ni Tasha ng mahigpit si Ricai "kamusta ka na?"
"Ta---Tasha? Ikaw nga ba yan?"
"Um. Ako nga at alam ko na rin ang kwento mo."
"Ha?"
"Hindi mo ba ako pa papasukin man lang?"
"Ay sorry, sige tuloy ka."
Pag pasok naman ni Tasha sa condo nila Ricai at Chase namangha ito dahil ang laki pala nito at napaka ganda at na kwento rin niya kay Ricai kung bakit alam nya yung kwento nito "si Belj ang nag sabi?"
"Oo, hindi naman talaga kami close nun pero isang araw may pinuntahan sya dun sa may amin tapos ang sabi kung may kilala raw kaming Zenny. Tapos ayun alam mo naman ako dakilang tsismosa kaya tinanong ko kung bakit tapos ayun may nabanggit siyang lugar yung Barrio De Espenzo tapos ayun na ng asyempre nag kwento na rin ako sabi ko lumaki rin ka ko ako run then yun na nga na banggit kita."
"Ahhh…kaya pala."
"Oo yun na nga tas sabi nya kung mapag kakatiwalaan ba daw ako sabi ko oo naman bff ka ko tayo. At bakit naman hindi mo sinabi sakin ang about sa fake girlfriend mo kay Chase? Ang sabi mo sakin mag pupunta ka ng Saudi yun pala andine ka lang sa Manila."
"Sorry na, hindi ko naman talag gustong itago sayo naging busy lang ako dahil sa bwiset na si Chase."
May na amoy naman na parang may na susunog si Tasha kaya sinabi nya yon kay Ricai "Ay! Yung melted chocolate ko nga pala naka salang!!!"
Dali-dali naman si Ricai na nag punta ng kusina sumunod rin naman sa kanya si Tasha at nakita ng anila na sunog na yung melted chocolate "hayyssss…kainis!"
Napatingin namn sa lababo si Tasha "nag be-bake ka?"
"Oo ginawa ko na kasing business yung pag be-bake ko para makabayad sa utang kay Chase."
"Kailan pa? Hindi ba kinalimutan mo na ang pastry kasi ang gusto ng mga magulang mo maging accountant ka."
"Kahit naman ganun hindi pa rin nawala sakin ang hilig kong ito at ngayon ko ito kailangan ngayon para makapag ipon at makabayad ng utang."
"Yan ang fighting spirit girl gusto mo bang tulungan kita?"
"Talaga?"
"Oo naman anu pa't mag bff's tayo."
"Salamat ng marami kailangan ko talag ng tulong kasi ang dami kong kailangang i-bake."
"Pang ilang tao ba? Alam mo may konti rin akong alam sa ganyan eh."
"Pang 200 people."
"ANO?!"
Like it ? Add to library! (ˆ‿ˆԅ)