Gabing gabi na at hindi naman makatulog itong si Ricai kaya naisipan nyang lumabas ng kwarto nya at mag hanap ng pwedeng makain sa kusina.
"Hmm…bakit puro instant noodles ang laman ng ref?"
"Bakit marunong ka bang magluto?" Ang bungad ni Chase at nagulat naman sa bigla niyang pag sulpot si Ricai.
"Ano ka ba? Gusto mo bang atakihin ako sa puso dahil sayo? Bwiset ka talaga!"
"Tsss…parang kanina nung lumabas kang naka towel lang gumanti lang ako." Ang pabulong bulong na sambit naman ni Chase.
"Ano yon?"
"Wala! Bakit ba kasi nandito ka?"
"Nagugutom ako kaso bakit puro instant noodles ang laman ng ref natin?"
"Ref natin?"
"Tsss! Fine, edi ref mo! Humph! Makatulog na nga!"
Paalis na sana si Ricai sa kusina ng biglang hinarangan sya ni Chase "ano? umalis ka nga dyan!"
"Aba! Hindi ka na natatakot sakin!"
"Huh! Bakit kailan ba ko natakot sa isang gaya mo ha? Kapal nito!"
"Aba't!"
Hindi naman na naituloy ni Chase ang sinasabi nya dahil ang lapit ng mukha ni Ricai sa kanya kaya hindi na sya nakapag focus sa galit nya rito "ano?"
"Ahem…maupo ka at magluluto ako."
"Do you really cook? Kala ko for tv appearance lang ang pagiging chef mo?"
"Of course not! Hindi porket mayaman ako eh wala na kong skills sa pag luluto and I'm a real chef, bitch!"
Ricai smirked "ang yabang talaga sarap sipain ng pagmumukha nito." Ang pabulong bulong nya pang sambit.
"Just watch and learn."
"Hmmm…I'm bored what if mag challenge nalang tayo?"
"What challenge do you want?"
"Cooking."
"Then?"
"Kung sino ang mananalo may premyo."
"What? I didn't get you."
"Tatawagin natin dito si Belj para maging judge natin at ang iluluto natin ay something with noodles dahil yun lang naman ang marami dito sa condo kung ano lang ang meron yun lang ang gagamitin nating ingredients. Ano G ka?"
"Silly! As if naman mananalo ka sakin."
"Then let see! I will call na Mr. Belj para maging judge natin."
"Okay then, goodluck nalang sayo. But what about the price?"
"Kapag nanalo ako hindi mo na babanggitin ang utang ko kapag nag aaway tayo. Well, sure naman akong madalas tayong mag aaway ang sama kasi ng ugali mo!"
"Tsss! Fine! Do what you want as if naman na mananalo ka sakin buong buhay ko lagi akong nanalo."
"Whatever! Galingan nalang natin."
"How about me?"
"Oh, yes anong gusto mong price?"
Bigla naman syang hinila ni Chase "a—anong ginagawa mo? lemme go!"
"Kapag ako ang nanalo sakin ka na habang buhay."
Tinulak naman sya ni Ricai "baliw!!!"
"Why? Sa tingin mo ba makakaalis ka pa sa tabi ko?"
"Huh! Wag kang epal diyan! Kapag nabayaran ko na ang utang ng pamilya ko sa pamilya mo ayoko ng makita yang pag mumukha mo!"
"Oh, really?"
"Oo! Kaya wag kang pakasiguro na parati akong nasa tabi mo."
"Okay, sige kapag ako ang nanalo sa challenge na ito wala muna akong hihilingin na premyo."
"Bahala ka sa buhay mo!"
"Okay, sige na tawagan mo na si Belj para maging judge."
"Fine! Humanda ka dahil matatalo ka ngayong gabi!"
"Wag puro salita, gawin mo."
"Talaga!"
"."
Ganadong ganado si Ricai na mag luto dahil feeling niya matatalo nya si Chase na kilalang for show lang naman ang pagiging chef dahil ang katotohanan ay isa lang talaga syang walang kwentang chef. Ngunit, ang hindi alam ni Ricai at ng lahat ng nakakakilala kay Chase na magaling talaga itong mag luto tinatamad lang talaga sya kung minsan sa kadahilanang nawalan na sya ng ganang magluto nung iniwan sya ng babaeng pinakamamahal nya noong college sila.
"Belj!!!" Ang sambit nung dalawa na tapos ng magluto makalipas ang 45minutes.
"Ay kabayo!"
"Walang kabayo, kami lang ito sorry kung nakatulog ka na sa pag hihintay." Ang sabi ni Ricai.
"Ah…Ahm…nako, sorry po Miss."
"Sige na tikman mo na yung niluto namin galingan mo ha? Wag kang bias!"
"Yes, Miss."
"Wag kang matakot dyan sa boss mo akong bahala sayo kaya pumili ka talaga ng masarap ha?"
"Si—Sige po."
"Hayyssss…ang dami pang sinasabi sige na Belj simulan mo na."
"Ye—Yes Sir pero ano po ba ang tawag sa mga ginawa nyong noodle dishes?"
"Imma go first, bilang ako naman ang nanalo sa bato-bato pick."
"Tsss! Ano ka bata?"
"Wag ka ngang epal, challenge natin ito kaya kailangan talaga yon kahit ikaw pa ang unang natapos sakin. Bakit 2minutes lang naman ah?!"
"Ewan!"
"Tsss! Okay, Belj lemme present you may not so beautiful adobong noodles."
"Po? Adobo?"
"Um. Napagpasyahan kasi namin ni Chase na gagamitin ang mga makikita naming ingredients dito sa kusina kaya yan ang sakin."
"Pero… adobo po talaga yan?"
"Is that even edible? Look at your plating? Ni hindi mo man lang pinunasan yang bowl mo."
"Haysss…" Pandalas namang pinunasan ni Ricai ang bowl na nilagyan nya nung adobong noodles nya "na—nag panic kasi ako nung nakita kong tapos ka na agad. Tsaka bakit ba? yung lasa yung iju-judge ni Belj."
"Whatever! Sa prinsito ka ba nag papaliwanag? Crazy!"
"Ikaw!!!"
"Okay, okay…tama na po yan sisimulan ko na pong tikman ang niluto niyo Miss kaya sige na po wag na kayong mag alala diyan."
"Okie…sabihin mo talaga yung malalasahan mo ha? Promise, hindi ako magagalit kung di masarap."
"Ah…He...He…sige po."
At sinimulan naman na nga ni Belj na tikman ang kakaibang noodle na ginawa ni Ricai "wow!"
"How was it?"
"Hindi ko po akalain na pwede po pala talagang gawing adobo flavor ang noodle?"
"Why not? After all, noodles has carbohydrates and very versatile. So even you just put olive oil and pepper it will be good."
"Tsss! Hindi naman kailangan ng opinion mo bida-bida ka naman diyan! Si Belj ang judge dito at sino ka naman sa inaakala mo diyan? Si kuya Kim?"
"Heh! Sino bang boss satin dito ha?"
"Pakialam ko?"
"You!!! Ginagalit mo na talaga ko!!!"
"Si—Sir, calm down gusto ko na pong tikman ang niluto nyo. Para matapos na po itong kahibangan niyo."
"Ano?!"
"I…I mean ito pong challenge nyong dalawa."
"Nevermind , I cooked beef noodle stir fry."
"Huh! Ang arte, stir fry pang nalalaman pinirito lang naman…wa—wait! Bakit may beef ka? Wala naman akong nakita sa ref ah?"
"Why not? As far as I know condo ko pa rin ito kaya alam ko kung ano ang laman ng bahay na ito specially my personal ref!"
"What? May personal ref ka?"
"Of course! Hindi ka naman blind di ba? Hindi lang naman ang ref dito sa kusina ang nag iisang ref dito. Am I right Belj?"
"Belj?"
"Ah…eh…totoo po yun Miss. Nakikita nyo po ba yung picture frame ni Sir Chase dun sa labas ng kwarto niya?"
Tumingin naman si Ricai dun sa frame sa pader sa labas ng room ni Chase "wait, don't tell me may hidden ref don?"
"Finally you get it!" Ang proud na proud na sambit ni Chase at tinulak naman siya ni Ricai at nag tungo dun sa may frame.
"Hey! You can't open my personal ref!!!"
"Tsss! Wag kang madamot."
Hinanap nya kung saan pwedeng makita yung ref dahil sure syang nasa likod yun ng frame kaya kinapa nya at nung may nakapa sya na isang button sa may bandang ilalim nag bukas nga yung hidden personal ref ni Chase na sobrang daming laman na kung anu anong pagkain.
"What the? Are you a pig?"
"What? Sino pig ang sinasabi mo?"
Pinigilan naman sya ni Belj "Sir, kumalma po kayo."
"Wow…may icecream?" Kumuha sya at binuksan yung icecream without the permission of Chase.
"Ikaw!!! Ibalik mo yan!!!"
But Ricai licked the ice cream already "gusto mo? Luh! Asa ka!"
"How dare you!!!"
Pinigilan naman sya ni Belj "Si—Sir, calm down ice cream lang po yun."
"Anong icecream lang? Alam mo bang ilang linggo akong nag tiis na hindi gumawa ng cheat day? Tapos kakainin lang ng babaeng yan ang mamahalin kong ice cream? Hindi nya deserve!"
"Tsss! Ano namang mahal dine? Eh pangkaraniwang vanilla ice cream lang ito."
Nanggigil naman lalo itong si Chase kay Ricai "Belj bitawan mo ko! Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng yan."
Pero hindi sya binibitawan ni Belj at lalo naman syang inaasar ni Ricai na biglang nalaglag ang ice cream na kinakain nito.
"A…AHHHHHHH!!!! My baby!!!!" ang sambit ni Chase na para bang nag hihinagpis sa icecream.
"Ang OA mo naman wag kang mag alala lilinisin ko yan at papalitan ko bukas yang lintek na icecream mo. Kala mo naman kung ano na ang nawala maka react wagas."
"Alam mo ba kung magkano yung ice cream na sinayang mo?!"
"Correction,, hindi ko sinayang natapon pero infairness masarap. Sa tingin ko nasa 120 pesos yung isa nun syempre hindi ka naman basta kakain ng ice cream na mumurahin lang kasi yayabangin ka…este yayamanin."
"It cost $100, bitch!"
"Huh! Wag mo nga akong lokohin $100 na ice creram? Ano ka baliw para bumili nun?"
Sumesenyas naman sa kanya si Belj "Mi—Miss wag ka nalang mag salita."
"Belj! Add $100 sa utang nya sakin."
"Hey!!! Bakit mo i-aadd yung $100 na yon?"
"I'm not in the mood matutulog na ko. Belj, get the receipt at pakita mo sa babaeng yan then tell me about your verdict to my beef noodle stir fry, tomorrow."
"Yes Sir."
"Ho—Hoy!!!"
"Mi—Miss let him be."
At pumasok na nga sa room nya itong si Chase at hindi na nilingon pa si Ricai na nag uumalpas sa pagkakahawak sa kanya ni Belj.
"Miss, kumalma na po muna kayo…kayo naman kasi bakit kinain nyo yung ice cream nya?"
"Pero totoo talaga na $100 yung ice cream na yon?"
"Actually, mamahalin po talaga ang mga gamit ni Sir dito lalong lalo na po ang pagkain kasi sobrang metikuloso nya po."
Kinuha naman ni Belj yung receipt sa sa likod ng frame ni Chase at nakita nyang $100 nga yung ice cream "Mi—Miss may 5,200 po ba kayo?"
"Ha? Bakit?"
"Ere po oh, kayo nalang po ang tumingin."
At ibinigay nga ni Belj kay Ricai yung receipt at nakita nitong ang mamahal pala ng mga pagkain na nasa personal ref ni Chase kaya pala hidden ito "ANO?!!! $100 talaga yung lintek na ice cream na yon? Bwiset!!!"
"Pa—Paano po yun anong gagawin nyo?"
"Bwiset talaga sya! Bibili nalang ng ice cream kailangan sa ibang bansa pa?"
"O—Opo ganun po kasi talaga si Sir eh."
"May pagawaan ba sila ng pera? Grabe na ang kabaliwan nya!"
Off topic: Kayo anong paborito n’yong flavor sa ice cream? ʕ ͡❛ ͜ʖ ͡❛ʔ