Tải xuống ứng dụng
52.17% My Amazing Girl / Chapter 12: CHAPTER 12 - THE ANSWER

Chương 12: CHAPTER 12 - THE ANSWER

At dahil 200 na ang aking readers. I just want to thank you all for this. Sa lahat po ng nag-add sa kanilang list ng aking gawa na MY AMAZING GIRL, maraming maraming salamat po. Patuloy nyo lang pong abangan ang aking on-going na kwento.

Sobrang saya ko at hindi makapaniwala na mararating ko ang 200 readers. Sana po hindi po kayo magsawa na magbasa nitong ginawa ko po. You can vote and comment na rin po para po mainspired pa po akong tapusin ang aking sinimulan.

Masarap ang magsulat pero mas masarap palang isipin na may nagbabasa ng mga ginagawa mo. Nakakatunaw po ng puso ang ipinapakita nyo pong suporta.

Keep safe and healthy.

Love lots❤❤❤

Godbless you all.😇😇😇

And To God be all the Glory☝️☝️☝️

Ito na po ang Episode 12:

Dedicated to: cydjheff & Jovelaclan

Keira POV

Anim na Buwan ng nagtatrabaho si Keira bilang Driver at bodyguard at dahil ika-anim na buwan na ay gaya ng pinangako ng kanyang boss/boyfriend (Yes! boyfriend kasi hanggang ngayon nag-aact pa rin sya as girlfriend sa harapan ng pinsan nito at kaibigan maging sa harapan ng ama nito) kahit wala namang masyadong sinasabi ang binata tungkol sa pagiging sweet at clingy nito sa kanya ay hindi nya na binibigyan pa ng kahulugan pero minsan nagiging makakatotohanan na syang kumilos dito hindi rin naman nya masisi dahil todo alaga ng binata sa kanya.

Minsan kinikilig sya kahit ayaw nyang maramdaman kusang ipinagkakanulo sya ng katawan kapag sa harapan ng pinsan ay todo yakap nito minsan nga gusto na nyang itulak kasi sumusobra sa clingy at minsan talaga napaparami ang halik sa labi eh.

Basta alam nya nagsimula yun nung umamin ito sa kanya na sya ang batang niligtas nya at ng inalagaan nya ito mula sa pagkakasakit. Sya rin ay tinamaan din pala ng sakit nun at todo rin ang alaga nito sa kanya. Hindi na nga nya naabutan ang doktor na pinapunta nya sa pamamagitang ng assistant nito.

Nakakapanibago lang kasi nitong mga nakaraang linggo masyado na syang busy. Dumami kasi ang mga projects at nagsimula silang mag-bukas ng another agency sa ibang bansa for modelling. Kahit kasama siya nito ay masyadong nagugol ito sa pagtatrabaho. Kaya ginampanan na lang nya ang pagiging bodyguard slash driver na talagang ipinasok nya rito. Natutuwa rin sya para rito dahil unti unti na nitong nararating ang pangarap.

Kahit gabi ay nauunahan nya pa itong matulog dahil sa dami ng kanilang pinupuntahan perro syempre wala naman syang reklamo dahil ang ganda nga naman ng benefits na binigay sa kanya basta magawa lang nya ang trabaho nya rito.

At ngayon nga ay naghihintay na lang sya sa paggising dito. Nakaupo sya sa sofa ng kwarto nito at nagbabasa ng mga magazine. Pasado-alas nuwebe na. Sabi nya lang nito hintayin syang gisingin at may pupuntahan sila pagkatapos.

Nilapitan nya ang natutulog na binata. Nakatagilid ito paharap sa kanya kaya kitang kita nya ang mga talukap ng mata nitong nakapikit, ang tangos ng ilong nito at mapupulang labi. Ganun din ang jaw line nito. Napakakinis din ng mukha nito na animo'y wala man lang black heads or any blemishes sa mukha anu kayang sikreto nito. Natutuwa rin sya sa hilik nitong kung iba ang nakakarinig ay hindi makakatulog pero para sa kanya para iyong musika at kay gandang pakinggan ang weird nu pero nasasanay na sya dito.

Hahaplusin na sana nya ang buhok na tumatabing sa mukha nito pero agad din syang napapitlag ng unti unti ay bumukas ang mga mata nito. Sandali lang syang nabigla at aalis ngunit agad din syang napigilan nito sa kanyang palapulsuhan at hinigit palapit sa nakahigang katawan nito.

Nakatalikod sya ngayon dito habang ang kamay nito ay nakayakap sa bewang nya at ang mukha nito ay ibinaon sa kanyang leeg kaya naman nararamdaman nya ang init na nagmumula sa bibig nito. Napapansin nya ring tumatama ang labi nito sa kanyang leeg at maging sa kanyang tenga at batok.

Gagalaw pa sana sya ng higpitin nito ang pagkakayakap sa kanya naramdaman tuloy niya ang matigas na tumutusok sa bandang pang-upo nya na ikinamula nya.

"Huwag kang malikot baby, nagigising ang alaga ako." Napakagat sya sa ibabang labi at hindi nya alam kung sa salitang lumabas ba dito o sa boses nitong napakasarap pakinggan paggising.

Isa lang ang alam nya nakakakiliti ang presensya nito. Nakakabuhay ng buo nyang sistema na natutulog pa sa umaga. At tumatayo ang kanyang mga balahibo sa katawan nitong nakadaiti sa kanya.

"G-Good morning Boss, Nagising ba kita?" Napapautal na syang salita at Damang dama nya ang pag-iling nito na lalong nagpakiliti sa kanya dahil dumadampi lang naman ang labi nito sa kanyang batok.

"No, pero yung sa baba kanina pa gising na gising dahil sa presence mo." Habang inaamoy amoy nito ang kanyang leeg, batok at buhok.

Tumango lang sya bilang pag-sang ayon sa sinabi nito pero ang totoo di nya naintindihan ang sinabi nito.

"I miss you. I miss this. I miss hugging you. I miss sleeping with. I want to stay like this forever." Aba nakakarami na tong lalakeng ito ah. Pero nakakakilig pa rin talaga ang mga sinasabi nito. Aminin man nya ay unti unti na syang nahuhulog dito ngayon pa na nalaman nyang ito pala ang lalakeng niligtas nya nung bata pa sila. Kaya pala hindi na nya mapanaginipan iyon ay dahil matagal na pala nya itong nakakasama.

Ang nakakapagtataka bakit nararamdaman nya na parang humihina na ang powers nya. Hindi na nya masyadong magamit ng maayos ito at ang huli ay nung sinorpresa nya ito sa birthday nito. Napapakunot ang noo nya at hindi mawari pero siguro okey na rin iyon para isa na syang normal na tao baka hiram lang talaga nya ang powers na yun para sa lalakeng ito.

"As much as I wanted to be with you like this forever hindi pwede dahil may pupuntahan pa tayo." Naramdaman nya ang pagluwag ng yakap nito sa kanya at agad na umupo sa headrest ng kama. Sya naman ay humarap dito na nakahiga at nakabaluktot ang mga binti.

Nagkatitigan sila ng ilang saglit at binasag nito ang usapan. Napansin nyang lumalam ang mga mata nito at nakitaan nya rin ng desire lalo na ng mapansin nyang tumingin ito sa kanyang labi.

"Ituloy na lang kaya natin itong cuddling natin parang ayoko ng umalis. Gusto lang kitang makasama ngayon." Napaupo sya ng maayos at agad na tinulak ang dibdib nito.

Napakatigas nun. Sarap himasin pero pigilan mo sarili mo Keira. Masama magnasa sa boss. Saway nya sa sarili.

"Baliw ka ba. Walang tayo nu. Boss kita at driver slash bodyguard slash acting gf mo lang ako." Natawa naman ito sa inasal nya. Tumango tango pa bilang pag sang ayon sa kanya.

"Gusto mo ba totohanin na natin?" Napanganga sya sa sinabi ng binata. Nakaramdam sya ng pagbilis ng tibok ng pusi nya.

Nagbibiro lang ba ito ng nararamdaman kasi kung totoo yun kikiligin na sya pero kasi ayaw naman nyang umasa at paasa pa naman ito sobra.

Nakakabaliw na nga minsan kakaisip kung anu ba talaga sila. Buti na nga lang naging busy ito nitong mga nakaraang linggo kaya medyo umayos ayos ang isip nya at nagbalik sa normal ang tibok ng puso nya.

Dahil sa pagkakaawang ng labi nya ay mabilis nitong dinampian at agad na tumalon ito sa kama at nanakbo patungo ng banyo. Naiwan syang tulala sa inasal nito at napasapo ang palad sa halik na yun. Kahit matagal na silang naghahalikan iba pa rin ang epekto nitong lalakeng ito sa kanya.

Naiinis man ay wala na syang nagawa kundi ang umiling at ngumiti na parang nasisiraan na ng ulo sa kilig. Nakikinita na rin nya ang sarili na namumula dahil sa mabilis na pagdampi ng labi nun sa kanya.

Hindi pwedeng hindi sya makaganti. Aabangan nya ito at gagawin nya ang bagay na hindi nito inaasahan. Nasasabik sya sa magiging reaksyon nito kung sakali.

Ilang minuto lang ay lumabas na ito ng banyo at nakita nyang nakatapis ito at nagpupunas ng maliit na tuwalya sa buhok ng iwasiwas nito ang buhok para sa finale nito at inilagay ang tuwalya sa mga balikat.

Ngumisi sya at agad na tumayo mula sa higaan, napaatras naman ito ng lumapit sya ng dahan dahan dito.

"What are you going to do?" Nanlalaki ang mata nito na nakatitig sa kanya at umaatras.

Parang hindi prepared sa gagawin nya. Lihik syang natatawa sa napakagwapong mukha nito.

Hinila nya ang magkabilang dulo ng tuwalya sa balikat nito at hinila palapit sa kanya. Sinigurado nyang sa pag-tingkayad nya ay sasakto ang labi nito sa kanya. Pasimple lang dahil sa totoo lang ay nabitin sya sa halik nito.

Matagal na dumampi ang labi nito sa kanya at nakatitigan nya ang nanlalaking mga mata nito habang magkadikit ang mga labi nito. Kinuha nya ang tuwalya sa balikat nito at muling iginulo sa buhok nito.

"That's my answer baby." Kinindatan nya pa ito. Kahit sya ay nagulat din sa sinabi dito. Ibig bang sabihin ay sinasagot nya na ito. Napakibit balikat sya at hinayaan na lang kung makukuha ba iyon ng binata o hindi.

Nang aakma na syang tatalikod dito ay agad nitong hinablot ang bewang nya at niyakap sya ng mahigpit. Nagpupumiglas naman sya kahit may alam sya sa self - defense ay para syang nanghihina kapag ito na ang yumakap sa kanya o mapagdikit lang ang katawan nila.

"What do you mean? Baby?" Napakagat sya sa ibabang labi nya dahil mukhang na-gets nito ang sinabi nya.

"You mean, sinasagot mo na ako. Girlfriend na kita for real?" Masuyo nitong hinalikan ang batok nya at mahigpit na yumakap sa kanya.

"Ikaw, anu ba ang pagkakaintindi mo?" Denial pa nyang sagot dito. Ni hindi ito sinasagot ng derecho.

"You Kiss me and ------" napapikit sya a lambing ng pagsasalita nito na animo'y parang bata. napahinto ito sa pagsasalita ng pilitin sya nitong iharap sa gawi nito.

Hinapit nito ang katawan nya palapit dito kahit matangkad ito at hanggang leeg nya lang ito ay pilit nitong hinuhuli ang kanyang mga mata.

"What is the meaning of that kiss baby? And your word "that's your answer baby"?" Nagsign pa ito ng quoted sa hangin at nang makita nya ang mga mata nito ay may kislap at saya syang nabanaagan doon.

Tumango sya bilang pagkumpirma sa sinabi nya kanina. Sinasagot na nga nya ito. Pumapayag na sya na maging girlfriend nito for real. Hindi rin nya maintindihan kung bakit ang bilis din ng pangyayare pero sabagay ilang months na rin itong naniningalang pugad at aaminin nya may nararamdaman na rin sya sa binata.

"It means you like me?" Naninigurado at nananantya nitong tanung.

Hindi sya masalitang tao. Hindi sya sanay sa komprontasyon kaya gusto nya na gawin na lang at ipakita kung gaano nya kagusto ito kaya sinakop ng dalawa nyang palad ang magkabilang pisngi nito at muling inilapit sa kanya.

Bahagya nya ring naramdaman ang pagkagulat sa katawan nito pero naramdaman nya ang paghawak nito sa kanyang braso na at sinagot sagot na nito ang kanyang mga halik. Nang mahina nitong kagatin ang kanyang labi ay napaungol sya at umawang ang kanyang bibig na nagbigay daan para makapasok ang dila nitong animo'y sabik na sabik matikman ang paboritong pagkain.

"I like you Keira. Thank you for accepting me as your boyfriend." Banggit nito sa gitna ng paghingal nila gawa ng para silang nalulunod sa tuwang nararamdaman. Its a mutual feeling kaya napakasarap damhin.

Hahalikan pa sana sya ulit nito ng may kumatok sa pinto ng kwarto. Nagkatinginan sila at sa huli ay naisip nyang sya ang magbukas ng pinto para mabigyan ng oras na makapagbihis ang boyfriend nya na for real.

Nang buksan nya ang pinto ay bumungad ang kasambahay nito na may dalang pagkain. Naalala nyang hindi pa pala sila kumakain ng almusal at nauna talaga ang pagkain ng labi sa isat-isa kesa sa bigyang laman ang tyan.

Sabagay nakakabusog ang mga halik na yun na ginawa nila kanina pero mas natakam sya ng makita ang inihandang pagkain ni Manang Ling.

"Naisip ko po na dalhan na po kayo ng pagkain dito maam. Alam ko kasing naghihintay po kayo sa paggising ni Sir. Dale at nagugutom na po kayo kaya ito po dinalhan ko na po kayong dalawa." Napatango naman sya sa magandang loob na ginawa nito para sa kanila.

"Salamat po." Nahihiya nyang tugon dito.

Umalis na ito nang mailapag ang mga pagkain sa maliit na mesa na tama lang sa pangdalawahang pagkain.

"Saan ba tayo pupunta ngayon Dale?" Tanung nya rito ng maisara na ang pinto.

"Hmmm🤔" nakita nyang nagiisip ito na nakasandal lang sa isang dingding malapit sa closwt nito.

Tinaasan nya ito ng kilay. Napapailing na lang sya na natatawa ng makitang kinikibot nito ang mga labi at ngumunguso pa na parang gusto pa ng halik.

"Come here baby." Tawag nya rito. Sabay kumpas ng kamay na nagsasabing lumapit sya rito.

"I like that endearment. My heart melts everytime I hear that from you, baby." Hayst habang tumatagal nagiging expressive na tong lalakeng ito which is she likes the most about him.

"Lets eat na. Nagugutom na ako" napaupo naman ito sa tabi nya at hindi pa natuwa ay idinikit pa nito ang katawan sa kanya na parang pusa.

"Feed me baby." Paglalambing nito.

"May sakit ka ba ha?" Pataray nyang sabi dito at mas lalo pa itong inihilig ang basang buhok sa braso nya.

"Please." Paglalambing nito.

"Ganyan ka ba sa mga naging girlfriend mo?" Agad nyang tanung dito habang nilalagyan ang mangkok ng sopas.

"No, sayo lang. I don't know but I love to cuddle with you all day long. Ikaw lang ang ginanito ko. Sayo lang ako komportable." Dapat na ba syang tumili sa mga sinabi nito pero kailangan nya pa ring umakto na nasa maayos na pagiisip. Napapakagat labi sya.

"Siguraduhin mo lang na totoo yang nga sinasabi mo. Nakita mo to?" Itinaas nito ang kamao. "Tatama ito sayo." Natatawa naman itong yumakap sa bewang nya at mas lalong inihiga ang ulo sa balikat nya.

"Yes. Lahat po ng sinabi ko totoo Baby. Now feed me please?" Paglalambing pa rin nito sa kanya na hindi na nya matanggihan pa.

Nakakatawa para itong bata na bawat subo ay may halik sa labi na para bang reward nito iyon kapag naubos nito ang pagkain. Para na namang lumulukso ang puso nya.

Ngayon nya lang nakita ang Boss na grabe maglambing. Sana nga lang totoo ang mga sinabi nito na sya lang ang pinaglalamabingan nito.

Natapos ang kanyang pagsubo ng pagkain dito kaya sya naman ang kumain. Nag-ako pa ang nobyo na subuan sya pero tumanggi sya ayaw nya masanay na ginaganito sya nito kung ito ay komportable na sa kanya sya naman ay naiilang at nahihiya pero gusto nya rin namang masanay sa ginagawa nito para sa kanya pero hind pa ngayon.

"So whats the plan baby?" Agad nyang tanung dito. Nanunuod na sila ng movie sa Netflix: Kissing Booth. Nakahiga ito sa kanyang lap habang hinahaplos naman nya ang napakalambot nitong buhok.

Umayos ito ng upo at humarap sa kanya.

"The real plan is we were going to register you for Multi-Self Defense Training dahil tulad ng pinangako ko sayo nung tinanggap kita as my bodyguard na kasama sa benefits mo ang mga trainings and seminars. Yes you have boxing techniques but as my bodyguard you must know multi-self defense such as Arnis, martial arts, Judo, karate, and taekwando pero makakapaghintay naman iyon or pedeng bukas na naiba kasi ang nangyare. Naging tayo for real kaya napakasaya ko. Gawin mo akong body guard ng puso mo. Iingatan ko yan at hindi ko sasaktan. I promise baby. I will never hurt you. I will protect you as long as I can." Nakatitig lang sya sa mga mata nito na mababanaagan ng sinseridad sa mga sinabi lalo na sa mga mata na nakakasalamin sa nararamdaman ng tao.

"I am Still your body guard ah and your driver walang bago sa sweldo ko ah." Paniniguradong biro nya rito.

"Oo naman baby. Kapag work, work. May oras para sa lambingan katulad ngayon at may oras anu----" hindi na nito naituloy ang pagsasalita at ngumiti na lang na parang inamin na ang pagkatalo.

"Hindi ko pala kaya. Haha... Kahit bodyguard at driver kita, mangingibabaw pa rin ikaw as my Girlfriend kaya asahan mo na mas malambing na ako sayo kapag magkasama tayo." Malumanay nitong saad sa kanya habang taimtim na nakatitig sa kanya.

Nagiinit ang gilid ng kanyang mga mata at wala na ang focus sa pinapanuod. Yumakap sya dito na animo'y ito lang ang nakakaintindi sa nararamdaman nya. Naramdaman nya rin ang pagyakap nito sa kanya ng ng mahigpit.

"Thank you Dale. Thank you so much for liking me and for accepting me as your girlfriend though I think I don't deserve it." Iniharap sya nito at pinahid nito ang kanyang mga luha.

"No Keira. Ako ang dapat na magpasalamat dahil tinanggap mo akong boyfriend mo kahit andami kong sinaktang babae o mas nakilala mo ako sa pagiging babaero. Im so thankful to have you kaya hindi ko sasayangin ang pagpili mo sakin. I'll do everything for you just to make you happy." At yumakap pa syang muli dito.

Sa mga pagkakataon na yun ay nakaramdam sya ng kontento. Kontento sa mga bisig ng kanyang nobyo. Naramdaman nya na kahit anung mangyare ay hindi sya nito kailanman pababayaan at protektado sya nito sa lahat ng bagay.

"I have a question." Humiwalay sya sa pagkakayakap dito at tinitigan ito sa mata.

"Yes baby. Anything." Tumango tango ito at inipit nito sa kanyang tenga ang kanyang buhok na nagkalat na sa kanyang mukha.

"Would you still accept me even if my powers are gone?" Mataman syang tinitigan nito.

"Baby, with or without powers. I always accepts you. Bonus lang yang powers mo at syempre ang ganda mo because what I like you about is all of you. The whole you. Nothing more nothing less." At ang mga salitang iyon ay nagpatunaw sa kanyang puso.

Mas lalo na nga nyang minamahal ang lalakeng ito. Hindi na pagkagusto na parang isang student na may crash sa kanyang kapwa student kundi ang hindi matatawaran na pagmamahal na ginagawa nito araw araw para sa kanya.

Dahil kahit hindi pa sila noon ay aaminin nyang nararamdaman nya ang concern, care, and pagiging committed nito sa kanya dahil kahit kailan hindi nya na ito nakitang nakikipaglandian sa ibang babae kundi sa kanya lang. Pinatunayan nito na sya lang ang babae sa kanyang mga mata.

Naipagdasal nya na sana ganito na lang palagi. Napakasarap talaga sa pakiramdam na parehas kayo ng nararamdaman. Walang may higit at walang may kulang. Hindi man nya sabihin dito dahil hindi naman sya ganung expressive na tao ay ipapakita nya na lang na kaya nya itong protektahan kahit buhay pa nya ang maging kapalit at syempre hindi nya hahayaang masaktan ito or umiyak ito katulad ng dati. She will guars his heart like what he did told her a while ago that makes her heart beat run in a race and melts like ice cream once it was taste and touch the sunlight.

Naramdaman nya ang pagvibrate ng cellphone nito sa mesa.

"Baby answer your phone, Lloyd is calling." Wait what? Her cousin is calling? Sasagutin ba nya or ito na lang ang sasagot.

May bahagi rin sa kanyang isip ang pag-aalala at kaba kung bakit ito napatawag dahil nga sa kalagayan ng asawa nito dala ng maselang pagbubuntis.

"Please answer the phone for me baby and kindly put it in a loud speaker." Agad naman nyang ginawa ang sinabi nito. Inilagay nga nya sa loud speaker ang tawag ng sagutin nya ito.

"Hey Dale. Bea here. I just want to invite you two for our baby shower. Lam mo na lapit na lumabas si baby in just a month." Nagkangitian silang dalawa ng marinig ang balita.

"Yeah no worries. Just message me the details. Hindi talaga kami mawawala jan ni Keira ngayon pa na kami na for real." Pinanlakihan niya ito ng mata ng i-emphasize pa nito ang word na "REAL" habang ito ay tatawa tawa namang nakatitig sa kanya.

"What do you mean for real? Duh Dale. it means fake lang pinapakita nyo sa amin dati. Ang galing nyo ah! Napaniwala nyo kaming kayo. Hindi talaga namin kayo nahuli na nagkukunware. Double celebration pala ang mangyayare. Im so happy for the both of you. Bagay na bagay naman talaga kayo eh. Di ba Honey? Sabi pa nga namin ay sana kayo na talaga sa huli." Tawag nito sa pinsan nya.

"Yes babe. Simula pa lang ng makita ko yang dalawang yan alam ko na may namumuo ng maganda at malalagkit na tinginan." Narinig pa niya itong naghagikhikan.

"Loko ka Lloyd." Saway nya lang sa kanyang pinsan.

Narinig naman nya ang pagtawa ng pinsan nya sa kabilang linya. Kinurot nya pa ang nobyo sa tagiliran nito dahil nakikitawa na rin sa animo'y kausap lang nila ng harapan.

"Okey. Enjoy your day together. I'll message the details. Bye." At naputol na ang linya. Tinitigan naman nya ng masama ang nobyo pero sa kabilang banda ay narelieve sya dahil okey lang ang kalagayan ni Bea.

"What?" Nagtatanung ang mga mata nito at parehas nakaunat ang noo at kilay.

"Ikaw ba't kailangan mo pang sabihin yun. Hindi mo na sana sinabi yang for real." Nahihiya nyang saad dito.

"Why? Eh proud lang naman ako na girlfriend na talaga kita for real. Girlfriend ko na si Keira Marie Alessandro. Yahoo!" At sumigaw pa na agad naman nyang tinakpan ang bibig nito.

"At Boyfriend ko na rin Si Dale James Lagdameo. Yes!!!!" Sigaw nya rin at nagtawanan naman sila ng magkatitigan.

Agad sya nitong kinabig palapit sa katawan nito. Napakainit ng mga yakap nito. Yakap na tila mawawala sya kapag binitawan sya nito.

"You know what Baby? Kinabahan ako sa pagtawag ni pinsan kanina pero napalagay din ang loob ko dahil maayos naman si Bea at Baby shower pala." Nakahinga sya ng maluwag ng malaman kung bakit napatawag ang mga ito.

"Yeah me too baby. Hindi mawawala yang kaba na yan satin hanggat hindi sya nanganganak ng maayos. But you know what baby? I love that side of you po. Being concern and thoughtful and syempre understanding. Ang blessed ko talaga sayo." At muli na naman itong sumubsob sa kanyang leeg habang nakayakap sa kanyang bewang ang mga braso nitong matitigas.

"Blessed din ako sayo Dale. Walang halong biro. You are one of a kind." Balik nyang saad dito na sumagot din sa yapos nito sa kanya.

Buong magdamag lang sila nag-cuddle at wala ni isang may gustong lumabas ng bahay. Parehas ginusto na makasama lang ang isat isa at damhin ang pagmamahalan na patuloy nanumuusbong sa kanilang dalawa.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C12
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập