Tải xuống ứng dụng
6.25% Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 4: Kabanata 3: Wala na ang reset

Chương 4: Kabanata 3: Wala na ang reset

(Hiraya)

I took a deep glance at her eyes. Peering into its depth, wanting to know what's going on inside her mind.

"..."

"..."

"I'll tell the most important thing, wag kanang magtanong. Pero wala na akong sapat na oras."

Oh my. Okay now what?

Tumango ako.

Bumuntong hininga siya.

Lumikot yung mata niya, iniisip yata kung saan niya sisimulan ang ilalahad niya.

"Gaya ng sabi ko. Wala nang susunod pang reset." Tumingin din siya nang malalim sa mga mata ko.

Okay.

"Naiintindihan mo ba kung anong ibig sabihin non?" She had that serious questioning face.

Well, yeah! I guess? Or not?

"Hindi ko na babanggitin pa yung mga alam mo na. Isa lang ang alam kong hindi mo maiisip sa ngayon. This place is doomed."

What's with the sorry face. Doomed? In what way? Hmm.

"What's coming before everything ends here is not important for now. What will happen sa lugar na ito sa ngayon ay ang dapat mong malaman."

Okay.

"Magiging impyerno ang skwelahang to."

'Wow, parang hindi naman impyerno para sakin tong school.' I wanted to say that but, na, forget it.

"I developed something. Krrr.. Ksszzzttt."

Wat da fudk? That's it?

"Ah, there's not much time."

[ARRGG!!]

"Just try to survive first in this place. And maybe. Just maybe. You'll have the thing that you're wishing for. Ang pangalan ko ay Mayari, at tatandaan mong walang tutumbas sa pagmamahal ko sayo... maghihintay ako..."

Before she faded, I heard her telling me her name. I freaked out.

Not because of her name but because she told me she loved me!

Who the fuck is that bitch anyway. The fuck she's loving me for. The fuck she's saying? Impyerno. Survive. This place? Developed something? That mother fucker is nuts. The thing that I wish for?

Ah. Parang sasabog utak ko dahil ang gulo ng mga sinabi niya. Ang init ng mukha ko, pero bakit? Ah shit, I need to go to the CR. Whatever!

Patakbo akong naglakad papunta sa direksyon ng CR.

Nagmamadali ako pero hindi ko naman talaga kailangang umihi o tumae. Gusto ko lang maghilamos dahil pakiramdam ko nasusunog ang mukha ko. Is this blushing? The fuck am I blushing for?

What an embarassing moment that is, ah it's getting annoying.

Napabuntong hininga ako habang binubuksan ang pintuan ng CR. Nasa pangalawang palapag ito ng senior's building, dulong kanan. Bihirang gamitin itong CR na ito, lalo na kapag may klase tapos malapit nang matapos ang pasukan, kaya ako lang ang nandito.

Honestly, exited din talaga ako para sa bakasyon. Nakaplano na lahat ng gagawin ko.

Online games sa umaga.. sa tanghali.. hanggang madaling araw. Pero mukhang hindi ata matutuloy ang mga plano ko. Enough for that. First, I need to remove this burning feeling on my cheeks.

Napatingin ako sa kaliwa't kanan, sa kanan ko ay may dalawang cubicle na nakasara ang pintuan at katapat non ang tatlong urinal. Sa kaliwa ko naman ay ang sink. Agad kong binuksan yung gripo, dumungaw sa sink at ginamit ang tubig na lumabas sa gripo at pinanghilamos.

Ahh, that's better.

I saw myself from the mirror when I stood up, though hanggang leeg ko lang. Basag ang salamin at nakakalat ang mga piraso sa lapag.

Ah who did this?

Hindi ako nagmamadali kaya balak kong gugulin nalang yung natitirang oras ko dito sa CR, babalik nalang ako mamaya bago tumunog yung bell.

Yumuko ako at nilapit ang mukha ko sa salamin. I really got a messy hair do I? My deep sunken eyes with a dark circle around it. Lubog na pisnge tapos maputlang labi.

I really do give that vibe. Mukha akong adik. Yeah whatever.

My character in 'scenarios' ay yung tahimik na lalaki sa pinaka-dulong-gilid ng klase. Yung background character lang na walang papansin. I don't hate it though, I personally like my character in the 'scenario'. But thats when I'm inside the 'scenario', I was not like this when I first awakened...

Flush!

Napatalon ako bigla at lumingon kung saan ko narinig yung tunog ng flush.

Is this going to be a horror genre now?

Kinalma ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Imagination ko lang ba? Baka wala lang? Pero..

FLUSH!

Damn!

I squatted down, sinilip ko kung may paa sa cubicle na pinanggagalingan nung flush. Wala!

"Am I going crazy now?"

-----

Pilit mang sabihin ni Hiraya sa sarili na umalis nalang pero hindi napigilan nang rumaragasang kuryusidad niya ang kanyang mga paa na humakbang at lapitan kung ano man ang nandoon sa loob ng cubicle.

Pinili ni Hiraya na idistansya ang sarili niya bagamat gusto niyang buksan na ang pintuan.

Narinig ni Hiraya ang tunog na parang may basang bagay na tumapak sa bowl. Narinig niya muli ito at sa pagkakataong ito ay lumapag naman iyon sa tiles.

Nasilip ni Hiraya mula sa pwesto niya ang pares ng mga paa. Nanlaki ang mga mata niya dahil imbes na pares ng sapatos na siyang inaasahan niya ang lumabas ay pares ito ng maliit at berdeng paa.

'WTF is that?' Kumislot ang mata ni Hiraya habang patuloy niyang iniinspeksyon ang pares ng paa.

Muling tumunog ang flush at nang matapos iyon ay bumukas ang pintuan ng cubicle.

[Duwende ?????]

Isang maliit na nilalang ang nakita niya at kulay luntiang berde ito.

'That bitch is a what?' Takang tanong ni Hiraya sa sarili habang iniinspeksyon ang nilalang.

Ang maliit na nilalang na kulay berde ay kasing laki ng isang batang edad 2. Puno ng matatalim na pangil ang bibig nitong nakabuka. Ang mga mata nitong hawig sa mata ng kambing ay nakatitig kay Hiraya. Kalbo ito at may mangilan-ngilang bilog-bilog na parang kulugo sa mukha.

Napadapo ang mata ni Hiraya sa pang-ibaba nito at napangiwi siya.

'I better not describe that.'

Bagamat hindi maintindihan ni Hiraya kung bakit biglang may lilitaw na nilalang sa loob ng cubicle ay hindi iyon ang pinaka-pinagtuunan niya nang pansin.

'Duwende' Basa niya sa lumulutang na sulat sa itaas na parte ng nilalang. Gaya ito sa mga madalas niyang nilalarong Role Playing Games. Bago pa man mapuno ng tanong ang utak ni Hiraya ay narinig niyang nagsalita ang nilalang.

"Gruu Graa!" May inabot ang nilalang mula sa likod nito, isang matalim na bagay.

'Fuck this bitch has a weapon?' Napaatras si Hiraya at tumama ang likod niya sa pader. Naging hudyat naman iyon para sugurin siya ng galit na Duwende. Sa isang normal na tao siguro ay mabilis ang pagsugod ng duwende pero sa mata ni Hiraya ay para itong sanggol na sumusubok pa lamang tumakbo, yun nga lang ay may hawak itong armas.

Pinisil ni Hiraya ang lubog niyang pisnge gamit ang hinlalaki niya sa kaliwa at ang hintuturo sa kanan habang iniisip kung ano ang susunod niyang gagawin.

'This duwende is slow. Is this thing strong?'

Nagsimulang umikot ang mga engranahe sa utak ni Hiraya habang pinagmamasdan niya ang duwende. Nang malapit nang matamaan ng duwende si Hiraya gamit ang armas nito ay umatras pakaliwa si Hiraya, pinatid niya ito gamit ang kanang paa niya na siya naman nagpatumba sa duwende. Tumama ang mukha nito sa pader at nahulog ang armas nito sa lapag.

[-5 Hp]

'Oh my. That bump damaged it? It's slow, dumb but that stab has some strength in it.'

Nabitak ang tiles na tinamaan ng atakeng ginawa ng duwende.

Dumugo ang mahabang ilong ng duwende na siyang naging mitsa nang mas matinding galit nito. Muling sinugod ng duwende si Hiraya matapos nitong pulutin ang armas sa lapag. Dahil inaasahan ni Hiraya na tatakbo muli ito upang atakihin siya ay nagulat siya nang bigla itong tumalon papunta sa direksyon niya. Nasangga ni Hiraya ang armas pero hindi ang lakas na dala ng pagtalon ng duwende sakanya. Tumalsik siya at natumba sa lapag pero bago siya bumagsak ay tumama ang ulo niya sa dulo ng sink.

[-32 Hp]

Nahilo si Hiraya dahil sa pagkaka-untog.

Tila naging dalawa ang duwende sa paningin niya.

Nakangiti ito sakanya na parang demonyo.

Nagsimula muling lumapit kay Hiraya ang duwende at sa pagkakataong ito ay nag-sink-in sa utak ni Hiraya ang mga sinabi nung babae. 'Wala na ang reset.'

Ano mang sugat, galos, gasgas o bali ang matanggap ni Hiraya ay hindi na babalik sa dati ang katawan niya.

Nahintakutan si Hiraya sa kanyang napagtanto. Hindi niya napigilang manginig ang katawan niya. Nagsimula siyang gumapang papunta sa pintuan. Nilamon nang takot ang utak niya at hindi na niya alam ang susunod niyang gagawin. Ang gusto na lamang niya ay tumakas sa lugar na ito.

"Ahhhhh!" Isang napakalakas na sigaw ang pinakawalan ni Hiraya.

[-12 Hp]

Sinaksak siya ng duwende sa kanyang hita at bumaon doon ang armas. Nakangiti ito at tumatawa. Tila natutuwang nahihirapan si Hiraya.

Tumulo ang luha ni Hiraya dahil sa sakit na dulot ng pagsaksak sakanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa takot at kaba, pakiramdam niya ay tumitibok na rin ang kanyang utak dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang ulo.

"Just try to survive."

Isang tinig ang narinig ni Hiraya sa kanyang isipan. Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig, pero hindi sapat iyon para alisin ang takot na kanyang nararamdaman. Tiningnan niya ang duwende na nagtatangkang pumatay sakanya.

'Ako ang bobo, shit! I need to survive this! What to do? What to do?'

Sa mga RPG games na nilalaro ni Hiraya ay halos ubusin niya lahat ng mga maliliitna mobs na nakikita niya sa mapa. Kapag nakakita siya ng isa, papaslangin niya ito, kapag nakakita naman siya ng lima, papaslangin niya silang lahat. Tila nagkabaliktad na ang role nila. At hindi ito isang laro, totoong buhay ang nagaganap ngayon kay Hiraya.

Patuloy ang paggapang ni Hiraya papunta sa pintuan, tumama ang kamay niya sa isang bagay at napansin niyang piraso iyon ng salamin. May kalakihan ito at pupwedeng gamiting armas.

Pinulot iyon ni Hiraya at iwinagayway sa duwende. Tinamaan ito braso at napaatras.

[-8 Hp]

Tila nabuhayan ang kaluluwa ni Hiraya. Pinilit niyang maupo, inabot niya ang sink at ginamit iyon upang tuluyang makatayo, sumandal siya roon at muling inobserbahan ang duwende.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C4
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập