THIRD PERSON'S POV🎯
Nang makarating sa principal's office, agad na binuksan ni Ace ang pintuan at nang makapasok ay dire-diretso itong tumungo sa table ng kanyang Tita Celeste na naabutan niyang nakaharap sa isang computer. Ini-check nito ang kuha ng CCTV na nakalagay sa bahagi kung nasaan ang locker dahil sa tinawagan ito ni Ace kaninang umaga para gawin ito.
"Almira Resos, Grade 9-A," basa ni Celeste sa profile nito na lumabas nang i-click at ini-scan niya ang zoomed picture ng estudyante.
Tiningnan naman ng mabuti ni Ace ang picture para kilalanin ito dahil sa kailangan niya itong hanapin at kausapin.
Napailing na lamang siya. "She looks so harmless," puna niya. Sa isip nito ay inutusan lamang ang babae para ilagay ang letter sa locker ni Xeña.
"You think? Then how about this?" Inabot sa kanya ni Celeste ang cellphone at ipinakita ang isang post sa page na ginawa exclusively for those who were in Faulker Academy particularly to students, teachers, and even administration. Kaya naman, dahil sa page na ito, ang mga nasa loob ng Faulker Academy ay nagiging updated sa kung anong nangyayari sa loob ng campus, mapa-academics man o kahit personal na bagay ay nalalaman din. One more thing, mostly, the students here use both real and dummy accounts. The real for a good purpose then the dummy one is if they have an intention to attack someone in the school secretly.
"I need to check this."
"Use the computer then," alok sa kanya ni Celeste at umalis sa tapat ng computer. Dali-dali naman siyang pinalitan ni Ace sa puwestong iyon at nagsimula nang mang-hack para alamin kung sino ang nasa likod ng dummy account na iyon. Matapos ang ilang minuto ay natapos din siya.
"Not that girl," saad niya bago umalis sa puwestong iyon at mabilis na lumabas ng opisina nang hindi nagpapaalam.
Pagdating sa cafeteria ay agad niya ring napansin si Almira na nakapuwesto sa harapan pero sa kaliwang bahagi, sa pinakadulo at mag-isang kumakain sa isang table na para sa dalawang tao lamang. Diretso itong lumakad papunta roon at hindi nito inalintana ang atensiyon na nakukuha niya mula sa lahat ng estudyanteng naroroon. Napansin rin siya ng kanyang mga barkada maliban kay Xeña na nakatuon ang tingin sa cellphone ni Kaizzer.
Hinatak niya ang bakanteng upuan na nasa table ni Almira dahilan para mapatingin sa kanya ang babae nang may gulat at pagtataka pero agad din siyang napaiwas ng tingin at napatungo dahil sa nakaramdam ito ng takot sa presensiya ni Ace.
Umupo si Ace sa silya habang blangkong nakatingin sa babae.
"You're the one who put the letter in Xeña's locker," diretsong saad ni Ace sa kanya. Napakagat-labi ang babae para pigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Iniisip na nito na kaya siya kinakausap ni Ace ay dahil sa ideyang siya ang pagbibintangan nitong nasa likod ng post na patungkol kay Xeña.
"But you're not the one who created that post." Agad siyang napaangat ng ulo at gulat na napatingin kay Ace.
"P-pa..paan-"
"Who told you to put that letter in Xeña's locker?" Mabilis na tanong sa kanya ni Ace dahilan para muli itong iiwas ang tingin.
"I c-can't t-tell you."
Napatingin si Ace sa isang table na malapit sa kinauupuan ng Scarlet Primos partikular sa isang babae. "Afraid of that person?" Tanong niya bago muling ibalik ang tingin kay Almira. "You're bullied, right?" Nakatungo na si Almira at hindi na nito napigilan ang kanyang pagluha.
"I won't if I am not," sa isip ni Almira.
Napatayo na si Ace at napatalikod na rin. "Follow me. I want you to point who the girl is."
Napailing si Almira bago muling iangat ang kanyang tingin kay Ace. "You already knew pero bakit mo pa ako pinipilit na magsalita?" Sa pananalita niyang iyon ay hindi na niya naiwasang mainis sa ikinikilos ni Ace lalo na't nahimigan niyang may alam na ito kahit hindi niya sabihin kung sino. Ba't pa nga ba niya pinipilit kahit alam na niya eh mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon? Kapag nagsumbong si Almira, paniguradong sasaktan siya.
Humarap muli sa kanya si Ace at natigilan na lamang siya nang magtama ang tingin nila. "I want you to fight, little girl. So be brave if you really that much worried for yourself." Sagot sa kanya ni Ace nang wala mang bahid na emosyon sa mukha at lumakad na ito papunta sa table kung nasaan ang babaeng gumawa ng post na iyon tungkol kay Xeña. At habang papalapit siya sa puwestong iyon, itinuon niya ang kanyang tingin kay Xeña na sinusundan rin siya ng nagugulumihanang tingin. Inalis niya lamang iyon nang nasa harapan na siya ng table kung saan may apat na babaeng nakapuwesto. Gulat namang napatitig sa kanya ang apat.
"Uh, Ace. Naligaw ka yata ng table?" Tanong sa kanya ng isang babaeng unang nakabawi sa pagkagulat. He just stared on her blankly but he smirked when he felt Almira's presence beside him.
Napataas naman ng kilay ang babae habang nakatingin kay Almira.
"Do you have something to say Almira?"
She nervously pointed her finger to that girl.
"It's her. She t-told me to put the letter in Ate Xeña's locker," she said then put her hands down while bowing her head. "And I think she's the one who created that post since I caught her taking a photo of it before she could hand the letter to me."
Upon hearing that revelation, Xeña immediately went to the girl's side then grabbed its hair making her to stand up. Iniharap ni Xeña ang mukha nito sa kanya at nanlilisik na tinitigan habang ang babae naman ay gulat na gulat sa agarang kilos ni Xeña. Sinusubukan nitong alisin ang pagkakahawak ni Xeña sa buhok niya. "Aray, ano ba!" Galit na sigaw niya.
"Why did you do that?"
"Hindi ako yun!"
"Don't deny it, Villaruel. I had hacked the account," Ace pointed out.
"Alright, walang kawala," nakangising komento ni Fredrich. Maging ang tatlong lalaki ay napapailing at napapangiti ng nakakaasar.
"W-wha--"
"You know nothing with that letter, bitch!" Inis na bulyaw ni Xeña at diniinan pa ang pagkakahawak sa buhok nito dahilan para mapadaing ulit ito sa sakit. "You do not know how that fucking thing ruins me and here you are, made it even worse. You made it look like a joke, like I had done something disgusting when the truth is it's not!"
Pagkatapos nun ay marahas siyang binitawan ni Xeña dahilan para mapasalampak ito sa sahig. Dinaluhan naman siya ng mga kasama niya.
"Clouie!"
"Shit!"
"Yah! How could you do that to your Senior?!" Inis na baling ng isa kay Xeña pero inismiran siya nito.
"Why? Do I have no right to fight back against my Senior?"
"You have no respect." Tumawa ng pagak si Xeña.
"After giving me a shame with a wrong accusation, how could I still respect to my Senior? Respect is made for those who is deserving and is not being based to the age gap or superiority that you own." Madiin niyang pangaral sa kanila. Tumingin itong muli kay Clouie. Lumapit siya rito at umupo para pantayan ito. Todo protekta naman sa kanya ang mga kaibigan niya habang sina Ace naman ay hinahayaan lamang si Xeña sa ginagawa niya. "Now, I'll ask you, MY SENIOR. Paanong nasa sa iyo ang letter na yun?" May pangungutya niyang binanggit ang salitang 'my senior'.
Hindi ito nagsalita.
"Answer her or I'll ruin you." Banta ni Ace.
"S-someone gave it to me and asked to put that in your locker." Bakas ang takot nito nang pagbantaan siya ni Ace. Pinaningkitan siya ng mata ni Xeña.
"Is that someone the one you assumed my Sugar Daddy? At dahil sa kulay pula ito at parang maayos ang dating, in-assume mong love letter yun. And because you're also one of those who were obsessed with my boyfriend, you made a post with your assumptions to destroy me. Tama ba?" Nagpakawala siya ng mapang-asar na ngiti. Umiwas ng tingin sa kanya si Clouie.
Xeña turned her face into a serious one. "You want me to back off from your Ace, right? Then, I will." Hindi makapaniwalang bumaling ito kay Xeña. Maging ang Scarlet Primos ay nagtatakang tumingin kay Xeña. Inilapit ni Xeña ang mukha nito sa kanya at halos pabulong itong nagsalita. "But it's not yet the right time so mind to wait. Wait for my loss. Based on the letter, malapit na rin naman. And when that time comes, I hope you could catch his attention, might as well his heart. Sana nga lang yung 'choose love over game' mo, hindi maging 'choose love although it's a game'." Bilin nito na ikinaawang naman ng bibig ni Clouie maging ng mga kaibigan niya. Tumayo na si Xeña at tumalikod na sa kanila.
Bumaling ito kay Ace. "I won't eat so I'll just go." Bumalik ito sa upuan niya at kinuha na ang bag saka umalis. Sinundan siya ng tingin ni Ace hanggang sa makalabas ito ng cafeteria. Pagkatapos ay muli itong bumaling kay Clouie na nakatayo na kasama ang kaibigan nito. He faced her emotionlessly but it's already enough to give shivers.
"Choose love over game. Maybe it's you who need that advice." Clouie was stunned with Ace's statement as she felt weak even more. "He knew my deepest secret," she thought.
"Clean my girlfriend's name right away, Villaruel. And one more thing, try to threaten this girl and do any act of bullying again or else, I'll bring it back to you. Say apologies to all of your victim before it's too late," Ace's warning to her.
"Let's just eat at HQ," saad ni Ace sa barkada niya at nauna nang umalis.
"And for the second time, tayo na naman ang magbabayad ng lunch nilang dalawa," nasambit na lamang ni Vendrick habang naglalakad silang apat papuntang counter.
XEÑA🎯
Matapos kong makalabas ng canteen ay tumakbo na ako na ang tanging iniisip na lugar na pupuntahan ay ang rooftop. Mabilis kong inakyat ang hagdanan sa bawat palapag at tumigil lamang para habulin ang aking hininga ng makarating na ako sa bukana ng rooftop. Nang makabawi mula sa pagkahingal, lumakad ako papunta sa pinakadulo. Inalis ko ang bag ko mula sa aking likod at dahan-dahang ibinagsak sa sahig pagkatapos ay umupo na sa mababa at sementadong harang na naroroon. Itinungkod ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid at hinayaan naman ang dalawang paa na nakalaylay sa ibaba. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang napakalawak na field ng academy.
What if I voluntarily surrender myself to death right now?
Napailing na lamang ako sa naisip ko. Inalis ko ang tingin ko sa ibaba at tumingin na lamang ng diretso sa harapan.
"No way." I murmured. There is no way for me to do something that will only give satisfaction to them.
Nanatili lang akong nakatingin sa kawalan. Kahit na tirik ang sikat ng araw dahil sa tanghaling tapat na, hindi ko yun inalintana at sa halip ay dinamdam na lang ang pag-ihip ng hangin na siyang nagpapakalma sa nararamdaman ko. Nang sa sandaling lumalakas ang ihip ng hangin, napapapikit ako ng mga mata.
"Baka makatulog ka na diyan."
Nakapikit ang mga mata ko nang marinig iyon kaya nang mapamulat ako ay nadatnan ko na lamang na may nakaupo na sa tabi ko. Hindi tulad ng sa puwesto ko, nakaupo siyang salungat sa direksiyon na kinakaharap ko. Nakatungkod ang kaliwa niyang kamay sa inuupuan namin at ang mga paa ay nakalapat sa sahig kung saan ang kaliwang bahagj ay nakatiklop at ang kanan naman ay naka-inat.
Sandali ko siyang tinitigan at muling ibinalik ang tingin sa harap.
"That would be great, then. My enemies will celebrate kapag tuluyan na akong nakatulog," sagot ko sa paraang iba ang pinapakahulugan.
Inis siyang bumaling sa akin. "Could you please stop talking about your death, Vrielle? You're making me pissed."
I slightly chuckled. Nang ibaling ko ang tingin sa kanya, siya naman ang nag-iwas.
"So your Vrielle being in a death is kind of unacceptable to you, huh?" I said teasingly. At bigla na lang nawala yung ngiti kong nang-aasar sa kanya at napalitan ng pagkagulat nang muli siyang bumaling sa akin ng may blangkong ekspresiyon dahilan para maging malapit yung mukha namin sa isa't isa. Shit! That was almost close to kissing me.
"It's my greatest failure if I let that."
Napamura ako nang kumalas ang kamay ko sa matinding pagkakapit sa inuupuan dahilan para makaramdam ako ng muntikang pagkahulog pero buti na lang at nakabig niya ang bewang ko.
Ah! Ang lalaking ito yata ang papatay sa akin kung palagi niya akong gugulatin sa mga ikinikilos at pinagsasabi niyang di ko maintindihan!
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na dulot ng ideyang muntikan na akong mahulog. Shit lang! Kani-kanina lang may pa-suicidal thoughts pa akong nalalaman na wala namang balak gawin tapos heto, dahil dito sa Faulker na ito, muntikan na akong matuluyan?! What the hell!
Nang iangat ko ang mukha ko at nang magtama ang mga mata namin, mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ba't parang iba na itong nararamdaman ko? Ba't parang hindi lang kaba na dala ng takot itong tinitibok ng puso ko?
"You're brave in bringing up your death but when it's already there, you're afraid." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nang alisin niya ang pagkakahawak sa bewang ko at nagsimula nang tumayo ay dali-dali akong napakapit sa braso niya.
Oo na. Tama siya. Ang dali lang sa aking sabihin na mamamatay na ako, na para bang tanggap ko na yung kapalaran na ito pero letse, sa kaibuturan ng lamang-loob ko, takot ako! I'm just brave outside but the truth is I'm totally weak inside.
Napailing siya sa inakto ko. Dahan-dahan siyang tumayo pagkatapos ay tinulungan akong maiangat ang dalawang paa mula sa puwestong iyon hanggang sa tuluyan ko na itong maiapak sa sahig at nagawang makatayo. At sa pagtayo ko, agad ko siyang hinampas sa dibdib niya.
"Ah, bwiset ka talaga! Muntikan na ako roon. Imbes na kalmado na ako, sinira mo na naman. At oo na, takot naman talaga akong mamatay. Nagtatapang-tapangan lang naman ako sa tuwing binabanggit iyon pero sa loob-loob ko, pinanghihinaan ako." Patuloy pa rin ako sa paghampas sa kanya at hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha kong bigla na lamang namuo. Ah! Ba't ba kapag ganitong sitwasyon, itong lalaki ang nakakasama ko? Bakit itong lalaki ang palaging nakakasaksi sa mga luha ko? Tumigil na ako sa paghampas sa kanya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng mga palad ko. "Kainis! Lumuha na naman ako. And worst, you're the witness again. I hate this! I hate being seen by others that I am weak. And that's the reason why I keep saying about my death as it sounds like I'm already accepting it when the truth is I'm not ready for it, I'm not brave to face it. Peste naman kasi yang taong gusto akong mamatay, eh!"
Natigilan ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay na nasa mukha ko at ibinaba iyon. Pagkatapos ay lumapit siya ng bahagya dahilan para magpantay ang mga mukha namin. His expression were still in a serious one but there's a glimpse of concern.
"Having enemies doesn't mean you're already dying. Yes, you're being threatened but how sure are you that you'll be the one who will die and not them? It's your enemies' objective and not yours so don't agree with them. If you don't want to die, then fight. Fight against death. Make yourself ready to fight for your life." He then caressed my cheek as he wiped the tears around it.
There, it hit me. His words were given enough to enlighten me. Ba't ba ang galing ng lalaking ito pagdating sa words of encouragement? No wonder if he already got my trust that fast.
"Could you help me to fight then?"
And he did not just simply answered me with yes but rather, he gave me words that really touched my heart. "I'll not just simply help you. I'll be there to fight together with you."
Together with the unexplainable feeling that I felt, I still managed to give him a sincere smile. Pero nawala din iyon nang biglang sumingit ang pagkalam ng tiyan ko.
"Mukhang may kailangan agad tayong kalabanin," saad niya at napadako ang tingin sa tiyan ko. Hinampas ko ang balikat niya pero ang loko tumawa lang at naglakad na. "Let's go. Naghihintay na ang pagkain mo sa HQ."
At bago pa ako sumunod sa kanya, alanganin akong ngumiti at bumulong sa sarili ko habang nakatanaw sa likuran niya. "Consequence rin ba ang mahulog sa'yo?"