Tải xuống ứng dụng
100% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 41: Chapter 40

Chương 41: Chapter 40

CHAPTER FORTY

Epilogue

BUWAN na ang lumipas simula nang mangyari ang lahat ng mga sakuna hindi lamang sa City Academy kundi sa buong mundo na kagagawan ng itim na puno. Napagtagumpayan ni Raiko na matapos at masira ang itim na puno, nailigtas nya ang mga tao sa iba't ibang bansa at tinuturing na syang isang bayani.

Mabilis nga naman magbago ang tingin ng mga tao, nang una ay nakikita nila si Raiko Mihada bilang isang masamang tao na makakapagdala sa kanila ng kamatayan. Ngunit ngayon na nalaman nila na si Raiko Mihada ang may kagagawan kung bakit nabubuhay parin sila ay nagbago muli ang pagtingin nila sa binata. From Villain, to Hero. 'Yan ang masasabi ng lahat ng mga tao kapag narinig nila ang pangalang Raiko Mihada.

Pero iyon nga ba ang nais ni Raiko na itawag sa kanya? Tagapagligtas? Nakakatawa lang dahil maraming tao ang nanghusga sa kakayahan ni Raiko noon, ngunit ngayon ay halos sambahin na sya ng sambayanan dahil sa ginawang pagligtas ni Raiko sa kanila.

"Xiyue!" Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang tumawag sa aking pangalan, binalingan ko ang direksyon kung saan ko narinig ang boses at mula sa kinauupuan ko at nakikita ko si Cali kasama si Aron at Westley patungo sa kinaroroonan ko.

Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanila nang mabilis nilang marating ang kinaroroonan ko. Naupo si Cali sa harapan ko habang sila Aron at Westley naman ay kapwang nakatayo lamang, pareho pa na nakapamewang ang dalawa kaya naman lalo lamang akong napangiti.

"Kamusta na si Raixon?" Iyon ang bumungad na tanong sa akin, napanguso ako at bahagyang inilapit ang aking mukha palapit kay Cali.

"Hindi parin nagbabago si Raixon, Cali. Simula nang mawala si Raiko, lagi ng mainit ang ulo at kapag nagagalit sya, basag lahat ng mga gamit sa Mansion de Sancir." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Iyon ang nangyari kay Raixon simula nang mabalitaan nya ang pagkawala ng kanyang kambal na si Raiko.

Nakakalungkot lamang isipin na ang isang palatawa na Raixon Mihada ay nawala dahil sa pagkawala ng kanyang kambal. Naging mainitin ang ulo ni Raixon, palaging nakasigaw at laging basag ang mga gamit sa mansion kapag sya ay nagagalit. Wala namang magawa sila Mama dahil kahit sila ay apektado sa biglaang pagkawala ni Raiko na anak nila. Maski nga si Papa ay parang nawala sa sarili dahil nang isang buwan lamang ay kailangan nya akong turukan ng mga gamot dahil ngunit hindi nya nagawa.

"Masyadong naging malaki ang epekto sa atin ng pagkawala ni Raiko. Hindi man lang natin nalaman kung anong ikinamatay nya." Mahahalata mo ang lungkot sa boses ni Cali, napangiti ako ng pilit dahil totoo ang lahat ng sinabi ni Cali.

Hindi man ako kunektado kay Raiko dahil hindi ako ang totoong Xiyue Sy, ngunit ramdam na ramdam ko ang malaking pagbabago sa mga kaibigan ni Raiko nang malaman nilang wala na ang kaibigan nilang si Raiko. Binalingan ko si Westley, walang emosyon ang mga mata nito at tila nawalan ng buhay ang kanyang buong pagkatao.

Sunod kong binalingan si Aron na nasa tabi ni Westley, walang pinagbago sa emosyon ni Aron ngunit mapapansin mo ang malaking pagbabago sa kanyang ugali at pagkikipag-usap. Kung noon ay nagsasalita si Aron ng mahahabang mga salita, ngayon ay bibilang mo na lamang ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.

"I believe that he's not dead." Malamig ngunit malakas ang pagkakasabi ni Westley sa katagang iyon kaya nabaling ang atensyon naming dalawa ni Cali kay Westley na ngayon ay nakakuyom ang kamao.

Bumuntong hininga ako dahil sa nakikita kong malaking epekto kah Westley ang pagkawala ni Raiko Mihada.

"Wala tayong nakitang katawan nya, kaya posibleng buhay pa si Raiko." Dugtong pa nito at kitang kita ko kung paano magtubig ang kanyang mga mata, napayuko ako dahil hindi ko kayang makita ang mga susunod na mangyayari.

"Xieke said that his body is crushed into pieces, kaya imposibleng makita pa natin ang katawan nya." Sagot ni Cali na alam kong lalo lamang ikagagalit ni Westley. Napapikit ako at agad na tumayo, nakayuko akong tumalikod sa kanilang dalawa na nagsisimula ng magsigawan.

Napabuntong hininga ako at naglakad papalayo sa kanila. Ilang buwan na si Westley na ganyan, marahil ay sinisisi nya ang kanyang sarili kung bakit nawala si Raiko Mihada, sinisisi nya ang kanyang sarili na hindi nya nagawang iligtas ang kaibigan nya. Buwan na ang lumipas simula nang madalas na mag-away si Cali at Westley, naalala ko nang nag-away silang dalawa dahil rin iyon sa pinag-usapan namin kanina.

Naniniwala si Westley na hindi pa patay si Raiko dahil wala silang nakitang katawan nito, ngunit si Aron? Hindi ko alam kung anong pinaniniwalaan nya sa dalawa. Palihim kong binalingan si Aron at naningkit ang mga mata ko nang makita ko na wala na si Aron sa kinatatayuan nya, tumingin ako sa harap at bahagyang napatigil dahil sa harapan ko ay nakatayo ang rebulto ni Aron, walang emosyong nakatingin sa akin.

"I know you know where Raiko is. Maaari mo ba akong dalhin kay Raiko?" Kumislap ang mga mata ni Aron kaya naman napabuntong hininga ako ng bahagya, ang kislap ng mata na iyon ay minsan ko lamang makita.

Hudyat iyon na sigurado si Aron sa sinasabi nya, napayuko ako at napangisi ng bahagya. Sunod akong tumango sa kanya bilang sagot. Pasensya na, Raiko. Pero nalaman ni Aron na alam ko kung nasaan ka ngayon.

-

"BAKIT mo tinago sa amin?" Tanong ni Cali habang patuloy kaming naglalakad sa isang liblib na daan na pinalilibutan ng mga matataas na damo.

Sinulyapan ko ang tatlo sa likod ko bago sumagot, "Si Raiko mismo ang nagsabi sa akin na huwag sabihin sa inyo. Pero dahil nalaman ni Aron, wala akong magagawa kundi ang dalhin na kayo sa kanya ngayon." Sagot ko at saka ngumiti.

"Sinabi nya sa akin na gusto nyang mamuhay ng tahimik, gusto nyang magbagong buhay ng walang iniintinding ibang tao kaya sya nagpakalayo layo. Alam ko na alam na ninyo na wala na syang kapangyarihan?" Natahimik silang lahat dahil sa tanong ko na iyon. Napangiti ako at saka binilisan ang aking paglalakad upang mas mabilis kaming makarating sa kinaroroonan ni Raiko Mihada.

Maliwanag pa ang paligid, kaya mula sa kinatatayuan naking apat nila Aron ay makikita namin ang isang binata na naka-upo katapat ang isang bata na nakatayo. Nakita naming lahat kung paano sumilay ang ngisi sa mga labi ni Raiko, na minsan ko lamang kung makita.

"He's really alive.." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Cali.

"Yes, he is." Nakangiti kong sagot at kinawayan si Raiko nang mapabaling ito sa amin. Kumaway ito pabalik at ngumiti ng matamis sa amin.

"Long time no see." Binalingan ko sila Aron at kita ko kung paano magpigil ang mga ito ng kanilang pag-iyak, bahagya akong natawa kaya naman tinapik ko sa balikat si Raiko.

"You made them cry, Raiko." Natatawa kong saad kay Raiko na ikinakamot nya sa kanyang batok.

"Yeah. Sorry about that." Nakangiting sagot ni Raiko bago nya nilapitan si Aron at mabilis na niyakap, ganoon din ang ginawa nya sa iba kaya naman napangiti ako.

Iba talaga ang pagkakaibigan ng apat na ito, handa nilang isakripisyo ang buhay nila para lamang mailigtas ang bawat isa. Napangisi ako at tinalikuran ang apat, naglakad ako papalayo sa kanila yumuko.

Pero kulang sila ngayon, siguro ay sa susunod ko na lamang sasabihin kay Raixon na buhay ang kambal nya. Ganoon din kay Mama at Papa.

END


Load failed, please RETRY

Chương tiếp theo sắp ra mắt Viết đánh giá

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C41
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập