Tải xuống ứng dụng
24.39% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 10: Chapter 9

Chương 10: Chapter 9

CHAPTER NINE

The Plan; Distraction

SANDALI na natigilan si Aron, at noong makabawi ay napapailing itong tumayo. Tinawag nito ang pangalan ni Raiko ngunit hindi sya nilingon ni Raiko, bumuntong hininga si Aron bago naglakad upang mahabol si Raiko na dire-diretso lamang sa paglalakad.

"Raiko," huminto si Raiko noong hawakan sya sa braso ni Aron. Pumihit ito upang harapin si Aron na seryoso na ngayong nakatingin sa kanya.

"Hindi ka dating ganito, nagbago ka. Bakit?" Saad ni Aron bago binitawan si Raiko sa braso nito.

Dahil ba kay Xiyue? Tanong ni Aron sa kanyang isipan at gusto sana nyang itanong ito kay Raiko ngunit hindi nito magawa.

"Ano bang rason mo?" Dagdag tanong nito noong hindi sumagot si Raiko sa kanyang mga naunang tanong.

Nag-iwas naman ng tingin si Raiko na ikinakunot ng noo ni Aron. Pilit na hinuhuli nito ang mga mailap na mata ni Raiko ngunit sadyang hindi ito nagpapahuli sa kanya.

Lihim na napapamura na lamang si Aron dahil sa kaisipang kung may kakayahan lamang siguro syang basahin ang isip ng kahit sino ay hindi na sya magtatanong pa kay Raiko dahil alam ni Aron na hindi sya sasagutin ni Raiko kahit na ano pang tanong nito.

"You'll know soon." Maikling sagot ni Raiko kay Aron.

Huminga ng malalim si Aron upang magpigil. Pumikit ito at nagpamewang sa harapan ni Raiko.

"Okay. Kung ayaw mong sabihin sa akin, e 'di 'wag. Pero sabihin mo Raiko, may maitutulong ba ako?" Pangungulit ni Aron kay Raiko. Pero tanging maliit na ngisi lamang ang ibinigay na sagot ni Raiko bago nito talikuran si Aron.

Naglakad na si Raiko ngunit bago pa ito makalayo ay may binitawan itong salita na talaga namang nakapagpa-init ng ulo ni Aron.

"Just leave me alone, Aron. I don't need anyone's help. Mag-focus ka nalang na protektahan ang City Academy." Saad ni Raiko habang may maliit na ngisi sa kanyang labi.

Yumuko ito bago binilisan ang paglalakad papalayo kay Aron na ngayon ay nakatingin na lamang sa kanya.

Ituon mo ang pansin mo sa buong Academy, Aron. Hindi basta bastang kalaban si Raixon. Bulong ni Raiko bago tumingala sa kalangitan, maliit nan ngumiti si Raiko at pumikit.

-

PINAGSALIKOP ni Aixoneze ang kanyang magkabilang palad bago binalingan ang kanyang pinagkakatiwalaan na tauhan na si Yuoan noong tawagin nito ang kanyang pangalan. Tahimik lamang ito habang mataman na nakatingin kay Yuoan.

"What's up?" Malamig na tanong nito kay Yuoan. Nagbuga muna ng malalim na paghinga si Yuoan bago nagsalita.

"Walang bago sa kapatid nyo, Master. Nandito ako para sabihin sa'yo ang nangyayari sa mga mortal na tao." Agad na nangunot ang noo ni Aixoneze sa balitang dala sa kanya ng kanyang tauhan na si Yuoan.

"What is it?"

"Nagsimula ang pagkawala ng mga mortal na tao. Hindi pa alam kung saan napunta ang mga nawawalang mga mortal na tao, pero agad naman na umaaksyon ang mga leader ng bawat city." Naigilid ni Aixoneze ang kanyang mga mata dahil sa sinabi  ni Yuoan sa kanya.

Napaisip ito.

Nawawala ang mga mortal na tao? Nagtiim ang bagang ni Aixoneze sa isang kaisipang pumasok sa kanyang isipan.

No. Hindi pwede 'yon. Coincidence lang ang lahat. Napapikit ito at pilit na pinapaniwala ang sarili na nagkataon lamang ang lahat.

"Hindi ko sana sabihin sa'yo 'to master dahil maaaring coincidence lamang ang mga pangyayari, ngunit lahat ng mga mortal na tao ay nagpa-panic na dahil sa kaganapang 'to." Napapikit lamang lalo ng mariin si Aixoneze.

"Master, hindi kaya..." Isang malakas na paghampas ni Aixoneze sa kanyang lamesa ang nakapagpatigil kay Yuoan sa pagsasalita nito.

Natahimik si Yuoan noong makita nito ang pagitim ng buong mata ni Aixoneze. Bukod pa rito ay ang tila itim na usok ang lumalabas sa kanyang katawan ang pumapalibot sa kanya ngayon.

"That can't be. Bantayan nyong mabuti si Aikoze. 'Wag na 'wag nyong aalisin ang mga mata nyo sa kanya." Mariing bilin ni Aixoneze sa kanyang tauhan. Tumango naman si Yuoan at yumuko na upang magpaalam.

Maigi ng iwanan muna si Aixoneze mag-isa, dahil sa pinakita nito ngayon ay delikado para sa isang katulad ni Yuoan ang manatili sa tabi ni Aixoneze. Lalo pa't may tila itim na usok ang lumalabas sa katawan nito.

Noong makalabas na si Yuoan ay pumikit ng mariin si Aixoneze at hinilot hilot nito ang kanyang sentido upang pakalmahin ang kanyang sarili.

Iniisip pa lamang nito ang maaaring mangyari ay kumukulo na agad ang dugo nito, lalo pa't masasangkot nanaman kung sakali ang kapatid nya. At iyon ang hinding hindi nya papayagang mangyari.

Hindi na mauulit ang nangyari noon, nandito na ako at hinding hindi ako papayag na may mangyari nanamang masama sayo.

-

MAY mga sundalo at pulis o mas kilala sa City Academy sa pangalang Exercitus bilang mga sundalo at Aliquam bilang mga pulis ang nasa ibaba ng building na sumabog at binabantayan ang mga estudyante.

"Xiyue! God, thanks you're safe!" Agad na nakatanggap ng yakap si Xiyue mula sa tatlong magkaka-ibigan na sina Pei, Hera at Cuin.

Hinihingal na tumingin si Xiyue sa kanila dahil tinakbo nilang dalawa ni Westley ang building hanggang sa field.

Tumingin tingin ito sa paligid at nakita nito si Westley na nakahandusay lamang sa damuhan.

Agad na lumapit si Xiyue kay Westley.

"He's okay. Iniisip lang n'ya yung nangyari kanina." Bumangon si Westley mula sa kan'yang pagkakahiga. Pumikit ito at hinawakan ang tungki ng ilong. Umupo naman si Xiyue upang mapantayan ito, tumingin si Westley kay Xiyue.

"I used my ability lately, akala ko hindi na kami makakalabas sa building. Limitado lang ang ability namin dito, pero kanina..." Nangunot ang noo ni Xiyue.

Pinutol ni Pei ang kan'yang pagsasalita at bigla na lamang hinablot ang hawak ni Hera na bottled water.

Akala ni Xiyue ay iinumin iyon ni Pei pero binibigay nya iyon kay Westley na ibinuhos lamang ang tubig sa damuhan. Nanlaki ang mga mata ni Xiyue at agad na nagreklamo naman si Hera dahil sa ginawa ni Westley.

Nagulat si Xiyue nang biglang umangat yung mga butil ng tubig mula sa damuhan. Inikot ikot ni Westley ang kan'yang kamay dahilan upang sumunod sa kan'ya ang mga butil ng tubig.

Akala ni Xiyue ay hanggang doon na lamang iyon, pero hindi. Parang itinulak ni Westley ang mga tubig pero hindi simpleng tulak lamang iyon, dahil ang bilis ng pangyayari at bigla na lamang nag-iba ng direksyon ang mga tubig at mabilis na pumunta sa kalangitan.

Nagtataka naman na napatingin si Xiyue kay Westley na kasama nya kanina mula sa paglabas ng building, ngunit nag-hiwalay din sila noong pumihit pabalik si Westley sa building.

"Hindi ko nagagawa ang mga ganyan noon. Kahit may mga nakalaban kami, hindi ko nagawa 'yan dahil limitado lang talaga ang kaya naming gawin. Tinigilan kaya ng President ang paglilimita?" Pati si Xiyue ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Westley. Napa-isip ito.

Pwede namang kusang nawala ang limit dahil nasa delikadong sitwasyon ang lahat. Pero imposible rin dahil sabi ni Westley na hindi pa n'ya nagagawa ang ganon, kahit nang may mga nakalaban sila. Pero pwede rin naman na nawala talaga ang limitation, hindi ba?

Maraming mga tanong ang nabuo sa isipan ni Xiyue ngunit hindi nya magawang itanong.

"Pero kung nawala na ang limitation, paanong nangyari 'yon?" Tanong ni Cuin na may iniinom ng tubig ngayon. Tumango at sumang-ayon ang lahat kay Cuin.

Tama s'ya. Paano naman mawawala ang basta basta ang limit? Tanong ng lahat sa kanilang isipan.

"Baka naman napag-tanto ni President na walang kwenta ang ginagawa n'yang limitation sa ability natin, kaya tinanggal n'ya? Or...di kaya ay may paparating na kalaban?" Umiling si Xiyue. Hindi sa hindi ito sang-ayon sa sinasabi ni Pei.

"Pwede rin, pero antayin na lamang natin na si Aron mismo ang magsabi kung bakit natanggal ang limitation sa ability nyo." Sagot ni Xiyue na agad namang sinang-ayunan ng lahat.

Lalo na si Westley ngayon na nakatingin kay Xiyue ng seryoso. Maya maya pa ay napangiti ito ng palihim at napailing na humiga muli sa damuhan.

Raiko, Raiko, Raiko. Mukhang kailangan mong mag-ingat, ma-utak si Xiyue.

-

MABILIS ang pagtakbo na ginagawa ni Xiyue ngayon upang maabutan pa nito ang kung ano mang nangyayari sa likod ng Field. Patungo ito ngayon sa kinaroroonan ni Raiko at ni Aron, at kahit na ilang minuto na ang lumipas ay gusto paring makita ni Xiyue ang kalagayan ng dalawa.

Iniisip pa lamang nito na nasaktan ang dalawa--lalo na si Raiko ay tila may kung anong dumadagan sa kanyang dibdib at hindi sya makahinga ng mabuti. Sa isip isip ni Xiyue ay marahil nag-aalala sya dahil niligtas sya ni Raiko.

At t'wing naalala nito ang kalagayan ni Raiko kanina noong bumagsak ang kisame kay Raiko at ang pagdugo ng ulo ni Raiko ay may kung anong bumabara sa lalamuna ni Xiyue.

Kailangan nyang madala sa hospital. Saad ni Xiyue sa kanyang isipan noong mapatigil na ito sa pagtakbo nang makarating na ito sa likod ng field.

Nilibot ni Xiyue ang mata sa paligid at hinanap si Raiko na agad naman nyang nakita na kausap si Aron. Nasa kabilang dako ang dalawa ng gubat, kailangan pang tahakin ang ilog na naghahati sa magkabilang dako ng gubat.

Tatawid na sana si Xiyue noong makita nito ang tulay na gawa sa bato, kung titignan ay luma na iyon ngunit alam ni Xiyue na matibay tibay pa naman iyon. Walang sinayang na oras si Xiyue, agad itong naglakad palapit sa tulay at bago ito umapak doon ay lumunok muna ito't tinignan ang kinaroroonan nila Raiko at ni Aron.

Nandoon parin ang dalawa at tila hindi nila napansin ang presensya ni Xiyue na paparating. Wala sa sariling napangiti si Raiko bago ipinasok sa magkabilang bulsa ng pants nya ang kanyang magkabilang palad. Palihim nitong sinulyapan ang kinaroroonan ni Xiyue.

At tama ng ito, papalapit na nga ito sa kinaroroonan nila.

"It's time to act, again." Wala sa sariling sabi ni Raiko kaya naman nangunot ang noo ni Aron, tumingin ito kung saan nakatingin ang mga mata ni Raiko at nakita nito ang tumatawid na si Xiyue sa tulay.

"Matigas talaga ang ulo ni Xiyue, Raiko." Sagot ni Aron kay Raiko bago nito itaas ang kamay patungo sa leeg ni Raiko.

Ugh. I hate to act like i can really beat this man in front of me. Wala sa loob na kunwaring sinakal ni Aron si Raiko. Palihim itong napapikit at bahagyang diniinan ang pagkakasakal kay Raiko.

Napangiwi naman si Raiko sa paghigpit ng hawak ni Aron sa kanyang leeg.

Damn it. Mura ni Raiko habang tinitignan si Aron na seryoso ng nakatingin sa kanya. Lihim na umangat ang gilid ng labi ni Raiko na nakita naman agad ni Aron, wala sa sariling napailing ito dahil mukhang nagugustuhan pa ni Raiko ang ginagawa nilang dalawang pagpapanggap sa harapan ng iba.

Ito ang napag-usapan ng dalawang magkaibigan. Ang magkunwaring magkalaban sa harapan ng iba, hindi man maintindihan sa una ni Aron kung bakit iyon ang ginawang plano ni Raiko ay sumangayon na lamang ito sa gusto ng kaibigan.

"This is how we will distract both Mila and Raixon. Sa pagpapalabas na magkalaban tayo at sinusunod mo ang utos nilang dalawa. Just act that we're enemies, ako at si Westley na ang bahala sa iba."

Naalala ni Aron ang sinabi sa kanya ni Raiko. Naintindihan man nito ang balak ng kaibigan at sinabi ni Raiko na sila ni Westley na ang bahala sa iba, alam ni Aron na kailangan parin nyang kumilos upang walang makahalata sa kanilang dalawa at sa pinaplano nilang dalawa.

Alam ni Aron na mahirap at matinik kalaban si Maestra, lalo na si King. At si King ang iingatan nya dahil alam nito na nasa paligid lang ito at maraming mata ang nakasunod sa kanya.

"Aron!" Binitawan na ni Aron ang leeg ni Raiko at masungit na hinarap si Xiyue na tumatakbo patungo sa kinaroroonan nilang dalawa.

"A-Anong ginagawa mo kay R-Raiko?" Napatingin si Xiyue kay Raiko na nakahawak sa leeg nito.

Nangunot ang noo ni Xiyue noong makita na nagdudugo parin ang ulo nito. Ngunit ang lalong ikinakunot ng noo ni Xiyue ay bakit hindi lumaban si Raiko gayong sa pagkakaalam nito ay magkasing level lamang sila ni Aron.

Shit. Usal ni Raiko dahil nabasa nito ang katanungan sa isipan ni Xiyue. At halos kaltukan nito ang kanyang sarili dahil nawala sa isipan nito ang tingin sa kanya ng mga tao.

Na malakas, masama ang tingin sa kanya ng mga tao. Nawala iyon sa isipan nya.

AN: Ang sakit sa bangs ng pangalan ng mga cast:'(


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C10
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập