Tải xuống ứng dụng
14.63% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 6: Chapter 5

Chương 6: Chapter 5

CHAPTER FIVE

What's your plan?

LIHIM na napangisi si Aron habang nakikiramdam sa paligid. Pasimple syang sumulyap sa bubong kung nasaan naka-upo si Raiko, at hindi sya nagkamali. Nandoon si Raiko at madilim ang mga mata na pinagmamasdan sila---o sya.

Parang ang sarap mo 'atang galitin ngayon, Raiko. Hindi pa ako nagsisimula pero ang dilim na agad ng mukha mo.

Hindi maiwasang hindi mamangha ni Aron sa nakikita kay Raiko. Sa halos isang taon nilang hindi pagkikita matapos ang aksidenteng 'yon, wala parin itong pinagbago. Maski ang mukha nito ay hindi man lang nagbago.

Naisip tuloy ni Aron na kung hindi nagbago ang mukha ni Raiko, siguro ay may nagbago sa ugali nito. Pero sa kabila ng pag-iisip nya ay isang boses ng kung sino ang narinig nya mula sa kanyang isipan.

Nagtiim ang bagang nito. Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita noong mapakalma nito ang kanyang sarili.

Samantala, sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nakaramdam ng matindig kaba si Xiyue. Napahawak ito sa kanyang dibdib at tumingin sa lalaking nasa harapan---si Aron.

Katulad noong naramdaman nya noong una nyang nakita si Westley, ay ganoon din ang nararamdaman nya ngayon sa Presidente ng Academy na nasa harapan nya. Gustuhin man nyang makinig sa mga sinasabi nito sa harapan, hindi nya magawa dahil okupado ang isipan nya ng kung ano anong bagay.

He's also familiar to me. Kumunot ang noo ni Xiyue habang pinagmamasdan si Aron na sumesenyas sa harapan habang nagsasalita.

Kumalabog ang dibdib ni Xiyue noong mapadako ang mga mata ni Aron sa kanya. Napangisi ito at nakita iyon ni Westley. Tumingin ito kay Xiyue at nakita nyang nakatingin ito kay Aron.

Lalo lamang nakaramdam ng tila matinding tensyon si Xiyue noong aksidenteng mapatingin sa itaas ito. Nakita nya mula sa kinaroroonan nya ang naka-upo na si Raiko sa bubong. Prente itong naka-upo na hindi alintana ang taas ng babagsakan nya kung sakali mang mahulog ito.

Nakita ni Raiko na nakatingin sa gawi nya si Xiyue. Nakipagtitigan ito kay Xiyue ng ilang segundo nang bigla itong nag-iwas ng tingin. Bumalik ang paningin ni Raiko sa field noong maramdaman nya ang tila isang bagay na mabilis na papalapit sa kanya.

Sa isang iglap, bumalik sa pinanggalingan ang isang bala ng baril na dapat ay tatama kay Raiko. Lumiit ang mga mata ni Raiko at dahan dahang tumayo.

Napangisi naman si Aron noong makita nito na tumayo na si Raiko mula sa pagkaka-upo nito.

Sinenyasan nito ang mga kapwa nya may katungkulan, binulong lamang nya ang kanyang sinabi na agad namang tumango ang mga kasamahan nya sa kanya.

"Let's see kung hanggang saan ang kaya mong gawin, Raiko Mihada." Mahinang saad ni Aron bago inayos ang buhok na nagulo dahil sa biglang pag-ihip ng malakas na hangin.

Nakaramdam ng malakas na tensyon ang mga estudyante, ngunit nanatili sila sa kani-kanilang puwesto dahil na rin sa kani-kanilang sariling rason. Ang iba, alam na may mangyayaring hindi maganda at gusto ng mga ito na makita kung paano makipaglaban at dipensahan ng kanilang Presidente ang City Academy.

Mas lalong tumaas ang tensyon na nararamdaman ng mga estudyante noong muling magpaputok ng baril ang mga nagsisilbing guwardya--ang mga Aliquam. Kumalabog naman ang dibdib ni Xiyue dahil sa sunod sunod na putok ng baril ang pinapakawalan ng mga Aliquam sa direksyon ni Raiko.

Nakatayo si Raiko habang pinagmamasdan si Aron. Nakita nya kung paano ito ngumisi sa kanya na tila nang-aasar. Pumikit ng mariin si Raiko at sa sandaling iminulat nya ang mga mata nya ay sya ring naging paghinto ng mga bala na ilang pagitan na lamang ang agwat ng mga bala sa kanya.

Napapikit si Xiyue dahil buong akala nito ay tatama lahat ng bala kay Raiko. Mariin itong nakapikit habang nakahawak sa kanyang dibdib. Ramdam nya ang mabilis na pagtibok nito, marahil dahil sa sobrang kaba na nararamdaman nito.

Hinawakan ni Raiko ang isang bala na nakahinto sa mismong tapat ng mga mata nya. Umuusok pa iyon pero hindi nagpatinag si Raiko upang hawakan iyon. Tinagilid nito ang kanyang ulo ng bahagya bago umigting ang panga na pinitik isa isa ang mga bala patungo sa kinatatayuan ng mga Aliquam.

Nagulat man dahil sa kinilos ni Raiko ay hindi pinahalata ni Aron ang pagkagulat at pagkamangha sa kanyang mukha. Noong tinignan nya ang mga Aliquam ay isa isa itong bumagsak sa lupa habang duguan ang ilang parte ng kanilang katawan.

Umigting ang panga ni Aron, binalik nito ang mga mata kay Raiko na ngayon ay nakapamulsa na habang nakatingin sa gawi nya. Seryoso ang mya madidilim nitong mga mata.

Hindi mo naman sila pinatay, hindi ba? Hindi mo kayang pumatay. Sa isang iglap, ngumisi si Aron.

Nagsigawan ang mga estudyante sa takot noong magpakawala si Aron ng isang malaking apoy patungo sa kinaroroonan ni Raiko na prenteng nakatayo lamang sa bubong field.

Samantala, sa hindi malamang dahilan ni Xiyue ay naramdaman nya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Hanggang sa unti unti nitong naramdaman na tila may likidong tumulo sa kanyang pisngi kasabay ng paglamon ng malaking apoy kay Raiko.

Shit. Napapamura na lamang si Westley habang hindi mapakaling nakatingin sa direksyon ni Raiko na nilalamon na ng malakas na apoy ngayon.

Hindi na nito maaninag ang kaibigan at tanging malakas na apoy na lamang ang nakikita nito na patuloy sa paglaki.

Tumingin si Westley kay Xiyue upang tignan kung anong reaksyon nito. Nangyari na kasi ang pangyayaring iyon noon. At alam ni Westley na kung makikita ulit at mararanasan ni Xiyue ang mga nangyari noon at maaaring iyon ang maging dahilan upang maalala nito ang lahat.

At iyon ang hindi maaring mangyari, dahil hanggat hindi pa natatapos ni Raiko ang mga pinaplano nya ay hindi ito papayag na maalala sya ni Xiyue.

"Anong nangyayari?" Mahinang tanong ni Xiyue. Hindi parin nawawala ang sobrang lakas na pagkabog ng kanyang dibdib.

Unti unting nawala ang apoy hanggang sa tuluyan ng maaaninag ang isang rebulto ng taong nakatayo parin sa kabila ng napakalakas na apoy.

Napalunok si Xiyue noong makita na nakatayo parin si Raiko sa kinatatayuan nito kanina bago pa maglabas ng malakas na apoy si Aron. Nakapamulsa ito habang madilim na nakatingin kay Aron.

Wala sa sariling napangiti si Aron.

Katulad ka parin ng dati, Raiko. Walang pinagbago. Gusto mang sabihin at isatinig iyon ni Aron ay hindi nya magawa dahil maraming estudyante ang nanonood sa kanilang dalawa.

At tila nagising si Aron sa pagkakahimbing noong mawala sa isipan nya na may mga estudyante sa paligid nya. Binalingan nya agad ang mga ito at nawala ang atensyon kay Raiko.

Huminga ito ng malalim bago ipinuwesto ang mga palad sa mga ito upang makagawa ng isang barrier sa pagitan nya at ng mga estudyante. Kailangan nyang gawin iyon dahil alam nya na kapag si Raiko ang nakalaban nya, isang maling kumpas lang ng mga kamay nito ay yayanig ang mundo.

Ganoon kalakas si Raiko.

"Marunong ka rin palang protektahan ang mga estudyante dito?" Parang balewala lang ang nangyari kanina na pagpapakawala ni Aron ng apoy kay Raiko noong magtanong si Raiko.

Nakatalon na ito pababa sa field. At unti unting naglalakad papalapit kay Aron na matagal na nyang kilala.

"Of course. I'm the President here and it's my responsibility to protect all the students of City Academy." Tila proud na sagot ni Aron sa tanong ni Raiko sa kanya.

Napatango tango naman si Raiko bago binalingan at pinagmasdan ang mga estudyante na nakatingin at nag-aabang sa susunod nilang hakbang.

"Responsibilad mo rin ba na turuan sila kung paano kalabanin ang isang tulad ko?" Panandaliang napatigil si Aron sa tanong na iyon ni Raiko sa kanya.

Napatitig si Aron kay Raiko na hindi makikitaan ng kahit anong emosyon. Napakunot ang noo ni Aron noong masilayan nito ang isang pilit na ngiti.

"Then, ipakita mo sa kanilang lahat kung paano ako kalabanin." Nagpamulsa si Raiko at dahan dahang nilingon si Aron na ngayon ay kulang na lamang ay magbuhol ang mga kilay sa sobrang pagkunot nito.

Napapamura si Aron. Hindi nito malaman kung anong binabalak ni Raiko ngayon. Nag-isip ito ngunit tila may nakaharang sa kanyang isipan dahilan upang hindi ito makapag-isip ng maayos. Wala sa loob na napatango na lamang si Aron kay Raiko.

Isang ngising tagumpay naman ang ibinigay ni Raiko sa kanya bago tinanggal ang pagpamulsa sa kanyang bulsa.

Wala ka paring pinagbago, Aron. Hindi mo parin natututunan kung paano maglagay ng barrier sa isipan mo. Huminga ng malalim si Raiko bago isinamon ang kanyang secret weapon.

Wala sa sariling napapamura ng mahina si Aron noong makita nito ang armas ni Raiko. Isa iyon mahabang bagay na gawa sa bakal, patulis ang dulo noon na halos lumubog na sa lupa ang dulo dahil sa tulis. Kung titignan ay tila isa iyong saklay na gawa sa bakal, ngunit kakaiba lamang ang disenyo dahil sa nakakabit iyon sa braso ni Raiko.

"Oh," bulong ni Westley habang pinagmamasdan na binagsak ni Raiko sa lupa ang kanyang armas.

Sa pagbagsak non sa lupa ay gumawa iyon ng malakas na impact na naging dahilan ng biglaang pagyanig ng paligid. Napapailing na lamang si Westley noong itungkod ni Raiko ang kanyang baba sa kanyang armas habang pinagmamasdan si Aron na ngayon ay naging seryoso.

Nakaramdam man ng paghanga ang mga estudyante, hindi parin mawawala ang takot sa mga ito lalo pa't sa sandaling nagkaroon ng barrier ay alam na ng mga ito na may hindi magandang mangyayari ngayon.

Tumingin si Xiyue kay Raiko na ngayon ay nasa kanang kamay na ang kanyang hawak na tila isang saklay. Wala parin itong emosyon at tanging malalamig lamang na tingin ang binabato kay Aron.

Nagtataka si Xiyue habang pinagmamasdan nya ang hawak na iyon ni Raiko.

Ano ba kasi ang hawak n'yang 'yan? May kinalaman kaya 'yan sa kapangyarihan n'ya?

Pero kung nagtataka sya sa bagay na iyon ay mas nagtataka ito sa kanyang nararamdaman. Tila sabik ito at sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso habang pinagmamasdan si Raiko.

"Hera, bakit may hawak na patusok si Raiko? May kinalaman ba 'yan sa kapangyarihan nya?" Nang hindi makatiis ay kinalabit  na ni Xiyue si Hera na kanyang katabi.

Tumingin si Hera sa hawak ni Raiko na tila saklay.

Umiling ito noong mapagmasdan ang hawak ni Raiko, "Hindi ko alam, Xiyue. Pero sa pagkakatanda ko, may mga weapons na nakalaan para sa mga Level 5 na katulad nila. Pero base sa nakikita ko sa hawak n'ya, hindi naman ito isa sa mga weapons." Sagot ni Hera.

Kung ganoon, ano 'yon? Props, ganon? Para mas magmukha lalo syang cool?

Nayanig bigla ang lupa nang biglang may sumabog. Kagagawan ni Raiko ang pagsabog na iyon. At alam ni Aron na si Raiko Mihada ang may kagagawan non. Nanlaki ang mga mata ni Xiyue nang Makita nito na butas na ang kinatatayuan kanina ni Aron.

Teka. S'ya ang may gawa nang pagsabog? Pero bakit hindi ko man lang nakita na ginalaw n'ya ang kanyang kamay? Paanong nangyari 'yon ng ganon kabilis?

Napapamura naman ng malakas si Aron noong makita ang butas na nilikha ng malakas na pagsabog sa gitna mismo ng field. Buti na lamang ay nakatalon agad at nakalipad ito ng agad bago pa sumabog ang tila isang bagay na kasing laki lamang ng hintuturo.

"Here we go again, Raiko. Masyadong mainit ang ulo mo." Nakangising saad ni Aron upang mapagtakpan ang kaba na nararamdaman.

Hindi nya maiwasang hindi kabahan dahil nasa harapan nya mismo si Raiko Mihada, ang binansagang at nakilala bilang isang top ranked villain sa loob at labas mismo ng City Academy.

Kilala ni Aron si Raiko. Mabilis itong maubusan ng pasensya at lahat ay kaya nitong gawin basta't bwisit na ito sa kalaban. Kahit pa may pinagsamahan ang dalawa ay hindi parin maaalis ang kaba na nararamdaman ni Aron, pakiramdam nya kasi ay hindi na si Raiko ang kaharap nya sa sobrang dilim ng itsura nito.

"Baka nakakalimutan mo, nasa teritoryo kita. Kalma ka lang, maglalaban rin tayo." Napangisi si Raiko sa sinabi ni Aron sa kanya.

Nakatingin si Raiko ng diretso sa mga mata ni Aron na tila binabasa nito ang nasa isip nito. Wala sa sariling napangiti at napailing si Aron sa isipan habang pinagmamasdan si Raiko na nakatingin sa kanya.

Hindi ka talaga nagbago. Bulong ni Aron sa kanyang isipan bago nag-iwas ng tingin.

"Iniimbitahan kita sa susunod ni linggo, pumunta ka sa battle field ng City Academy. Kung gusto mong maglaban tayo, doon natin gaganapin." Sabi ni Aron bago nya ito talikuran. Kusang nawala ang barrier sa pagitan ng mga estudyanteng nanonood at sa dalawang nasa gitna ng field.

Napakunot bigla ang mga noo ni Raiko na nakatingin kay Aron. Nabasa ni Raiko ang nasa isip nito at hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nito sa kanyang nabasa.

The fvck, Aron. Anong binabalak mo?

-

TILA nawala sa sarili si Xiyue matapos ang nangyari kanina sa Field. Hindi na ito nagsalita pa at napansin agad iyon ng mga kasama nya--lalo na si Westley na laging nakamasid kay Xiyue.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Tanong ni Xiyue sa kanyang sarili at napahampas na lamang bigla sa kanyang noo.

Hindi nakaligtas sa mga mata ng kasama nya ang ginawa nyang iyon. Nagtataka sila Hera dahil tila nawala sa sarili si Xiyue matapos ang nangyari kanina sa field. Hindi man nagkaroon ng laban ay tila naging malaki naman ang epekto nito para kay Xiyue.

"Xiyue, okay ka lang? Kanina ka pa tulala." Pagpuna ni Hera kay Xiyue bago ito hinawakan sa braso.

Tumango si Xiyue, kahit ang totoo ay hindi nya alam kung okay lamang ba sya. Hindi nito alam kung bakit nakakaramdam sya ng tila pananabik sa isang lalaki na nasa gitna kanina ng field.

"Sigurado ka? Kumain muna kaya tayo bago tayo bumalik sa Apartment?" Sumangayon ang lahat at tanging si Xiyue na lamang ang inaantay na sumagot.

Nakatingin ang lahat kay Xiyue.

"Sorry, mauna na kayo. May dadaanan lang ako." Pagkasabi no'n ay bigla na lamang nanakbo si Xiyue patawid sa kabilang kanto.

Nakatingin lamang ang mga kasama nya sa kanya na tila nagtataka dahil sa wirdong kinikilos nito. Samantala, si Westley ay napapailing at wala sa sariling napapangiti sa kinikilos ni Xiyue.

Sabi ko na. Nakalimot lang ang isip nya, peri hindi ang puso nya. Iiling ilind na sabi ni Westley sa kanyang isipan bago nagpatuloy sa paglalakad kasunod sila Hera.

-

AGAD na napahinto si Xiyue noong huminto ang taong nasa harapan nya. Nakasunod sya dito, kanina pa. Hindi man alam ni Xiyue ang dahilan kung bakit gusto nyang sundan ito ay tila may sariling isip naman ang kanyang katawan. Nagising na lamang ito sa reyalisasyong nakasunod sya sa lalaking kasama ni Aron kanina sa gitna ng field.

Kumabog ng husto ang dibdib ni Xiyue habang pinagmamasdan nito ang likod ni Raiko na nakahinto sa harapan nya. Halos lumabas na ang puso nito sa sobrang lakas ng kabog nito na tila sabik na sabik ito sa taong nasa harapan nya.

Nagpatuloy sa paglalakad si Raiko na agad din namang sinundan ni Xiyue. Bumaba ang tingin nito sa mga paa ni Raiko na malalaki ang ginagawang paghakbang, sinusundan nya iyon.

"Why are you following me?"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C6
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập