Tải xuống ứng dụng
9.75% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 4: Chapter 3

Chương 4: Chapter 3

CHAPTER THREE

Aron, the Fire and Air Manipulator

KABADO si Maestra habang naghihintay ng pwedeng gawin ni Raiko Mihada sa loob ng City Academy. Kilala nya ito. Alam nya na kapag sinabi ni Raiko ay gagawin nya, hindi ito marunong magbiro. Laging seryoso t'wing madadawit ang babaeng pinoprotektahan nito.

Sana lang walang gawing kagaguhan si Raiko, kung meron man... Masisira ang plano ko. Bulong ni Maestra sa kanyang isipan habang nag-iisip ng pwedeng maging solusyon sa pagkalaban kay Raiko.

Halos mapatalon si Maestra sa isang malakas na pagsabog na nagmula sa isang abandonadong building, sa tapat lamang ng building kung nasaan ang kanyang opisina.

Shit. Pagmumura ni Maestra sa isipan nya at agad na naglakad papalabas sana ng kanyang opisina pero napahinto rin agad ito noong pumasok ang dalawang lalaki na kasing edad lamang ni Raiko Mihada.

"Maestra, may nangyaring pagsabog sa isang abandonadong building. Kung maaari sana ay pahintulutan nyo kaming gamitin a---"

"Sige, gawin nyo na. He's really serious when he said he will do anything." Huminga ng malalim si Maestra bago tumingin sa dalawang lalaki na nagngangalang Aron at Xieke.

Si Aron ay isang level 5, at isang president ng City Academy. Isa Fire and Air user. Habang si Xieke naman ay level 4 at isang Fire at Earth user, Vice President ito sa City Academy kaya tungkulin nilang dalawa at ng iba pa sa Student Council na panatilihin ang kaligtasan ng buong City Academy.

Nangunot ang noo ni Aron habang nakatingin kay Maestra na tila natataranta. Nakaramdam agad si Aron na tila may mali na nangyayari, base pa lamang sa nakikita nitong kilos ni Maestra.

Tumingin sya kay Xieke na nasa gilid nya at mukhang wala alam sa nangyayari.

"Xieke, sumama ka sa iba para masigurado ang kaligtasan ng mga estudyante." Tanging tango lamang ang binigay ni Xieke kay Aron at mabilis na lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Xieke ay agad na binalingan ni Aron si Maestra na ngayon ay naka-upo na sa swivel chair nito at nakapwesto na tila nag-iisip ng plano.

"Aron, gumagawa na ng plano si Raiko. Kailangan nating maunahan si Raiko, kung hindi, masisira ang plano natin at mangyayari nanaman ang nangyari noon." Mahinang saad ni Maestra.

Naintindihan naman agad iyon ni Aron at tumiim ang bagang nito. Naisip ni Aron na kung mangyayari ulit ang nangyari noon, masasayang lamang ang mga pinaghirapan nila sa pagtatayong muli ng City Academy.

I'll never let that happen again, Raiko. Sinalpak ni Aron ang kanyang magkabilang palad sa bulsa ng kayang pantalon bago nagsalita.

"Let me handle this one, Mila." Napatingin si Maestra kay Aron bago matamlay na ngumiti at tumango.

May tiwala si Maestra kay Aron, alam nito na kung hindi man tuluyang mapigilan ni Aron ang plano ni Raiko ay magagawan nya iyon ng paraan para kahit papaano ay ma-distract si Raiko sa mga plano nito.

Alam kasi ni Aron ang pwedeng maging kahinaan ni Raiko dahil matagal ng magkakilala si Aron st si Raiko, at bukod pa doon ay maituturing na matalik  na magkaibigan ang dalawan kasama si Westley. At 'yon ang gagamitin nya para itigil ni Raiko ang binabalak nito.

"After all, he's still my friend." Tanging buntong hininga ang ginawa ni Aron habang inaalala ang mga huling pangyayari na nakapag-pabago ng pagkatao ni Raiko Mihada.

-

SUNOD sunod ang mga naging pagsabog sa labas ng main building ng City Academy. Nagsimula ng matakot ang mga tao dahil sa lakas ng mga pagsabog na nangyayari.

Buti na lamang ay nandyan agad ang mga exercitus na nagsisilbing mga sundalo, at ang Aliquam na nagsisilbing mga Polisya.

Sa kabilang banda naman ay tamad na pinagmamasdan ni Raiko ang mga ito na kumilos upang hanapin kung saan nanggagaling mga pagsabog. Napapailing na lamang si Raiko dahil sa mga ito.

Ang tatanga talaga nila, kahit kailan. Saad nito sa kanyang isipan habang nakatingin parin sa mga exercitus na pinasok na ang loob ng building kung saan nagtanim ng bomba si Raiko noong isang gabi lamang.

Umikot ang mga mata ni Raiko bago tumalon sa bakuna ng 19th floor kung saan ito naka-upo. Pinikit ni Raiko ang kanyang mga mata at dinama ang paghampas ng malakas na hangin sa kanyang katawan.

Huminga ito ng malalim at agad na napadilat noong bumalik sa alaala nito ang mga kaganapan noon na hindi nya nagawang pigilan noon. At sa sandaling iyon, alam ni Raiko na mangyayari at mangyayari parin ang nakaraan, at wala silang ibang magagawa kundi ang harapin iyon at labanan kung gusto nila itong malampasan.

-

HALOS maiyak naman na si Xiyue dahil sa mga naririnig na malakas na pagsabog na ngayon ay tumigil na. Noong sumabog ang unang bomba na itinanim ni Raiko ay agad na tumakbo palabas si Xiyue dahil limang palapag lamang ang pagitan ng kwarto ni Xiyue sa sumabog na kwarto nang mga oras na iyon.

Pakiramdam ni Xiyue ay huminto ang mundo nya noong makita ang mga nagbabagsakang mga gusali. Nagtataka man kung bakit ganoon na lamang kabilis masira ang mga gusali ng City Academy ay iwinaglit nya muna iyon sa kanyang isipan at inisip muna ang kanyang kaligtasan.

At laking pasasalamat nito dahil sa mga gumuguhong pader sa kanyang likuran ay ni isang galos ay wala syang natamo. Nakahinga man ng maluwag ay hindi parin mawala sa isipan ni Xiyue ang pangyayaring iyon. Dumagdag pa ang tila may nakamasid sa bawat kilos na isinasagawa nya ay lalo lamang itong natakot at kinabahan.

"Xiyue!" Nagulat si Xiyue noong maramdaman nya ang mainit na palad ni Westley sa kanyang braso. Hinawakan sya nito at walang pasabing basta na lamang hinila palayo sa nilabasang gusali ni Xiyue.

"Westley," mahinang pagtawag ni Xiyue sa pangalan ni Westley na nakatalikod sa kanya at patuloy parin syang hinihila patungo sa kung saan mang lugar.

"You need to get out of here, masyadong delikado." Seryosong saad ni Westley at tiningala ang isang napakataas na gusali.

Mula sa gusali na iyon ay nakita nya ang kaibigan na may pakana ng lahat ng pagsabog na naganap. Huminga ng malalim si Westley bago nya ito pasimpleng tinanguan upang upahiwatig na ligtas na at nagawa na nito ang dapat nitong gawin.

Damn it, Raiko. What are you planning to do? Wala 'to sa plano.

Tumiim ang bagang ni Westley at pilit na pinapakalma ang sarili dahil pakiramdam nito ay konti na lamang ay sasabog na ulo nito kakaisip sa kung anong iniisip ngayon ni Raiko na kaibigan nya.

You did a good job there, Westley. Pero wala pa ako kalahati ng plano ko. Napangiti si Raiko habang pinagmamasdan si Westley na naglalakad habang hatak hatak ang isang babae na matagal na nyang hindi nasisilayan.

At kahit na gusto na nya itong lapitan at yakapin, hindi pwede dahil alam nyang maraming matang nakabantay sa babaeng ito sa loob ng City Academy. Wala syang magagawa kundi ang maghintay, o di naman kaya ay paagahin at pabilisin nito ang pagtapos sa mga taong nakasira sa pagtitiwala ng nasasakupan nya at sa mismong pagkatao nya.

I want to hug you tight right now, Xi. But i can't. Ayokong madamay ka nanaman. I can't. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari nanaman sayo.

-

NASA tuktok ng building si Xiyue kasama sila Pei, Cuin at si Hera dahil doon sila dinala ni Westley. Gumamit si Westley ng abilidad nya upan kontrolin ang tubig sa kapaligiran. Kasama si Pei at Hera ay tinulungan nilang umakyat din ang ibang mga estudyante na walang abilidad o kapangyarihan sa rooftop gamit ang abilidad ni Westley.

"Buhay nga naman oh, parang life!" Napatingin si Xiyue kay Pei na humiga na lamang sa simento at pinikit ang mga mata.

Napatingin na lamang si Xiyue sa kalangitan, may araw na. At mula sa rooftop ay matatanaw ang buong City Academy. Ang malawak na daanan nito na nagko-konekta sa magkabilang dulo ng City, ang mga naglalakihang mga building at maski ang mga puno at halaman.

Muling ibinalik ni Xiyue ang mga mata kay Pei na winagayway nanaman ang kanyang kamay at biglang nagkaroon ng tila malaking payong na gawa sa papel ang lumitaw.

Napangiwi si Xiyue.

Sana lahat may abilidad na ganyan.

"Ang pangit na ng City Academy, sira na." Malungkot na saad ni Xiyue.

Naisip ni Xiyue na baka magsara na ang City Academy dahil sa pinsala na nakuha nito mula sa malakas na pagsabog. Pansamantala din nitong nakalimutan na hindi mga ordinaryong tao ang naninirahan sa City Academy. Panandalian nitong nakalimutan na may mga kapangyarihan ang mga tao doon.

"Maayos rin agad 'yan," sagot ni Hera na ngayon ay nakatingin lamang din sa kabuuan ng City Academy.

Napanguso si Xiyue dahil nakalimutan nito na may kapangyarihan ang mga tao soin.

Oo nga pala. Lugar nga pala ito para sa mga may kakayahang kontrolin ang mga bagay-bagay sa mundo. Kaya basic lang sa kanila ang ayusin at pagandahin ulit ang paaralang ito. Pero sino sino kaya ang mga creators?

"Sigurado akong gagawan agad 'to ng aksyon ng President. Sa dami ba naman daw ng pagsabog na nangyari," saad ng isang estudyante na walang kapangyarihan tulad ni Xiyue.

Sumang-ayon ang iba at ganoon din sina Pei.

"Ano nga palang pangalan ng President?" Biglang tanong ni Xiyue dala na rin ng kuryusidad nitong malaman ang detalye ng City Academy.

"Aron ang pangalan ng President." Sagot ni Hera na nakatingin parin sa kawalan.

Napatango tango naman si Xiyue.

Aron... Parang may kung anong naramdaman si Xiyue sa kanyang ulo. Kumirot iyon ng bahagya ngunit hindi nya iyon pinansin.

Dala na rin ng kuryusidad nito ay nagtanong pa ito ng kung ano ano tungkol sa President na si Aron na agad rin namang sinagot ni Hera.

"Malakas si President. Sobrang lakas. May pagka-mainitin nga lang ang ulo. Air and Fire ang ability nya." Nalaglag ang panga ni Xiyue sa sagot ni Hera.

Dalawa ang ability nya? Kaya nyang kontroling ang hangin, at apoy?

Naisip ni Xiyue na sobra palang lakas ng President, kung ganoon. Dahil sa ability pa lamang nito na kaya nitong kontrolin ang dalawang elemento ay nakakabilib na.

"Ang mga Level 5 kasi ay may dalawang abilidad na kontrolin ang dalawa sa four elements. Madalas ang mga nakukuha ng mga Level 5 ay Fire and Water, or Fire and Air. Bihira lang nilang makuha ang Earth and Fire, Or Wind and Earth." Dagdag pa nito kaya naman napatango si Xiyue dito.

Katahimikan na ang namayani sa kanilang lahat dahil ang tatlo ay natulog na pala. Marahil ay dahil sa pagod na naramdaman nila. Si Hera na lamang at si Xiyue ang natitirang gising at tulala sa kawalan.

Hindi namalayan ni Xiyue na nakatulog na ito. At nagising na lamang dahil sa nararamdamang lakas ng hampas ng hangin sa kanyang katawan. At halos manlaki ang mga mata nito nang Makita nya may isang ipo-ipo ang papalapit sa direksyon nilang lahat.

Ginising agad nito si Hera dahil sya ang mas malapit, nang Makita nito ang papalapit na ipo-ipo ay walang ano-ano'y ginising nya si Westley at si Pei dahil sila lamang ang makakagawa ng paraan para mapigilan ang ipo-ipong iyon na malapit na sa kanilang lahat.

Napahawak si Xiyue sa kanyang damit nang papalakas na ng papalakas ang hangin.

"Shit. Hindi ko kaya 'yan." Naghi-histerikal na sambit ni Pei habang pilit gumagawa ng tila shield na gawa sa piraso ng papel.

Anong magagawa nyang mga piraso ng papel?!

"I can't! Hinihigop ng ipo-ipo ang energy ko! Umalis na tayo dito!" Sigaw ni Pei at akmang tatalon na nang pigilan sya ni Xiyue. Tumingin ito sa baba at napaatras.

Napatingin si Pei sa kanya. Bumuntong hininga ito at saka pumikit.

Wala na ba kaming magagawa? Kung may abilidad lang ako katulad nila, gagawa ako ng paraan para mailigtas ang buhay namin.

Dumilat ito at hinawakan sa kamay si Pei at si Westley. Umiling ito sa kanila na ikina-kunot ng noo ng dalawa. Humakbang si Xiyue palapit para mapunta ito sa unahan nilang dalawa.

Ramdam na ramdam ni Xiyue ang lakas ng ipo-ipo ngayong sya na ang nasa unahan. Napangiti si Xiyue at akmang hahawakan na nya ang ipo-ipo nang may isang kamay ang pumigil sa kanya.

Tinignan ni Xiyue kung sino iyon. Nakakunot ang noo nitong nakatingin kay Xiyue ng masama, hawak parin nito ang kamay ni Xiyue. Tinabig nya ang braso nito at pumunta sa harapan ng tatlo.

Fvck you, Raiko. Akala ko pababayaan mo kami ditong lamunin ng ipo-ipo na gawa mo rin mismo. Nakatingin lamang si Westley kay Raiko at palihim itong napangiti dahil sa biglang pagsulpit ni Raiko.

Samantala ay nanlalaki ang mga mata ng lahat at akmang hahatakin si Raiko palayo ni Xiyue sa ipo-ipo nang tuluyan na nyang mahawakan iyon. Akala nito ay sasama si Raiko sa pag-ikot ngunit biglang huminto ang ipo-ipo sa pag-ikot bago tuluyang naglaho ng parang bula.

At sa sandaling maglaho na ang ipo-ipo na gawa rin mismo ni Raiko ay tumingin ng saglit si Raiko kay Xiyue na ngayon ay manghang nakatingin sa kanya.

Nanlambot ang malamig na emosyon ni Raiko noong masilayan nyang muli ang mukha ng babaeng pinangakuan nya na po-protektahan nya hanggang kaya nya.

Kumalabog naman ang dibdib ni Xiyue kaya napahawak sya sa kanyang dibdib at tumingin kay Raiko. Nag-iwas nanng tingin si Raiko at agad na tumalikod upang umalis na.

I miss you, Xiyue Sy.

Bulong nito bago tuluyang lumipad sa himpapawid. Huminga ito ng malalim bago pumikit at pakalmahin ang nararamdaman nitong galit.

Damn it. I'll kill those bastards.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C4
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập