Tải xuống ứng dụng
33.33% Live Long, Luna / Chapter 2: 01

Chương 2: 01

Live Long, Luna 01

Anim na buwan na akong nagvivideo sa sarili kong buhay. Araw-araw iyon walang palta.

"Hello. So it's documentary 205. Ngayon ay nasa isang mountain top ako. Ninamnam ang sariwang hangin at eni enjoy ang tanawin. Napakaganda..." tumigil ako sa pagsasalita ng may narinig ako putok.

Umulit pa ito ng tatlong beses kaya nakaramdam na ako ng kaba. Malapit lang ito sa akin.

"Puta ka. Dapat Silencer nalang kasi dinala mo. Paano kung may nakarinig sa putok na iyon?" Rinig kong galit na galit na sabi nitong lalaking nakaitim na coat at may dala dalang baril.

Nagpalinga linga ako para humanap ng matataguan dahil mga ilang hakbang nalang ay makikita na nila ako at maabutan. Hindi nila ako tanaw ngayon dahil busy sila sa pagpupuri ng baril nilang dala.

Dahan dahan akong pumunta sa likod ng isang puno at nagtago na kung saan alam kong hindi nila ako makikita. Rinig ko ang yapak na papunta rin sa puno kaya pigil hinihinga ako para hindi nila ako maramdaman.

"Oo boss. Napatay na namin. Mga ilang linggo rin itong hindi makikita boss. Nasa mountain Top namin pinatay. Oo boss. Napakaganda ng dala niyang Droga boss. Tiba tiba tayo nito boss. Oo sige boss." Paputol putol na pagsasalita nung lalaking naka Tshirt na may print na "Loser" at denim na pants na kasama nung naka coat na lalaki at pormal tignan.

Biglang may nahulog na insektong hindi ko mapangalanan kaya medyo napausog ako sa gulat. Wala na akong naririnig na ingay sa mga sandaling iyon.

Wala na siguro. Umalis na sila.

Kaya tumayo ako ng dahan dahan at nagpagpag. Kinuha ko na ang backpack at isinabit sa likod ko at ang camera kong naka on parin pala.

"Kinuhanan mo yon Ihja?" Napaatras ako sa gulat ng nasa harapan ko na iyong lalaking nakatshirt na Loser.

"Parang may makakantot tayo ngayon pre oh. Maganda. Sexy at mukhang virgin." Dugtong nito sa sinabi niya una.

Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi alam ang gagawin.

"Burahin mo yon bago tayo magdiwang at mapunta ka sa Heaven." ngumisi ito ng napakamanyak at hinaplos haplos ang buhok ko.

Lumayo ako sa kanya at pinagplanuhan ng tumakbo. Narinig kong kinasa ng kasama niya ang baril na hawak kaya mas lalo akong nanginig sa takot.

"Dalawang heaven yon. Kantotan o patayan. Choose wisely." tumawa silang dalawa na animoy nadedemonyo na sa oras na iyon.

Nakarinig kami ng isang putok at napunta ang bala sa puno na kung saan kami naroroon. Lumingon ang dalawang lalaki sa pinanggalingan ng bala at tinutukan na kami ngayon ng baril. Hula ko ay siya ang pinagbabaril kanina ng dalawang to. Iniinda nito ang sakit pero matapang na tinutukan parin ang dalawa.

"P-auwiin mo yong bata Alex." ramdam mo rin ang sakit na iniinda niya at halos kinakapos na ng hininga.

"Bakit? anong kaya mong gawin para pigilan ako Greg?" pagkasabi niya non ay biglang bumaliktad ang sitwasyon. Napaluhod nila yong nagngangalang Greg at nakatutok na sa kanya ang baril na meron si Alex.

Nilingon ako ni Greg at tila kinakausap ang aking mata. Hindi ko masyadong maintindihan pero kung ano man iyon ay sigurado akong magiging mapagmatyag lang ako.

"Marami akong magagawa Alex." "TAKBO." pagkasabi niya nun ay awtomatik akong tumakbo. Narinig ko pang nagmumura si Alex at pinapasundan ako nung kasama niya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung may papatunguhan ako. Sa kakatakbo ko ay medyo nadadapa ako. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong lumayo at maisisiguro na ligtas ako para maisumbong ang nangyari upang magkaroon ng hustisya sa mangyayari kay Greg.

"Ah shit!" isang daplis ng bala sa may bandang gilid ng aking braso. Kung titignan mo sa mga pelikulang nababaril ay akala mo'y hindi masakit pero sa totoo lang ito ay unti-unting humapdi at nakakaramdam kana ng manhid. Masakit.

Palinga linga ako sa aking likuran at kita kong nakasunod na sa akin si Alex. Ang buong akala ko ay ang kanyang kasama iyon pero batid kong iniwan niya ito sa kung saan man si Greg naroroon.

"Sige takbo." ipinutok niya ulit ang kanyang baril na dala sa kung saan ako nagtatakbo pero ngayon ay hindi niya na ako natamaan.

Bakit ba ako napasok sa gulong ito?

Bigla akong natisod sa bato at nagpagulong gulong sa bangin. Tanginang buhay to oh. Nabaril na nga, natisod at nahulog pa. Bwesit.

Nanatili ako sa aking pwesto na nakahiga at pinakiramdaman si Alex. Ngunit mga ilang minuto ay wala paring lumalapit. Batid kong umalis na ito. Baka akala niya ay patay na ako. Buti naman.  Bumuntong hininga ako, tumayo at nagsimula ng maglakad. Akalain mong nabuhay pa ako. Pero hindi pa sigurado ang kaligtasan ko.

Pagabi na. Mga tansya koy nasa bandang 5-6 pm  na. TAMA! Cellphone. Bobo. Dapat tumawag ako ng tulong. Dinial ko na ang numero ng Police Station sa amin at nagpaconnecta sa malapit sa Mountain Top. Nakatatlong ring pa lang ay may narinig akong naghihingalo sa sakit. Isang lalaking may sugat sa may bandang tiyan. Greg!

"Greg." Tawag ko sa kanya.

"Bata. Tulong." Nang makompirma ko ang kaniyang boses ay dali dali akong lumapit sa kanya.

"Paano ka nakatakas?" Tanong ko habang naghahanap ng pwedeng pantakip sa tiyan niyang umaagos ang dugo. Buti nalang ay naikabit ko pala ang aking backpack sa likod ko at nung kahit nahulog at gumulong gulong na ako'y hindi ito naalis. Nadumihan nga lang.

"D-ahil sa pagtakbo mo." pilit niyang sagot. Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa sagot niya pero hindi ko nalang pinansin dahil umagos lalo ang dugo sa bandang tiyan niya.

"Wag ka munang magsalita." Tinakpan ko ito ng towel na nahanap ko sa bag ko at tinulungan siyang makaupo ng maayos sa lilim ng puno.

"Hello. This is police station in-"

"Tulong." pagpuputol ko sa nagsasalitang officer.

"Anong nangyari?" tanong ng officer sa akin.

"Binaril po-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng kunin ni Greg ang cellphone ko.

"Gamutin mo muna yang sugat mo sa braso. Ako na ang kakausap." Tumango nalang ako sa sinabi niya. May panyo akong dala kaya iyon nalang ang ginamit kong panangga sa dugo nito.

"Yes, this is Greg Salvador" panimula niya. Busy ako sa pag-aayos ng gamit ko pabalik kaya hindi ko na alam kong ano na pinag uusapan nila. Boses din ni Greg halos pabulong na rin.

Kunot noo kong tinignan pabalik si Greg na ngayon ay nakatitig na sa akin.

"Tapos na kayo mag usap?" Tumango ito. Nakapagatataka? Halos isang minuto lang ang itinagal nung tawag.

Ibinalik niya ang cellphone ko sa akin at tumayo na. Naglakad ito ng dahan dahan. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at lumakad papunta sa kanya at inakay siya. Halatang hindi gaanong nakakapaglakad ng maayos. Dahil siguro nabugbog siya o dahil sa sugat niya.

"Buti nalang talaga at nahulog ka sa bangin."

napahinto ako sa sinabi niya.

Aba Loko. Anong nakakabuti sa pagkahulog sa bangin!

Tumawa ito at pinitik ang noo kong nakakunot.

"At least hindi ako nahirapan hanapin ka."  dugtong niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Naiwanan akong nakatunganga sa sinabi niya.

Taena. Baka mahanap ako nila Alex. Takbo girl.

May nakaparadang sasakyan na BMW sa may tabing daanan. Nilingon ko si Greg na akay-akay ko ngayon.

"Baka kasamahan yan nila Alex." ani ko at hindi na makagalaw sa kinatatayuan namin. Nakakatakot kaya! Ikaw kaya barilin ulit.

May bumabang lalaking naka itim na shirt with his matchy tattered pants and his white Nike shoes at papunta ito sa banda namin. Nilingon ko ulit si Greg nagtatanong ang mga mata kung ano ang gagawin.

"Masamang damo ka talaga Greg." mapang asar na tawa nito. Lumapit ito sa kay Greg at siya na ang umakay dito.

"Ako na miss. Pumasok kana sa backseat. Siguradong pagod kana rin." Sinilip ko muna si Greg. Tumango ito na para bang sinasabi niyang safe kami.

Hinatid niya kami sa malapit na Hospital para magamot. Hindi rin kami nagtagal doon at binayaran lahat ng kasama ni Greg. Buti naman no? Wala na akong pera.

"Dito ka na muna magstay. Gabi na." Basag niya sa katahimikan habang kumakain kami sa Condo niya. Yayamanin. Tumango nalang ako bilang pagtugon. Umalis na rin yong kaibigan niyang sumundo sa amin kanina, si Jeff.

"If you don't mind, can I ask?"

"hmm?"

"What's your name? How old are you? Who are you?" He stop chewing and throw a deadpan look on me.

"Greg Salvador, 22 years old. That's the only thing I could tell you for now. Finish your food. Maaga pa ako bukas." I choked. Inabutan kaagad niya ako ng baso ng tubig. 22 years old? Ang bata pa pwede ka pang magbagong buhay boy.

"Dahan dahan. Wala kang kaagaw diyan."  paninirmon niya.

"How about you?" pagtatanong niya ng makitang nahimasmasan na ako.

"Anong ginagawa mo sa buhay?" dugtong niya ulit sa tanong niya nung una.

"Luna Santos, 20 years old. That's the only thing I could tell you for now." pang gagaya ko sa sagot niya kanina. Aba stranger ka rin sa mata ko no!

Niligpit ko na ang pinagkainan namin. Pumasok naman si Greg sa isang kwarto na hula kong Guest room niya. Dalawa kasi kwarto niya sa Condo. Aba, tiba tiba nga ata siya sa pagbebenta ng drugs. Maganda pati Living room niya. Lumabas siya sa kwarto at sinenyasan akong pumasok na.

Nilibot ko ang mata ko. Mali pala ako parang study room siya na may bed na maliit. Kasya naman ako. Amoy libro.

"Ito nalang muna gamitin mong pantulog." Sabay bigay niya sa Large round T-shirt pink with printed Oh nice! and a pajama pants na may unicorn na print. Ang cute.

"Sa kapatid ko yang pajama." pagpapaliwanag niya. Nahulaan niya kaagad ang mapagbintang kong tingin e. hahahaha

Pinihit niya na ang door knob at isinirado ito.

"Ah Luna." sambit nito na nakahawak sa door knob na halos nakasilip lang ang bukas ng pinto.

"Don't worry safe ka rito." pagtapos nun ay isinirado niya na ang pintuan.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập