Ash POV
"Mamá!" Tawag ko kay Mamá na naka upo sa katapat na silid.
"Natasha, dapat hindi ka na pumunta pa rito!" Mariing bigkas ni Mamá.
"Malala ba ang lagay niya? Kumusta siya?" Tanong ko.
"Good evening tita." Maalang na bungad ni Spencer kay Mamá.
"Kumusta raw si Natasha? Bakit ka nahimatay?" Nag aalala na tanong ni Mamá.
"Mabuti naman na ang lagay ko Ma. Ayos lang ako." Pag sisinungaling ko.
"Ayoko sabi!" Sigaw ni Trixie dahilan para matuon ang atensiyon namin sa salamin kung saan kitang kita namin ang pag palag niya sa mga nurse.
"Papá! Please! Si Spencer lang ang gusto ko!" Maktol niya.
Akmang papasok na sana ako nang pigilan ako ni Spencer. Umiling siya saka ako hinalikan sa noo.
"Ako na ang kakausap. Dito ka na lang." Malumbay na saad ni Spencer saka pumasok sa silid ni Trixie.
"Spencer?" Gulat na sambit ni Beatrixie.
"Sabi na nga ba babalikan mo ako. Alam ko naman na mahal mo ako--" Lumuluhang sambit ni Beatrixie saka niyakap si Spencer ng napaka higpit.
Niyakap din siya ni Spencer. Hinahagod ang likod ni Trixie habang patuloy sa pag tangis.
Napasulyap sa akin si Mamá. Pinisil ang aking balikat ng makita ang mabigat na pag tiklop ng aking mata dahil sa nasasaksihan.
"Iiwan mo na ba si Natasha? Please! Kaialngan kita Sp--"
"I'm sorry. Kapatid lang talaga ang tingin ko sa iyo. Kalimutan mo na ako." Saad ni Spencer dahilan para itulak siya palayo ni Beatrixie.
Sa puntong iyon ay pumasok na ako. Natuon ang atensiyon sa akin ni Papá at ni Trixie. Lumabas na rin ang mga nurse dahil kumalma na si Beatrixie.
"Natasha." Galit na himig ni Papá.
Napa singhal na naman ako dahil alam na alam ko na ang kahahatungan ng ganitong eksena.
"Mag usap tayo sa labas." Utos ni Papá.
Sumulyap ako kay trixie na ngayon ay madilim ang mukha nang makita ako.
"Sasamahan kita." Saad ni Spencer pero tinanggihan ko.
Kaming tatlo lamang ni Mamá at Papá ang nag usap sa labas ng silid. Mahina ang tinig ni Papá ng sabihin ang nais niya.
"Natasha, nawalan ka na ng kapatid. Tapos ngayon, nalagay pa sa alanganin ang sitwasyon ni Beatrixie!" Galit na usal ni Papá na halos mangitnig ang ngipin.
Sumulyap ako kay Beatrixie na ngayon ay inalis na ang oxygen habang masinsinan na kinakausap si Spencer.
Bumalik ang tingin ko kay Papá. Kung sana lang ay alam niya na nanganib din ang buhay ko. Pero kahit pa alam niya, alam kong wala siyang pakialam.
"Makakaya mo ba na mawalan pa ng isang kapatid?" Pag papatuloy ni Papá.
"Arturo sobra ka naman yata?" Usal ni Mamá.
Nilingon ko muli si Spencer at Beatrixie habang iniisip ang tanong ni Papá.
Galit man ako kay Beatrixie pero hindi ko kayang mawala sa akin ang lalaking mahal ko. Ngayon pa lang na nakikita ko silang mag kasama? Para na akong sinasaksak.
"Hindi po Papá. Hindi ko makakayang mawala si Bea dahil sa akin. Pero huwag kayong mag alala. Mawala man siya sa mundo, sigurado ako na hindi ako ang dahilan." Sagot ko nang hindi nag aalis ng tingin kay Papá.
Halatang nagulat siya sa aking sinagot. Mukhang hindi iyon naging katanggap-tanggap sa kaniyang pandinig.
"Natasha, hindi mo ba kayang mag paraya para sa ate mo? Anak?" Lumuluhang sabi ni Papá na siyang nagpa pantig sa aking tainga.
"Naririnig mo ba ang sarili mo Arturo? Bakit ka ganiyan mag-salita?" Galit na tanong ni Mamá.
"Mag paraya? Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi mo ba nakikita? Ngayon lang din ako sumaya ng ganito Papá. Ngayon lang din ako nag-mahal ng ganito at nag kataon na si Spencer ang lalaking iyon! Ako ang pinili. Bakit hindi si Beatrixie ang tanungin mo? Bakit hindi mo itanong kung Bakit hindi na lang siya mag paraya at maging masaya para sa amin?" Inis kong giit kay Papá.
"Natasha, nakikita mo ba ang lagay niya? Alam mo ba ang pakiramdam ko sa tuwing inaatake siya sa puso? Tuwing mangingitim siya at mahihirapan sa pag-hinga? Pakiramdam ko kalahating paa ko ang nasa hukay!" Gigil na saad ni Papá na napahilamos sa kaniyang mukha.
"Bakit Papá ano ba ang pakiramdam mo kapag ako ang nakikita mong nag hihirap? Umiiyak at tumatakbo palayo sa iyo dahil sa palagi mong ipinapamukha sa akin na ako ang palaging taya?" Lumuluha kong sab
Hindi na ako nakapag pigil pa. Sobra na. Hindi ko na maatim pa ang ipagduldulan niya sa akin na ako ang palaging dahilan ng pagkasadlak ni Beatrixie sa tuwing maghihirap.
"Kilala kita Natasha. Lumaki kang matapang. Malakas ang loob. May takot sa Dios at higit sa lahat, mabuting anak at kapatid." Mahinahon na saad ni Papá habang pinupunasan ang luha.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko Papá?"
"Lumayo ka na lang. Hayaan mo si Beatrixie na maging masaya kay Spencer---"
"How come? Sa iyo pa nanggagaling iyan! Hindi ako makapaniwala na ikaw ang lalaking pinakasalan ko Arturo!"
"Anong akala mo sa akin? Bato? Manhid? Adik? Papá, hindi dahil nakikita mo akong matapang ay hindi na ako nasasaktan. Tulad nito. Parehas lang kaming nasasaktan. Pero ako pa rin si Natasha na palaging taya!"
"Patas lang ang trato ko--"
"Hindi Papá! Paano mo naaatim na kaltasan ang mag papasaya sa akin para lang punan ang bagay na mag papasaya sa paborito mong anak?" Pag tangis ko.
"Akala mo siguro bagay lang si Spencer. Napakadaling sabihin na lumayo ako at mag paraya! Kung sa bagay--" *sigh* Inabandona mo mga ang sarili mong pamilya para sa kanila." Bagot kong saad.
"Sige! Kasalanan ko na! Paulit ulit na lang na panunumbat! Ako na ang may pag kakamali. At hindi si Beatrixie. Kaya sana naman huwag ganito?" Pakiusap ni Papá.
"Wala kang puso! Paano mo nasasabi iyan sa anak mo Arturo? Hindi na ako mananahimik at mag sasawalang kibo dahil labis na ang pang yuyurak mo sa anak ko! Anak natin!" Sigaw ni Mamá.
Ilang saglit pa ay muli na naman nag sisigaw si Beatrixie kaya pumasok kaming muli sa kaniyang silid. Mahigpit siyang niyakap ni Papá habang pinapatahan.
"Kasalanan mo ito Ash! Para mo na rin akong pinatay!" Sigaw niya habang naka duro sa akin.
"Umalis na tayo." Saad ni Spencer at akmang hihilain ako palabas nang biglang pumasok ang nag kukumahog na doktor.
"Ms. Surio bakit ka sumisigaw? Paki alalayan please." Utos ng doktor sa nurse.
Bakas sa kaniyang mukha ang pag aalala.
"Lumayas ka na Natasha!" Sigaw ni Trixie.
"Ms. Surio huminahon ka ang baby mo!" Nag aalalang saad ng doktora na siyang dahilan kung bakit kami natigilang lahat.
Tila may dumaang anghel matapos iyon sabihin ng doktor. Napatitig ako kay Beatrixie na parang hindi alam ang sinasabi ng doktor.
"Am I pp-pregnant?" Tanong ni Trixie.
"Yes. Hindi mo pa pala alam?" Sagot ng doktor.
"Totoo?" Tanong ni Spencer.
"Excuse me." Sambit ng doktor saka lumisan.
"Trixie, sinong---" hindi pa man tapos mag tanong si Papá ng sumagot si Trixie.
"Si Spencer." Naka ngiting sagot ni Trixie habang naka titig kay Spencer na naka uwang ang bibig.
"Ikaw nga?" Tanong ko ng mapansin ang pananahimik nito.
Yumuko siya at mariing kinagat ang labi. Ibinulsa ang tikom na kamao bago sumagot.
Mukhang alam ko na ang sagot gayong hindi pa man siya sumasagot.
"Natasha--Let me explain"
"Explain what love?" Tanong ko habang yakap siya sa kaniyang bewang.
"I-I don't know?" Sagot niya habang naka hawak sa aking braso.
"What do you mean you don't know?" Tanong ko sa mataas na tono. Pinipigilan ang pag agos ng aking luha.
"We both drunk--and--"
"Nagkasama ba kayo? Nag tabi ba kayo? Umamin ka." Kalmado kong sabi nang di siya tinitignan sa mata.
"Yes! Sa iisang bahay kami tumutuloy sa New York. So what do you expect?" Mataray na saad ni Trixie at naka ngiti na para bang nag tagumpay sa nais.
"Spencer! Nag tabi tayo! Alam mo 'yan!" Giit ni Trixie saka ako binalingan ng tingin.
"Mag-usap tayo Ash. Please." Lumuluhang pakiusap ni Spencer.
Mabilis akong tumakbo palabas ng silid. Pasara na sana ang elevator ng bigla naman pumasok si Spencer.
"Ash! Please pag usapan natin 'to!"
Nananahimik lamang ako. Hindi kumibo hanggang sa makasakay kami sa kaniyang sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pigang piga ang utak ko at tanging pag luha lamang ang naging tugon ng aking damdamin sa lahat ng naganap sa gabing nakakapagod.
Dumiretsyo kami ni Spencer sa bahay niya. Hindi ko alam kung bakit pa ako narito. Basta ang alam ko lang ay ayokong paniwalaan ang sinasabi nilang lahat.
"I'm sorry Ash!" Usal ni Spencer habang naka luhod sa aking harap.
Naka upo ako sa side ng bed. Pinapanood ko lamang ang kaniyang pag tangis.
"It's my fault." Mahina kong sambit habang naka yuko.
"No! Don't blamed yourself--"
"Kung sana hindi ako natulog sa bahay ni Tyrone, kung sana hindi ako nag sinungaling---kasalanan ko!" Umiiyak kong saad habang naka pikit.
"No-no! Wala kang kasalanan." "Wala? Pero bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ng Dios? May diperensiya ako tapos si Trixie na may sakit sa puso pero siya ang nag buntis? Ano ba ang ibig sabihin non? Na hindi ako karapat dapat? Ganon ba ako kasama?" Pag tangis ko habang hinahaplos ang aking mga hita.
"Ako ang may kasalanan dito. Ngkamali ako Natasha! Hindi ko talaga alam kung paano dahil wala akong maalala--"
"So sinasabi mo na biktima ka? Na ikaw ang pinag samantalahan? Tinanong kita di ba? Paulit ulit kitang pinaamin! At ang sabi mo, ako ang nasa isip mo?"
"It's just a mistake." Usal niya habang nananatiling naka luhod.
"Just? Just a mistake? Pero may nabuo! At hindi ko kakayanin na--na---"
"Whay Ash?" Tanong ni Spencer saka naupo sa aking tabi.
"Mahal na mahal kita Spencer. Sobra sobra!"
"Alam ko. Bakit mo ba sinasabi yan?"
Hinarap ko siya at tinitigan sa kaniyang mga mata.
"Ayokong ipagkait ka sa --sa--" tila nahihirapan akong tapusin ang aking pag sasalita. "Sa mag-ina mo."
"Pero ikaw ang mahal ko."
"Alam ko ang pakiramdam ng may kahati sa ama. At ayokong masira ang buhay ng --"
"So, ano ba ang gusto mo? Diretsyuhin--"
"Sabi mo, God's plan is better than ours. Right?"
Napaigting ang kaniyang panga matapos kong mag salita.
"Siguro ito na nga ang sagot niya. Ang imulat tayo sa katotohanan na hindi tayo puwede." Lumuluha kong sambit saka ngumiti ng mapait.
"I care about the baby Ash. Pero ikaw lang ang mahal ko! Please stay! Please!" Pag tangis ni Spencer na pilit akong inihiga sa kama.
"Gusto kitang ipag laban sa kahit na sino. Pero ang ipag damot ka sa walang muwang? Hindi ko kaya." Saad ko saka siya niyakap ng mahigpit na mahigpit.
"I embrace your promise without hesitation. Because, I believed in you more than myself!" Humihikbi kong saad saka siya hinalikan.
Halik na para bang katapusan na ng lahat.
Halik na para bang sinasabing dito na lang...
"Punish me then. But, never leave me Natasha." Usal ni Spencer bago siilin ng halik ang aking leeg.
Halik na bumiyahe sa mapag alab na sensasyon sa pagitan ng aming katawan at laman na nangangailangan ng init.
Ayoko muna isipin ang sakit.
Kahit Mali, Akin ka pa rin. Sa akin ka lang Spencer...