Tải xuống ứng dụng
12.9% When You Love Too Much / Chapter 4: Chapter 3

Chương 4: Chapter 3

Carlhei Andrew POV

"Eh?" Natatawang reaskyon ni Neomi, "Yari ka na naman nyan Kuya. Sinasabi ko na sayo."

Kasalukuyan kaming kumakain kasabay sina Reinest, Karl at Steven. Ritwal na naming lima ito dahil mag kakasabay naman ang lunch break namin.

"Eh anong mali doon, Neomi? Wala namang mali sa love at first sight." Saad ni Reinest

Umiling iling ang kapatid ko at tumingin sa akin ng nakangisi.

"Oo, hindi talaga mali 'yung love at first sight na 'yan. Ang problema, malabo ang mata ng kuya ko. Mali mali ang mga taong nakikita." Saad ni Neomi

Naihampas ni Karl ang kamay niya sa mesa tyaka sinabayan si Neomi na tumawa. Masamang tingin lang ang ibinato ko sa kanila dahil nag sasabi sila ng masama sa harap ko pa.

"Ano namang alam mo sa ganoon eh wala ka namang naging boyfriend?" Pag singit ni Steven

Naging matunog ang pang ngisi ni Neomi tumingin kay Steven. Mukhang mag yayabang na naman ito kaya wala na akong magagawa.

"Coaches never play because when they play, it will be a dirty one." Sagot ng kapatid ko

Wala nang naisagot si Steven dahil wala naman talagang nanalo sa kapatid ko sa mga ganyang sagutan.

"I need to go. Uuwi ako ng maaga, Kuya." Saad ni Neomi at binitbit ang tray niya paalis

"So what's the name?" Tanong ni Karl

Inalala ko ang pangalan na nakita ko sa I.D niya at napangiti sa kanilang tatlo.

"Ellaine ang pangalan niya." Nakangiting sabi ko

Bakas ang tuwa sa mga mukha nila. Para bang mayroon na namang bagong pag asa.

"Pero maganda siya ah. Ayos 'yan bro. Architect siya at Engineer ka naman." Saad ni Ren

Hindi ko naiwasang mag imagine dahil sa sinabi ni Reinest. Ang galing nga naman kung Architect siya at Engineer naman ako. Magandang kombinasyon.

"Eh anong plano? Liligawan mo?" Tanong ni Steven

Napaisip ako sa tanong ni Steven. Ano nga bang plano? Kailangan bang ligawan agad? Mukhang nakakahiya iyon.

"Siguro friends muna. Ang sagwa kung manliligaw agad ako eh. Isang beses lang kami nag kita noong bakasyon." Saad ko

Sabay sabay na tumango ang mga ito bilang pag tugon.

Hindi naman kasi ako nag mamadali. Maganda kasing pundasyon ang pag kakaibigan sa mga relationship. Kapag nakilala niyo na ang isa't isa, hindi na kayo masyadong mahihirapang mag adjust kung mag kakaroon man ng problema.

"Hoy, ano namang iniimagine mo dyan? Wala pa diba?" Pang aasar ni Karl

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ni Karl.

"I know. Nakakatuwa lang talaga 'yung nangyayari sa akin." Saad ko

Tinapos na namin ang pag kain at nag tungo sa nga susunod naming klase. Naging madali lang naman ang buong araw dahil nga unang araw palang namin. Nakakatuwa dahil medyo maluwag ang mga professor sa year namin. Sa tingin ko ay magiging madali na ang lahat basta mag aaral lang kami ng maigi.

Nang mag uwian ay mabilis akong nag tungo sa parking. Kasabay ko kasing uuwi 'yung tatlo at mag bibisikleta lang kami.

"Samahan niyo akong bumili ng calculator. Nabasag kanina 'yung favorite kong calcu." Inis saad ni Reinest

Since malapit lang naman dito ang mall ay madali lang namin iyong napuntahan. Matapos iparada ang kaniya kaniyang bike ay pumasok na kami sa mall. Maraming tao dahil gabi na. Dito kasi dumidiretso ang mga estudyante sa Univeristy para mag liwaliw. Saktong first day pa kaya naman may mga mag kakaibigan na namiss ang isa't isa kaya dito nag kikita.

Nag tungo kami sa bilihan ng calculator para hindi na mabadtrip si Reinest. Mahal na mahal niya kasi talaga 'yung calculator na iyon dahil bigay iyon ng girlfriend niya.

"Maganda ba 'to?" Tanong ni Reinest at iniangat ang itim na calculator

Umabante si Karl kay Reinest at sinuri ang calculator.

"Kaya ba nyan bilangin kung ilabg beses niya akong pinaasa?" Tanong ni Karl

Napaface palm ako dahil sa sinabi ni Karl. Ganiyan talaga siya, mahilig humugot. Pero ang totoo ay wala pang nagiging girlfriend.

"Kapag hindi madaling masira okay na 'yan. Dapat mas matibay pa 'yan sa relasyon niyo." Saad ni Steven

Nag tawanan kami dahil sa mga pinagsasabi nila. Matapos bilhin ang calculator ay napagpasyahan naming mamili ng mga materials. Bali na rin kasi ang scale ruler ko.

"Bilis naman mabali ng ruler mo pre. Kasing bilis niyo nag hiwalay ni Missai." Saad ni Karl

Kaagad akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. Sabay pa siyang hinampas ni Reinest at Steven dahil sa sinabi niya.

"'Yang bunganga mo talaga parang ang sarap lagyan ng tape eh." Saad ni Reinest

"Foul 'yon pre." Saad pa ni Steven

Kinuha ko 'yung ruler at umiling iling sa kanilang tatlo.

"Okay na ako." Nakangiti kong sabi

Totoo naman iyon. Sa dami ng ginawa ko sa nag daang summer ay masasabi akong kaya ko na nga.

"Dahil kay Ellaine?" Tanong ni Reinest

Nag lakad na kami sa counter para bayaran ang mga materials na binili namin.

"Hindi ah. Napakasama ko namang tao kung gagamitin ko siya para lang makalimutan si Missai?" Natawa ko ng bahagya, "Nakausad ako dahil sa mga pinagkaabalahan ko nitong summer. 'Yun lang ang dahilan."

Napatango tango silang tatlo bilang pag sangayon. Matapos mabayaran ang mga binili namin ay nakaramdam kami ng gutom. Kinuha ko ang cellphone ko para sabihin kay Mama na hindi ako makakauwi. Medyo maluwag naman si Mama kaya pinayagan kaming kumain sa labas.

"Carlhei si ano 'yun diba? Si Ellizabeth ba 'yun?" Saad ni Karl at itinuro pa

Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ko at tinignan ang itinuturo ni Karl. Mabilis kong hinampas ang kamay niyang nakaturo kay Ellaine at umiling iling dito.

"'Wag ka ngang turo ng turo Karl. Nakakahiya ka." Saad ko

Nag tawanan pa si Steven at Reinest dahil totoo namang nakakahiya si Karl. Napakaingay kasi at laging nang huhulog.

"Sige na pre. Lapitan mo na tapos ayain mong mag dinner." Pang aasar ni Steven

Mag isa lang si Ellaine na nag lalakad at panay ang tingin sa mga painting. Nakakatuwang tignan ang itsura niya dahil para bang manghang-mangha ito sa painting na kaharap niya.

"Architect Ellaine!" Sigaw ni Reinest

Kaagad na lumingon si Ellaine sa direksyon namin. Parang bumagal ang paligid ng lumingon ito sa direksyon namin. Napangiti ito ng makita ako at sina Karl na kumakaway kaway pa.

Walang ano-ano ay lumapit ito sa amin ng may ngiti sa labi niya. Mag sisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagagandahan sa ngiti niya. Onti nalang talaga ay pwede nang model ng toothpaste.

"Hello." Bati sa amin ni Ellaine

Dahil sa kalokohan ni Karl ay tinulak pa ako paabante. Mabuti at medyo malayo si Ellaine kaya naman hindi ako napadikit sa kaniya.

Sinamaan ko ng tingin si Karl dahil sa ginawa niya.

"Ellaine, pwede mo bang samahan mag dinner itong kaibigan namin?" Tanong ni Reinest

"Oo nga, Ellaine. Kasi aalis na kami pero gusto niya raw talaga mag dinner dito sa mall." Saad pa ni Karl

Sunod sunod na masasamang tingin ang binato ko sa tatlo. Nawala lang iyon ng marinig kong tumawa si Ellaine. Napalingon tuloy ako dito.

Paanong naging ganoon kasarap sa tenga ang tawa niya?

"Oo naman. Salamat dito kay Engineer, naagapan kaagad ang tuhod ko." Nakangiting sabi ni Ellaine

Napahawak ako sa batok ko dahil sa hiya. Kilig, rather?

"Wala 'yun. Lahat naman siguro ng nasa ganoong sitwasyon ay gagawin iyon." Saad ko

Dahil marami talagang kalokohan ang tatlo, mabilis na silang umalis ng mall. Nahihiya man ay nag hanap na ako ng restaurant na makakainan. Pinag papawisan na ako dahil sa kaba. Hindi ko naman kasi alam kung anong gusto niya.

Kung ako ba o 'yung pag kain.

Joke.

"Ano, Ellaine." Tawag ko dito

Kaagad siyang lumingon sa akin at ngumiti. Nag aantay ito ng sasabihin ko kaya naman nag salita na agad ako.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong ko

Mabilis niyang itinuro ang isang fast food chain. Medyo nagulat ako dahil sa itsura niya ay parang siya 'yung babaeng hindi kakain sa mga fast food chain.

Dahil gusto niya nga doon ay doon kami kumain.

"Anong year mo na?" Tanong niya sa akin

Muntik pa akong masamid dahil sa biglaang tanong niya. Nakitang kong natawa ito dahil sa naging reaksyon ko. Para namang gusto kong lumubog dahil sa kahihiyan.

"Fifth year. Ikaw?" Saad ko

Iniangat niya ang I.D niya at doon ko lang lubusang nakita ang identification niya. She's Ellaine Hermosa. 4th year student in Architecture Department.

Napa "oh" ako dahil isa rin siyanh graduating student.

"Ang weird 'no? Ngayon lang tayo nag kita kung kailan graduating na tayo. Gusto pa naman kita makaclose." Saad ni Ellaine

Gusto daw akong makaclose mga mare.

"May isang taon pa naman para gawin 'yun eh. Friends?" Saad ko at iniabot ang kamay ko

Nakangiti niya iyong tinanggap at nakipag shakehands. Matapos mag shakehands ay pinag patuloy na namin ang pag kain namin. Natapos naman iyon ng ayos at umalis kami sa fastfood chain na 'yun.

Muli naming nadaanan 'yung mga painting na kanina niya pa tinitignan. Saglit kaming napahinto doon dahil tinitignan niya ulit iyon. Sakto namang nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may message si Reinest.

From: Magician

Bro inuwi ni Karl 'yung bike mo.

Napakabaliw talaga!

"May problema ba?" Tanong ni Ellaine

Kaagad akong umiling dito at ngumiti. Nang masiguradong wala akong problema ay muli niyang pinag patuloy ang pag tingin sa painting. Kinuha ko ang pag kakataon na iyon para itext si Karl.

To: Karlito

Why did you bring my bike?!

From: Karlito

Hina mo talaga. Paano ka mo makakasama ng matagal kung mag bibike ka pauwi?

Aba talaga naman.

To: Karlito

Pag nagasgasan 'yan ibenta mo na ang company niyo.

Napangiti ako at ibinulsa na ang cellphone ko. Sakto namang lumingon na sa akin si Ellaine kaya casual ko itong tinignan.

"Tara?" Saad ni Ellaine

"Sige." Saad ko

Nang makalabas sa mall ay dumiretso kami sa bus top. Medyo marami naring nauwi kaya naman punuan ang bus.

"Saan ka pala nakatira? Baka mag kaiba tayo ng ruta." Saad niya

"Sa kabilang bus stop lang ang baba ko. Doon lang kasi ako sa Royal Subdivision." Saad ko

"Sakto! Doon lang ako sa katabing Subdivision." Saad niya

Nag abang kami ng bus at sakto namang may dumating. Ang problema nga lang ay medyo puno na iyon. Wala akong nagawa nung sumakay na si Ellaine. Nakipagsiksikan kami hanggang sa may makita kaming seat. Isa lang iyon kaya naman siya nalang ang pinaupo ko.

"Baka mangalay ka." Saad niya

Umiling ako dito at ngumiti. "Okay lang naman. Bababa rin naman sa next station." Saad ko

Napatango tango ito sa akin. Mabuti at hindi traffic kaya naman mabilis kaming nakarating sa next bus stop. Nauna akong bumaba at iniharang ang braso ko para matakpan siya. Mayroon kasi kaming mga makakasalubong na papasakay ng bus.

Nang makaalis kami sa bus stop ay nag lakad kami papasok sa kalsadang papunta sa subdivision nila. Mauuna kasi ang subdivision nila kaysa sa amin kaya parang naihatid ko na siya.

"Salamat." Sabay naming sabi

Napatawa tuloy kami ng sabay dahil doon.

"Salamat sayo. Ikaw kaya ang nag bayad ng food eh samantalang ako ang tinulungan mo kanina." Nahihiyang saad niya

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Ayaw ko kasi ng ganoong siya ang manlilibre.

"Nakakahiya naman kung mag papalibre ako sayo, Ellaine. Tyaka okay lang talaga 'yun." Nakangiting sabi ko, "Salamat for this day. I hope na maging close tayo."

Tumango tango ito sa akin at ngumiti pa. Kumaway na ito sa akin bilang pamamaalam at ganoon rin ang ginawa ko.

"Goodnight, Engineer." Saad niya

Napangiti ako dahil sa tinawag niya sa akin.

"Goodnight too, Architect." Saad ko

Nang tumalikod ito ay doon lang ako nag umpisang nag lakad papunta sa subdivision namin. Mukha akong baliw na nakangiti dahil sa tinawag niya sa akin.

Hanggang sa makarating sa bahay ay wala akong ginawa kung hindi ang ngumiti.

"Mama si Kuya nababaliw na!" Sigaw ni Neomi mula sa living room

Kaagad ko itong nilingon ng may masamang tingin. Nakakailang sabi na kasi siya sa akin na nababaliw na ako. Tsk.

"Wala ka bang love life?" Pang iinis ko dito

"Aanohin ko love life kung sa dulo iiyak ako? Ikaw nalang tsong, masasayang pa luha ko." Saad ni Neomi

Hindi makapaniwalang tingin ang binigay ko dito.

"Kapag umiyak ka ulit, walang sisihan ha? Tulog na ako." Saad niya at itinuro ang taas

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Dapat bang matakot ako sa panibagong sakit na mararamdaman ko kung sakali?

Hindi naman siguro iyon mauulit. Sana huling pagkakataon na nasaktan ako kay Missai.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C4
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập