Tải xuống ứng dụng

Chương 15: 15

ALTNF

15

Ben Cariaga's POV.

"Babi?! Babi!!"

Hindi ko man makita ang taong kararating lang ay kilalang kilala ko na kaagad kung sino ito.

Maya-maya ay naramdaman kong may yumakap sa akin and I can smell her scent.

"Anong nangyari? Bakit..?" She asked worriedly then she cupped my face.

I smiled, "Kristal, ok lang ako. May napanaginipan lang ako. Ok lang ako promise." Sabi ko.

"Napanaginipan? Ahm, 'yun bang--"

"Oo. Ayun ang napanaginipan ko." Sabi ko na nagpatigil sa kaniya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

Sinubukan kong ilibot ang paningin ko sa paligid ko. Magkahalong dilim at liwanag ang nakikita ko. Nakakakita rin ako ng mga gumagalaw na anino at mga bagay.

Alam kong hudyat ito ng malabong paningin at ang unti-unting pagbalik nito. Ngunit kada pipilitin kong i-focus ang paningin ko sa isang bagay ay nahihilo ako at sumasakit ang ulo ko.

"Babi, babalik rin 'yan. Promise. Nandito lang ako." Sabi pa niya.

Ngumiti ako.

"Salamat Kristal."

Muli akong niyakap ni Kristal at pagkahiwalay niya, ay muling may tumawag sa akin sa palayaw ko.

"Babi..."

Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang ng boses nito ay napangiti na ako. Boses iyon ni kuya. Siya at si Kristal lang naman ang tumatawag sa akin sa palayaw ko.

"Kuya?" Tawag ko rito.

Naramdaman ko siyang lumapit sa akin at dali-dali niya akong niyakap. Mahigpit. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nag-alala.

Maya-maya ay humiwalay na siya sa yakap at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Nandito na ako, babi.. Nandito na ako. Kumusta ka? Ok ka na ba?" Tanong niya at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Ngumiti ako. Parehas na parehas sila ni Kristal kung mag-alala sa akin. Parang gusto kong maiyak uli pero joke lang.

"Hindi ako ok, kuya. Magiging ok ako kapag nakakita na ako." Nakangiti kong sambit, ngunit hindi ko rin naitago ang lungkot sa pagsasalita ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Babi, babalik rin 'yang paningin mo. Ilang beses na 'yang nangyari sa'yo. Huwag kang mag-alala, nandito na ako para tulungan ka. Makakakita ka ulit, babi." Sabi niya.

"Salamat, kuya." Sabi ko.

At muli ay niyakap niya ako. Napalitan ng gaan ang mabigat na nararamdaman ko kanina. Bigla rin akong nakaramdam ng matinding pagod at feeling ko gusto ko na lang magpahinga.

"So paano? Balik na po ako sa bahay, ha?" It's Nico's voice.

"Sabay na ako, Nico. Balik na rin ako sa bahay, bi." Sabi naman ni Kristal.

They bid goodbye. Narinig ko pang nagpasalamat si kuya kay Nico.

I told kuya na matutulog muna ako. And I'm hoping na pagkagising ko ay nakakakita na ako.

~*~

The moment na bumalik ang consciousness ko mula sa pagtulog ay unti-unti ko nang iminulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang kisame ng aking kwarto.

Dominante na ang liwanag kaysa sa dilim. Bumangon ako at inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Nakikita ko na. Nakakakita na ako. Pero malabo...malabo pa. Wala pang sharpness. Nakakahilo pa ang labo at parang gusto kong i-focus ito ngunit sumasakit lang ang ulo ko.

Ok na 'to. At least bumabalik na. Napangiti ako.

Lumabas ako ng kwarto at paglabas ko ay may napansin ako.

Dominante ang liwanag sa dilim base sa nakikita ko. Napansin ko lang na lamang ang asul at berdeng kulay sa paningin ko. Hindi balanse. Dumami rin ang floaters na nakikita ko sa vision ko. Sobrang dami nila. Maya't maya rin ang biglaang pagflash ng parang kidlat sa paningin ko. Na hindi ko naman ikinabahala dahil naalala ko na ganito rin naman ang naranasan ko dati.

"Babi?" Rinig kong tawag ni kuya sa akin at saka niya ako nilapitan.

"Kumusta na ang paningin mo?" He asked.

"Nakakakita na ako, kuya. Kaya lang, kagaya pa rin noon na puro floaters pa lang at hindi pa gaano kalinaw." Sabi ko.

I saw him smiled, "Talaga?"

Then suddenly, inawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa kusina. Pinaupo niya ako sa isang upuan at binigyan niya ako ng isang platito na may lamang peanut jam.

"Sorry ah, konti lang ang dala kong pasalubong. The moment na tinawagan mo kasi ako -- I mean ni Nico eh nagpaalam na agad ako sa boss na babalik na ako rito. But don't worry, sinigurado ko naman na may pandagdag ka sa collection mo." Sabi ni kuya na nagpangiti sa akin.

"T-talaga?"

He grinned wide, "Yep!" sabi niya.

I just gave him a beam as well, at saka ko tinikman ang binigay niya sa aking peanut jam.

"Masarap?" Tanong niya.

I gave him 2 thumbs up, "Sobra, kuya. Tama lang 'yung tamis. Masarap siya." Sabi ko naman.

"Mas masarap pa sa akin?" Tanong niya na halos magpasamid sa akin. Hindi ko ineexpect na itatanong niya sa akin ang bagay na 'yan pero hindi na rin naman ako nasurpresa.

"As if namang natikman na kita," sabi ko sa kanya.

"Gusto mo ba akong matikman?" Tanong niya. Alam ko namang nagbibiro lang siya kaya sige, sakyan natin.

"Gusto ko sana kuya, kaya lang magkapatid tayo eh." Sabi ko.

Bigla siyang natahimik. Parehas kaming natahimik. Parang nagkaroon na panandaliang pagtigil ng oras at tanging kuliglig lang ang naririnig namin.

"S-sigurado ka ba sa sinasabi mo babi?" Biglang tanong ni kuya na halos mautal-utal pa siya.

I smiled widely, "Ano ka ba naman kuya Japs, syempre joke lang 'yun no! Naiimagine ko pa lang kadiri na e," sabi ko.

"But you sounded like you want it kung hindi lang tayo magkapatid." Sabi nya.

"Eh magkapatid nga tayo eh," sabi ko.

"Paano kung hindi?" Tanong niya.

"Kung hindi? Edi hindi!"

"Hindi mo pa rin gusto?" Tanong uli niya.

Tiningnan ko siya sa mata kahit malabo pa ang paningin ko.

"Kuya, hindi ba awkward na pag-usapan natin ang ganitong bagay? Magkapatid tayo for goodness' sake." Sabi ko sa kanya.

Bahagya naman siyang natigilan at saka siya bumuntong hininga.

"Pero kung ako ang tatanungin mo," he said, at naramdaman ko namang gumapang ang kamay niya sa hita ko, "gusto ko pa ring gawin 'yun kahit magkapatid tayo." he said seductively.

Bigla ko siyang hinampas ng malakas sa braso.

"Dun ka na nga, kuya! Parang kanina lang nag-aalala ka pa sa akin tas ngayon binabastos mo na ako! Grabe ka talaga!" Sabi ko sa kanya.

"W-why? Magkapatid naman tayo. Kuya mo ako and I'm giving you and myself the permission to do that. Trip trip lang ganun. Wala paninindigang magaganap. As if namang mabubuntis kita." Sabi pa niya.

Hinampas ko uli siya sa braso niya, this time mas malakas na. Sunud-sunod na hampas.

"Grabe ka talaga! Susumbong kita kay mama! Papamulto kita sa kanya!" Sabi ko.

"Hahaha joke lang babi! Taenang reaction mo 'yan ang cute! Hahahaha! Kahit isumbong mo ako kay mama sa langit di yun magagalit sa akin. Baka pumayag pa 'yon. Siya pa nga nagtolerate sa akin na halikan kita sa labi bata pa lang tayo remember?" Sabi pa niya.

"Ewan ko sa'yo umalis ka na!" Medyo pasigaw na sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nang-aasar talaga 'tong si kuya eh. Ang ginawa ko, kinuha ko ang basong may lamang tubig sa lamesa at akmang ibubuhos ko ito sa kanya.

Nang bigla namang may kumatok sa pinto.

"That was close," Sabi ni kuya, smiling victory against me.

I just gave him a glare at bumalik na sa pagkakaupo ko.

Pinuntahan ni kuya 'yung kumakatok sa pinto at binuksan niya ito.

Hindi ko na tiningnan kung sino 'yung dumating, inubos ko na lang 'tong peanut jam na binigay ni kuya sa akin.

"Bi, may bisita ka." Biglang sabi ni kuya.

Tumingin ako sa kanya at napansin kong papalapit siyang may kasama. Hindi ko gaanong maaninag ang itsura nung kasama niya kaya naman kahit masakit sa ulo ko, pinilit kong i-focus ang paningin ko sa mukha noong lalaki.

I was quite taken aback when I recognize his face.

"K-kuya Jay?" Pagtawag ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inilapag niya sa lamesa ang dala-dala niya na ngayon ko lang din napansin. Napakamot pa siya sa batok niya.

"G-gusto lang kitang kamustahin. At, nga pala," itinuro niya ang dala-dala niyang kalalapag lang sa lamesa.

"May dala akong pasta. Pero iba 'yan dun sa pinadala ko kay Nico kanina. Special 'yan," Sabi pa niya. Napa-'wow, special' naman ako sa isip ko.

"Salamat kuya Jay." Sabi ko sa kanya.

He heaved a sigh, at nagulat ako nang idampi niya ang kamay niya sa noo ko.

"Wala ka nang lagnat?" Tanong niya.

Aba, aba. Totoo ba 'to? Nag-aalala ba talaga siya sa akin? O trip lang niyang itanong?

"Wala na. Bakit mo tinatanong? Nag-aalala ka sa akin? Uuy, nag-aalala ka, 'no? Palagi ka lang naiinis sa akin pag pumupunta ako sa inyo pero deep inside curious ka rin pala sa akin. Tapos ngayon nag-aalala ka pa kasi nagkasakit ako. Grabe ka, sabi na eh crush mo talaga ako! Sinasabi mo lang na--"

"Oo na, nag-alala ako." Sabi niya.

Bigla akong natigilan. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ngayong sinabi na niya mismo, ano na? Matutuwa ba ako? Magpapa-party na ba ako? Tatawag na ba ako ng pari at magpapamisa?

Nakarinig ako ng tibok ng puso. Pero ngayon, alam ko na kung kanino ito nanggagaling.

Sa akin.

"Uhm Ben, can I ask you for a walk?" Tanong niya.

Muli akong napatingin sa kanya. Ngayong malapit siya sa akin ay malinaw kong nakikita ang kanyang mukha. And he...he looks so wasted.

"You're already asking." Biglang sabat naman ni kuya mula sa likuran niya.

Tumingin ako kay kuya. He knows that I'm asking for permission.

He smiled and nodded at me.

~*~

"Nagjo-joke ka lang, 'di ba?" Tanong sa akin ni kuya Jay.

Nandito kami sa kalakhan ng aming barrio at naglalakad-lakad. Hindi naman kami maliligaw dito dahil isang mahabang daan lang ito at napakalawak pa. Saulo ko rin naman itong lugar na 'to. Maganda ang tanawin at nakakapayapa ng isip.

Bukod pa roon ay gabi na kaya naman sobrang tahimik.

"Ha?" Balik tanong ko naman. Hindi ko kasi siya na-gets. Hehe.

He let out a small sigh at tiningnan niya ako.

"I once asked you kung crush mo ako. Ang sabi mo, "Yiiieee, paano mo nalaman?" Ibig sabihin totoo, diba?" Sabi niya.

Napaisip ako. Naalala ko noong time na 'yon. Tama siya, parang inamin ko rin sa kanya na crush ko siya.

"So, are you just kidding that time?" Seryosong tanong niya.

Parang gusto ko namang matawa na ewan. Para kasi sa akin parang niloloko lang niya ako. Parang ang lakas makapang-good time nung tanong niya.

Pero hindi eh. Sobrang seryoso kasi niya. Para bang isang maling sagot ko, papatayin niya ako. Joke lang.

I smiled at him genuinely. "Mukha ba kitang jino-joke time non? At saka, hindi pa ba obvious na palagi akong-"

"Ok. That's enough." He said, cutting me off.

Hindi na ako nakapagsalita. Nag-process kasi sa utak ko 'yung sinabi niya.

Ano ba 'yan, sa simpleng pagsabi niya ng 'that's enough' kinikilig ako. I sigh, then smiled.

"S-so, bakit mo naisipang maglakad-lakad kasama ako? Akala ko ba mainit ang dugo mo sa akin." I told him.

Bahagya siyang umiwas ng tingin. I tried to catch his gaze but he's avoiding it. Natahimik din siya. Ang awkward tuloy.

"I was worried." Seryoso niyang sabi nang hindi nakatingin sa akin.

Ako naman ngayon ang natahimik. Sobrang tahimik na nga ng paligid, natahimik pa kaming dalawa.

"Bakit naman? Nag-alala ka sa kinaiinisan mo?"

"Ben, look. I'm sorry kung masama ugali ko sa'yo, ok? Ikaw din naman kasi. Masyado kang papansin. Ayoko sa mga papansing tao." Sabi niya, at halata mong naiinis talaga siya.

I chuckled.

"If that so, then I'm sorry. Hindi ko kasalanang magkaibang tao tayo. Magkaiba ng trip at buhay. Gusto mo lagi mapag-isa, samantalang ako ayoko nang nag-iisa. Gusto ko palaging may kasama."

"I'll respect your preferences but you should respect mine as well." Sabi niya.

Saglit akong natahimik. Bumuntong hininga ako at binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Noted. Sorry talaga ha. Alam ko rin naman sa sarili ko na I'm overdoing it. Nasanay lang ako to the point na mainis ka na sa akin. Pero sinasabi ko sa'yo kuya Jay ha, kahit ganito ako kakulit madalas, madalas din naman akong totoo sa nararamdaman ko at sa mga sinasabi ko. I'm telling you this for you to trust me kahit ako pa ang pinaka-kinaiinisan mong tao sa mundo." I paused for a second, "but really, hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Nandyan naman ang girlfriend mo so you should be taking care of her instead of worrying about me." Sabi ko sa kanya.

Medyo natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Stop talking about her,"

"Pero seryoso ang sweet nyo nung time na 'yun. Alam mo bang first time ko lang makakita ng dalawang taong naghahalikan sa personal? Kasi kahit nanay at tatay ko hindi ko nakitang magkiss."

"Wag muna natin siyang pag-usapan,"

"At alam mo rin ba, sobrang bagay kayo. Ang ganda ganda nya tapos ikaw naman ang pogi pogi. Tapos mabait ka pa. Kaya nga kita crush e. Pero wag mo akong alalahanin, isipin mo na lang celebrity ka at maraming naga-idolize sa'yo. At isa ako don."

"Ben, tumigil ka na." Sabi niya.

Hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko, nagalit siya. At hindi ko alam kung bakit.

"Bakit? Ayaw mo ba na nac-compliment kayong dalawa?"

"Oo, ayoko. Ayoko ring pag-usapan siya."

"Bakit naman? I mean, it's normal for guys to talk about their girlfriend."

"Please, please just stop talking about her." Sabi pa niya.

Napatigil ako sa paglalakad. Ayaw niyang pag-usapan ang girlfriend niya. Samantalang noong nakita ko sila noon, naramdaman ko kaagad kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi sila magkaayos ngayon.

"Kuya Jay..."

"Wag mo akong tawaging kuya. Hindi tayo magkapatid." Sabi niya.

"Hindi nga tayo magkapatid, mas matanda ka namang lalaki kesa sakin. Anong gusto mong itawag ko sa'yo, sir? Boss? Pre? Papa? Tito? Baby, bebe ko, honey? My love? So sweet?" Tanong ko sa kanya.

Akala ko matatawa siya sa sinabi ko pero hindi. Tumigil lang siya sa paglalakad at tinitigan ako. Feeling ko tuloy nagmukha akong tanga.

Hindi siya nagsalita. Hanggang sa maya-maya ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Tinawag ko siya, "Jay!"

Muli siyang napatigil sa paglalakad, at nilapitan ko naman siya. Hinawakan ko siya sa balikat kahit na mas matangkad siya sa akin ng halos isang talampakan.

"Ano pre, gusto mo bang tulungan ko kayong magkaayos ng gf mo? Wag kang mag-alala, expert ako sa mga ganyan. Si Kristal nga nagawa kong pagbatiin nung boyfriend niya eh, kaya lang epic failed kasi lalo silang nag-break, haha! Pero promise this time sisiguraduhin ko na magkakaayos kayo." Sabi ko. Hindi siya agad nagsalita.

Bumuntong hininga siya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Ha? Bakit naman?" I asked.

He sigh, "Nagbubulag-bulagan lang ako sa sarili ko. Alam kong wala na talaga. Yes, I loved her and I'm trying to keep on holding hangga't may natitira pa. Pero lalo lang niya akong niloko. Kaya lalo ring nawala ang tiwala ko sa kanya." Sabi niya.

"H-ha?"

"Had it not been because of that, hindi ako mag-aalala sa'yo." bahagya siyang napatigil, then he chuckled, "But that's not what happened because I'm worried sick about you."

---


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C15
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập