Tải xuống ứng dụng

Chương 7: 7

ALTNF

7

Jay Marco Natividad's POV.

Karaniwan, palagi lang akong nagi-stick sa kung ano mang sinasabi ko. Kapag nagbibitaw ako ng salita sa isang tao, ayun na 'yon. Walang bawian, no hard feelings.

Pero 'yung kanina. Naiinis ako. Naiinis ako dahil parang na-guilty ako bigla sa sinabi ko sa kanya kanina. Oo, sa kanya. Alam kong kilala nyo na yun kung sino.

Siya naman kasi. Alam kong wala siyang ideya sa buhay ko pero tama ba na pag-isipan niya ako ng ganun? Kaya ako na-offend. Kaya ko rin siya napagsalitaan ng ganun.

H

e's annoying. And I hate it.

Inaamin ko kanina noong namimitas kami ng munggo, medyo nakiramdam ako. Ewan ko ba, ang alam ko e wala naman talaga akong pake sa kanya. Pero nacu-curious kasi ako sa kung anong nararamdaman niya. Hindi ko na ide-deny.

Kaya naman noong tinawag niya ako, medyo nag-alinlangan pa akong lingunin siya. Iniisip ko kasi ba baka mali lang ako ng pandinig dahil ang nasa isip ko ay galit nga siya sa akin. O nagtampo.

Ngunit noong nilingon ko siya, nakita ko ang gulat sa mga mata niya. At hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos non ay sinundan na niya si Nico.

I don't know if that's a good thing or not. Pero kahit papaano, sa wakas ay nawala ang gumugulo sa isip ko.

At kanina rin, habang namimitas kami ng munggo, I saw a necklace pendant. Number 7 pendant siya na simple pero ang classy. Pamilyar ito. Parang nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang maalala.

Hanggang sa magflash sa isip ko ang imahe ng isang bata na suot ang isang kwintas. And it was him. That annoying guy.

Si Ben. Naalala ko noon, habang naglilipat pa lang kami dito, may dala siyang isang bayong at hindi ko mawari kung ano ang laman non. Hanggang sa natalapid siya at natapon ang laman nung basket. Mga mangga ang laman nito. Tumulong ako sa pagkuha nung mangga dahil mukhang nasaktan siya. And when I finally saw his face, nakuha ng atensyon ko ang kanyang kwintas na suot-suot.

That's why, I think it was familiar.

Kaya noong tinanong ako ni Nico kanina kung sasama ba ako sa ilog o hindi, gusto ko talagang sumama. Ayoko lang sumabay sa kanila kaya sinabi ko may iba akong pupuntahan. I want to surprise them. Pero hindi naman ako magtatagal -- ibabalik ko lang itong pendant.

'Yun lang talaga, promise.

At ngayon nga ay nasa harapan ko siya.

"Anim." Sabi niya sabay pulot sa kung ano mang nahulog sa ulo niya.

At saka siya tumayo. Muling nagtagpo ang paningin naming dalawa.

"Ikaw pala, kuya Jay." Sabi niya. Walang bahid ng pagtataka sa tono ng pananalita niya.

I heave a sigh, at saka ko kinuha mula sa bulsa ko ang pendant na napulot ko kanina.

"T-teka, akin 'yan!" Sabi niya at bigla niya itong hinablot mula sa akin. Tinitigan niyang mabuti 'yung pendant at kita ko ang pag-aalala mula sa mukha niya. The sign of relief as well.

"S-saan mo 'to nakita?" He asked.

Hindi ako nagsalita.

"S-salamat ha.. salamat talaga. Regalo pa kasi 'to sa akin nung mama ko.. Salamat dahil nakita mo. Salamat sa pagbalik." Sabi niya at akmang iiyak siya.

Oh teka, bakit iiyak 'yang batang 'yan? Wala akong ginagawang masama! Ibinalik ko lang sa kanya ang dapat ibalik. May nakakaiyak ba dun?

Lumapit sa kanya ang kaibigan niyang babae na wari ko ay Kristal ang pangalan, "Babi.."

"Dont worry, Kristal. I'm just happy. Wala akong balak umiyak. Hindi ako pwedeng umiyak." Sabi ni Ben.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin then he smiled genuinely.

"Salamat talaga, kuya Jay ha?" Sabi niya.

Hindi na lang ulit ako nagsalita.

Ganoon ba talaga 'yon kaimportante?

Boring.

"O-oo nga pala, si Kristal. Kaibigan ko siya dito sa probinsya. Kristal, si Kuya Jay. 'Yung pamangkin nina Mang Tako." Pagpapakilala niya sa akin doon sa kasama niyang babae.

I want to botch the scene and just ignore them. But since it would be too rude of me to do that, I just nod at them as a sign of respect.

Paalis na sana ako nang bigla niya ulit akong tawagin.

"Kuya Jay,"

I paused for a moment and waited for him to speak.

"Salamat ulit."

I sigh, at tuluyan ko na siyang tinalikuran.

Hard feelings: cleared. Kaya please lang. Huwag mo na ulit akong kukulitin.

~*~

Ben Cariaga's POV.

"Babi, muntikan na 'yun ah. Lakas talaga ng fighting spirit mo bi." Sabi sa akin ni Kristal.

Nandito kami ngayon sa isang malaking bato at nakaupo. Nandito pa rin kami sa ilog. Si Nico, ayun. Na-stuck na sa paghahanap ng basyad. Favorite daw nya kasi.

I smiled, "Oo nga, Kristal eh. Pag nagkataon, naku. Paktay." Sabi ko.

Tinutukoy niya ang pag-iyak ko, well, almost kanina. Kilala niya kasi ako. Alam niya kung kailan ako iiyak o hindi. At siya ang palaging pumipigil sa akin.

Hindi ako pwedeng umiyak dahil ang retina ko ay loose na. Hindi ako pwedeng magrelease ng excess tears dahil baka lalo itong magcause ng detachment. Baka lang naman, hindi ko sinasabing made-detach kaagad kapag umiyak ako. Kumbaga may posibilidad.

Nat-trigger kasi ito. Matagal na akong aware sa sakit kong ito. Umiyak ako noon at bigla na lang hindi ako makakita. Sobra akong nag-panic noong panahon na 'yon. As in. Ikaw kaya, umiyak ka lang, then pagmulat mo ng mga mata mo hindi ka na nakakakita. Hindi ka kaya magpanic? Eh bata pa ako nun.

I screamed and screamed that time, reaching for kuya's help. 1 week akong hindi nakakita noon but eventually bumalik din naman ang paningin ko.

Ayoko na siyang maranasan uli.

Nakakatakot.

"Ben, look!" Sigaw ni Nico mula sa malayo.

Nakita ko naman siyang papalapit dala-dala ang mga basyad na nakuha niya.

Bigla naman akong siniko ni Kristal sa tagiliran.

"Uy ikaw ha, close mo na agad 'yung dalawa. Sana all. Kapag nalaman 'yan ng mga fans nila dito naku, kuyog ka sa mga 'yon. Haha!" Sabi niya.

Fans? Grabe naman. Alam kong gwapo silang dalawa pero para magkaroon ng fans? Hindi naman sila celebrity ee.

I just smiled shyly.

Nang makalapit na si Nico sa amin ay proud na proud niyang ipinakita sa amin ang mga nakuha niya. Na nakakaproud naman talaga dahil ang dami niyang nakuha. Meron pa sa bulsa niya.

Unti-unti na siguro talaga akong nabubulag kaya wala akong makita kanina. Char.

"Wow naman, sana all maraming nakuha! Itabi mo na lang muna dito sa isang tabi 'yan, mamaya na lang natin kainin." Sabi ko.

Isinama ko na sa mga nakuha niya ang anim na basyad na nakuha ko rin kanina.

"Oo nga pala Nico, si Kristal. Bestfriend ko dito." Pakilala ko kay Kristal sa kanya.

He casually smiled at Kristal, then he waved his hand. "Hi, nice meeting you."

Sabi niya. Ngumiti rin si Kristal, "Nice meeting you too!"

Sause. Kilig na naman 'yan si Kristal. Char, kay kuya yan eh. Haha.

Umupo si Nico sa tabi ko. Malaki naman itong batong inuupuan namin kaya kasya kami dito.

Tumingin ako sa paligid. Hinanap ko si kuya Jay pero hindi ko na siya makita. Bumalik na siguro sa kanila. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ben, may I ask you kung anong grade level mo na sa pasukan?" Tanong sa akin ni Nico habang naglalaro siya ng mga bato.

"Grade 12. Parehas kami ni Kristal, magkaiba lang kami ng strand na kinuha. TVL - HE siya, STEM ako." Sabi ko.

He smiled, "Wow. Edi parehas pala tayong STEM, parehas din Grade 12 sa pasukan." sabi niya.

"Wait, hindi ba masyadong complicated 'yun? Sa Maynila ka nag-grade 11 then nag-transfer ka dito para mag-grade 12?" I asked him.

"Hindi naman. Hindi naman ako lilipat kung hindi dahil kay kuya. Pero aaminin ko, ginusto ko na rin talagang umalis doon sa Maynila." Sabi naman nya.

"Bakit ba kayo umalis don?" Tanong ko uli.

He smiled, at napatingin siya sa malayo. "Next time ko na lang iku-kwento. Masyadong mahaba." Sabi niya.

Hindi na lang ako umimik. Baka kasi confidential kaya hindi ko na binusisi. Hindi ko na rin ipapaalala sa kanya na i-kwento pa sa akin. Oo, curious ako. Pero alam kong darating din ang time na mapupunan ang curiousity ko. Ayoko kasing dumating sa point na mukhang iniinvade ko ang privacy nila.

Invade privacy agad? And OA naman. Haha.

"Pero Nico, matanong ko lang. Totoo ba na may girlfriend ang kuya mo?" Tanong ni Kristal na para bang close na sila ni Nico.

I gave her a meaningful look, but she just smiled creepily.

"Haha, yes. Pero matagal na kasing desisyon ni kuya na umalis ng Maynila kaya ayun, nagkahiwalay sila. But don't get me wrong, hindi sila nag-break. Nag-part ways lang pero sila pa rin. Kumbaga, they challenged themselves na harapin ang long distance relationship, and I do believe na malalampasan nila 'yon. Pero alam nyo, malakas ang kutob ko na hindi sila tatagal." Paliwanag ni Nico.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"You know, mas maganda pa rin 'yung nagkakasama kayo personally. Walang barriers, walang factors na makakaapekto sa progression ng relationship nyo, unless nagkakalokohan talaga silang dalawa. Sa kaso nila, maaaring ma-overcome nila itong long distance relationship nila pero sa maikling time-span lang. I mean, magkakaroon ng tabangan, ganun. Hehe," he chuckled, "pero siyempre, hindi rin ako ganoon kasure. Hindi ko naman nararamdaman ang nararamdaman nila in the first place. Wala rin akong karapatang kuwestiyunin ang relasyon nila dahil hindi naman ako kasali. I just have this urge na hindi talaga magiging sila in the end." Mahabang paliwanag pa niya.

Naalala ko noong nagising ako ng alas-kuwatro ng madaling araw. Nakita ko si kuya Jay na tumutugtog ng gitara sa terrace nila. Narinig ko yung kinakanta niya at alam ko iyon.

Gets ko na. Gets ko na kung bakit ayun ang napili niyang kantahin. Dahil may pinanghuhugutan siya.

"Salamat sa paliwanag. Gusto ko lang kasi malaman kung totoo ba 'yung sabi-sabi ng mga chismosang dinosaur diyan." Sabi pa ni Kristal.

"Chismosang dinosaur? Sabi-sabi? Bakit?" confused na tanong ni Nico.

"Hindi mo nga pala alam na sikat kayong dalawa dito. You know, para silang mga spy sa movie na kahit complete stranger kayo, kung kayo ang target nila ay gagawa at gagawa talaga sila ng paraan para magkaroon ng impormasyon tungkol sa inyo. I'm talking about the chismoserists dito. Bago daw kasi kayo kaya ayun, naging interested sila sa inyo." sabi ni Kristal then she chuckled, "actually suwerte nga kami ni Babi na kami ang una nyong nakilala dito. Masyado daw kasi kayong gwapo magkapatid." May pagbibiro pa niyang dagdag.

Ngumiti si Nico at napakamot siya sa batok niya. "G-ganun ba? So, sila rin ang nagcome-up sa idea na may girlfriend si kuya? Wala pa akong ibang alam na kilala ni kuya bukod sa inyo at kuya mo, Ben. Hindi rin naman siya nagsasabi ng kahit anong tungkol sa girlfriend niya, at wala rin naman akong ibang pinagsabihan. So, how come?" He said.

Napaisip rin ako.

"Hay naku. Hindi mo talaga alam kung saan manggagaling ang mga chismis. Malay mo, may nakaalam ng pangalan niya tapos sinearch sa Facebook. Tapos ayun. Stalk stalk." Sabi ko naman. Naalala ko naman 'yung phone kong nasira nang masabi ko yung Facebook. Miss ko na fb ko huhu, sabagay hindi naman ako mahilig magp-post ng kung anu-ano.

Nagkaroon muna ng ilang minutong katahimikan sa aming tatlo hanggang sa maisipan na rin naming maligo sa ilog.

Ako ang nag-lead ng daan para sa paghahanap ng libtong. Marami akong alam na libtong dito kaya lang, lampas tao. I mean, marunong naman akong lumangoy. Sus, ako pa. Expert ako diyan. Inaalala ko lang si Nico.

"Uhm, Nico, marunong ka bang lumangoy?" Tanong ko kay Nico.

He smiled, "Oo naman. Bakit?" Sabi niya.

Napangiti ako. Inalala ko pa talaga siya. Grabe ang judgemental ko talaga kahit kailan.

Nagkatinginan kami ni Kristal at patakbo kaming pumunta sa libtong na palagi naming pinaglalanguyan. Sumunod naman sa amin si Nico.

Kaya lang, pagkarating namin, may ibang taonv naliligo.

"Anu ba yan, ayoko niyan! Gusto ko 'yung tayong tatlo lang. Walang kahati. Hanap tayong iba." Sabi ko.

Naglakad-lakad pa kaming tatlo pero hindi pa naman kami nakakalayo. Hanggang sa makahanap na uli kami ng panibagong libtong.

"Dito, mukhang walang tao!" Sabi ko at lumusong na ako.

Solid dito mga pre. Malinis, malinaw. Malalim, at medyo malawak. Naku, mukhang may panibago na uli kaming spot ni Kristal.

"Hindi ba parang may tao?" Tanong bigla ni Nico.

"Huh, saan?" I asked.

"Ayun oh!" Sabi niya at may itinuro siya. Tiningnan ko naman ito.

May isang taong nakatalikod sa amin at nakahubad. Lalaki ito. At shems, ang sexy ng likod niya. At sino naman kaya itong taong 'to? Panira naman ng moment. Ganda sana ng likod.

Mukhang nasa kalagitnaan siya ng paliligo at paglangoy dahil basa ang buo niyang katawan. Noong una, hindi ko pa siya na-recognize.

Pero nung medyo humarap siya, napangiti ako.

Tama ako. Ayaw niya talagang sumama sa amin. No, ayaw niya na involved ako.

Kasi gusto niya, solo.

"Kuya? Nandito ka pala?" Sabi ni Nico kuya niya.

Unti-unting lumingon sa amin si kuya Jay. At hindi ko maipinta ang kanyang itsura. Gusto kong matawa.

"A-anong ginagawa nyo rito?" Gulat na tanong niya.

"Ano ka ba naman kuya, kunyari ka pang may pupuntahan e gusto mo rin pala. Ikaw talaga!" Sabi ni Nico at sinabuy-sabuyan niya ng tubig si kuya Jay.

"Ano ba? Dun kayo! This is my place!" Sabi naman niya.

Napangiti na lang ako. Huling-huli kasi namin siya. Haha.

---


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C7
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập