Tải xuống ứng dụng
23.91% Friends For Keep (FILIPINO) / Chapter 11: CHAPTER NINE

Chương 11: CHAPTER NINE

Kristan's POV

"Lola gising na po kayo." Sabi ko kay Lola pagkapasok ko sa loob ng room niya.

Nang makita ko siyang nagmulat ng mata ay ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. "Good morning lola."

Ngumiti rin siya at bumangon na sa pagkakahiga, tinulungan ko rin siyang bumangon.

"Good morning Kristan. Ready na ang breakfast?" Tanong niya at tumayo na.

Tumango lang ako at sinamahan na siya pababa sa may dining room.

Pagdating namin doon ay nakahanda na ang breakfast sa table. Kaya umupo na kami sa seat at nagsimula nang kumain.

"Apo, anong oras makakarating rito sila Manuel?" Tanong ni lola sa akin.

"Ang sabi po ni dad mga 1 pm raw po. Nakakapanibago nga po at dito nila naisipang magcelebrate ng New Year." Sabi ko at kumuha ng pancakes at kumain.

"Hayaan mo na apo, ayaw mo iyon? Kumpleto tayong magbabagong taon. Manang?" sabi ni lola at lumabas mula sa kitchen si Manang. "Ano po iyon Madam?"

"Maghanda ka ng makakain mamaya kapag dumating na sila Manuel, baka nagugutom na iyon pagdating dito." Sabi ni lola at nakita kong tumango si Manang.

After ilang minutes ay natapos na kaming kumain. Hinatid ko na papuntang room niya s lola at kinuha yung meds niya.

"Lola, it's time to drink your meds." Sabi ko at pinainom na siya ng meds. After niyang uminom ay pinagpahinga ko na siya at lumabas na ako ng room niya.

Pumunta rin ako ng room ko at kinuha yung phone ko. Pagbukas ko ng SNS ko nakita ko yung mga messages sa gc naming apat.

-LOAFTRIP-

Cassie: GOODMORNING

Mikay: Good morning!

Oliver: @Cassandra Nicole Bianzon ANG AGA AGA ANG INGAY MO

Cassie: @Oliver John Ramos ANG AGA AGA ANG SUNGIT MO!

Natawa na lang ako at nagtype na ng message.

Kristan: Good morning! Ang aga-aga nag-aaway na kayo HAHAHAHAHAHAHA

Cassie: Si @Oliver John Ramos kasi. BAKA NAKAKALIMUTAN MONG MAY SIKRETO KA SA AKIN!

Oliver: @Cassandra Nicole Bianzon at anong sikreto naman yan aber?

Mikay: Hey, nakapagbreakfast na ba kayo at nag-aaway na kayong dalawa dito?

Cassie: @Oliver John Ramos tungkol sa crush mo HAHAHAHAHAHA. @Yemika Lacson nagluluto pa si papa eh. XD

Oliver: @Cassandra Nicole Biazon SUBUKAN MO!

Hay itong dalawang ito talaga.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Oliver's POV

-LOAFTRIP-

Cassie: @Oliver John Ramos BAKIT HINDI DIBA? MAINIT-INIT NA TEA ITO HAHAHAHAHAHA

Talagang sinusubukan ako nito ah. Hmmm

"Tok! Tok! Tok!"

Narinig ko namang may kumatok ng kwarto ko kaya nagpasiya akong buksan yung pinto ng kwarto ko.

Pagbukas ko ay tumambad sa akin yung mukha ni Kuya Marco. Nakangiti ito at mukhang may lakad.

"Bakit? May kailangan ka?" tanong ko at bumalik sa study table ko. Pinatay ko na muna yung computer ko. Si Kuya Marco naman ay pumasok sa loob at nilibot ang tingin sa buong kwarto ko.

"Hmm, wala naman. Kumusta ka naman?" tanong niya at tumingin sa akin.

Ayan na naman iyang mga tingin na iyan at yung nangangahulugang mga ngiti niya.

"Ayos lang, wala ka pa lang kailangan, pwede ka nang umalis."Sabi ko at tumayo na papuntang pintuan at binuksan ang pinto.

"Ano ba naman itong kapatid ko oh, hindi na mabiro. HAHAHAHAHAHA" sabi ni Kuya at lalabas na.

Nang makalabas na siya ay may bigla siyang inihagis sa akin. Nang masalo ko ito ay tinignan ko ito. Isa itong kahon na nakabalot sa isang wrapper. Nang tinignan ko si kuya ay nakangiti lamang itong tumingin sa akin.

"Para saan ito?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot kaya binuksan ko na lamang ito.

Nang buksan ko ito ay nagulat ako sa nakita ko.

"Anong gagawin ko rito?" pagkaangat ko ng isang guitar pick.

"Edi gamitin mo. Ano pa bang gamit niyan?" sabi ni Kuya na natatawa.

"Napadaan kasi kami nung classmate ko sa isang instrument store, nagpasama kasi siyang bumli ng gitara niya." Paliwanag niya.

Ako naman ay walang ganang sinuri yung guitar pick. Hindi ko naman kailangang sabihin sa kanya, pero nangangailangan talaga ako ngayon ng guitar pick.

"So ayun, may pupuntahan pa ako. Merry Christmas sa'yo" sabi ni kuya at bumaba na papuntang sala.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko at itinabi na muna yung kahon sa tabi ng gitara ko. Binuksan ko uli yung computer ko.

-LOAFTRIP-

Cassie: Sorry na @Yemika Lacson hindi na mauulit.

Mikay: Apology accepted. Basta huwag ka nang mangprank ulit.

Nagtaka naman ako sa pinag-uusapan nila. Hindi rin ative si Kristan.

Oliver: Anong meron?

Mikay: Pinapagalitan ko kasi si Cassie. Sige out na rin ako. Mamaya na lang ulit!

Nang hindi na active si Mikay ay pinatay ko na rin yung computer at pupunta na ako sa kama. Nang mahiga ako ay pinalibutan ko ng tingin ang buong kwarto ko, napansin ko na naman yung christmas gift na ibinigay sa akin ni Kuya Marco.

Then bumangon ako at kinuha iyon pati na rin yung gitara ko.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Kristan's POV

Nang mag-out ako ay kasabay naman ng pabusina ng sasakyan sa tapat ng gate namin. Mukhang nakarating na sila daddy.

Bumangon naman ako mula sa kama at lumabas ng kwarto. Bumaba ako papuntang living room at doon ko nga nadatnan si Kuya Greg na busy naglalaro sa phone niya. Habang sila mommy at daddy ay kapapasok lang mula sa labas ng bahay. Nilapitan ko naman sila daddy at nagmano ako.

"Welcome home daddy at mommy. Akala ko mga 1 pm pa dating niyo." Sabi ko at napatingin sa wall clock ng living room. "It's only 11:40 in the morning."

"Hindi kasi traffic sa may Airport. Tapos maluwag rin sa may Manila. Kaya maaga kaming nakarating dito sa probinsya." Sabi niya at naupo na muna sa may couch.

"Manang maghain na kayo ng tanghalian." Sabi ni daddy.

"Sige dad, puntahan ko lang po si lola. Sasabihin ko na nakarating na kayo at aayain ko na rin siyang mananghalian." Sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ni lola.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C11
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập