Tải xuống ứng dụng
76.92% Lie, Rylie. / Chapter 20: Lie, Rylie 20

Chương 20: Lie, Rylie 20

Akio's POV.

Kaibigan lang pala.

Hindi ako magkakagusto sa iba siya lang itaga yan sa mga bato. At isang suntok sa buwan din kapag nagustuhan niya ako.

Ilang araw kong hindi pinansin ang mga mokong pati na din si rylie ng ilang araw dahil nagtago sila ng sekreto sa akin na may ugnayan si Lucas at Rylie.

"Kio dito ka na sa table namin," kumuway si Ryan sa akin habang papalakad ako sa kanilang tabi.

Imbes na sa kanila ako umupo sa kabilang table ako pumunta. Mabuti na lang hindi masusungit ang natagpuan ko. Nakita ko pa nga ang babae sa harapan kong tiling-tili dahil sa pagkakatitig sa akin. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Anong problema mo?" Bulyaw ni Rylie sa akin. Ang sungit ng titig niya sakin nakapamewang pa siya habang nagsasalita.

"Wala."

"Anong wala gusto mong suntukin kita? Ilang araw mo na kaming iniiwasan, hindi ka din naman makausap ng maayos." Nakita ko ang pagaalala sa mga mata niya habang nagsasalita.

"Wala akong problema, kayo ang may problema tsk."

Kung sinabi nyo lang sa akin ng maaga na kayo na Lucas dapat iniwasan na kita. Edi sana hindi ako nahulog sana hindi kita iniisip araw-araw. Sana wala ka sa puso't-isip ko.

"Alam mo mag-usap nga tayo ng matino." Sinamaan niya ng tingin ang mga babae na nakain sa table na kinauupuan ko. "Hoy umalis muna kayo mag-uusap kami pwede?"

Madali niyang natakot ang mga ito kaya nagsialisan ang mga ito.

Lumapit bigla ang tatlong mokong para tanungin ako ng kung anu-ano.

"Pre galit ka ba sa amin?"

"What the matter bro?"

"Tol, bugbugin natin ang nagpapagulo sayo!"

"Wala akong problema tsk." Sambit at pinagpatuloy ang pagkain.

"Bakit ka umiiwas sa akin, sa amin kung wala kang problema," may tensyon sa boses ni Rylie. Halatang nagaalala siya sa akin.

"Bestfriends don't lie." Tumayo at pagalit na nilisan ang lugar. Mabuti na lang hindi nila ako pinigilan kung nagkataon na pinigilan nila ako siguradong sasabog na ako.

Bumalik ako ng classroom namin para hintayin ang prof namin sa Physic, wala pa ang mga iba sa kaklase ko iilan pa lamang kaming nasa loob. Nagbasa muna para hindi masyang ang oras ko.

"Bro!"

Tiningnan ko ang lalakeng tumawag sa akin. Kumulo agad ang dugo ko ng tanawin ko siya. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Nasaan si Rylie? Bakit hindi mo siya kasama?"

May nabuong galit sa loob ko dahil sa tanong niya. Bakit sa akin niya hinahanap ang girlfriend niya?

"Bakit sa akin mo tinatanong?" seryoso kong tanong kay Lucas.

Hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang mga mokong pati na din si Rylie.

"Rylie... Gala tayo mamaya?"

Yakag ni Lucas kay Rylie. Nakita ko ang pagngiti ni Rylie dahil sa sinabi ni Lucas sa kanya. Pinipilit kong ituon ang buong atensyon ko sa librong binabasa ko, pero hindi ko magawa. Gusto kong suntukin si Lucas.

Bakit ba kase ang tagal dumating ng professor namin. Kainis!

"May gagawin ako mamaya sorry." Malambing na sambit ni Rylie kay Lucas. Umupo siya sa tabi ko, at nagpatuloy ang katahimikan sa aming dalawa.

"Ang tagal ng prof natin sa tingin ko hindi na dadating yun?" Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Gusto mo gumala pag free cut tayo ngayon?" Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa sinabi niya.

"I'm busy sorry."

"Saan naman pede kitang tulungan!"

"Mag-aaral ako, tsk."

"Sama ako mag-aral!"

Dahil taglay niya ang kakulitin wala na akong ginawa kung hindi isama siya. Sa bahay kami nag-aral sa kwarto ko.

"Anak hindi mo sinabing may maganda ka na pa lang nobya hija ano pangalan mo?" Tuwang-tuwa si mom sa kasama ko.

"Rylie po," nginitian niya si mom.

"Mom mag-aaral lang kami sa loob, una na kami," nahihiya kong sambit kay mom. Hindi pa ako naguwi ng babae dito sa bahay namin. Hinala ang braso ni Rylie at nagmadaling pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Aray ko masakit," reklamo niya dahil napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Feel at home."

"Parang library ang buong kwarto mo," manghang-manghang sambit niya.

"Huwag na huwang mong iibahin ang pwesto ng mga libro kung saan mo kinuha doon mo din dapat ibalik."

"Okay."

Nagpatuloy lang siya sa pagpili ng mga librong pwedeng basahin at ako naman ay nakaupo sa study table ko para mag-review para sa midterm.

"ANONG GINAGAWA MO?" Napalakas ang boses ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya.

"Ano pa, edi naglilinis ang daming librong nakakalat sa sahig," paliwanag niya.

"ANG SABI KO WAG MONG PAKAKALMAN ANG MGA PWESTO NG LIBRO DITO MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN?!" Napasigaw ako dahil sa inis.

"Sorry," malungkot niyang saad. Naguilty agad ako sa ginawa ko dapat hindi ko ginagawa sa kanya ito.

"I'm sorry, Rylie hindi ko sinasad-"

"Ayos lang sa'kin hindi ko naman na ayaw mo palang pinapakalman ang gamit mo."

"Gutom ka na ba?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"Oo tatlong oras na din tayong nag-aaral ikaw lang pala."

"Ang sarap po ng niluto niyo tita."

Sabi Rylie habang kumakain ng mga pagkaing niluto sa amin ni mom.

"Hija, dahan-dahan lang baka mabilagukan ka," inabutan ko ng tubig si Rylie at tinanggap niya ito.

"Ang galing nyo po magluto, naalala ko po sa inyo si mom," nginitian niya lang si mom at nagpatuloy sa pagkain. Hindi namin kasabay si Dad baka overtime yun sa trabaho sanay na ako.

"Hija, may nobyo ka na ba?" Halos mabuga ko ang kinakain ko sa tanong ni mom kay Rylie. Tiningnan ko si mom ng masama at hindi siya nagpatinag.

"Wala po akong boyfriend tita."

Wala pa siyang boyfriend ano si Lucas sa buhay niya? Katulad ko din ba siyang buddyguard niya? Natutuwa ako dahil wala pa siyang nobya ibig sabihin may pag-asa ako at nalulungkot ako baka dalawa kaming ginagamit niya.

"Hija magiingat kayo," paalam ni mo sa amin habang papaalis kami ng bahay. Alas sais na ng gabi bago kami makapunta sa condo niya.

"Salamat sa paghatid," papasok na siya ng pinto ng pigilan ko siya.

"Rylie, sorry dahil nasigawan kita kanina."

"Ano ka ba ayos lang yung!" Sabay tapik niya sa balikat ko.

"May itatanong ako tungkol doon sa kanina bakit ka nagsinungaling?"

"Saan?" Nalilito niyang tanong.

"Bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na?"

"Wala naman talaga akong boyfriend."

"Si Lucas... Di'ba?" Tiningnan niya ako ng seryoso at tumawa ng malakas. Naguguluhan ako sa mga nangyayare. May mali ba sa sinabi ko?

"Si Lucas..." Tumawa siya ulit.

"Kaibigan ko lang yun,"

Lahat ng hinala ko sa kanya at sa tatlong mokong ay mali. Nagalit, nagtampo, at umiwas ako ng ilang araw dahil sa wala. Nakakainis, lintek na pagiisip 'to masyadong mapanghinala.

Kaibigan niya lang pala.

A/N: Everyday Updates tayo salamat sa mga patuloy na nagbabasa mahal na mahal ko kayo. Sa mga silent readers din mabuhay kayo!

#


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C20
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập