Tải xuống ứng dụng
30.54% M2M SERIES / Chapter 116: Daniel (Chapter 25)

Chương 116: Daniel (Chapter 25)

"TOL, iniiwasan mo ba ako?"

Napalingon ako kay Brad. Kakagaling ko lang no'n sa tindahan ni mang Rodel at bumili ng napkin para kay nanay.

"Busy lang ako," I told him and opened the gate.

"Sigurado ka, 'tol?" paninigurado ni Brad.

Ngumiti ako sa kanya. Alam kong plastik lamang ang ngiti na 'yon. Ayoko na naman talagang makita pa siya.

Pero bakit gano'n? May bahagi ng puso kong namimiss ang presensiya niya.

"Bakit naman kita iiwasan in the first place?" tanong kong pumasok na.

Sumunod naman siya sa 'kin dahil magtatrabaho na rin siya sa kubo namin no'n.

"Wala, feeling ko lang, 'tol. Lumalayo ka kasi sa 'kin, e. Hindi ka na nga nakikipag-usap," sabi niya.

Pilit kong iniiwas ang mga mata sa kanya. Nag-uumpisa na kasi akong tigasan dahil nakahubad lamang siya no'n ng pang-itaas at naka-jeans.

He's really the epitome of a hot guy. Lahat ng parte niya ay napakaseksing pagmasdan.

"Edi h'wag mo na i-feel, 'tol. Basta busy lang ako. Malapit na kasi ang exam namin."

Napatango-tango si Brad. Kapagkuwa'y tumalikod na ako at tuluyang pumasok sa loob ng bahay at iniwan siya.

Nadatnan ko sina nanay at tatay sa sala na nag-uusap habang nanonood ng balita sa TV.

"Grabe naman ang balita na ito, napakabrutal!" sabi ni nanay Lea.

Napatingin naman ako sa TV. Napanganga ako kasi bahay ni Ruby ang pinapakita sa balita. Hindi ako maaaring magkamali no'n.

"Buti na rin 'yan, para mabawasan na ang mga bakla sa mundo," sabi naman ni tatay Rey.

Hinampas naman ni nanay ang braso ni tatay pero natawa lamang si tatay sa ginawa nito.

Animo'y binuhusan ako ng asido nang makita kong may bangkay na inilabas mula sa bahay ni Ruby. Kinabahan ako sa sinabi ni tatay tungkol sa baklang namatay.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang sabihin ng reporter ang pangalan ng biktima.

Si Ruby nga. Nanlamig ako at nahirapang huminga. Hindi ako nakapaniwala.

Kasama ko pa kasi siya no'ng nagdaang gabi. Nagpakasasa pa siya sa aking katawan tapos biglang mapapabalita na lamang na pumanaw na?

"Oh, anak, nandiyan ka na pala. Asan na ang pinabili kong napkin sa 'yo?" tanong ni nanay.

"A, heto na po, nay," sabi ko sa kanya na ibinigay ang napkin.

"Okay ka lang, 'nak? Namumutla ka, a," maang na tanong sa 'kin ni nanay Lea.

Nagpilit akong ngumiti sa kanya. "Okay lang naman ako, nay," I replied quickly.

Gusto ko sanang sabihin sa kanilang kilala ko ang baklang namatay but I've changed my mind.

"Daniel, mamayang gabi samahan mo ako, 'nak, ha," sabi ni tatay.

"Saan po, tay?" I asked him.

"Sa ninong mo. Nag-invite na makikipag-inuman. Gusto ka raw niyang sumama," tugon naman ni tatay Rey.

"Gusto ko nga ring sumama sana sa inyo, 'nak. Pero ayaw ng tatay mo dahil for the boys lang daw," himig-nagtatampong sabi ni nanay.

Ngumiti lang ako sa kanila. "Sige po, tay. Cool ako diyan." Nakaramdam ako ng excitement no'n. "Maiwan ko na po muna kayo. May pinag-aaralan pa kasi ako sa kwarto para sa nalalapit naming exam."

Ngumiti ang parents ko sa 'kin. Nasa mukha nila ang pagka-proud sa nag-iisa nilang anak.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto. Naupo ako sa kama. Hindi pa rin ako nakapaniwala sa balita.

Biglang nag-ring ang aking cellphone. Sinipat ko ang caller. Unknown number iyon. Nagtaka naman ako pero sinagot ko naman.

"Sino 'to?" I asked.

"Si Yumi 'to," sagot ng caller. "Kaibigan ni Ruby."

Napakunot ang noo ko. Pero natatandaan ko naman siya.

"Ikaw pala 'yan, Yumi. Bakit ka napatawag?"

Hindi ko na siya tinanong pa kung saan niya nakuha ang number ko. Ang nasa isipan ko ay kay Ruby niya nakuha iyon.

"Daniel, nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Ruby?" humihikbi niyang tanong sa 'kin.

"Oo, nakita ko kanina lang sa balita," sagot ko naman. Kumakabog nang husto ang aking dibdib nang mga sandaling iyon.

"May mga nakakita sa inyo, e. Kasama mo raw siya kahapon."

Lalong tumindi ang kaba ko. "Oo, kasama ko siya kahapon. Pinilit niya kasi akong samahan siya sa bahay nila, e. Pero sandali lang naman ako ro'n. Pinakain lang niya ako ng cake tapos umuwi na ako," sabi ko sa kanya.

Hindi ko na sinabi ang mga nangyari sa 'min ni Ruby. Bakit ko naman sasabihin pa ang tungkol doon?

Sa isip ko nang mga sandaling iyon ay patay ako. Paano kung isa ako sa mga magiging suspect sa pagkamatay ni Ruby?

"Ang saklap naman ng pangyayaring ito kay Ruby."

"Paano ba raw kasi namatay si Ruby? 'Di ko nadatnan sa balita, e," tanong ko sa kanya.

"Basta nakita na lamang siya ni Chersey kaninang nakahandusay sa may kusina. Naliligo na sa sariling dugo. Sinaksak ng kutsilyo ang kanang mata," tugon ni Yumi.

"Grabe naman pala ang nangyari. Kagabi lang ang saya pa namin, Yumi."

Sa totoo lang ay talagang may sakit din akong naramdaman sa nangyari kay Ruby. Kahit papaano'y may pinagsamahan pa rin kami.

"Oo nga, e. Kung sino man ang gumawa nito kay Ruby sana makarma nang doble-doble." May poot sa boses nito nang sabihin iyon.

"Sana nga, Yumi." May bigla akong naisip. "Yumi, 'di ba iniimbistigahan na 'to ng mga pulis? Hindi kaya magiging isa ako sa mga suspect nito kasi nakasama ko siya?" nag-aalala ko talagang tanong.

"Ano ba, Daniel. H'wag mong isipin 'yan. Alam namin na magkaibigan kayo, e. Ang sabi ng mga imbestigador posible raw na nilooban ang bahay at 'yon din ang kumitil sa buhay ng kaibigan natin," sabi ni Yumi.

Napanatag naman ang kalooban ko. Paano ko na lang i-explain 'yon sa parents ko kapag nalaman nilang may kaibigan pala akong bakla at sumama pa sa bahay nito.

Sa school ay talagang trending ang pagkamatay ni Ruby. Nagtirik pa kami ng kandila at nagdasal para sa kaluluwa nito.

Pasalamat din ako at 'di naman nasangkot ang pangalan ko sa nangyari.

Nang mga panahong iyon ay hinahanap na ang itinuturing na suspect sa pagpaslang.

Hindi na rin naman ako nakibalita pa tungkol doon. Ayokong isipin pa dahil nai-stress lamang ako.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C116
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập