Naalimpungatan ako ng biglang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Noong una. Hindi ko ito pinansin dahil kasagsagan pa ng antok ko subalit nang hindi ito huminto. Kinuha ko na't tinignan kung sino ito. Ang di ko maidilat ng husto na mata kanina ay biglang lumaki. Napasinghap ako ng bahagyang gumalaw itong si Bamby. Unti unti akong gumalaw para tumayo. Inayos ko ang sarili bago pumanhik sa banyo. Naghilamos ako't nagmumog na din saka nagsepilyo. Bago pa man ako matapos ay nagvibrate muli ang nasa bulsa kong cellphone. Nagpunas ako bago ito sinagot.
"Hello.." bati ko.
"Where are you?. Nandito na ako." mababa ang kanyang boses nang magsalita.
"Just wait there. Papunta na ako." pagkababa ko ng linya ay maingat na akong lumabas ng kwarto. Bukas ang ilaw sa kada poste ng hallway kung kaya't kitang kita ang malawak na kabahayan ng mga Eugenio.
Kamamadali ko ay muntik pa akong matalisod sa may hagdanan. Mabuti nalang at may humawak sa akin. Kinabahan ako ng sobra. Yung kaba ko pagkalabas ng kwarto ay doble pa iyon ngayon.
"Okay ka lang?." sa boses palang nya ay alam ko na kung sino.
"Ah. Opo kuya.." pinilit kong ngumiti para ipakita kay kuya Mark na ayos lang ako. May bahagyang makirot sa may ibaba ng sakong ko subalit kaya ko pa namang indahin.
"Lance is already outside. Don't worry. I'll be your look out.."
Natahimik ako bigla sa kanyang sinabi. Hindi alam ang isasagot.
Sa totoo lang. Gusto kong itanong na, bakit kailangan mong gawin ito para samin Kuya?. Hindi ka ba tutol sa amin kung sakali man?. Okay lang ba sa'yo na ako ito, best friend ng bunso nyo, tapos jowa pa ng kapatid mo?. Nakalinya ang mga ito subalit wala akong lakas para sabihin ito sa kanya. Masyadong nakakailang ang maganda nyang titig na may kasama pang ngiti.
"But?.." bumuhol pa ang dila ko kung kaya't napahagikgik sya. Nilapitan nya ako't tinapik sa balikat.
"When it comes to Lance, no more buts, young lady. Just go."
"But is it... is it okay?.." uutal-utal ko pang tanong nang itulak nya na ako palabas ng bahay nila.
"Of course. Ano pang magagawa ko. Tinamaan ng matindi yung topak na iyon sa'yo.." halakhak nya. "Hindi iyon mapakali kapag wala ka, hindi nakikita o walang paramdam. Kaya dali na. Pumunta ka na ron."
"But how about--?.." he cut me off.
"Bamby?. Don't worry about her. I knew she knows already about this. She's too smart you know. Hahaha.. ang gusto nya lang siguro ay kumpirmasyon galing sa inyong dalawa. I respect both of your decisions but think also about that we have our own limits. Wag nyong hintayin na sya pa ang magtanong sa inyo dahil hindi na iyon maganda. Lalo lang syang magtatampo sa inyo o malala pa ay magalit ng todo.."
Tumango ako. Walang ideya kung bakit naririnig ko ito mula sa taong kapatid ng dalawang minamahal ko.
Nakadikit ang labi nyang nakangiti. "Sige na. Ako nang bahala rito.." paniniguro pa nya.
"Salamat kuya.." sinsero kong sambit. Nagpaalam ako bago tumalikod sa kanya. He added some good luck and stuff like we need to talk calmly. I wonder why did he reminded me that. Is there anything wrong?.
Ilang hakbang mula sa back door nila mula kusina ay tanaw na ang maliwanag na garden. Naka-on ang fountain na nasisinagan ng ilaw mula sa poste sa mataas na pader nila. Lalo pang nagpatingkad ng ganda ang malamig na simoy ng hangin. At mga tunog ng iba't-ibang insekto.
"Hey.." mula sa medyo madilim na parte ay may biglang tumayo na bulto ng lalaki. Bahagya pa akong napatalon dahil sa pagkabigla.
"Jesus Lance?.." mahina kong himig. He chuckled. Nilapitan nya ako't niyakap agad.
"I'm sorry. Nagulat ba kita?.."
"Hindi lang nagulat. Tinakot mo ko, loko." hirit ko.
"Sorry na mahal ko. Naexcite lang akong makita ka. It's been a while since I was this near you."
"Ang lapit mo naman kanina ah.." tinulak ko sya ng bahagya kaya ito natawa. Humaba ang nguso ko't naunang umupo sa sementong gilid ng fountain.
"Malapit nga ngunit hindi naman kita mahawakan ng ganito.." he said while caressing my right hand. Naupo rin sya sa tabi ko. Doon nilaro ang kamay ko.
"Kanina pagkababa ko. Kuya Mark saw me.." umpisa ko. I want him to know that his older brother knew what is going on.
"Anong sinabi nya?.."
"Kanina ka pa raw rito.." iyon ang nasabi ko imbes na, baka alam na ni Bamby ang tungkol satin. Hay Joyce! Bat ba takot na takot kang magsabi ng totoo sa iba?. Paano ka matuto nyan?.
Di ko din alam e. Basta ang alam ko lang ay, ayokong manakit ng tao as much as I can dahil alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan.
"Kuya knew about us. Even my parents too. Siguro nga, tama sya. Bamblebie knew about us. Walang duda iyon kung si kuya na ang nagsabi.." he said. Confirming what his brother has told.
"What should we do then?.." tanong ko. I'll just rely on him now.
"We'll just go with it. Kung malaman nya, e di sabihin na natin. Wala ng tagu tago. Diba sinabi ko naman na sa'yo dati. Anuman ang isipin o maramdaman nya after knowing about us, it's up to her. Hindi na natin responsable iyon."
Tama nga naman sya. Doon lang din ako medyo nakahinga ng maluwag.
Isang medyo mahabang katahimikan ang dumaan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob to ask him. "Can I ask something?.."
"Hmm.. what is it?.." malambing pa nyang tanong.
"Malapit na pala kayong bumalik ng Australia. Bakit ayaw mong ipaalam sa akin?." pagkatapos kong sabihin ito ay medyo napahinto ito sa paglalaro sa mga daliri ko. "Walang sinabi sina Winly at Karen sakin. I just heard it from your sister." dagdag paliwanag ko.
He then cleared his throat bago umayos ng upo. Ngunit hindi nito binitawan ang kamay ko. "I am planning to let you know about it subalit hindi ko lang alam kung paano."
"Bat di mo nalang sinabi nung pumunta ka dun nung linggo?.."
"Actually, hindi sa ayaw kong sabihin sa'yo. Sadyang iniisip ko nga kung sasama ba ako pabalik o dito nalang muna ako para may kasama ka. Ayokong iwan ka nalang dito ng mag-isa."
"Yan ang ayaw kong gawin mo Lance.. don't try to choose between me and your family.. always remember that family is a gem. Walang katumbas iyon kung mayroon ka nito. So go with them. I can handle myself here."
"Pero hindi ko kayang iwan ka.. ayokong pumili dahil sa inyong dalawa ng pamilya ko, pareho ko kayong priority."
"But Lance, think practically. May future ka duon, dito wala."
"Paanong mangyayaring andun ang future ko kung andito ka?.."
"Tsk! eto ka na naman eh. Lance.."
"Baby, stop calling my name please. Hindi na bagay sakin yan. Baby nga kasi.."
Ngumuso ako sa kabaliwan ng taong to. Baby at Lance, halos pareho lang naman iyon dahil iisa lang sila. Hay naku!.
"Ayoko.."
"Baby please.. gusto mo, baby number two?.."
"Ikaw talaga!.." halos mabasag na ang ngipin ko dahil sa panggigigil. Hindi ako nakapagtimpi at binugbog ko na sya. Yung light lang naman. "Puro walang kwenta yang iniisip mo. Seryoso nga tayo diba?.."
"Seryoso naman ako sa'yo ah. Sino bang nagsabi na hinde?.."
"Lance!?.."
"What is it baby?. It's baby you know.. haha.."
"Ikaw! ikaw!.. Kailan ka magtitino ha.. ha?."
Tumatawa lang sya. Hanggaang sa napagod na rin ako't huminto na rin. Nasasaktan ko na sya eh. Naguiguilty na ako.
"Seryoso nga kasi ako. Go, chase your dreams. Kung tayo man ang nakatakda for the future. E di tayo din sa huli."
"What do you mean?. Are you breaking up with me?.."
"Nope. Ang ibig ko lang sabihin. Hindi naman siguro mahirap ang long distance relationship hindi ba?. May tiwala ako sa'yo na ako lang. Ikaw ba, may tiwala sa akin?.."
"Of course. Sino na naman ang nagsabing wala?.."
Isang batok na naman ang nakuha nito mula sakin. Pilosopo.
"Then we are clear. Lilipad ka patungong Australia to study tapos ako naman dito.."
"Paano ka?.."
"Kaya kong mamuhay mag-isa. Ako pa?.." pagyayabang ko sa sarili ko.
He tilted his head while studying my whole face. "What?." naiialang kong tanong. Hindi nya ako sinagot. Imbes lalo lang syang tumitig. "Lance?. Ano ba?. You are so annoying.."
He just smirked. Kinurot ko ang tagiliran nya. Napakislot lang ito ngunit hindi pa rin nawawala ang mata nya sakin. "Ano ba!?." mahina ko ng sigaw. Tumayo na ako para matauhan sya.
At hayun. Kumurap nga. But his devil smile is on his lips. "Okay na po boss." anya lang matapos tumayo. Unti unti syang lumapit sakin. Hinawakan ang ulo ko saka buhok. Pagkatapos naman ay sa pisngi ko at baba ng di nawawala ang mata nya sa mata ko. "Ang ganda mo kahit saang anggulo. Mahal kita, mahal ko.."
"Hmm.. I love you too."
"Where's my baby?.."
"I love you more baby ko.. oh ayan okay na?.."
"Para namang napilitan ka eh.."
"Hahahaha.. ikaw talaga.. mahal din kita mahal ko.. kahit milyang dagat pa yan. ikaw pa rin ang iibigin ko.."
"Ah! Ang sarap naman pakinggan.." hiyaw nya.
"Hoy, ano ba!?.." tinakpan ko agad ang labi nya kaya naman nagkadikit kami. And that's his way to kiss me slowly on my lips.
It's clear now that, I can let him go kahit ayoko sana. I should do that not just for me, but for him. Gusto kong matupad nya ang gusto nya bago ako. Ayokong buhatin nya ang kinakarga ko. As much as possible, gusto kong lagpasan ito ng mag-isa. I want to learn and grow. I'm not saying without him, but I should do this alone.