Tải xuống ứng dụng
51.77% No More Promises / Chapter 146: Chapter 35: Sweet

Chương 146: Chapter 35: Sweet

"Hahaha.. Ang bilis napikon.." wala sa sarili kong sabe.

"Syempre ikaw ba naman, asarin matapos ng isang matinding drama?.." nilingon pa ako.

"What?.." natatawa kong tanong.

"Oh damn baby brother! Welcome back!! I really miss you!.." sinugod nito ako bigla ng yakap at hinalikan pa sa magkabilang pisngi. Nagpumiglas ako pero pilit nya pa ring tinapos ang gusto nya.

"Psh! Sira.." siko ko sa kanya. Kumalas na sya ng yakap. Nagsawa na yata matapos ang ilang minuto. Ngunit ang akbay nito sakin ay nasa balikat ko pa rin.

Kung di ko pa nasasabi. Ganito kami nila kuya at ni Bamblebie. Normal sa amin ang maghalikan at magyakapan after mag-away o kahit na anong maliit na bangayan or kahit hindi pa magbangayan basta pag trip namin ang yakapin ang isa't isa, ginagawa talaga namin.

"Ikaw ang sira! Loko!!.." dinuro ako ng ilang ulit sa bandang puso ko.

"Pinag-alala mo kami. Lalo na si mama.."

"Seriously?.." di makapaniwalang usal ko. And I miss talking like this with him!

Inambaan nya ako ng suntok. Mabilis ko naman iyon naiwasan. "Sa tingin mo seryoso yung suntok ko?.." wala sa topic na tanong nya.

"Maybe."

"How about this?.."

"Aww!!.." iyon na ang di ko naiwasan. Loko talaga! Sa panga pa dude!

"Ay gising na gising ka na pala bro ahahahaha.."

"Ano ba!?.."

"What now huh?. Mukha bang nagbibiro akong sabihin sa'yo na nag-aalala kami sa'yo?.."

"Wala naman akong nabanggit na biro iyon ah. It's your way of thinking dude!.." siko ko na naman dahil mukhang balak na naman yakapin ako. Bakla ba sya?. Bamby, come home na!

"Bwahahahahaha! Yun! It's your trademark 'dude'!! All can say now that you're finally got back! Hahahaha.." niyakap nito ang ulo ko't inipit sa kili kili nya saka ginulo ng ginulo ang buhok. "Tama na ang drama huh?. Nababaklaan na ako sa'yo eh.. hahaha.."

"Crazy monk!.."

"Anong sabi mo?.."

"Wala!.. Dude, yung buhok ko naman.." di nya muna ako pinakinggan hanggang sa mapagod sya ay duon na tinigilan ang buhok. Pagod syang sumandal sa duyan at dinuyan ng dinuyan ang inuupuan namin.

"Namiss ko tuloy si Bamblebie.. Ano na kayang itsura ng mukha nya?. Kung nakanguso ba, nakakunot ang noo o di mapakali dahil finally uuwi na sya.."

"All of the above.. Haha.."

"You miss her too?.. ang tahimik ng baahy dahil walang makulit noh?.."

"Sinabi mo pa.. pero paniguradong bukas?. Mababangot naman tayo sa tinig ng boses nya.."

"Exactly.." he ended. At tumahimik na ang paligid namin.

"Boys, kain na!!.." si mama galing kusina.

"I'm still full ma.. Maybe later!.." sagot rin ni kuya dito.

"Dude! What about me?. I'm starving!.." asik ko sa kanya.

"Ma, Lance is starving. Pwedeng padala nalang po dito. I want to talk to him also.."

"You do?.." si mama pa rin.

Hay! Di pa unuuwi si Bamby pero panay na sigaw ng dalawang to! Mabibingi ata ako!

"Yes ma! I'll slap him harder!! hahaha. Damn it!.."

"What?!.."

"Oh! Ma, it's not you.. sinuntok kasi ako kanina e habang kausap kita. Gusto yata ulit ng batok mo ma.. hahaha.."

"Tsk.." nilapag ni mama sa mesang bilog ang isang mangkok na lugaw na may itlog. Umuusok pa ito. Mukhang bagong luto. "Kumain na Lance.." banta nya bago kami sabay na tinuro at nilayasan na.

Sabay rin kaming humagalpak ni kuya.

"How do you feel now?.." Anya matapos kong ubusin ang lugaw ng tingin walang nagsasalita. He just let me finished my food without anything else. Basta ang sabi nya lang bago ako kumain. Gusto nya araw akong maging okay na gaya ng gusto ni mama.

"I'm pretty fine now.."

"That's good for you.."

"Anong good for me?. Maayos naman na ako ah.." angal ko. Nagtaka sya sakin kung kaya't pinakatitigan nya ako.

"Alam mo bro. Wag kasing ginagawang kumplikado ang bawat salitang sinasambit sa'yo. Isipin mo lagi na literal ito. Kaya ka nalulugmok e.."

"Paano ba?. Yan nga problema ko dude e. Maski maliit na bagay binibigyan ko ng pansin.."

"Halimbawa nalang yung sinabi ko. Diba, that's good for you. lang yun. Simple. Ang gusto kong iparating sa'yo about that is, masaya ako na maayos na talaga ang lagay mo. Yun lang. Paano ba kasi ang pagkakaintindi mo?.."

"Sa akin kasi, parang ang dating nito ay hindi maganda. Para bang in that way, sinasabi mong mahina ako noon, na wala ako sa sarili ko. Na marami akong nagawang mali..Na mali ako una palang.."

"Iyon. Dyan tayo nasasaktan e. Sa sariling maling enterpretasyon. You think too deep. In a way na di mo namamalayang iba na pala takbo ng isip mo. Masyado kang advance mag-isip na kahit di pa nangyayari ay naunahan mo na. Wag ganun bro!.."

"Then how? Actually. Nalilito na rin ako sa sarili ko e. Masyado nang malabo ang lahat sakin ngayon."

"Yan ang epekto ng pagiging makasarili. You think magandang solohin ang lahat ng problema mo?. No baby brother! Anong saysay kong kapatid kung kahit sikreto mo, di ko man lang alam?."

"Mahirap dude! Mahirap sabihin sa iba ang isang sikreto lalo na kung sa una palang ay sarado na ang isip nila sa paliwanag mo.." ganyan kadalasan mga tao. Wala pa mang paliwanag na naririnig. Sarado na ang kanilang puso't isipan para sa iba. Gagawa nalang sila ng sariling paliwanag kahit hindi naman iyon dapat.

"That's interesting. Kaya pala mas pinili nyong itago ang totoo?.."

Hindi kailangan yatang ipaliwanag ang bagay na to.

"Kahit si Bamblebie, hindi dapat malaman.."

"It's not my choice kuya. Wala lang akong ibang pagpipilian."

"Kaya pinili mong magsinungaling nalang ganun ba?.."

"Nope.."

"Then why?. Kasi hanggang ngayon, di ko pa rin makuha bakit di nyo gustong malaman ni Bamby.."

"Ang sabi nya. Ayaw nya raw magalit o saktan si Bamby.."

"But you both already did. Di pa nya nalalaman ay nasaktan nyo na sya.."

"Alam ko yan kuya. Nandyan na ako sa point mo. I already know that na nasaktan ko na sya because of hiding this but I think, it's the safest way for her para di na masaktan lalo. You know her about her.. and our little angel.."

Hindi sya sumagot. "Kinulit ko sya noon para sabihin na ang totoo kay Bamby but she refused my offer. Di ko alam kung sino at saan ang pipiliin pero nauna nang pumili ang puso ko na sundin nalang sya at balewalain ang nararamdaman ng kapatid ko. That's sounds stupidity!. Yeah! I was so stupid!Nakokonsensya ako para sa kapatid natin. Bestfriend nya ito pero di nya kayang itapat sa kanya. I don't get it. But lately. I got her point. Siguro para hindi na ito pumagitan pa sa aming dalawa. Lalo na kapag dumating na sa puntong nagsawa na sya sakin.."

"I know it's really hard to understand but please, understand me too. Hindi ko rin ginusto ang lahat.." naluluha kong sambit. Nakatingin sa dalawa kong kamay na magkahawak sa ngayon. Yumuko ako upang di nya makitang umiiyak na naman ako.

"Yeah. I understand bro.." anya. Inakbayan ako saka inabot ang buhok ko't ginulo na naman. "Naiintindihan kita. I know na nahihirapan ka rin. Pero sana, pagdating ng panahon. Mas maganda kung malaman na to ni Bamby. Kung anuman ang magiging reaksyon nya. Let her be. Normal lang naman iyon sa magbestfriend. Hayaan mong magalit sya sa'yo pero wag mong hayaan na malihis ka muli sa tama at mali. Lagi mong piliin ang tama Lance. Kahit mahirap. Kahit masakit. Tama pa rin ang piliin mo."

"I know kuya.."

"For now.. Ayusin mo muna sarili mo bago ang iba. Tandaan ang diploma brother.. haha.."

"Noted kuya.."

"Are you crying?.."

"Nope!." agad kong tanggi. Agad syang bumaba at sinilip ako sa mukha. Ang kulit rin!

"You're crying eh!!. Mama!. Come here. Let's give little brother a tight group hug!!.." tawag nito kay mama.

"What!?.." si mama.

"Kuya!?. You.. crazy.. dude!.."

"Hahahaha.. yeah. but my siblings are crazier than me.. " niyakap na nya ako. "Be strong young boy. Bata ka pa. Marami ka pang makikilala na babae. Kung gusto mo, labas tayo mamayang gabi. Girl hunting.."

"No thanks.." tulak ko sa kanya.

"Ahahahaha.. You should. First step iyon para magmove on.."

"I'm not interested.. thanks.."

"Oh! Hahahaha.. ayaw magmove on?.." turo nya sakin.

"Gusto.."

"E bat ayaw mong lumabas?.."

"I'm not fine okay?.."

"You look already fine bro.." hinead to foot pa ako.

Pok!!

Isang hampas sa ulo ang nakuha nya. Dyaryo ang pinanghampas kaya di gaanong masakit.

"Walang lalabas ngayong gabi. Maaga pa tayo sa airport bukas. At lastly, wag mong binubully yang may lovenot (lagnat) na yan. Baka mabugahan ka bigla ng apoy at masunog yang ipinagmamayabang mong mukha sakin."

"Ahahahaha.. thanks ma.."

"Ang unfair! Mama, ampon ba ako?.." natatawa na naman nitong tanong.

"Letshugas kang bata ka! Halika ka nga rito!.." tumakbo na si kuya papuntang garden at hinabol rin ni mama.

Ngayon ko masasabi na. Maayos na nga ako dahil nakangiti na ako kahit pinapanood ko lang silang naghahabulan na parang mga bata. Hay! I miss this feeling. Umuwi ka na nga Bamby! Wala akong mabully eh!!


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C146
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập