Ilang oras lang ang lumipas ay tumawag naman sakin si tita Alice. Mommy's little sister. Denise mom.
"Hija.." she greeted. Wala pa man din syang binabanggit pero naluluha na naman ako. Kinamot ko ang ulo ko sa pagiging mahina ko ngayon. Wala eh. Mahina ako sa lahat.
"Yes tita.." namamaos kong tawag sa kanya.
Kahit hirap akong magsalita. I need to speak up. I have to, even if I don't want to.
"I don't want to ask if you're okay because I knew it was not.." umpisa nya. Tuluyan na ngang nahulog ang mainit na tubig galing saking mga mata. Hinayaan ko lang na mag-unahan sila hanggang saking baba. "Where is your mommy?.." nag-aalala na nyang tanong. Mahinahon iyon.
Kinagat ko ang ibabang labi upang wag humagulgol. I tried to calm my fucking self but I just can't.. "She's, uhmmm..." may bumara sa lalamunan ko kung kaya't naputol ang akma kong sasabihin. Lumunok ako ng mariin. Maingat at walang tunog kung maaari.
"Hija.." maingat na naman syang bumuntong hininga. Pinakawalan ko ang mahinang hikbi. I don't even know kung narinig nya ba o hinde. At kung narinig man nya?. Wala na akong magagawa pa. Tutal alam naman na nya ang sitwasyon namin. "I'm on my way there.. kaya mo bang mag-empake?. sa bahay na muna kayo ng mommy mo.." lalo na namang nag-init ang gilid ng mata ko.
Gosh! Makakaya ko bang manirhan duon kasama ni Denise?. You should Joyce! Sagot ng puso kong nagpira-piraso. You should for your mommy. Para sa katahimikan nyong dalawa.
"Tita?.." payag po ba ang inyong asawa at mga anak?. Gusto ko iyong idagdag subalit napipi na naman ako.
"Pack your things hija.. I'll be there.." Anya bago binaba ang kanyang linya.
Nakayuko kong pinunasan ang luha gamit ang laylayan ng aking damit. I'm too tired to even think what should I do. Kinuha ko ang maleta na nasa taas ng kabinet ko saka nilapag sa baba. Binuksan bago nilagyan ng mga gamit ko na importante lang sa ngayon.
Nag-init na naman ang mata ko. Ito na ba ang huli naming tira dito?. Aalis na ba talaga kami rito?. Paano yung iba pang gamit ko?. Ni mommy?. Naiisip ko pa lamang ang kahihinatnan naming dalawa, napapahikbi na ako.
Huminto ako't nakabaluktot na humiga sa aking kama. Takip ang mukha. Humahagulgol na naman.
Kumalma lang nang tumunog ang cellphone ko. Tamad ko iyong kinuha at di ko na tinignan kung sino iyon. "Hmm?.." ayokong magsalita. Baka mabasag lang iyon. Marinig pa ng nasa kabilang linya.
"Baby, we're here.." kinalma ko ang sarili matapos marinig ang kalmadong boses na yun. It's Lance. At nasa labas nga sila matapos kong tumayo upang silipin sila sa may bintana.
"Umuwi na kayo.." garalgal ang tinig ko.
Nakatanaw pa rin sa labas. Kinakagat na ang labi. Baka dumugo na ito mamaya.
"Nope. Hindi kami aalis hanggat di ka nagpapakita..."
"Lance.."
"Yes baby, come here.. I am here.."
Nangilid ang luha ko sa di mawala nyang 'baby'. Damn!
"Leave, Lance.." Kay hirap ko iyong binanggit. Mabagal na parang isa isang letra kong binasa.
Lumapit sya sa may gate. Hawak ang batok. Tumingin kila Winly at Karen na tumingala sa gawi ko matapos kausapin. Maya maya. Nakatingin na rin sya sakin. Binuksan ko ang bintana ng maluwang saka nagpakita sa kanila. "Umuwi na kayo.. salamat sa pagpunta.." mahina kong sabe. Umiling ang taong may hawak ng cellphone. Oh damn baby! Bat ang tigas ng ulo mo!?
"Baby, let me hold you.." frustrated nyang himig. Kunot ang noo ngunit bakas ang pag-aalala. Umiling ako habang nakapikit.
"Lance please.." sumamo ko. Nilanghap ang mainit na hangin na dumaan sakin.
"Ako nalang ang aakyat dyan. just open the god damn gate!." oh baby! Wag ka naman ganyan please! Mas nanghihina ako sa'yo eh.
"Umalis na kayo.. parating na sina tita at Denise.. they'll fetch me and mommy.. we are leaving.." tinitigan nya ako sa mata. Kahit malayo. Ramdam ko pa rin ang lungkot nya. "You're leaving me huh?.." inilingan ko sya.
"We need to leave Lance.."
"Paano ako?. Tayo?.." pagod nyang tanong.
Nanonood lang samin ang dalawa nyang kasama. No need to hide. They already knew. At baka isang araw nga, malaman na rin ni Bamby ang lahat.
DAMN IT!!
Paano ka? Maayos ka naman siguro kahit wala ako. Tayo? Bakit meron na bang tayo?. Naguguluhan na ako!
"Wala namang tayo diba?. Kaya magiging okay ka pa rin.." sagot ko. Pinapaintindi sa kanya ang lahat.
Natahimik sya kalaunan. Humugot ako ng malalim na hininga bago muling tumingin sa kanya. Kasama nina Karen at Winly. "Go home.. I'm fine.. I'll be fine.." tinalikuran ko na sila kahit ayoko pa sana. Kailangan ko tong gawin for his sake. Of course. For the good of all.