Tải xuống ứng dụng
49.33% Boy in Denim Jacket / Chapter 73: Chocolate? Chocolate?!

Chương 73: Chocolate? Chocolate?!

"Ibon, anong ginagawa mo? Busy ka masyado dyan, ah."

Tanong sakin ni Violado habang nararamdaman ko na na nakatingin siya sa phone ko. Magkatabi kasi kami sa loob ng classroom at nasa last row kami nakaupo na apat nila Juliana, Christina at Violado.

"Nagsusulat ng bago kong story."

Simpleng sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang nakatingin lang ako sa phone ko.

"Pang ilang chapter mo na yan?"

Tanong pa sakin ni Violado habang nararamdaman ko pa rin na nakatingin pa rin siya sa phone ko.

"Pangatlo ata o pangalawa pa lang."

Hindi ko siguradong sagot sabay tingin ko na sakaniya at agad na ibinalik ang tingin ko sa phone ko. Hindi ako makakaisip neto kung ano susunod na senaryo kung may kakausap sakin habang nagsusulat ako.

"Ahh, kakaumpisa mo pa lang nyan?"

Tanong nanaman ni Violado sakin. Teh… kalma lang Ibon. Masyado pang maaga para masira ang araw mo.

"Nung nakaraang linggo ako nag umpisa."

Sagot ko ulit sa tanong sakin ni Violado sabay pindot na ng home button ng phone ko at sinarado ko na un.

"Andyan na si ma'am."

Sabi ni Christina, dahilan para mapatingin na kaming dalawa ni Violado sa pintuan sa may bandang harapan ng classroom namin. Agad ko na tinago ung phone ko sa loob ng bag ko at saka uminom na ng tubig.

Nagsitayuan na kaming buong klase na nandito sa loob ng classroom at nagdasal na. Agad na sinimulan ng teacher namin ung discussion niya pagka tapos magdasal at ung utak ko naman ay hindi nakiki cooperate kase imbis na papasukin ung mga information na binibigay samin ng subject teacher namin… nagbe brainstorm ako ng mga susunod na mangyayari sa Runaway With Me.

Natapos ang first subject namin ng kakaunti lang ung pumasok sa utak ko tungkol sa diniscuss ng subject teacher namin. Nagsisisi ako kase sa susunod na meeting namin sa subject teacher na un ay magkakaroon ng quiz tungkol dun sa diniscuss niya kanina. By the way, breaktime na pala namin ngayon.

"May naintindihan kayo sa diniscuss ni ma'am kanina?"

Tanong ko kila Violado, Christina at Juliana habang tinitignan ko silang tatlo.

"Hindi mo ba narinig na kinekwentuhan ko kanina si Violado?"

Natatawang tanong pabalik sakin ni Christina habang nakatingin na siya sakin. Ahh… kaya pala parang naiinis kanina si Violado.

"Kasalanan mo kung bakit wala ako masyadong naintindihan sa mga pinagsasasabi kanina ni ma'am, eh!"

Sisi ni Violado kay Christina habang tinitignan na niya ito.

"Ikaw Juliana?"

"Hindi ako masyado nakinig kanina kasi inaantok ako, eh. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi."

Sagot ni Juliana sa tanong ko sakaniya. Tumango na lang ako sakaniya at saka umayos na ng pagkakaupo ko. Sana nakinig kanina si Micah at sana may notes si Chin about sa discussion kanina.

"Ibon! Hindi ka bibili sa canteen?"

Tanong bigla sakin ni Christina habang sinisisi ko pa ung utak ko sa hindi pag receive ng diniscuss ng teacher namin kanina. Agad na akong tumingin kay Christina at saka umiling na.

"Hindi, eh. Tinatamad ako bumaba."

Sagot ko sa tanong sakin ni Christina habang tinitignan ko pa rin siya.

"Ikaw Violado? Sama ka?"

Tanong naman ni Christina kay Violado habang tinitignan na niya ito. Umiling na lang din si Violado at saka tinignan na ulit si Christina. Agad ng tumingin si Christina kay Juliana at saka hinawakan na ung kamay nito.

"Pampaload ko na lang ung pera ko ngayon mamaya, eh."

Sagot naman ni Violado sa tanong sakaniya ni Christina habang tinitignan pa rin niya ito.

"Ikaw na nga lang Juliana! Samahan mo ko sa canteen."

Sabi ni Christina sabay tayo na nilang dalawa ni Juliana sa pagkakaupo nilang dalawa.

"Teka lang! Kukunin ko pa ung wallet ko!"

Sabi naman ni Juliana kay Christina, dahilan para bitawan siya nito at kunin na niya ung wallet niya sa loob ng bag niya. Ilang saglit pa ay naglakad na silang dalawa papalabas ng classroom namin habang ako naman ay ni lalabas na ung pagkain ko galing sa loob ng bag ko.

"Pwede penge ako ng pagkain, Ibon? Nagugutom na kase ako, eh."

Sabi sakin ni Violado pagkalabas ko ng phone ko at ng chichiryang baon ko na kakainin ko ngayon. Tinignan ko na siya at saka tumango na.

"Kuha ka na lang sa bag ko."

Sagot ko kay Violado at saka binuksan ko na ung chichirya para makakain na.

"Eto kukunin ko, ha~ Salamat~!"

Sabi ni Violado sabay pakita sakin nung biscuit na kinuha niya at saka sinarado na niya ung zipper ng bag ko.

"Sige."

Yan na lang ang sinabi ko kay Violado sabay bukas na ng phone ko para maisulat ko na kaagad ung mga naisip kong senaryo kanina. Maya-maya pa ay nakabalik na sila Christina at Juliana dito sa classroom namin at kumain na rin sa tabi namin ni Violado.

"Gusto niyo ng seaweed?"

Tanong bigla ni Chin saming apat habang nakaharap na siya sakin at tinitignan na sila Violado, Christina at Juliana.

"Ano lasa nyan?"

"Penge ako, Chin!"

"Ako rin, penge!"

"Penge rin ako chin, ha~"

Sabi naming apat nila Violado, Christina at Juliana sabay kuha na nilang tatlo ng tig-iisang seaweed habang tinitignan ko lang sila.

"Tikman mo."

Sabi sakin ni Violado sabay abot sakin ng seaweed niya na hinati niya sakin. Hinati ko pa ulit ung binigay sakin ni Violado at saka kinain ko na. Sheesh! Nasan na ung tubig ko?!

"Boss Jervien! May naghahanap sayo!"

Tawag bigla ni Madera, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at makitang nakatayo siya sa may pintuan sa harapan. Tumayo na si Jervien sa pagkakaupo niya sa upuan niya sa second row sa bandang kaliwa at saka naglakad na papalapit kay Madera. Sino kaya ung naghahanap kay Jervien?

Ilang saglit pa, matapos magsisisigaw ni Madera at ng iba pa naming kaklaseng lalaki ay bumalik na si Jervien sa upuan niya ng may dalang medium size na paper bag. Ano kaya laman nun? Nakita rin kaya un ni Violado?

Kinabukasan ng breaktime, tumambay kaming dalawa ni Violado sa tapat ng aircon sa loob ng classroom namin kung saan nakaupo malapit dun si Jervien.

"Bon, nakita mo ung paper bag na dala kahapon ni Jervien?"

Pabulong na tanong ni Violado sa tenga ko sabay tingin na sakin, dahilan para mapatingin na ako sakaniya.

"Oo."

"Babae raw nagbigay nun galing sa ibang strand, eh. Tapos ung laman nun ay chocolate."

Bulong pa ni Violado sa tenga ko sabay tingin na ulit sakin, dahilan para panlakihan ko na siya ng mga mata, tignan si Jervien na kumakain ngayon ng chocolate at ibalik kay Violado ung tingin ko.

"Oh?!"

Yan na lang ang nasabi ko kay Violado. Sana all binibigyan ng chocolate! Ano kaya feeling nun? Buti pa si Jervien naranasan na un. Samantalang ako hindi.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
iboni007 iboni007

~What does it feels like to receive some chocolate from the person who likes you? Haven’t felt it even once in my 19 going to 20 years of existence.~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C73
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập