~OCT 11 AT 10:08 PM~
: Lagi ka bang tumatakas sa schoolworks?? Ahahaha
~OCT 19 AT 8:16 PM~
: Magaling na actor pala to ahahaha
~OCT 23 AT 4:20 PM~
: Jervien
: Nandyan ba si sir sa research??
Lumipas ang school days ko ngayong October ng hindi na kami nagchachat ni Jervien at hindi rin nag-uusap at nagpapansinan sa school hanggang sa dumating na ung sem break namin.
October 25 ng hapon, nag-aayos na kami nila mama at ng bunso kong kapatid ng mga gamit na dadalhin namin kasi mamayang gabi ay ba byahe kami pauwi ng probinsya namin via bus. Kasama namin ngayon ung tito't tita namin kasi sila ung maghahatid saamin mamaya sa bus station.
"Nalagay niyo na ba lahat ng damit niyo sa bagahe?"
Tanong ng tita namin kay mama habang nasa baba silang tatlo at kaming dalawa naman ng kapatid ko ay nasa kwarto namin para mamili ng mga gamit na pang drawing or kung ano man na pwedeng dalhin namin. For entertainment purposes.
"Dadala ka 'te pang drawing?"
"Hinde."
Tanong sakin ng bunso kong kapatid at simpleng sagot ko naman sakaniya. Lumipas na ang maraming oras at nakarating na rin kami sa bus terminal dito sa probinsya namin. Alas kwatro ng madaling araw ngayon at umuulan pa. Hindi naman malamig ung panahon. Sakto lang naman.
"Gutom na kayo?"
"Opo."
Tanong ni mama at sabay na sagot naman namin ng bunso kong kapatid sakaniya habang kaniya-kaniya kaming bitbit ng mga bagahe at naglalakad kami dito sa may bus terminal.
"Gusto niyo lugaw?"
"Opo."
Tanong ulit ni mama at sabay ulit na sagot namin ng bunso kong kapatid sakaniya. Maya-maya pa ay nakakita na kami ng tindahan na nagtitinda ng lugaw kaya nakakain na rin kaming tatlo.
Matapos naming kumain ay naglakad na kami papalabas ng bus terminal at sumakay na sa malaking tricycle. Opo. Malaking tricycle talaga. Edi ayun na nga, pinagkasiya namin ung mga bagahe namin sa loob ng tricycle at kaming dalawa naman ni mama ay nakaupo sa likuran ng tricycle. At umuulan pa rin pala.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa ospital kung saan naka confine ung lola namin na nanay ni mama. Umakyat na kaming tatlo nila mama at ng bunso kong kapatid papunta dun sa ward na kinaroroonan ng lola at pinsan namin.
Dahan-dahan na binuksan ni mama ung pintuan ng ward ng lola namin at saka pumasok na kaming tatlo. Agad na nilapitan ni mama ung pinsan namin na natutulog sa mahabang upuan at saka mahinhin na niyang ginising un. Bakit hindi ganun ung panggigising samin ni mama?
Nagising na ung pinsan namin at saka gulat kaming tinignan na tatlo. Sunod namang ginising ni mama ung lola namin na tulog sa kama. Nagising na sila pareho at nagkwentuhan na kaming lima. Sabi ng pinsan namin, kala raw niya nananaginip pa siya kasi andun na daw kaming tatlo nila mama sa ward.
Lumipas ang isang oras ay tinanong ni mama ung pinsan namin kung ano oras nagbubukas ung Beejolly na katabi ng ospital na 'to para makabili ng agahan ng lola namin pati na rin ung pinsan namin.
October 30, pagka tapos naming mag-almusal ay sinamahan na kami ng pinsan namin sa sementeryong malapit sa bahay ng lola namin kung saan nakalibing ung lolo namin pati na rin ung lolo't lola, tito at kapatid ni mama. Pagka tanghali naman namin ay bumyahe na kami papunta dun sa bahay ng mga magulang ni papa via jeep, bus at tricycle.
Hindi naman sa sinasabi kong ayoko bumisita dun pero ayoko talagang bumisita dun kasi ang haba rin ng byahe, lalu pa ngayon commute lang kaming apat nila mama, ng bunso kong kapatid pati na rin ung pinsan namin na nagbabantay sa lola namin nung dumating kami sa ospital nung nakaraang sabado ng madaling araw.
Wala naman kami masyadong ginawa dun sa bahay ng mga magulang ni papa. Nakipag bonding lang kami sa mga pinsan namin na nandun sa loob ng bahay tapos si mama naman kausap ung mga magulang ni papa dun sa kubo malapit sa kusina ng bahay.
Matapos ng isang munting meryenda sa may kubo na kinaroroonan nila mama ay nagpaalam na kami sakanila dahil mahirap na sumakay paalis dito pag gabi na. Pwera na lang kung may sarili kang sasakyan, pwede ka umalis kahit anong oras. Pero kung commute ka lang, pahirapan talaga makasakay kasi iilan lang ung mga jeep at tricycle na at punuan pa pagnagkataon.
Nung nakabalik na kami sa bus terminal ay agad kaming dumiretso na apat sa MS para kumain ng hapunan kase alas sais na kami nakarating dito.
"Masarap ba un?"
Tanong ng pinsan namin saming tatlo ni mama at ng bunso kong kapatid nung namimili na kami ng kakainin sa CFK.
"Oo! Ang sarap nun!"
"Mabubusog ka dun kuya!"
"Arog na lang din kadto si orderin ko saimo."
"Eu po."
Sabi naming tatlo ng bunso kong kapatid at ni mama sa pinsan namin kaya wala na siya nagawa kundi ang sumagot ng 'oo'. Opo, lalaki po ung pinsan na kasama namin at mas matanda po siya sakin ng tatlong taon.
Ay, oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin sainyo na sinusubukan kong magpamiss kaya sinusubukan ko talaga na hindi mag-online sa loob ng isang linggo kaso… opo. Nahirapan po ako. Nag-online ako ng isang beses pero saglit lang. Kala ko may makakapansin na hindi ako online ng ilang araw… wala pala.
October 31 ay uwi na namin pabalik sa maynila, pero bago kami ihatid ng pinsan namin sa bus terminal ay dumaan muna kami sa ospital kung saan naka confine ung lola namin para makapag paalam sakanila. Nung pagkadating pala namin dun sa ward, ung bunsong kapatid ni mama na lalaki ung nagbabantay sa lola namin.
Lumipas ang araw ng mga patay ay nasa bahay lang kaming tatlo nila mama at ng bunso kong kapatid tas nung kinagabihan ay nagsindi kami ng kandila sa labas ng pintuan namin.
Pasukan nanaman ulit at bago na ung mga subjects na itetake namin tsaka bago na rin ung mga teachers na magtuturo samin. Natatawa ako na natutuwa kasi may research nanaman na subject tapos kagrupo ko ulit sila Micah at Lara! Medyo confident ako sa grupo namin kasi alam ko na maaasahang sila Micah at Lara kaso… nag-aalala ako sa iba pa naming mga kagrupo…
Nagdaan ang mga araw, hindi ko na chinat si Jervien at hindi pa rin kami nagpapansinan na dalawa. Ay, mali. Hindi ko siya pinapansin. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro nagtatampo ako? Ewan.
Wala masyadong ganap sa pagitan naming dalawa ni Jervien pero nung isang gabi, nakita ko na may bagong release na kanta ung TOMORROW X TOGETHER. 9 and Three Quarters (Run Away) ung title ng kanta at… pinaulit-ulit ko na simula nung napakinggan ko 'to. Matapos kong mabasa ung english translation ng kantang un… dun na nag spark ung ideas para sa susunod na story ko at kilala ko na agad kung sino ung gusto kong maging leading man.
~Time flies fast so do the things you always want to do; no matter how good or bad it is, before it’s all too late.~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.