Kinagabihan nakaramdam ng gutom si Kelly kaya lumabas sya hindi na rin nya ginising pa si Patrick na mahimbing ang pagkakatulog lam nyo pagod. Ahaha…what I mean is may sakit kasi yung tao kaya yun…basta yon…Hahaha
"AHHHHH!!!" Nagulat si Kelly habang pababa sya ng hagdan para pumunta sa kusina at may bigla ring nag takip ng bibig nya.
"Wag kang maingay babysis."
"Ate Rica? Ikaw ba yan?"
Itinapat ni Kelly yung dala nyang flashlight kay Rica "oo ako nga ito kaya ibaba mo na yang flashlight mo."
"Ay, sorry naman bakit kasi ang dilim? Di mo binuksan yung ilaw."
"Eh, ikaw bakit ka rin nandito?"
"Nagugutom kasi ako lam mo na buntis aketch."
"Ay, oo nga naman ano bang gusto mo? Ipagluluto kita."
"Yang kinakain mo mukhang masarap."
"Ha? Ah…gusto mo nito?"
"Ano ba yan?"
"Nakita ko lang sa ref di ko rin alam eh."
"Teka nga ate bubuksan ko nga muna yung ilaw."
"Ay…oo sige."
Pagkabukas ni Kelly ng ilaw nakita nyang ang kinakain pala ng ate Rica nya ay aligue rice na gawa ni Manang Tina "Oh? Yun pala ang tawag dito masarap sya."
"Ngayon ka lang nakatikim nyan?"
"Um…"
"Ohhh…wag ka masyadong madami dyan ate nakakahighblood kasi yan."
"Ahhh…ganun ba…ay oo kasi its from crabs right?"
Nagbukas naman ng ref si Kelly "oo ate kaya dapat may lemon yan or kalamansi mas masarap para kontra rin sa alat."
Kumuha ng lemon si Kelly at hinati sa quarter at pinisaan nya yung aligue rice na kinakain ni Rica "try it ate promise mas masarap yan."
"Eh?"
"Oo sige na."
"Um."
At tinikman nga ni Rica yung aligue rice nya na pinisaan ni Kelly ng lemon at nagustuhan nya ito "woah…mas okay nga pahingi pa nga mahilig kasi ako sa medyo maasim eh."
"Ahh..kaya pala pag uuwi ako sa bahay laging may sinigang ikaw ba nag luto?"
"Ahh…hindi ang kuya Kian mo di kasi ako marunong mag luto nun."
"Ohhh… I see…"
Binuksan nya uli ang ref at nag hanap ng makakain "gusto mo ba?"
"Ah, hindi na ate nag kegrave kasi ako sa maalat pero matamis."
"Hmm…may gusto ka ba in specific? Para mapagluto kita."
"Ahm…actually wala ate eh lately nga madalas gusto ko crabs tas yung may honey and spicy ngayon naman gusto ko yun nga maalat tas matamis."
"Hmm…lemme think maalat tapos matamis… ano bang meron sa ref?"
"Ahm..meron dito mag patatas, may meat rin tas seafood na natira ata kanina."
"May red eggs ba?"
"Yung itlog na maalat yun di ba?"
"Um…wait lemme see."
Si Rica na mismo ang nag hanap ng lulutuin nya para kay Kelly at naisip nyang mag luto na potato chips with salted eggs and caramel.
"Eh? Yung uso non? Di ko pa nga yun na tikman marunong ka nun ate?"
"Actually, di ko pa na try na iluto yun pero nakatikim na ko nun dati."
"Ohhh…ate gusto nun luto ka?"
"Okay, ikaw pa ba? Pero wag kang maingay ha? Baka kasi magising ang kuya Kian mo alam niya kasi na diet ako tapos makikita nya ko dine lumalafangs ng aligue rice? Nako! Pagtatawanan ako nun kukunin niya pang kakampi si Jacob."
"Ah…sige…hehehe…"
"Okay it's a deal ngayon naman tulungan mo ko ikaw ang mag tanggal ng shell ng itlog okay na siguro kung 3 eggs noh? Gusto mo ba marami?"
"Ahm…hindi naman ate gusto ko lang talaga tumikim."
"Okay then, mag simula na tayo."
"Alright!"
At nagsimula na ngang magluto yung dalawa at habang nag luluto naman yun dalawa nagising rin naman itong si Faith na nakaramdam rin ng gutom kaya bumaba rin sya sa may kusina para maghanap ng makakain gaya nung dalawa nag dahan-dahan rin syang lumabas ng kwarto nila para hindi magising ang asawa at ang anak nya.
"Girls!!!" Aniya kila Kelly at Rica.
"Shhhh…" Ang reaction naman nung dalawa sa kanya.
"Ay sorry, nagutom rin ba kayo?"
"Oo ate alam mo na may pinapakain ako."
"Nga naman buntis ka nga pala nag crave ka ba?"
"Opo eh buti nalang andito rin pala si ate Rica."
"Wait, don't tell me ate nag crave ka rin?"
"Sira! Na gutom talaga ko kita mo naman salad lang ang kinain ko buong araw kaya wag kang maingay kila Kian at Jacob ha? Nako! Tutuksuhin ako ng mag ama kong yon."
"Ahh..hahaha…oo naman ate ako rin eh pinipilit kong mag diet pero di ko pa kaya kasi lam nyo na breastfeed ang lola nyo."
"Ayos lang yan kailangan mo talagang kumain para may ibigay kang gatas kay baby Ellion."
"Oo nga ate kaya sige kumain ka na."
"Eh, ano ba yang lulutuin nyo at bakit may patatas at itlog na pula?"
"Gusto kasi ni Kelly nag maalat na matamis kaya ito ang naisip kong ipakain sa kanya ang potato chips with salted eggs and caramel."
"Ohhh…yun yung dating nauso di ba? Masarap yun."
"Di ko pa nga yun na tikman ate eh kaya sabi ko kay ate Rica pagluto nya ko."
"Ohh…ate ako din pwede?"
"Oo naman kumain ka nalang muna nyang aligue rice gutom ka na ata eh."
"Ay, pass ako ayoko kasi ng ganyan eh. Sorry."
"Ayos lang ako nga ngayon ko lang yan natikman masarap pala."
"Ahh…di kasi akopwede sa ganyan may allergy kasi ako eh wala pa naman akong baong gamot. Nga pala, kamusta na si Patrick?"
"Ahhhh…okay naman na sya ate bumaba na rin ang temperature nya."
"Oh…buti naman kung ganun."
"May maiitutulong ba ko sa inyo?"
"Sige para mabilis tayong matapos tulungan mo na ko ritong mag balat ng patatas."
"Sige mom Ms. Minchin."
"Hahaha…Princess Sarah pala ang peg natin dine. Ahahahaha…"
"Oo nga hahaha…alam mo bay un babaysis?"
"Di ko pa na panood yung live action nun sa cartoons lang pero di ko na maalala."
"Ahhh…sikat kasi yun di ba ate?"
"Oo sikat na sikat yun talaga dati."
"Ohh…sige mag search ako about dun para naman maka relate ako."
"Oo search mo maganda yun…teka lang grabe ang ganda pala ng kusina dito noh?" Ang sabi ni Faith.
"Oo nga eh ang sarap mag luto dito ang laki ng oven."
"Oo ate parang gusto ko tuloy mag bake ng cake. May gusto ka bang flavor ng cake ngayon babysis?"
"Cake? Vanilla lang naman at strawberry ang gusto ko ate."
"Yeah…ganun din ang mga kuya mo eh." Ang sagot sa kanya nung dalawa.
"Hehe…yun na kasi kinalakihan naming eh si daddy kasi masarap sya mag bake nun tsaka ng eggpie."
"Na ikaw lang ang may kakayanang kumain." Ang sagot ulit nung dalawa.
"Hehe…sila kuya po kasi allergy sa itlog at namana nila yun kay mama tapos po ako kay daddy kaya wala akong allergy dun."
"Yun nga ang namana ni Jacob kay Kian ang pag ka allergy sa itlog."
"Si Tum-Tum naman di naman buti di nya namana yun kay Keith."
"Hehe…pero sa peanut yun po ang pare-parehas kami nila kuya na allergy."
"Yeah.." Ang reaction naman nung dalawa.
"Naalala ko nung hindi pa naming alam na anak ni kuya Kian si Jacob naka kain sya ng eggpie buti nalang talaga andun si Mama."
"Ahhh…oo nakwento nga yun sakin ni Renzo at dun na rin kayo nag hinala na parang may something sa kanya di ba?"
"Um. Dun na nga kami nag simulang mag hinala na parang may something kasi napansin namain nun na kamukhang kamukha ni kuya Kian si Jacob."
"Ohhh..parang hindi ko pa pala alam yung kwento nay un ah."
"Ah..oo ate wala ka pa ata nun sa bahay pero ang galing naman ng kwento nyo ni kuya Keith sa di inaasahang pangyayare nabuo nap ala si Tum-Tum."
"Hehe…hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko nun eh isa lang naman talagang aksidente ang lahat."
"Well, kumpara naman sa sitawasyon namin ni Kian mas okay parin kayo ni Keith."
"Bakit naman ate? Di ba magkakilala naman kayo ni kuya Kian nung nabuo si Jacob?"
"Pero hindi naman alam ni kuya Kian na nag kaank sila ni ate Rica."
"Oh? Hindi ko yun alam ah kasi ang alam ko lang hiwalay na kayo ni kuya Kian kaya hindi kayo mag kasama nun sa bahay."
"Ahh…oo pero mga bata pa kasi kami nun kaya parang hindi pa kami ready sa reposibility pero ngayon naman nabawi na kami kay Jacob yun nga gusto na nyang magkaroon ng kapatid pero parang hindi ko na ata kaya mantakin nyo mag 9years old na yung susundan? Baka manganay na ulit ako."
"Kaya mo yan ate ikaw pa ba? Di ba ate Faith?"
"Hehe…oo nga ate tamo nga ko naka dalawa na si Keith kasi."
"Hahaha…makulit ba?"
"Ayoko nalang pag usapan nga pala gang kailan pala tayo dito sa resort? Buti nalang nadala nila Shai sila Tum-Tum at Ellion dito di kasi ako makaktulog pag di sila kasama."
"Ahm…3days and 1night babalik na kasi sila Patrick sa SM Corp. eh sila kuya naman di ba naka summer break kaya pwede pa naman mag tigil dito sa Batangas kaso mauuna na kami bumalik sa Manila."
"Ohhh…ganun pala eh ikaw ate Rica babalik ka na rin baa gad sa work mo?"
"Siguro pag bumalik nalang din si Kian kayo sasabya na ko madali naman ng mag paalam sa admin kaya ko naman mag work from home bast may laptop at wifi ako hehe."
Nauwi na nga sa kwentuhan yung pagka gutom nung tatlo at hindi na nila namamalayan na medaling araw na pala at isa-isa ng nagigising ang kasama nila sa bahay gaya nila Manang Tina at Manong Berto na palaging early bird.
"Good morning Manang Tina and Manong Berto." Ang papungat pungat na sambit ni Kelly.
"Hmm? Ma'am bakit anag aga niyo pong nagising? Alas kwatro palang po." Ang sagot naman ni Manong Berto.
"Gusto nyo ba nag gatas? Ipagtitimpla ko kayo." Ang sabi naman ni Manang Tina.
"No worries po napa sarap lang ang kwentuhan naming matutulog na rin po kami uli." Ang sabi naman ni Faith.
"Opo sige po magandang umaga po sainyo." Ang sabi naman ni Rica.
"Si—Sige po." Ang sagot naman nung mag asawa.
"Sige po matutulog na po rin ako pakilutuan nalang po mamaya si Patrick ng lugaw."
"Si—Sige po Ma'am." Ang sagot ni Manang Tina at sabay-sabay pa ngang tumaas yung tatlo para mag tungo sa kani-kanila nilang silid.
"Hindi pa ba sila natutulog?" Ang tanong ni Manong Berto.
"Mukhang nagising sila para kumain ng midnight snack." Ang sagot ni Manang Tina at napatingin sila sa lababo kung saan may natira pang potato chips na kinain nung tatlo.
***
8am na at halos gising na ang lahat naka balik na rin galing sa pag jo-jogging sila Dave at Vince.
"Ayos na kaya si Chairman?" Ang tanong naman ni Dave.
"Siguro?" Ang hindi naman siguradong sagot ni Vince at nagulat silang may biglang nag salita.
"Kayo, ayos na ba kayo?"
"Mr. Chairman!!!" Ang bungad nila kay Patrick at niyakap pa ni Dave ito.
"Hey!!! Umalis ka nga! Pawis na pawis ka kainis!"
"Hehe…na miss lang kita."
"Lumayo ka nga! Yang pawis mo!"
"Oo ere na nga!"
"Kamusta ka na? Mukhang okay ka na maaliwalas na ang mukha mo Mr. Chairman." Ang sabi naman ni Vince.
"Tumigil nga kayong dalawa sa kaka chairman niyo wala tayo sa company."
Nagkatinginan namna sila Dave at Vince at sabay sinabing "magaling na nga sya."
"Anyways, tumawag si Ms. Maricar about sa project sa Cebu naayos nyo na ba yung mga materials dun?"
"Wala daw sa company pero yun ang pinag uusapan." Ang pabulong na sambit ni Dave kay Vince.
"Oo nga eh."
"Hoy!"
"Ye—Yes Mr. Chairman after natin dito may naka schedule na kayong flight papunta don." Ang sagot nung dalawa.
"Ano?! Anong flight?"
"Hmm? Hindi ba nabanggit ni Ms. Maricar? Kailangan nyong umattend ng summit dun para sa mga future investors." Ang sabi ni Vince.
"Pero hindi ba ang sabi ko ang mag ganyan ay kayo na ang umattend para sakin. Alam nyo namang ayokong malayo kay Kelly"
"Alam naman naming yun Mr. Chairman kay nga nag pa book rin kami ng ticket para kay Master." Ang sabi ni Dave.
"Wait, hindi nyo muna tinanong sa OB nya?"
"Of course tinanong na namin at pumayag naman sy Dra. Jinzel." Ang sagot naman ni Vince.
"Sigurado ba kayo?"
"Yes Mr. Chairman."
"Mabuti kung ganon so wala na bang problema?"
Napakamot naman yung dalawa sa ulo nila dahil may hindi pa sila na sasabi kay Patrick "ano? bakit di kayo mag salita?"
"Ikaw na nga bro." Ang sabi naman ni Dave.
"Aba! Ikaw na!"
"Ano na? Bakit ayaw nyong mag salita? Ikakaltas ko sa sweldo nyo yan kapag hindi pa kayo nag salita."
"Hindi sabay ng date ang flight nyo ni Kelly!!!" Ang sabay sambit nung dalawa.
"ANO?!"
Luh!!! Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kelly? @_@