Tải xuống ứng dụng
47.08% Ms. Hoodie / Chapter 218: Kabanata 218

Chương 218: Kabanata 218

"Sino sya?"

"Ang ganda naman niya."

"Pati yung gown niya sobrang ganda rin."

"Mukhang malapit siya sa bride para bigyan siya ng ganyang kagandang gown."

"Sino kaya ang gumawa ng gown niya?"

"For sure bigatin na designer."

Mga usap usapan habang naglalakad na papasok si Kelly sa simbahan at sa isip-isip niya "Bakit ganyan sila makatingon sa akin? Sabi ko naman kasi kay kuya Kevin wag ng kung anu-ano ang ilagay sa gown ko eh nakakahiya sigurado topic na ko ng lahat sa pangit kong gown at mukha."

Samanatala habang nakatingin ang lahat sa mga abay na sunod sunod na pumapasok nag uusap naman sila Patrick at Richmond "Ang ganda niya."

"Ano yon Rick?"

"Ha? Wa— Wala kuya."

"Sus... kunwari ka pa alam kong si Kelly ang nasa isip mo."

"Hi— hinde kung ano-ano ang pinag iisip mo diyan."

"Lalaki rin ako at kahit ako nagagandahan rin kay Kelly pero nakikita ko sya as Paula."

"Kuya..."

"Aaminin ko hindi ko parin maiwasang isipin na si Kelly ay ang kapatid nating si Paula pero tanggap ko ng magka iba silang dalawa kaya kung ako sayo ibantay sarado mo na yang si Kelly baka makuha pa yan sayo."

"Eh? Kuya don't tell me..."

Bineltukan ni Richmond si Patrick at sinabing "Luko! Sinasabi ko lang ang mga yon dahil suportado kita kaya wag kang mag alala tutulungan kitang bantayan si Kelly sa mga lukong yon."

"Sino?"

Itinuro ni Richmond gamit ang kanyang nguso ang mga groomsmen na titig na titig kay Kelly "Aba't! Sawa na ba sila sa buhay nila?" Ang galit na sambit ni Patrick na balak na sanang sumugod pero napahinto sya at napatingin sa kuya niya "Hindi mo ba ako pipigilan?"

"Bro, kung gusto mong sumugod bahala ka pero kapag nagkaroon ng gulo dito humanda ka sa ate May mo lintek lang ang walang ganti dun kaya umayos ka."

Pandalas namang bumalik sa puwesto niya si Patrick "Silly! Pumirme ka kasi nakatingin sayo mga kuya ni Kelly oh."

Napatingin naman agad si Patrick kila Kian "Bakit di mo naman sinabi agad kuya nakakahiya tuloy."

"Magtigil ka na nga ayan na papasok na si May manahimik ka diyan."

"Um..."

Habang naglalakad na sa aisle si May panay naman ang video ng lahat maliban kay Kelly na nakay Kian ang cellphone "Ah... Eh...Miss, pwede bang papasa ako ng video mamaya?"

"Sure no problem."

"Sa— Salamat naiwan ko kasi yung cp ko sa mga kuya ko eh."

"So, it's true pala na only girl ka sa limang magkakapatid?"

"Eh? Sorry but do I know you?"

"Ah... no sorry I forgot to introduce myself to you my name is Jena nice to meet yah." Nakipag kamay naman siya kay Kelly.

"Nice to meet you too by the way my name is Kelly.

"Yeah... I know your name."

"Ha? Pero ngayon palang tayo nagkita."

"Yes, but I'm Pat-Pat's best friend."

"Pat-Pat? You mean Patrick?"

"Aha... He ain't tell you ba about me?"

"Ah... Ahm..." napailing nakang si Kelly.

"Oh... I just got home galing pa kasi ako sa France umuwi lang kami ng ate ko para sa kasal ni ate May para maging abay here by the way my ate is over there, she is the matron of honor."

"O— Okay..."

"I heard you from ate May si Pat-Pat kasi he ain't pala kwento eh pero we used to talk every night sometimes if we both free. You know naman France is so far away from Pinas eh."

"Ah... He... He... Oo nga." Ang awkward na sagot ni Kelly na animo'y nawala na sa mood.

"Later, after this ceremony can we talk?"

"Ha? Talk? O— Oo sige."

Natameme nalang si Kelly at nawala na sa mood hanggang sa natapos na ang ceremony ng kasal "Bunso, are you okay?" Ang sabi ni Kevin habang papalabas sila ng simbahan.

Tumango lang si Kelly at di nag salita "Anong nangyari diyan?" Ang bulong ni Kim kay Kevin.

"Hindi ko rin alam napansin ko na rin sya kanina eh di ko lang malapitan kasi puro abay katabi niya sa upuan nakakahiya."

"Di kaya masakit puson niya? Diba meron sya?"

"I think hindi naman uminom sya ng gamot eh."

Sumingit naman sa usapan si Kian "Bulungan kayo ng bulungan diyan bilisan niyo na at ang inet! Kevin, payungan mo si Kelly naiinitan!"

"O— Oo kuya."

Habang naglalakad sila Kelly papunta ng kanilang sasakyan napansin ni Jacob na may kasamang babae si Patrick "Tita Kelly, sino po yung kasama ni tito Patrick?"

Napatingin naman yung Dela Cruz siblings "Katabi mo po sya sa upuan kanina di ba?" Dagdag pa ni Jacob napatingin naman sila Kian kay Kelly na tahimik lang na nakatingin dun kila Patrick at Jena "Ahem... sya bilisan na natin at ang init baby halika na wag kung ano-ano ang nakikita mo." Ang sabi ni Keith at binuhat nya si Jacob.

"Te— Teka lang po tito Keith ibaba niyo ko."

Nauna na yung mag tito sa sasakyan habang inaalalayan naman nung tatlo si Kelly "Kelly, ayos ka lang ba? Gusto mo na bang umuwi?" Ang sabi ni Kian.

"Ayos lang ako kuya medyo mabigat lang itong gown ko." Ang sagot ni Kelly na walang energy.

Nagkatinginan naman yung tatlo at tinulungan si Kelly sa kaniyang gown "A— Anong ginagawa niyo mga kuy's?" Dagdag pa niya."

Tinaas nila yung laylayan ng gown ni Kelly para hindi ito mahirapan sa paglalakad "Para di ka mabigatan." Ang sabay-sabay na tugon nung tatlo.

"Pe— Pero mga kuy's pinagtitinginan na tayo."

"Wag mo silang pansinin kami ng bahala sayo." Anila.

"Pero wag niyong masyadong itaas baka nakikita na yung panloob ko!"

"Ay oo bunso.." Anila.

Pinagtitinginan na nga sila Kelly ng kapwa niya mga abay at iba pang mga dumalo sa ceremony habang naglalakad patungo sa kani-kanilang mga sasakyan at isa na nga dito sila Patrick at Jena "Ang sweet naman ng mga kuya ni Kelly sa kaniya I hope I have kuya din." Ang maarteng pagkakasabi ni Jena habang naka cling yung kamay niya sa braso ni Patrick.

"Over protective kasi sila kay Kelly ka isa isang babaeng kapatid kasi kaya nga lumaki siya na boyish eh at ang galing niya din sa martial arts."

"Tsss... na nagustuhan mo naman."

"Oo naman! I love the way kung paano sya nagpapakatotoo."

Napatingin si Jena kay Patrick na nakatingin lang kila Kelly na nakangiti pa.

"Ang laki na ng pinagbago mo bruh."

"What do you mean? Sandali nga, bitawan mo nga ko ang init-init eh makakapit ka naman kala mo mawawala ka dito."

Hinihigpitan pa lalo ni Jena ang pagkakahawak niya kay Patrick "Ayoko nga bilisan mo gutom na ko!"

"Bitaw sabi!!!"

"Sige! if you keep avoiding me sasabihin ko kay Kelly na nag ka crush ka sakin nung elementary tayo."

"Ano? Jena Anne Francisco tumigil ka baka mag selos pa yon sayo magka galit pa kami ni Kelly."

"Whatever! Let's go sasabay na ako sa car mo at kapag di ka pumayag sasabihin ko talaga kay Kelly yon!"

"Jenaaaa!!!!"

"Bleeeh..."

Naghabulan pa sila Patrick at Jena at nakita yon nila Kelly at ng mga kuya niya habang papaalis na sakay ng kanilang van. "Bakit po sila nagtatakbuhan?" Ang sabi ni Jacob.

Pandalas naman ng taklob ng bibig ni Jacob si Kevin " Ha... Ha... kuya itong anak mo nagugutom na ata bilisan na natin para makakain na sa reception. Ha... Ha..."

"Ah? O— Oo sige may pagkain sya sa bag pakikuha na lang tol."

"Oo tol... Ha... Ha... Siopai kakain ka na tahimik ka muna ha?"

"Mmm... Mmm..."

Samantala dedma lang si Kelly habang naka headset at naka pikit "Lintek na Patrick yan matatamaan talaga sya sakin eh." Ang naumang sambit ni Kian.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
lyniar lyniar

Heyo! (‘’,)

• I hope you enjoy the new character “Jena” ahahaha... may bagong masasampiga kaya si Kelly? Abangan... >_<

• Please do read my other novel rin po sana yung “Be My Princess Ms. Faye.” Add to your library too kung di naman po nakaka abala hehe.

• Shoutout po pala sa mga laging nagbibigay ng votes nila lagi pong nasa power hot ang “Ms. Hoodie” sana yung isa ko rin pong novel basahin at vote niyo. Hehe... Thankies and Godbless geysh. :)

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C218
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập