Tải xuống ứng dụng
33.9% Ms. Hoodie / Chapter 157: Kabanata 157

Chương 157: Kabanata 157

Kinatanghalian sa Condo ni Patrick,

"Ding...Dong..." Nag doorbell si Dave at lumabas naman ka agad si Patrick.

"Dude!!!!"

Papungay-pungay pa ang mga mata ni Patrick at naka pajama pa na wari'y kagigising lang " Ano? Ang aga mong mamburaot!"

"Anong ang aga?" Pumasok na si Dave sa loob at nag tungo ka agad sa kusina ni Patrick.

"Ano bang ginagawa mo?"

Nag bukas ng ref si Dave at naghahanap ng makakain "Ano ba naman ang mga ito? Tubig? Juice? At pizza? Na mukhang nung isang araw pa?"

"Ano ba kasing ginagawa mo dine?"

"Nalimutan mo na bang Sunday ngayon? At bakit kagigising mo palang eh tanghali na! Mag 12nn na kaya."

"So? Wala akong pake! Kaya nga dine ako sa Condo para walang mang iistorbo sa pag tulog ko tapos mambuburaot ka dine! Umalis ka na nga!"

"Ano? Nalimutan mo na bang pupunta dine ang tropa."

"Sino?"

"Yung tropa natin nung highschool!"

"Ha? Sila Gio?"

"Oo umuwi na siya galing sa Thailand."

"Oh? Ano naman?"

"Luh! Hindi ka ba nag basa ng gc?"

"Gc? Bakit? Hindi ako nag open ng fb ko nakakatamad natulog na ko agad eh."

"Sus...kasi happy ka dahil kasama mo si Master kahapon. Tsss...di man lang ako sinabihan ang daming foods sa inyo kahapon eh ang daya."

"Saan mo nalaman? Secret lang yun eh."

"Kanino pa ba sa tingin mo?"

"Haysss...kay ate?"

"Yeah...ahahahaha...nakita ko kayo ni Master sa terrace niyo ayiiieeee....ang sweet ha."

"Ha? Wala naman kaming picture."

"Hahahaha...stolen shot lang dude pero napaka candid ang photogenic ni Master ang cute din ni Jacob para kayong happy family. Hahaha..."

"Eh? Hindi ko yun alam ah.." Pandalas naman ng kuha si Patrick ng kanyang telepono.

"Hoy! San ka pupunta?"

"Kukunin ko yung cp ko wag kang magulo!"

"Ayieee...ahahaha..."

Nag madali naman si Patrick na buksan agad ang kaniyang cp "Hoy! Saan nag upload si ate May?"

"Sa IG niya wala naman yung FB eh."

"Ay...oo nga pala."

Lumapit naman sa kaniya si Dave at kinuha ang telepono ni Patrick "Hey!!!"

"Ako na ang bagal mo!" At pinakailamanan na nga niya ang cp ni Patrick at pinakita ang kanilang picture nila Kelly at Jacob na ang saya saya "Here! Ang ganda ng kuha niyo diyang tatlo nila Master at Jacob." Pinagmasdan naman ni Patrick ang kanilang picture na naka upo sa may terrace nila at nakikipag kulitan kay Jacob "Ang ganda..."

"Aysos...wala na tapos na ang laban."

"Heh! Pero ang ganda nga ng kuha namin dine kukuhanin ko nga ito kay ate paparint ko."

"Paprint? Bakit? Ano lalagay mo missing? O wanted?ahahahaha..." Bineltukan naman siya ni Patrick ka agad.

"Gung gong! Syempre ipa pa frame ko! Tungaw!"

"Ahhhh...wow...family picture lang ang peg dude??Ahahahaha..."

"Heh! Mabalik tayo sa usapan about sa tropa ano nga yung sabi mo umuwi na si Gio? Hindi ba dun na sila nanirahan ng pamilya niya simula nung grumaduate tayo ng highschool."

"Oo pero umuwi na sila dito lalo na sya."

"What do you mean?" Habang nagsasalita siya nag screenshot siya at inedit yung picture nilang tatlo ni Kelly at Jacob at ginawang wallpaper niya sa phone.

"Ewan ko biglaan parang may problema ata sila ng papa niya."

"Oh? Bakit daw?"

"Wala ka talagang alam no?"

"Wow...nakakahiya naman sayo dude."

"Tsk...I mean sa social media."

"Lilinawin mo baka masampal kita!"

"Humph! Pero hindi mo pa ba na balitaan na si Gio ay si Gia na?"

"Ohhh..."

"Oo isa siyang gay,dude...ang dating tinitilian ng mga kababaihan ay tumitili na rin sa lalaki."

"Ohhhh..."

"Ewan ko nga don samantalang dati puro gym di ba yon? Ang hilig mag palaki ng katawan pero hindi naman nalaki ang katawan sasabihin niya "mga dude mag gym nalang din kayo para healthy kayo" iba naman pala ang ibigsabin niya don. Sigh...buti nalang pala hindi ko yun nakasama sa cr non kahit isang beses nako kung hindi...ay ewan..."

Natulala naman si Patrick bigla "Dude!!! Hoy!"

"Ha? Ano yon?"

"Wait, don't tell me nakasama mo sa cr si Gio nun."

"Ha? N---no!!!"

"Talaga lang ha...." at para bang naaasar ang pagkakasabi ni Dave sa mga linyang iyon.

"Ewan ko sayo!!!"

Limang taon na ang nakaraan,

Nasa fieldtrip noon ang kanilang klase kasama pa ang ibang estudyante sa iba't ibang year sa highscool at humiwalay ang tropa nila Patrick noong matapos nilang bumisita sa isang Museum. "Mag dude, tara kumain gutom na ku'y." Ang sabi ni Dave.

"Oo nga ako rin hindi ako nag almusal nung umalis ako sa bahay kanina." Ang sabi Ryan na isa sa kanilang tropa na ma chix.

"Lagi naman kayong gutom na dalawa right Patrick?" yan si Gio ang laging kumukuha ng opinyon kay Patrick sa lahat ng kanyang sinasabi at ginagawa.

"Bahala kayo basta ako eh gusto ko ng umuwi."

"Pero dude ngayon pa nga lang tayo nag sisimula eh tara na lang humiwalay kila Ma'am." Ang sabi ni Dave habang naka patong ang braso sa balikat ni Gio.

"Ang bigat naman ng braso alisin mo nga!"

"Huh! Anong pinagsasabi mong mabigat diyan eh hindi ba nag g-gym ka?"

Tinanggal naman ni Gio ang braso ni Dave sa balikat niya at lumayo "O—oo nag g-gym nga ko pero ayoko sa braso mo!"

"Ano?"

"I---I mean pawis ka tapos lalagay mo sa balikat ko eh ang puti-puti ng uniform ko."

"Tsss...ano namang akala mo naman sakin dugyot? Ang arte mo! Ano ka ba babae?"

"Huh! Sinong babae? Asa ka!"

"Hindi nga kaya..."

"Heh! Tantanan mo ko! Dude tara na nga."

"Bahala kayo diyan." Ang walang pakialam na sabi ni Patrick at iniwan yung tatlo at sumunod naman ka agad sa kaniya si Gio.

"Dude, di mo ba napapansin?" Ang pabulong na sabi ni Dave kay Ryan na busy sa kaniyang telepono.

"Huy!!!"

"Ano? Ka chat ko si Ella,"

"Sinong Ella?"

"Syempre yung bago kong gf."

"Anak nang! Pang ilan mo yan ngayong linggo?"

"Wag ka ngang maingay diyan!"

"Pero dude 3rd year na tayo ngayon ko lang na pag tanto na laging nasunod si Gio kay Patrick."

"Ha? Eh ano naman tropa tayo eh F4 nga di ba?"

"F4?"

"Oo, as in 4 na Fafa."

"Bungol!"

"Eh ano ba yung sinasabi mo?"

"Napansin ko lang na parang laging nag re-rely si Gio sa mga sasabihin ni Patrick."

"Oh, Eh ano naman sayo? Selos ka?"

"Tuleg! Bakit naman ako mag seselos? Straight ako no!"

"Oh eh bakit naman ang dami mong kuda diyan? Magkakasama na tayong lumaking apat hindi mo pa ba kami kilala?"

"Hindi naman sa ganon pero para kasing may something kay Gio na hindi ko maintindihan."

"Tsss...dude gutom lang yan tara na iwan na tayo ng dalawa. Babe!"

Bineltukan siya ni Dave "Baliw!" At tumakbo.

"Babe!!! Inatyin mo ko!!"

"Babe mo mukha mo!!!" Sigaw ni Dave habang papalayo kay Ryan.

******

Habang nakain yung apat sa isang restaurant,

Pinagmamasdan ni Dave si Gio habang nakain "Ahem, dude Gio bakit parang ang hinhin mong kumain diyan?"

"Ano?"

"Para kang si Precious kung kumain kasi."

"Huh! Baliw ano pinagsasabi mo diyan?"

"Para ka kasing babae kung kumain ang bagal mo samantalang kaming tatlo naka ilang kanin na ikaw hindi ka parin tapos sa isang kanin."

"A---ano namang masama don? Kinakain ko lang ng mabuti ang pagkain ko hindi gaya mo na lunok nalang ng lunok. Right Patrick?"

"Ewan ko sa inyo wag niyo kong dinadamay sa kagaguhan niyo ako'y nanahimik dine't nakain."

"Yan kasi si Dave kung ano-ano pinagsasabi."

"Tsss..."

"Kumain na nga lang kasi kayong dalawa dyan ang sarap ng pagkain eh seafood mga dude."

"Makapag cr na nga muna."

"Anong gagawin mo?"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa cr ha Dave?"

"Ehhh...ang akin lang naman..."

"Tsss...tungaw!" At umalis na nga si Gio at hindi na pinansin si Dave.

"Mag dude para talagang may something diyan sa kaibigan natin."

"Alam mo Dave kanina ka pa ano ba naman yang gusto mong sabihin patungkol kay Gio?"

"Bakit ano na naman yang trip mo dude?"

"Sige dude sabihin mo kay Patrick yang mga hihinaing mo."

"Mga hinanaing talaga? Buang!"

"Ano nga?"

Bigla namang natabig ni Ryan ang kaniyang baso na may lamang iced tea at natapunan si Patrick "Anak nang!!!"

"Sorry dude nahirapan kasi akong buksan itong alimasag na ito."

"Tsk...pambihira naman!!!" Pinunasan naman ka agad niya at kumuha naman ng madami ng tissue si Ryan para punasan rin ang pantalon ni Patrick "Hoy! Anong gagawin mo?"

"Eh...nabasa kita dude kaya pupunasan ko?"

"Ako na! Baka kung ano pang isipin satin ng mga tao."

"Pffft....ahahaha...gross bromance."

"Heh!"Ang sabi nung dalawa kay Dave.

"Mag cr ka na lang dude dun mo nalang ayusin."

"Nga naman tulungan ka namin?"

"Gung gong kayo!"

"Sorry na dude di ko naman sinasadya eh."

"Tsk...sige sige mag c-cr na nga muna ko putek! Para kong umihi nire eh."

"Pfft...ahahahaha..."

"Tawa! Bayadan niyo yang mga kinain nyo ha! Mga buset kayo!"

"Dude naman."

"Tigilan niyo ko mga kumag!" At umalis na nga si Patrick at iniwan yung dalawa.

"Kasalan mo yan dude! Bahala ka ang mahal ng mga kinain natin kulang ang allowance ko ng isang linggo para dito. Taragis ka!!!"

Patuloy pa rin naman sa pagkain si Ryan "Tsss...di yan akong bahala kilala si Patrick dito kaya nga dito niya tayo dinala eh."

"Bahala ka! Siguraduhin mo lang yan kung hindi ikaw ang maiwan at mag ligpit dine. Ang mahal dito buset!"

"Chill lang dude!"

Samantala sa Men's Comfort Room,

Mag isa lang noon na nasa cr si Gio at nag aayos ng kaniyang mukha at naglalagay pa ng lip gloss at nag lagay din ng cream "Okay, maganda ka na ulit gurl hindi ka na hagardo versosa." Hindi niya alintana na mag salita mag isa dahil ang alam nya nai-lock nya ang pintuan ng cr.

"Bwiset naman kasi bakit kasi puro seafood mga inorder nila nakakainis mag kamay ang duming tigan so gross...nakakawala ng poise my goodness!!!"

"Kairita!!!!" Patuloy pa rin siya sa pag aayos ng sarili at nag selfie pa sa harap ng salamin habang na awra na parang babae at sa hindi inaasahan nakita iyon ni Patrick. "Gi-----o? Wha---t are you doing du---de?" nanlaki naman ang mga mata ni Gio sa gulat kaya nahulog niya ang kaniyang cp sa may lababo na may tubig dahil barado. "Le---Let me explain du---de."


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
lyniar lyniar

Hmmm...sino nga kaya si Gio sa buhay ni Patrick?

▪︎Sa tingin niyo magiging balakid kaya siya kay Kelly para kay Patrick?

▪︎ O, baka naman maging balakid siya kay Patrick para kay Kelly?

Ano sa tingin niyo Abangan...nyayahahaha...salamat po in advance sa powerstone. Mehehehe...lab y'all...Godbless...muah...♡

Love lots,

lyniar☆

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C157
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập