Habang dala-dala ni Patrick si Kelly,
Kelly: Sabing ibaba mo ko!
Patrick: Ayoko!
Kelly: Aba!!! At....
Patrick: Sige kung magpupumiglas ka parin diyan hahalikan na kita.
Natameme si Kelly "Hindi mo ba alam na sobrang nag-alala kami sayo? Bakit kasi di ka man lang magtext? O tumawag?"
Kelly: Ah---eh...ka---kasi...nasa bag ko yung phone ko.
Patrick: Sa susunod isama mo si Mimay o ako ayokong mawawala ka sa panigin ko.
Kelly: Kahit sa c.r?
Patrick: Oo wala akong pakialam kung sa c.r pa yan ng mga babae basta kasama ka.
Namula si Kelly "Manyak!" Aniya.
Patrick: Sabihan mo na ako ng manyak pero pag dating sayo gagawin ko kahit ano mapahiya man ako.
Ang bilis na naman ng tibok ng puso ni Kelly at sa isip-isip niya "Hearty, kumalma ka bakit ba parang sasabog ka na diyan."
Patrick: Sinaktan ka ba nila?
Kelly: Hin---hinde.
Patrick: Bakit namumula yang wrist mo?
Kelly: Ah...eh...wa---wala ito.
Patrick: Ayoko sa lahat yung nagsisinungaling.
Kelly: Bahala ka! Kung ayaw mong maniwala.
Patrick: Sige papalagpasin kita ngayon pero wag kang magtaka kung may gagawin ako sa mga yon pag nalaman kong may ginawa silang masama sayo.
Napayakap si Kelly kay Patrick kaya napahinto ito "A---anong ginagwa mo?"
Kelly: Kumakapit baka mahulog ako eh.
Patrick: O---okay higpitan mo pa.
Kelly: Tsk...bilisan mo na baka mag start na yung exam natin.
Patrick: Noted po your highness.
Napangiti yung dalwa na wari'y naging slow mo ang mundo nila habang papunta sa kanilang classroom "Nasan na kaya si Kelly?" Sambit ni Mimay na nasa kanilang classroom.
Dave: Baka nakita na nila Patrick at Vince wala pa sila dito eh.
Harvey: Oh, eto nag text si Vince nakita na nga nila si Kelly.
"Salamat naman." Anila.
Mimay: Sigh...buti naman nakita na nila.
Dave: San kaya nakita si Master?
Harvey: Narinig ko habang naglalakad ako papuntang HRM department may pinagtitripan na naman daw sila Chollo.
Dave: Chollo? Yung mag pipinsang warfreak?
Mimay: Pero ang gwapo nilang lahat parang mga kapatid ni Kelly.
Nagkatinginan yung dalawa "Tsss...pogi san banda." Anila.
Mimay: Anong san banda? Lahat ng part ng katawan nila gwapo kumpara naman sa inyo. Tsss...
"ANO???" Anila.
"Ibaba mo na sabi ako classroom na natin ito oh." Bungad na sambit ni Kelly.
Patrick: Oo eto na nga sandali lang baka mahulog ka wag kang malikot.
Mimay: Kelly!!!!
Niyakap agad niya si Kelly "Bakit ba ngayon ka lang? Nag-alala kami sayo."
Kelly: Ah...eh...sorry naiwan ko kasi sa bag ang phone ko.
Nilapitan naman ni Patrick yung dalawa "Ang kulit." Aniya habang nangingite.
Harvey: Bakit buhat buhat mo si Kelly paparine?
Patrick: Ahhh...mahabang kwento.
Dave: Mukhang okay naman siya.
Patrick: Yeah...sandali lang ha may kukunin lang ako sa bag.
Dave: Okay.
Pagkalis ni Patrick "Mukhang I smell something fishy." Ani Harvey.
Dave: Fishy? What?
Harvey: Baka sila na ni Kelly?
Dave: Huh! No way.
Harvey: Tsss...tignan mo nga di na sila nag aaway ngayon oh tignan mo kay Kelly na naman yan lalapit.
At lumapit nga si Patrick kay Kelly at may binigay "Mukhang okay na nga sila." Ang tugon ni Dave na wari'y nalulungkot.
Harvey: Eh bakit naman ganyan ang tono ng pananalita mo?
Dave: Ha? Wala, ikaw issue ka eh para kang si Mimay bakit di kayo magsama? Tsk...Diyan ka na nga.
Harvey: Tsss...busted nga ko eh pano naman yon?
Dave: Wait, nag tapat ka na sa kaniya?
Harvey: Oo dati pa pero wala olats ayaw niya sakin eh ikaw kay Kelly?
Dave: A---ano? Hin---hindi no!
Harvey: Asus...kunwari pa lalaki rin ako no! Alam kong type niyong magkaibigan si Kelly pero di mo inaamin na gusto mo si Kelly kaya naunahan ka na ni Patrick.
Dave: Kahit naman aminin ko kaibigan lang ang tingin sakin ni Kelly ayoko rin namang dahil sa kaniya magkalabuan kami ni Patrick.
Tinapik ni Harvey si Dave at sinabing "I pity you Dude."
Dave: HEH! Lumabayan mo nga ko.
Harvey: Pero pre kung ako sayo aamin parin ako sa kaniya ano ba naman kung bustedin niya ko atleast "it's a free country you can do what you want."
Dave: Na i-connect mo pa talaga eh noh?
Kinatanghalian,
Mimay: At last tapos na rin ang ilang subject.
Vince: Yeah...
Harvey: Oh, paano uuna na ko sa inyo may meeting kasi kaming mga SC.
Vince: Sige.
Mimay: Lagi nalang ata kayong may meeting.
Harvey: Bakit? Miss mo na ko?
Mimay: Tsss...Mukha mo! Kelly, uuwi ka na?
Kelly: Yeah...sabay ako ki Vince.
Vince: Pero pupunta pa ako ng botika may pinabibili si ate Alice eh.
Kelly: Ohhh...sige sama ko.
Vince: Oh eh tara na Mims ikaw susunduin ka ng tatay mo?
Mimay: Oo nasa parking lot na daw siya sabay na ko palabas.
Harvey: Sige una ko senyo see you tom.
Mimay: Tsss...Umalis ka na nga.
Harvey: Asus...ge na.
At umalis na nga si Harvey "Bakit ba lagi nalang ang init ng ulo mo sa kaniya?" Ang sabi ni Vince.
Mimay: Tsk...ewan nauuma kasi ako sa kaniya.
Habang inaayos ni Kelly ang bag nya "Kasi binusted niya si Harvey."
Vince: Ahahaha...matagal na yun di ba?
MImay: Oo at ang sabi niya iintayin niya raw ako gang ready na ko. Tsss...eh parang araw araw lagi lang siyang pa epal.
Kelly: Eh malay mo way niya yun para ma fall ka na sakniya these time.
"Paano na naman mafafall kaming mga lalaki kung pakipot kayong mga babae." Ang bungad ni Patrick.
Kelly: Tsss...Edi wow.
Dave: Master, uuwi na kayo?
Kelly: Yep, something wrong?
Dave: Wala naman sabay kami.
Vince: Basta ba libreng sakay sige.
Kelly: Wag ka nga diyan.
Patrick: Deal para naman may makita akong maganda sa kotse ko.
Napatingin siya kay Kelly "Tsss...pervert." Ani Kelly.
Dave: Lika na master?
Kelly: Tsss...pagbibigyan ko kayo wala rin naman ako sa mood mag commute ang inet.
Mimay: Sayang iba kasi way namin sainyo sasabay ko na sana kayo eh.
Dave: Sus...si Harvey nalang.
Mimay: Heh! Ako nga eh tigilan mo diyan.
Dave: Sus...kunwari ka pa.
Mimay: Ikaw!!!
Kelly: Hep! Tama na yan baka kayo magkatuluyan.
"Huh! Asa!" Tugon ng dalawa.
Sa Parking Lot,
Nasa loob na ng kotse yung lima si Chollo ang driver at kasama niya sa unahan si Aliyah yung tatlo ni Wayne, James at Daniel ang nasa likod "Iyah, ano pa bang ginagwa natin dine? Bakit di pa tayo umalis?" Ang sabi ni Daniel.
Aliyah: Ba malay ko diyan kay Chollo.
James: Hoy bro, ano bang inaantay pa natin dine? Mag rereview pa ko.
Chollo: Sandali lang.
Wayne: Don't tell me inaantay mo yung babae kanina?
Chollo: Ano naman sa inyo?
Natahimik yung apat at nagkatinginan "Ahem...ah eh...kuya Chollo." Ani Aliyah.
"KUYA?" Anila maliban kay Chollo.
Sumenyas si Aliyah ng "Magtigil nga kayo."
Aliyah: Bakit ba parang curious na curious ka sa kaniya? Gusto mo ba si Kelly?
Chollo: Paano kung sabihin kung OO? Anong gagawin mo?
"ANO???" Ang pagulat nilang tugon.
Aliyah: Sigurado ka ba kuya Chollo? Di ba parang nabibigla ka lang di naman si Kelly ang type mong babae.
James: Tumpak eh mas flat pa nga yun sa flat iron.
Aliyah: Hoy! Mag dahan dahan ka naman diyan.
James: Ay sorry na tamaan ka ba?
Aliyah: Kuya Chollo si kuya James oh!
Chollo: Magtigil nga kayo diyan at Iyah tantanan mo ang pag tawag samin ng kuya isang taon lang ang tanda namin sayo noh!
James: Oo nga buwan nga lang tanda ko sayo maka kuya ka naman diyan wagas.
Aliyah: Tsss...atleast mas bata pa rin ako senyo susumbong ko kayo kay Granny.
Wayne: Tsss...ano na naman ang kailangan mo ha?
Aliyah: Ahm...you got me bro.
Daniel: I knew it! Ganyan ka tinatawag mo kaming kuya kapag may kailangan ka.
Aliyah: Tsss...di naman eh.
Chollo: Tantanan mo na nga yan Iyah ano na naman ang gusto mo?
Aliyah: Eh...kasi...
Chollo: Sabi ng tantanan mo na yang ganyan mo naiirita ako.
Aliyah: Okay! Gusto ko sanang imbitahan si Vince sa kaarawan ni Granny. Ayos lang ba?
"HINDE!" Anila.
Aliyah: Ala naman...ang daya naman eh sabi nyo susunduin niyo ang gusto ko pinangako niyo yan kay Ate Sab susumbong ko kayo.
Wayne: Mag sumbong ka ano sasabihin mo? "Ate, yung apat ayaw akong payagang makita yung crush ko." Ganon?
Aliyah: Humph!
Chollo: Tigilan mo kami Iyah! Nangako kami sa ate Sab mo na kami mag-aalaga sayo kaya mag tigil ka diyan.
James: Huh! Vince, Vince ka diyan...MAG TIGEL!!!
Aliyah: Humph!
Danie: At wag mo na ring tangkain na ipaalam pa yan kay Granny dahil lagot ka talaga samin.
Aliyah: Tsss...ewan.
Samantala,
Nakita na ni Chollo si Kelly "Tol, ayan na si Kelly mo...Pero bakit kasama niya na naman yung dalawang lalaki kanina?" Ang sabi James.
Bumaba si Chollo ng kotse "Hoy..." Ang pahabol ni Aliyah na sambit kaya bumaba rin.
James: Mukang exciting makababa rin.
Daniel: Hoy sama ko...Ikaw Wayne?
Wayne: Bahala kayo diyan magbabasa nalang ako.
Daniel: Ikaw rin di ka updated sa magaganap.
Wayne: I don't care.
Nilapitan ni Chollo sila Kelly "Hi..." Aniya.
Kelly: Ikaw?
Aliyah: Tsk...Chollo! Ay...Hello Kelly..Ha---ha...
Chollo: Hatid na kita Kelly.
Patrick: Huh!
*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*