Tải xuống ứng dụng
6.26% Ms. Hoodie / Chapter 29: Kabanata 29

Chương 29: Kabanata 29

Sa bahay nila Kelly,

Kian: Wala pa siya? Eh di ba last day niya na sa pag i-intern? Right Kevin?

Kevin: Oo kukunin niya na nga lang yung certificate niya para may katibayan siyang natapos niya yung oras na binigay sa kanila.

Keith: Ahhh...ngayon na ba yon? Buti naman tapos na OJT niya. Bro, may pagkain na?

Kim: Oo umorder nalang ako di ko kaya magluto eh.

Kevin: Kamusta ka pala? Gusto mo ba mag pa check-up na? Masama ang timpla mo eh.

Kim: Ayos lang si Kelly ang inaalala ko eh.

Kian: Bakit? May nangyare ba? Habang wala kami?

Kim: Ummm...

"Andito na ko." Ang sambit ni Kelly at pa humming-humming pa siyang lumapit kila Kian na nasa sala.

Kevin: Good mood? Dahil ba tapos na ang OJT?

Kelly: Nope!

Keith: Eh bakit pa kanta-kanta ka pa diyan? At ano yang dala mo? Cake?

Kelly: Ah...oo nga pala bigay ni lola Nena.

"Lola Nena?" Anila.

Kelly: Ah..oo ang ganda ng bahay nila mga kuy's kaso lang silang dalawa lang doon ni lolo Entong.

"Lolo Entong?"Anila.

Kelly: Oo nga! Asawa nga ni lola Nena si lolo Entong kakauma ha?! Ang slow nyo.

"SINO NGA ANG MGA YON!" Pagalit nilang sambit.

Kelly: Ay...sorry di niyo pa nga pala sila kilala.

Kian: Eh sino nga ang mga yon at saan ka na naman ba nang galing bata ka?

Kelly: Chill lang! May cake ako vanilla flavor fav.niyong lahat...Anyways, sila sina Mr.and Mrs. Benidicto na dito rin nakatira sa subdivision gaya natin.

Keith: Ahhh...sila yung may pinakamalaking bahay dito di ba kuya?

Kian: Oo doon ka galing?

Kelly: Oo nga kuya! Unli?

Kian: Umayos ka ng sagot mo Kelly!

Kelly: Sorry kuya.

Kevin: Eh ano namang ginawa mo dun?

Masayang masaya na nagkwento si Kelly habang pinagmamasdan lang siya ni Kim "Oh? Doble ng bahay nila ang bahay natin?" Ang sabi ni Keith.

Kelly: Oo kuya ang laki kanyo talaga ng loob tapos may mga secret doors pa sila ang dami ngang rooms kaso sila lang naman dung dalawa.

Kian: Kelly ha! Baka may nilikot ka dun? O nabasag ikaw ang ibabayad namin sige ka.

Kelly: Ayos lang kuya ang ganda dun eh. Ahahaha.

Kian: KELLANG!!!

Kelly: Joke lang kuya at syempre wala akong ginalaw dun o nilikot o nabasag tinulungan ko lang si lola Nena na mag bake ng cakes mahilig sila sa cakes ka niyo sabi ko nga bakit di sila mag tayo ng bakeshop.

Keith: Eh anong sabi?

Kelly: Sabi nila di na hobby lang daw niya yun tsaka kung magbebenta man sila wala rin sila makakatulong dalawa lang kasi sila. Sabi ko nga turuan nalang ako eh para mag oonline business ako. Ahahaha...

Kian: Tsss..tumigil ka nga diyan may exam kayo yun ang atupagin mo.

Kelly: Tsk...oo na ho!

Keith: Sya kumain na tayo naamoy ko na yang cake na yan.

Kelly: Oo kuya ang bango at ang sarap kamo.

Keith: Talaga? Bilis hatiin na natin.

Kian: Maghapunan na muna!

"Okay."Anila.

Nauna na yung tatlo sa dining area "Bro? Ayos ka lang ba?" Ang sabi ni Kevin kay Kim

Kim: Ahh...O---oo ayos lang ayoko lang lumapit kay Kelly baka kasi mahawaan ko siya may midterm pa naman siya.

Kevin: Oo nga sige hahatiran nalang kita ng pagkain sa kwarto mo

Kim: Sige salamat.

Kevin: Sige tumaas ka na kuya.

Kinabukasan,

Habang naglalakad papasok ang mag kuya "Babysis, kahapon pala tapos na ang OJT mo di ba?" Ang sabi ni Kevin.

Kelly: Umm...bakit?

Kevin: Wala naman nga pala uuwi ako ng maaga mamaya sasamahan ko kasi si kuya Kim mag pa check up kila Vince ka na sumabay o gusto mo pasundo kita kila kuya?

Kelly: Ahhh...okay lang kila Vince nalang.

Kevin: Napansin ko bakit parang naiwas sayo si kuya Kim?

Kelly: Sakin? Eh di ba nga may sakit ganun lang yon.

Kevin: Talaga? Eh bakit ikaw ni hindi ka man lang nag paalam sa kaniya bago tayo umalis.

Kelly: Sigh...fine! Kuya nakita ko kasi kahapon si kuya Kim.

Kevin: Na?

Kelly: May kasamang lalaki sa kwarto niya.

Kevin: Ano naman? Ako nga may bestfriend na lalaki eh ano naman big deal dun?

Kelly: Pero kuya muntik niya ng halikan yung lalaki bago ako dumating satin.

Kevin: ANO?

Kelly: Oo maaga kasi akong umuwi kasi medyo na badtrip ako sa office pero mas na gulantang ako sa mga pakana ni kuya Kim.

Kevin: Kellang ha! Di ka namin tinuruan mag tsismis at higit sa lahat kapatid natin ang sinisiraan mo.

Kelly: Pero kuya! Maniwala ka kailan ba naman ako nagsinungaling sayo? Oo kila kuya Kian nadadalas pero sayo? Kuya naman!

Kevin: Halika nga! Mag sabi ka nga ng totoo may bagsak ka noh?

Kelly: Sigh....bahala ka na nga diyan!

At iniwan siya ni Kelly "Hoy! Kellang! Saan ka pupunta?"

Habang naglalakad papalayo "Malamang papasok na nasa school tayo di ba?" Ani Kelly.

Kevin: Ay...oo nga naman.

"Cheesecake."

Paglingon ni Kevin "Mina?"

Lumapit si Mina kay Kevin "Oh? Bakit iniwan ka ni Kelly?"

Kevin: Ah...nako yang batang yan kung ano-ano pinagsasabi may bagsak ba syang subject?"

Mina: Hmmm...wala namn bakit?

Kevin: Eh paano ang sabi sakin bakla raw si kuya Kim.

Mina: Ha?

Kevin: Oh di ba? Kahit ikaw di naniniwala sabi ba naman sakin ni Kelly eh may kasama raw si kuya sa kwarto at hahalikan na sana raw nung nakita niya.

Mina: Eh? Si kuya mo? Edi ba sobrang masculine nun? Kung di nga lang mas bet ko sya kesa sayo.

Kevin: Ano? Cheesecake ha!

Mina: Asus...selos ka?

Kevin: Tsss...

Mina: Ayiiie....selos sya.

Hinalikan siya ni Mina sa pisnge at iniwan "Mi---Mina...hoy! Intayin mo ko...gaganti pa ako."

Mina: Bleeh...

Sa Classroom,

Kelly: Morning guys.

"Morning!"

Mimay: Oh? Bakit wala ka atang ka gana-gana diyan.

Vince: Oo nga at yung mga files mo pala nasa akin mamaya bigay ko naipasa ko na rin yung certificate mo para sa OJT.

Naupo si Kelly "Thanks..."

Harvey: Buti pa kayo tapos na ako isang linggo pa.

Mimay: Ang sipag mo kasing pumasok sa OJT.

Harvey: Sus...edi wow...bakit ikaw rin naman ah may isang linggo pa.

Mimay: Sorry 3 days nalang sakin noh!

Harvey: Edi wow.

Kelly: Ahm...guys, paano malalaman kung bakla ang isang lalaki?

"Huh?"Anila.

Vince: Bakit mo naman naitanong?

Kelly: Basta may napanood lang ako.

Mimay: Oh? Nanonood ka ng BL?

Kelly: Ah...hindi naman may napanood lang ng wala sa oras.

Harvey: Bakit interasado ka?

Kelly: Oo?

Mimay: Ummm...may pinsan akong bakla nung una di niya inamin sa pamilya niya pero later on umamin rin nung nakita sya ng kapatid niya na may kinakasama sa boarding house.

Kelly: Oh? Anong feeling nung kapatid?

Vince: Ha? Yung kapatid talaga ang gusto mong usisain?

Kelly: Pake?

Vince: Tsk...

Mimay: Eh ayon nagulat di alam kung sasabihin sa tatay nilang sundalo tapos ni hindi niya kayang tignan ang kuya niya basta lalaki rin kasi yun.

Kelly: Tapos? Paano niya kinausap yung kapatid niya?

Mimay: Di niya kinausap hanggang sa dumating yung time na may pinakilala yung kuya niya na lalaki sa pamilya nila.

Harvey: Oh? Lakas.

Mimay: Tapos ayon syempre sundalo si tito edi ayon gera pinalayas yung pinsan ko pero yung kapatid niya pinigilan yung tatay nila ang sabi "Pa, wala sa kasarian ang pagiging lalaki hangga't nakakatulong ka sa pamilya o sa ibang tao dapat walang deskriminasyon dahil pantay-pantay ang lahat ng tao kailangan nating i-respeto."

Harvey: Weh? Ganyan talaga ang buong sinabi? Nasaulo mo?

Bineltukan ni Mimay si Harvey "Syempre andun ako eh!"

Kelly: Nasan na yung pinsan mo ngayon?

Mimay: Andun namumuhay na bilang kung sino talaga sya kahit mapang mata ang lipunan kebs lang basta masaya kahit maging sino ka man.

Vince: Eh yung kapatid ng pinsan mo ano ng ganap?

Mimay: Isang call center agent na pero nung umalis yung kuya niya umalis na rin siya sa puder ng tatay nila kasi mapang maltrato.

Harvey: Kung ako magkakaanak balang araw di ko hahadlangan ang kaligayahan ng anak ko kung saan sya masaya push.

Mimay: Well, kung darating din ang araw na magkakaanak ako kahit ano pa o sino pa siya tatanggapin ko. Ang importante lumaki sila na mabubuting tao na walang inaagrabyado.

Vince: Bakit di kayo mag leave in?

"ASA!" Anila.

Vince: Napaka opposite attract niyo kasi sa isa't-isa ngayon lang kayo nagkasundo eh di ba Kelly?

Kelly: Ha? Ano yon?

Mimay: Bakit ba parang may malalim kang iniisip?

Kelly: Wa—wala naman sige lalabas lang ako.

Vince: Saan ka na naman pupunta? Mag sisimula na ang klase.

Kelly: Sandali lang ako bibili lang ako ng candy.

Mimay: Sama ko?

Kelly: Di na.

At lumabas na nga si Kelly ng classroom nila "Ano kayang problema ni Kelly?" Ang sabi ni Mimay.

Vince: Ewan ko nga dun wala namang nababanggit.

"Yow..." Ang bungad ni Dave kasama si Patrick.

Harvey: Aba ang aga niyo para bukas.

Dave: Tsss...wala pa naman si Prof. nga pala saan pupunta si Kelly?

Mimay: Bibili raw ng candy pero sa tingin ko may problema talaga yun.

Nagkatinginan at nagkasenyasan sila Vince at Patrick "Oh? Bakit raw?" Ani Dave.

Vince: Hayaan niyo muna.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
lyniar lyniar

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C29
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập