Sinunod ko ang payo ni Justin hindi nga ako nagreply sa kanya. Balak ko na ring magkulong lang muna sa kwarto ngayon dahil mag-aaral ako para sa long exam namin sa isang major. Mabuti na lang maagang nagising si Justin para maglaba ng mga maduming damit niya kaya magiging peaceful ang pag-aaral ko. For sure, half day 'yun maglalaba dahil ganun siya lagi.
"Laxamana, lumabas ka nga dyan." Hingal netong papasok ng room.
"Ay tamang akala ako. Akala ko makakapag-aral ako pero hindi pala. Maglaba ka na nga doon."
"Sige mag-aral ka dyan para mabulok 'yung bebe girl mo sa labas kahihintay sayo."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong tumayo at lalabas na sana ng room para puntahan siya ng magsalita siya Justin.
"Practice lang" Tawang-tawa pa ang gago. Mawalan sana siya ng hangin sa katawan kakatawa.
"Tangina ka! Sana bumagsak ka sa drawing bukas. Ipagdadasal ko 'yun sa lahat ng santo at santa." Badtrip kong mura sa kanya.
"Ay foul ka!" yun lang ang sinabi niya at bumalik na siguro ng wash room.
Nag-aral na lang ako kahit ang sama nan g timpla ng umaga ko dahil sa panggagago ni Justin sa akin. 9am na nang bumalik ulit si Justin sa room namin.
"Laxamana."
"Tigilan mo ako, bwisit ka. Mapapatay na talaga kita."
"Laxamana." Ulit pa niya
"Ano ulit-ulit ka? Tanga ka! Tigilan mo ako."
"Anong ginawa ko?" nagulat ako sa nagsalita dahil hindi na ito boses ni Justin, lumingon ako at nakita ko si Ailyn sa may pintuhan ng room namin na may dalang lunch box.
Nataranta ako dahil boxer lang ang suot ko kaya napagsarhan ko siya ng pinto at minadaling magsuot ng pang-itaas. Binuksan ko na ulit ang pintuan para sana i-entertain si Ailyn pero nakita kong paalis na siya kaya tinawag ko siya pero hindi na niya ako nilingon pa kaya tumakbo na ako para harangan siya.
"Hey. Bakit?"
Nag-angat siya ng tingin mangiyak-ngiyak pa, "Nagluto ako ng pancakes para sana peace offering pero pinagsarhan mo lang ako ng pinto pero if you don't want to talk to me, it's okay. Bigay ko na lang kay kuya Justin 'to."
Pinigilan ko siya, "No. Hindi ako galit. Nagulat lang ako na ikaw ang nasa pintuan namin e boxers lang suot ko kanina kaya sinara ko yung pinto para makapagdamit ako."
"Hindi ka galit sa akin?"
"Nagtampo lang ako, hindi ako galit pero magagalit na ako kapag binigay mo kay Justin 'yang niluto mo para sa akin."
"Here. Kumain kana, ibibigay ko lang naman 'yan. Nag-aaral ka ba? Sorry sa istorbo."
"Oo e, may long exam kami bukas sa major. I'll eat this. Let's eat lunch together. I'll text you kailangan ko kasi talagang mag-aral." Sinabi ko kay Ailyn
"Okay sure. Usap tayo mamaya. Study well." She smiled at me.
Kapag nilutuan ka ng crush tapos may pa study well talagang gaganahan kang mag-aral. Nag-focus ako sa pag-aaral para wala na akong ibang iisipin mamaya kundi ang pagsasama namin Ailyn. Wow, pagsasama? Mag-asawa levels. 11:30 am na ng tumigil ako sa pag-aaral para makaligo, dapat fresh tayo para hindi ma-turn off crush natin. Nang matapos akong maligo ay nasa room na namin si Justin.
"May lakad ka?"
"Wala kang pake."
"Ay pota! Galit pa rin sa akin, ginawan ko na nga ng paraan para ganahan mag-aral para may kokopyahan ako bukas. Welcome ha."
Hindi ko talaga maintindihan nasa utak ne'tong si Justin. Bahala na nga siya dyan.
To: Ailyn
Tara na.
--
Twenty minutes na ang nakalipas pero wala pa rin akong mahintay na Ailyn kaya nagpaalam na ako sa guard na may pupuntahan lang ako sa building nila kahit sa labas lang ako, ipapatawag ko na lang siya. Sakto naman may tao sa lobby sa building nila kaya nakiusap na akong pakitawag na lang siya pero si Marineth ang lumabas.
"Tulog siya e. Dysmenorrhea siguro kasi halos umiyak siya sa sakit ng puson niya kanina. Tsaka nakakatakot istorbohin ang tulog nun kasi nagagalit kapag naiistorbo tulog. Hindi makausap ng maayos."
"Uh sige. Pasabi na lang kapag nagising siya na i-text ako."
Bumalik na lang ako ng room sakto namang kumakain si Justin ng pancit canton na may boiled egg doon.
"Pahingi nga."
"Oh, may kailangan ka?" masungit na sagot niya sa akin.
Tumawa na lang ako, "Attitude ka sis?"
"Say please." Gagong sagot din niya sa akin.
"Huwag kang kokopya sa akin bukas. Ay huwag ka na din tatabi sa akin kapag may exam para maayos tayong lahat."
"Eto naman, ang hirap biruin. Oh ayan kumain ka na. Bibili pa akong soft drinks para full package ang pa-buffet ko sayo. Walang-wala sa pancakes ng bebe girl mo." Tumawa pa ng nakakaasar.
Hindi ko alam kung masaya ba akong naging kaibigan ko si Justin kasi nakakatuyo siya sa utak kasama pero ang solid niyang tropa may tama nga lang sa utak.
From: Ailyn
Jwu
Sorry.
Kumain ka na ba?
Kain tayo, haven't eaten yet e
--
Alas tres na nang mag-text siya. Dahil nasa may guard house naman ako nagpunta na lang ako ng labas ng building nila para doon na maghintay.
To: Ailyn
Nasa stone table ako sa labas ng building niyo.
--
Lumabas siya mukhang kababangon lang niya. Gulo-gulo ang buhok niya ang suot niyang damit ay 'yun pang suot niya kaninang dinalhan niya ako ng pancakes.
"Oy! Pasensiya na. Nakatulog ako. Kain tayo?"
"I'll just order sa Jollibee. Dito na tayo kumain. Maligo ka muna para hindi mabaho dito."
"Shut up. Mabango ako no kahit amuyin mo pa ako."
Tumayo ako at lumapit sa kanya para amuyin siya. She stiffened, tumayo siya bigla at lumayo sa akin, sobrang pula na niya ngayon.
"C2 with fries sa akin, sprite without ice ang drinks. Maliligo lang ako." Tumakbo na siya papasok ng building nila.
Natawa ako. Mukha siyang nawalan ng dugo dahil sa ginawa ko. Huwag niya ako hinahamon ng mga ganun dahil opportunity 'yun for me para malapitan siya. Mabango naman talaga siya medyo amoy pawis nga lang. I ordered foods for us, hinintay ko na lang din siya sa labas pati yung order namin.
"Wala pa 'yung pagkain? Gutom na ako." Sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"Nasa tabi mo na 'yung ulam, kanin na lang ang kulang."
"Dugyot ka. Nahahawa ka na sa ka-dugyutan ni kuya Justin." Tumatawang komento niya.
Dumating na 'yung pagkain namin.
"Oh bayad ko."
"Ako na. Libre ko na besides I don't let a girl pay for me."
"Sana all may pa-Jollibee"
May lahi din bang kabute si Justin at bigla-bigla din siyang sumusulpot kung saan-saan.
"Ano kailangan mo?"
"I need your love baby." Sagot niya sabay tawa sa akin.
"Gago. Mandiri ka nga."
"Ikaw ba sinasabihan ko? Assuming amputa. Maka-alis na nga. Eat well lovebirds."
"Ganun ba talaga siya ka-energetic lagi? Hindi ko kaya ang energy level ni kuya Justin." Tanong ni Ailyn
"Oo maliban na lang kapag brokenhearted siya, sobrang tahimik niya sa personal pero ang dami niyang rants sa twitter."
"What? Nabobrokenheart pa siya? Kung ako 'yung babae, I'll like him kasi ang benta ng sense humor niya tapos gwapo pa siya. Engineering pa."
"Mabuti na lang hindi ikaw 'yung babae. And fact check mas gwapo naman ako kay Justin, may sense of humor din naman ako tapos Civil Engineering na, athlete pa. Saan ka pa? Sa akin na."
"Okay." Sagot niya tsaka pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Ano bang okay 'yun? Sarcastic ba? Mukha naman hindi.
"Sarcastic okay ba 'yun? Or okay na sa akin ka?"
"Whatever you think is it."
"Luh, pa-fall."
Tumawa lang siya na para akong clown na nagpeperform sa harap niya. Si Justin ba ako? Natapos na kaming kumain pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung 'okay' na sinagot niya kanina.
"Ano ngang meaning 'nung okay na sagot mo?"
"Bakit?" nakangisi pa niyang tanong sa akin.
"Eh kasi... gusto ko lang malaman."
"Ano mo muna 'yung babae sa picture?"
Ako naman ang natawa ngayon, "Selos ka?"
"Maganda ba siya para pagselosan ko?" irap niyang tanong.
"Maganda naman siya. Matangkad tapos friendly tapos hindi matipid sumagot." Asar kong sagot sa kanya.
"Okay."
Failed tayong makakuha ng ikakasaya nating reaction. Ang hirap niya talagang makuhanan ng magandang reaction. Jusko naman, ano bang gagawin ko sa kanya? Natapos ang araw na hindi nakuha ang sagot at mga gusto kong reaction kasi nakisali na naman si Justin sa amin.
"Ang saya maging third wheel kong ganitong may pakain, ayain niyo ako lagi ha."
Kinakain na niya kasi ngayon ang natirang naming pagkain ni Ailyn.
"Kuya Justin, anong type mo sa babae?"
Naubo si Justin sa tanong ni Ailyn, pati ako nagulat sa tanong niya.
"Kung mag-aapply ka bebe girl mahaba ang pila ng mga applicants ko, sa friend ko na lang, maraming nakapila pero 'yung hindi nakapila ang pinipili kaya baka kapag ikaw pumila may mapili na."
"Sinong friend? For sure hindi naman si kuya Macky yun right kasi I think nag-uusap na ulit sila ni Nicole. Is it kuya Andrew? Ang gwapo din 'nun e. Heartrob." Invested naman masyado siya sa usapang lalaki. At mga kaibigan ko pa talaga ang trip niya.
"Off-limits 'yun. Si Nigel na lang."
Bumaling siya sa akin at mukhang nag-isip pa.
"Huwag ka nang mag-isip, ako lang 'to. Ako din pinakamatino sa aming ng mga kaibigan ko. Kaya ako lang ang dapat piliin mo."
Hindi niya ako pinansin, "Kuya Justin, wala ka bang friend na ang type is 'yung average lang ang ganda at tangkad tapos 'yung natotolerate ang matipid sumagot."
"Si John." Gagong sagot ni Justin.
Tumayo na ako kasi nabibwisit na ako, "Parang wala ako dito kung makahanap ng ibang lalaki."
"Wow din ha! Sino kayang may kayakap na babae tapos talagang sinend pa sa akin sa messenger." She walked out.