Tải xuống ứng dụng
15.38% Childish Prince / Chapter 2: The Princess meets The Prince

Chương 2: The Princess meets The Prince

10 years earlier.

"Finally nakauwi rin ng Pilipinas. I've missed this country. I have so much memories here with him. Kumusta na kaya siya?" nakapikit ako habang iniisip ko 'to. Ninanamnam ang hangin na matagal ko nang gustong malanghap. Ang tagal ko rin nawala. Yes! galing ako ng State and we stayed there for about 10 years. Nine years old ako noon ng umalis kami ng Pilipinas at doon na rin ako nag aral ng Secondary Education ko. At naisip ko na dito na lang sa Pilipinas mag aral ng college since nandito rin ang bestfriend ko na si Rebecca. Gusto ko na rin siya makita. Naiwan ang parents ko sa State dahil marami silang inaasikasong business doon.

Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong papel na may nakasulat na YCKA JANE FRENTICO. Pinuntahan ko at nakita ko si Rebecca.

"Becca! Namiss kita ng sobra" ,niyakap ko siya ng mahigpit.

"Grabe naman to makayakap,parang ang tagal tagal na di tayo nagkita eh isang buwan palang nang umalis ako ng State,haha."aniya.

"ehh namiss kita. Alam mo naman na ikaw lang kaibigan ko doon at ayaw ko na nahihiwalay sayo ng matagal." hinalikan ko siya sa pisngi.

"haynaku sige na nga. Tara na,alis na tayo."

"wait lang."

"Bakit na naman?"

" Bakit ganyan spelling ng pangalan ko? walang 'C' ang Yka ko,baliw talaga 'to. Kaibigan ba talaga kita?",inis kong sabi sa kanya.

"hahaha, inaasar lang kita. Tara na nga. Arte arte nito.hahahah."

Naiinis talaga ako kapag iniiba ang spelling ng pangalan ko. Buti na lang at kaibigan ko siya.

Sumakay na kami ng kotse niya at tumuloy muna ako sa condo niya sa Makati kasi may ipapatikim daw siyang bagong putahe na ginawa niya. Bata pa lang ay mahilig na talaga si Becca magluto. Feeling ko nga Culinary kukunin niya sa college. So sumama na lang ako kasi gutom na rin naman ako.

Pagpasok namin ng building ay may nakita akong familiar na mukha,pero madali lang kasi nagmamadali siya na sumakay ng kotse.

"Familiar siya ah." nag iisip pa rin ako kung saan ko siya nakita nang bigla akong hilahin ni Rebecca.

"Oi,ano na? bilisan mo at lalamig na yun at saka kailangan ko ng magCR,hehe."

"Ito talaga oh,haynaku. O siya tara na."

Nakakain na kami ay iniisip ko pa rin yung nakita kong lalaki kanina.

"Becca may napansin ka bang lalaki ng pumasok tayo dito sa building?Nagmamadli kasi siya ehh. Familiar lang kasi ang mukha niya",tanong ko sa kanya na busy sa pakikipaglaro sa aso niyang si princess.

"Alin yung matipo ang katawan at matangkad na lalaki?" kinikilig habang sinasabi yun.

"Hindi ko napansin ang katawan niya,yung mukha lang."

"Ano ba namn to. Yun kaya ang unang makikita mo sa kanya. Ang yummy kaya!eeehhh!"

"Haynaku,basta. So ano nga?kilala mo?"

"Sungit naman. Oo kilala ko siya. Siya may ari ng building na ito. Maliit nga lang ito compare sa mga pag aari niya pa ehh. Kahit bata pa yun eh mayroon nang business na pinapalakad."pag mamalaki niya.

"Ano pangalan?"tanong ko habang kinakalikot ang bag ko.

"Chris Alvin Mendez"

Bigla akong natigilan ng marinig ko ang pangalan.

"hoi,ok ka lang?natulala ka girl. Kilala mo ba siya?",pang iintriga ni Becca.

"Parang?" sagot ko na nalilito. Hindi kasi ako sigurado kung siya ba yung kababata ko noon.

"Parang? anong sagot yan? siguro namumukaan mo lang. Gwapo naman kasi talaga yun. Haaaai! Sana mapansin niya ako. Kaso hindi na ako aasa, hmmm.",pagtatampo niya.

"Bakit naman?"

"Kasi naman, kahit minsan hindi pa nagkagf yan. Ni hindi tumitingin sa ibang babae. Feeling ko gay siya,hahaha."

"Baka naman busy lang. Makapaghusga naman 'to."iniisip ko kung siya ba talaga yung kababata ko at kung natatandaan niya pa rin yung sumpaan namin.

"Sorry naman. eh yun iniisip ng lahat eh. Sikat kaya siya dito sa Makati dahil he's young and is rich na agad. Though mayaman naman talaga ang family niya. Pero yung mga businesses niya sariling pera niya. Ang talino pa,sobra. Mygod! eeeehhh", magkakalata ata ako sa dami ng hampas niya sa braso ko.

"Oo na. Matutulog muna ako,bukas na ako lilipat sa condo ko." pagpapa alam ko sa kanya.

"teka lang. Pwede namang dito ka na lang. Para naman may kasama ako at ikaw rin. Malaki naman itong condo ko ahh. Maganda pa view oh." pagmamalaki niya.

"Hindi pwede eh kasi binili na yun ni Daddy para sa akin. Sayang naman. At saka marami akong gagawin at aatupagin. Baka maistorbo pa kita. Pero thanks sa alok. Love yah,muahhh! I have to sleep na. I need rest." pumasok na ako sa kwarto niya at nahiga. Madali akong nakatulog dahil sa pagod.

Unang araw ko sa condo ko. Maganda ang napiling lugar ni Daddy. Magkalapit lang naman na building kami ni Rebecca kaya't madali lang na pumunta sa kanya. Anyways,kailangan ko nang ayusin ang mga gamit ko.

"Nasa akin pa pala ito", tinititigan ko ang picture namin ni Chris. Yes! Chris ang pangalan ng kababata ko. Pero hindi ako sure kung siya ba yung tinutukoy ni Becca. We used to play at there house noong bumubisita sila Mommy at Daddy kila Tita kasi neighbor naman kami and matalik na magkaibigan ang parents namin. Pero umalis kami for some reasons at hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay Chris. Alam ko na may sakit siya noon pero hindi ko alam kung gaano ito kalala kasi masigla naman siya kapag nagkikita kami. Basta alam ko na may sakit siya kaya mula noon napagpasyahan ko na Doctor ang kukunin kung degree for college para sa kanya. Para magamot ko siya. Ganoon siya ka special sa akin.

Habang nag aayos ay nagring ang phone ko. Si Mommy ang tumatawag.

"hello?"

"Hello anak? kumusta ang stay mo diyan?"

"Ayos lang Mommy. Nakakapag adjust na rin after 10 years,haha. Kayo po?how are you and Dad?"

"We're fine. Dami pa ring inaasikaso but we'll be fine. Stay safe there, ok?"

"Yes Mom. You too take care of your health. Hindi porket wala ako diyan eh papabayaan niyo na sarili niyo. Lalo na si Daddy,ang puso niya." pag aalala ko dahil ako ang palaging nagpapainom sa kanila ng gamot kasi sobrang busy talaga nila kaya't nakakaligtaan uminom.

"We will baby. We love you so much. Bye."

"Love you both." then she hang up.

"Where should i go now? Puntahan ko kaya sila Chris."

Yun nga at pumunta ako sa alam kong bahay nila pero ng makadating ako ay iba na pala ang nakatira. Lumipat na sila ng bahay. Nagtanong naman ako sa mga tao doon pero hindi nila alam kung saan ang bagong bahay nila Tita. Ayoko namang guluhin sila Mommy at tanungin kung alam nila ang bagong bahay nila Chris kasi alam kong busy sila.

"Haynaku,pano na to?" nalungkot ako dahil hindi ko na makikita si Chris.

Naisip ko na maglakad lakad muna kasi gusto kong alalahanin yung memories na nabuild namin ni Chris. Yung paglalaro namin,habulan,tagu-taguan at marami pang laro ang nagawa namin noon. Habang nakangiti at nakatingin ako sa langit napansin kong parang may nakamasid sa akin. Sa di kalayuan ay may nakita akong lalaki na naka white shirt at naka shade.Parang nakatingin sa may banda ko. Inisip ko na baka interesado sa ibang bahay dito sa villa. Hindi ko na lang pinansin at naupo ako sa may malaking puno na dati naming tambayan ni Chris. Pumikit muna ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako at may nakitang lalaki na nakatalikod. Madilim na pala. Napahaba ang tulog ko. Napansin ko kaming dalawa lang doon at walang dumadaan na tao. Ang ilaw naman ay malayo sa isa't isa at may nakatapat na ilaw sa likod ng puno. Baka masamang tao itong nasa harap ko kaya't dahan dahan akong tumayo at hahakbang na sana ako nang lumingon siya sa akin at nagsalita.

"Saan ka pupunta?"parang may galit na tanong ng lalaki.

Hindi ko siya sinagot at nakatalikod na ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa kanya. Nagdikit ang mga katawan namin. Nanginig ako dahil bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa tenga ko.

"Where do you think you're going miss?" ,natatakot na talaga ako kaya tinapakan ko ang paa niya at doon palang niya ako nabitawan. Tatakbo na sana ako nang...

"Aray!" sigaw ng lalaki. Nilingon ko ito at nakita na nakaupo na sa damuhan sa sobrang sakit ng ginawa ko. Sa guilty ko ay nilapitan ko ang lalaki.

"Ay sorry, masakit ba?" pag aalalang tanong ko.

"Obvious ba? ikaw kaya tapakan sa paa!!"

"Ikaw naman kasi ehh,tinakot mo ako."

Saka siya lumingon sa akin at naaninag ko ang mukha niya. Nagulat ako. Hindi ako makatayo.

"Miss me?"

"Chris?!"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập