Tải xuống ứng dụng
53.57% BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 30: Chapter 29

Chương 30: Chapter 29

BINUKSAN ni Oshema ang mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Ang mataas na ceiling na tinatamaan ng kanyang paningin ay nagsasabing nasa isang marangya siyang kwarto. Bumaba ang mga mata niya at natuon sa lalaking nasa kanyang tabi. Tulog ito habang nakasandal lamang sa may headboard. Bakit hindi ito humiga?

Bumaling siya paharap rito. He looks like an angel when he's asleep. Dark blue robe and white loose pants ang suot nito. Nakahantad ang dibdib na pinatitigas ng mga muscles. Nakataas ang isang tuhod nito at nakapatong doon ang isang kamay. Inabot niya ang kamay nitong malayang nakahimlay sa kama at isiniksik roon ang kanyang maliit na palad. Napangiti siya at buong pagsuyong pinagmamasdan lamang ang binata.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Everytime she looked at him now, she felt something strange but she can't explain what it was. May nagbago ba kay Joul? Gumalaw ang mahahabang pilik-mata ng lalaki. Pati adam's apple nang bahagya itong napatikhim. Nakahanda na ang matamis niyang ngiti pagkamulat pa lamang nito ng mga mata.

He's a bit disconnected for a second while staring at her. Napawi ang ngiti niya. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ang nabasang tanong sa mga mata nito. Tanong kung sino siya. Pero agad ding naglaho iyon at napalitan ng mapanuksong ngiti.

"You're up." Anas nito sa medyo paos na boses. "Siguradong gutom ka na." Tiningnan nito ang magkahawak nilang kamay at nakita niyang nagpigil ito ng ngiti.

She cleared her throat. Ano iyong nakita niya sa mga mata nito kanina? Was that just an illusion? Gusto niyang magtanong pero bigla siyang tinubuan ng takot.

"Gutom ka na ba?" Tanong nito. Masuyong pinisil ang kanyang kamay.

Dahil hindi pa rin siya makabawi, tumango na lang siya.

"Gusto mo bang bumaba tayo o ipapaakyat ko dito ang food." Binigay nito sa kanya ang kalayaang magdesisyon.

Pero bakit di pa rin siya kumbinsido? May namumuong pagdududa sa puso niya na hindi niya mapigilan.

"Bumaba na lang tayo. Pero maliligo muna ako." Malambing niyang sabi kalakip ng matamis na ngiti.

"You're the boss," kumindat ito.

Bumaba siya ng kama at nagsimulang maghubad. Kitang-kita niya kung paano ito bahagyang nataranta. She can almost count how many times he swallowed nothing. His face turned red. The Joul she knew never had this kind of reaction before. Ang Joul niya ay pagmamasdan siya ng buong paghanga na para bang sinasaulo ang bawat hibla ng kanyang pagkatao. Lalong nginatngat ng pangamba ang puso niya.

Pagkatapos ng blouse ay sunod niyang hinubad ang suot na jeans. Doon ay ramdam na niya ang mainit nitong titig na humahagod sa kanya habang abala siya kunyari sa pagbababa ng hapit niyang maong pants. Nang huhubarin na niya ang kanyang bra ay nagsalita ito.

"Damn it, Oshema! You are tormenting me." His jaws braced. "Get inside the bathroom now." Utos nito.

Tumawa siya ng malamyos na lalong ikinaigting ng mga panga nito. "Bakit? Wala naman akong ginagawang masama, ah!" Malandi niyang angal. Binasa ng laway ang labi. God! Kailan pa siya naging ganito kaharot? Ikakahiya siya ng monasteryong pinanggagalingan niya pag nalaman ang inaasal niya.

"Stop seducing me and get the hell inside the bathroom." Iningusan siya nito pero halata namang pinipigilan lang ang ngiti.

Sumampa siya sa kama. Gumapang papalapit rito. His fiery eyes are on her lips then toured down to her breasts still wrapped in black skimpy lace bra. He swallowed hard holding his breath with all his might.

"Damn you," humulagpos iyon kasabay ng mabigat na paghinga. Hinatak siya nito at bumalikwas para mapunta siya sa ilalim.

Muntik pa tumama ang ulo niya sa headboard buti na lang at naroon ang kamay nito. Nasangga siya.

"I'm holding it back since last night, damn it, i'm holding back so damn hard." He whispered and assaulted her lips with intense hunger giving her no chance to resist.

Biglang kumanta ang cellphone nito.

"Joul, baka importante 'yan." Aniyang humihingal nang iwan nito ang mga labi niya at lumipat sa kanyang leeg ang halik nito.

He groaned in frustration. "Pagkatapos mo akong pahirapan, bibitinin mo ako?" Angal nito.

"Maliligo pa ako at baka importante yan." Katwiran niya.

Napilitang kumalas sa kanya ang lalaki. Pinaghalong galit at pagkabitin ang nakarehistro sa mukha. Pinahupa niya ang paghinga saka bumangon. Si Joul naman ay iritableng dinampot ang cellphone na ayaw tumigil sa kaka-ring.

"What now?" Untag nito sa tumatawag, bakas ang iritasyon sa boses at paulit-ulit na nagmura. Naglakad ito palabas ng terrace matapos siya tapunan ng sulyap na para bang sinasabing hindi pa sila tapos.

Para siyang tanga. Ano bang basehan niya para estimahin ang pagdududang hindi si Joul ito o may nagbago sa binata? Na-trauma lang yata siya sa karanasan niya kahapon kaya kung anu-anong pangamba na wala namang kwenta ang pumapasok sa utak niya. Umahon siya sa kama ng nakangiti at pumasok sa banyo para maligo. Kumukulo na sa gutom ang tiyan niya.

Joul is finished talking to somebody in his phone when she came out from the bath. Naka-upo ito sa kama at halatang inaabangan siya. Agad umangat ang paningin nito sa gawi niya.

Bahagya itong napailling na para bang may naiisip na di maganda at tumayo. Lumapit sa sofa kung saan naroon ang mga nakita niyang paper bags kanina. Dinampot nito ang mga iyon. Dinala sa kama.

"Here's your clothes and other stuff." Sabi nito. "Magbihis ka na para makakain na tayo." Bigla yata itong naging suplado. Napanguso siya.

Lumapit siya sa kama at sinilip ang laman ng mga paper bags. Ang isang paper bag ay puro panty at bra ang laman. Sa iba naman ay jeans, blouses, whole dresses, sandals and shoes. Iniwan siya ni Joul habang pumipili ng susuutin. Nagtungo ito sa dining table. May mga pagkain ng nakahain doon. Pinaakyat na lang pala nito ang tanghalian nila.

Nagbihis siya. Whole dress na kulay pitch. Sleeveless at hanggang sa ibaba ng tuhod ang haba. Malambot ang tela niyon at malamig sa balat. Maginhawa sa pakiramdam. She paired it with a black ankle strap flat shoes. Saulado na nga yata ni Joul lahat ng sukat sa bawat parte ng kanyang katawan.

"Thank you," nginitian niya ng matamis ang binata matapos siya nito ipag-urong ng silya. "Akala ko bababa tayo." Naupo siya.

"The Olivares' men are all over the place." Anunsyo nito na hindi naman niya ikinagulat.

She let out a subtle breath. Rune really did went this far? Hindi pa rin niya maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking iyon. It's frustrating putting up with his senseless game.

"Let's eat." Sabi ni Joul na bahagyang nakabusangot.

Nahimasmasan siya mula sa iniisip at tumitig sa binata. Is he upset about that little interrupted session a while ago? Gusto niyang mangiti pero pinigilan niya at sa halip ay binalingan ang mga nakahain sa mesa.

MATIIM na pinagmamasdan ni Yzack si Oshema habang pumipili ito ng kakainin. A suppressed smile is playing in her red sultry lips. Darn it! The addicting taste of them still lingers in his mouth, sweeping away all his logic out into vain.

Papaanong hindi na niya kontrolado ang sarili sa harap ng babaeng ito? His ego is brutally crashed. This girl is not his to begin with. She's Randall's girlfriend and yet she can manipulate him without much effort like he is the real thing.

"Eat, Joul and stop staring at me. Hindi ka mabubusog niyan." Panunudyo nito na nagsimulang kumain. The teasing aura in her is almost evident the way her eyes darted on him.

She's sweet and yet bossy. Siguro dahil mas matanda ito. Alam nito kung kailan dapat lumugar ng naaayon sa dikta ng edad. Binawi niya ang paningin at naglagay ng pagkain sa kanyang plato.

"Here, have some of these. It's good." Nilagyan nito ng crunchy tuna wrap ang pinggan niya. Tinusok sa tinidor ang maliit na piraso at isinubo sa kanya. "Umm..."

Binuka niya ang bibig at kinain ang tuna. Damn! He can't concentrate around her. She's haunting his system. Wanting more. What the fuck is happening, Yzack. Come on, boy. Calm down. Hinamig niya ang sarili. Pilit nilulunok ang pagkain.

"Sino nga pala 'yong tumawag?" Tanong nito. With no intention to pry but just asking like a typical girlfriend does to her lover.

Nakakatuliro ang biglang pag-arangkada ng tibok ng kanyang puso. "Si Jin." Sagot niya. Inabot ang basong may tubig at uminom.

"Kaibigan mo?"

Tumango siya. "May gusto ka bang asikasuhin bago tayo umalis?" Siya naman ang nagtanong.

"Umalis? Saan tayo pupunta?" Nahinto ito saglit sa pinong pagnguya.

"Japan. We can't stay here. Hindi ka titigilan ni Rune. We need to go somewhere far." Inabot niya ang gilid ng labi nito at banayad na pinahid sa daliri ang kunting sauce na naroon. Goodness, he just can't help it. At suko na siya. Kung patuloy niyang pipigilan ang sarili, lalo lamang itong magkukumahog na gawin kung anong taliwas sa idinidikta ng kanyang utak.

"How about school? Di ka na papasok?" Ngumiti ito ng ubod tamis.

" Saka na natin 'yan iisipin." Pinunasan niya ang kamay sa table napkin.

Biglang lumukob ang lungkot sa mga mata ng babae. " Iiwan natin silang lahat?" Pumiyok ang boses nito.

Napatiim siya. "Oshema, di mo naman siguro inisip na bumalik ng Martirez pagkatapos ng nangyari. I mean, i know the school is important and all that stuff but it's going to be messy out here if we stay. The Olivares will never give up unless they got us." Mariin niyang paliwanag.

"Naintindihan ko, Joul. Gusto ko lang munang makausap ang pamilya ko bago tayo umalis." Itinuloy nito ang pagkain at kahit na binigyan siya ng tipid na ngiti ay naiwan pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

HINDI tiyak ni Oshema kung may magandang idudulot ang gagawin niyang pakikipag-usap sa pamilya niya. Pero sa ngayon iyon lang ang naiisip niyang tamang hakbang para bawasan ang bigat na dala-dala niya bago umalis at sumama kay Joul.

Umalis sila ng hotel at nagtungo sa Ginza Japanese Restaurant. Doon nila hihintayin ang mga magulang niya at si Nancy na nakausap niya sa telepono. Ayaw kasi pumayag ni Joul na pumunta sila sa bahay. Malaki raw ang posibilidad na naroon ang mga tauhan ni Rune at nagbabantay sakali maisipan niyang umuwi. Gusto ng binata na umiwas sila sa gulo hangga't maaari.

Nag-abang sa kanila ang dalawang crew ng restaurant at iginiya sila sa VIP room na pina-reserved ni Joul. Sa tanto niya'y magkakilala ang binata at ang middle-aged na mag-asawang japanese na may-ari ng restaurant na sumalubong sa kanila pagpasok nila ng silid.

Nakipagkamay ang mga ito sa kanila at nagsalita sa wikang Nihongo. Ang greetings lamang ang naintindihan niya. Hindi niya mahabol 'yong iba. Pero si Joul, mukhang nauunawaan lahat. Sumagot pa ito gamit ang kaparehas na wika.

Hindi na siya nagtaka. Marami siyang hindi alam sa pagkatao ng lalaki bago pa ito dumating sa buhay niya. Basta't sinabi nitong magtiwala siya, iyon ang gagawin niya. The conversation dragged on in a language so foreign to her.She felt awkward and so out of place.

"Mika wa dosesuka? Kanojo wa anata to issodesuka? (Where's Mikah? Is she with you?)" Nagsalita ang babae na patingin-tingin sa kanya. Nginitian niya na lamang ito para ikubli ang naramdaman.

" Kanojo wa ie ni iru. (She's home.)" Sagot ni Joul.

"Dare ga kono sutekina joseidesu ka? (Who is this lovely lady here?)" Yong lalaki naman ang nagsalita. Tingin niya'y nagtatanong. Siniko pa ito ng asawa nito at inirapan. Di yata maganda yong tinatanong.

"Watashi no kyodai no koibito. (My brother's lover.)" Si Joul na sumulyap sa kanya at agad na bumitiw nang magtama ang mga mata nila. Napanguso siya.

"Kanojo wa totemo utsukushidesu. (She's very beautiful.)" Sabi ng babae.

Natawa ang binata. Umiiling. "Kanojo wa genkai ni iru. (She's off-limits.)"

Tawanan ang mag-asawa at kahit gusto niyang makitawa din bilang respeto pero di niya magawa. Wala naman kasi siyang naintindihan kung bakit tumatawa ang mga ito. Nakahinga siya ng maluwag nang sila na lamang ni Joul ang naiwan sa silid.

"Anong sinasabi nila? Pasensya ka na, wala akong naintindihan, eh." Nahihiya niyang tanong at ngumiti ng tipid.

"Maganda ka raw." Sagot ni Joul. Pero mukhang nagloloko lang dahil sa kislap ng kapilyuhan sa mga mata.

Sinimangutan niya ito. " Mahusay ka pala mag-nihongo." Komento niya sabay irap. Kahit makapaghihintay naman siyang malaman kung anong dapat niyang malaman sa pagkatao ng binata pero nanggigigil siya rito. Napaka-unfair naman kasi na nakipag-usap ito sa mag-asawang iyon gamit ang lenggwahe na hindi niya maintindihan. Pwede naman sanang mag-english na lang kung di marunong ng tagalog 'yong dalawa. Nagmumukha tuloy siyang tanga, tapos ayaw pa sabihin ng binata kung ano 'yong pinag-usapan.

"May mga kaibigan akong japanese sa dati kong school." Tonong paliwanag nito.

Tumango siya. "Saan 'yong dati mong school?"

Naningkit ang mga mata nito at banaag niya roon ang pagtataka. May karapatan naman siguro siyang malaman ang maliit na detalyeng iyon sa buhay nito. O, kalabisan ba para itanong niya iyon.

Pero hindi nito nasagot ang tanong dahil dumating na ang mga magulang niya kasama sina Nancy at Edward.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C30
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập