Tải xuống ứng dụng
9.67% 3:02 Times Up / Chapter 6: 5

Chương 6: 5

New Dormmate

Rosie

"Madam andito na po si Maam Rosie!"ngumti ako sa katulong namin at nakita ko namang pababa na si mommy

"Saan ka ba galing bata ka?Nag-aalala ako sayo!Ano ba!"natawa ako sa kanya niyakap ko na lamang siya ang mommy ko talaga maalalahanin kahit kailan

"Mommy nanjan lang po ako!"sabi ko at natatawa pa sa kanya at ngumiti na lamang siya saakin at hinila ako papunta sa kusina naaamoy ko yung sinigang na favorite ko ah?

"Nagluto ako ng favorite mo!Tikman mo!"kumuha ako ng kutsara at hinipan muna ang sabaw at saka hinigop nakita ko naghihintay si mommy ng sagot ko

"Ang-----sarap!"akala ni mommy di masarap hahaha naka simangot kasi ako kaya akala niya di masarap."Mommy may gusto po sana ako sabihin sa inyo pag nanjan na po siguro si daddy."tumango ito umalis ng kusina dahil may gagawin pa raw ito

Pumunta muna ako ng kwarto at nag-check ako ng social media through my laptop.Nakita ko yung mga old friends ko on my instagram then i saw Trinity nag-post siya ng pic na nasa plane niya with her family makikita mo na masaya siya

b

'Bakit masaya ka?Masaya ka na may nasaktan ka?'

"Maam Rosie nanjan na po si Sir Alejandro."sumagot ako na baba na din ako. Kaya naman sinarado ko na ang laptop ko at inayos ang aking damit

Pagkadating ko sa dining area ay nakita ko na kauupo pa lamang ni Daddy at mukhang nagtatanong ito kung nasan ako

"Dad!"bumaba agad ako at hinalikan siya sa pisnge."How's your day dad?"tanong ko sa kanya at umupo na habang si mommy ay nagsasalok ng sinigang sa kanyang plato

"Exhausted!"tumatawa pa ito at ngumiti na lamang ako sa sinabi ni dad wala namang araw na di exhausted si daddy eh

"Ah,Rosie ano nga pala ang sasabihin mo?"tanong ni mommy binalot naman ako ng kaba baka di sila pumayag sa gusto kong mangyare

"Yun ba Mommy?Ahh sige po Mommy and Daddy wag niyo pong mamasamain ah pero gusto ko na po kasi Bumukod."napatigil sa pagnguya si mommy samantalang si daddy ay nagsalubong ang kanyang kilay

"Bakit naman anak?"tanong ni mommy saakin bumuntong hininga muna ako bago magsalita

"Mommy Daddy kasi naman malaki na ako pero nasa puder niyo pa rin ako.Ang akin lang naman parang time na po para bumukod ako yung parang maging independent na po para naman matutunan ko po yung tumayo sa sariling paa."naramdamang kong bumuntong hininga si mommy at daddy

"So anong plano mo?"tanong saakin ni daddy napakagat labi na lang ako

"Ahh yun po mag dorm po ako kasama po yung kaibigan ko.Mag take rin po ng scholarship gusto ko po kasi na di na po kayo mahirapan sa tuition ko kahit na mayaman tayo.Ayoko po kasing maramdaman nila na iba ako na iba yung estado ng buhay ko sa kanila."saad ko at nakatingin sa kanila at nakita kong tumaas ang kilay ni papa at hinawakan niya ang buhok ko at ngumiti

"Kung ganon ang gusto mo sige pero ang gastusin sa dorm at iba pangangailangan saakin ha!"tumango na lang ako at masayang-masaya sa sinabi ni daddy

"Kailan mo ba balak umalis anak?"tanong naman ni mommy saakin

"Ahh bukas po sana kung okay lang po."

"Sige aayusin mo na yung gamit mo bukas na bukas rin aayusin ko lahat ng kailangan mo ipapahatid kita sa driver kung di ka man nakapasa sa scholarship wag kang tatanggi na kami na ang mag provide sa ayaw at sa gusto maliwanag ba?"ngumiti na lamang ako sa tinuran ni mommy yes pumayag sila sa gusto ko

Kinabukasan inihanda ko na ang mga gamit ko at naligo na rin ako di ko sinabihan sila Elaine dahil gusto surprise ito may apat na kama sa dorm nila so ako na ang pang-apat na uupa roon

Nakontak ko na rin yung may-ari at nasabi ko na rin na akoang uupa duon pumayag naman siya nabayaran ko na rin kasi kaagad pinahatid ko sa aming driver

Dami nga daw may gustong umupa duon at buti na lang ay nakapagbayad kaagad ako kung hindi daw ay naunahan na ako ng iba.

Tumingin ako sa Salamin at inayos ang buhok ko

"Im an independent woman now!"

Ivy

"Mga ija!"ang aga-aga eh anlakas kumatok nito napakusot muna ako ng aking mata at si Aling Cell pala ito ano naman kayang pakay niya?."Ano kasi may uupa na ng pang-apat na kama dito sa dorm niyo kaya sana mag-linis kayo ha!Mamaya rin siya pupunta dito.Sige salamat mga ija!"ngumiti na lamang kami sa kanya at sinarado na ni Riri ang pinto at naiwan kaming naka-tanga

"Sino naman kaya yung babaeng uupa rito?"tanong naman ni riri at napakibit-balikat na lang kami ni elaine

"Di komportable kapag may ibang kasama lalo na kapag iba ang ugali."tumawa naman kami ni riri sa sinabi ni elaine kahit kailan talaga itong ate ko na to

"Alam niyo kayong dalawa mamaya na yan at kumain na muna tayo at maglilinis pa tayo sabi ni aling cell."at lumabas na kami ng dorm namin para kumain

Naglilinis kami ngayon sa dorm madami-dami ding kalat sa pangalawang araw ko rito kasi nagsulat kami ng mga gusto naming pasukang unjversity dito sa maynila kung sakali mang di kami pumasa sa ibang university atlis merong reserba

Ako naglilinis ako ng bintana falawa rin kasi ito at aayusin ko rin ang ibang mga gamit si elaine at riri naman ang bahala sa sahig

"Guys!Kailan ulit ang alis natin?"tanong ni elaine saamin at napaisip naman ako na bukas kailangan namin magmadali dahil malapit na rin ang pasukan baka mahuli kami

"Bukas!"sabay kami ni riri hanggang sa may kumatok sapintuan baka yun na yung bagong uupa dito

"Baka ayan na yung uupa bilisan natin nako nakakahiya!"saad ko habang yung dalawa ay naka-poker face saakin nagtaka naman tuloy ako

"Di yun problema di naman kasi prinsesa!"ani ni Elaine at binuksan ang pintuan nakita ko ang reaksyon niya na para bang gulat-gulat

"Bakit ganyan reaksyon mo?"kaya naman lumapit kami ni riri at nakakagulat talaga di namin inaasahan ito

"ROSIE!?"

"Hahaha bat ganyan reaksyon niyo para kayong nakakita ng multo?"tanong nito at nakangiti saamin bakit siya nandito?."Pwede bang pumasok?"tanong niya at napakurap kami tinulungan namin siya sa mga dalang gamit niya

"Ay,naglilinis pala kayo?Grabe ah pinaghahandaan niyo ang pagdating ko hahaha!"ngumiti na lang kami sa kanya."Tulungan ko na kaya kayo para mabilis iyang paglilinis?"umiling naman kaming tatlo at sinabi naming ayusin na lang niya ang gamit niya at kaya na namin ito

Nang matapos kami ay inaya niya kaming kumain na ng tanghalian.Wala ang ibang dormates namin dito baka siguro inaasikaso rin yung kanilang requirements sa school

"Ah matanong ko lang ah bakit ka nandito ay mali ang ibig kong sabihin ay bakit ka lumipat?"tanong ko at sinarado niya na ang kalan nagluto lang siya ng corned beef yun lang kasi ang binili namin dahil less sa expenses

"Ahmm kasi gusto ko kayo makasama!Bawal ba?"tanong niya umiling naman si riri bilang pagtugon nito

"Di naman nagulat lang kami kasi di ba may bahay naman kayo so bakit ka pa lilipat para lang saamin diba?"

"Kasi gusto ko maging free and independent yung kaya kong tumayo sa sarili kong paa."saad niya at nagsimula ng kumain napatango-tango na lamang kaming tatlo

Kahit na nakakagulat itong may pangyayare na to masaya pa rin ako kasi buo kaming magkakaibigan tapos nadadagdagan kami ng isa yun ay si Rosie.Nakakatuwa na kahit bago lang kami dito sa maynila meron kaming kaibigan na tulad niya

'Sana tumagal pa kami hanggang sa tumanda kami'


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C6
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập