Tải xuống ứng dụng
4.83% 3:02 Times Up / Chapter 3: 2

Chương 3: 2

Dorm

Riri

Nandito na ako sa Maynila grabe ang tata-taas ng mga building dito.Kaya siguro maraming mayaman dito.Ayshhh grabe sa sobrang laki nito baka mawala ako rito.Magtatanong na lang siguro ako basta ang alam ko baba ako sa may Malate ba yun?

"Ahmm ate malapit na ba tayo sa Malate,Manila?"tanong ko sa katabi ko at tiningnan niya ako di niya at ako napansin tiningal niya yung naka-sukbit sa tenga niya yung parang earphone din tinanggal lang yung katawan

"Ahhm ako ba?Ano nga ulit yun?"tanong nito ang ganda naman niya kala ko pang-kutis americana

"Ahh,malapit na ba tayo sa Malate,Manila?"ulit kong tanong sa kanya at tumingin siya sa paligid niya at tumango uto saakin

"Ahh,magtatanong lang ako saan ba ang punta mo?Mukhang ngayon ka pa lang nakapunta rito eh."ani nito at ngumiti saakin bumuntong hininga ako

"Galing kasi akong probinsya pupunta ako sa Dela Salle University kukuha ako ng scholarship program madami kasing opportunities dito eh kaya ganun kukuha rin ako ng dorm dito para may matuluganako kahit papaano."ngumiti ako sa kanya ng matamis

"Ganun ba sumama ka sakin,Wag ka mag-alala di ako sindikato hahaha!"saad nito saakin siguro nabasa nito yung mukha ko ngumiti na lamang ako at tumango sa kanya

"May taga-Malate ba rito?"tanong nung konduktor at tumayo na kami dalawa ayshh ang bigat talaga ng bagahe ko.Nang makababa na kami ay nginitian niya ako sumama ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan kahit di ko siya kilala ni

pangalan nga di ko alam eh

"Ahh,Ano bang pangalan mo?"tanong nito saakin at huminto kami sa isang stop over

"Ako pala si Kyryll Barcelona Riri na lang para di ka mahirapan hehehe."ani ko at nakita ko ang pagtataka sa kanya

"Riri?Bakit parang ang layo naman sa pangalan mo?"tanong nito saakin at tumingin sa paligid niya

"Ahh yun kasi ang pinalayaw saakin ng lolo't lola ko kaya wala na ring nagawa ang magulang ko."natatawa kong saad sa kanya at tumingin sa kanya ng nakangiti

"Halika ile-libre kita sa isang restaurant."aniya at hinatak ako masakit mga kaloka jusku ang lakas pala nito ang bigat na nga ng dalahin ko eh

Dinala niya ako sa isang restaurant na madaming tao amoy na amoy ko ang manok na nanggagaling sa kusina ng restawrant ba?kakaiba pala talaga dito ibang-iba sa nakasanayan ko

"Upo ka jan o-order lang ako."tumango na lang ako sa kanya at tiningnan ang paligid andaming tao laht sila nagkakamay nasasabik tuloy ako na kumain

Alam niyo sa syudad lang talaga nakakakita nito ni bata di rin ako nakapasok sa gantong lugar mahal ang mga pagkain dito.Nasisilayan ko lang ito mula sa labas karga-karga ang isang sakong bigas

"Oyy,okay ka lang ba Riri?Ayy oo nga pala ako si Rosie Santiago."at inabot niya saakin ang kanyang kamay at nagshake hands kaming dalawa

"Andaming tao noh?At mas lalong nakakagutom.Hala!?magkano ba ang pagkain dito para mabayaran kita."sabi ko at natawa ito saakin

"Hay nako!Riri sabi ko diba libre LIBRE."sabi nito at natatawa parin saakin napakagat labi na lamang ako."Di ganun kadami ang binili ko kasi maghahanap pa tayo ng dorm mo."ang bait niya talaga kahit na di ganun kadami ang binili niyang oagkain di ko rin naman hinihiling basta meron okay na

"Maraming salamat talaga ah!Sa susunod mapapasalamat din kita."nahihiya man ay ngumiti na talaga ako.Sa ilang minutong paghihintay namin ay dumating na rin ang aming pagkain at nagsimula na kaming kumaing dalawa

Elaine

"Ivy!"tawag ko sa kanya at tumingin siya saakin at nilapitan ko siya."Anong mahika ang ginamit mo kay mama para mapapayag yun kasi kung ako di yun magdadalawang isip na sagutin ako ng HINDI!." sabi kosa kanya at kinuha naman niya ang kanyang bag at nilaguan ng mga damit

"Simple lang pinakiusapan ko siya.Magkaiba kasi tayo Elaine madami ka ng hiniling kay mama siguro tama na at syempre minsan lang naman ang himiling kaya siguro pinagbiguan na ako."saad nito na-realize ko rin na tama siya sa sobrang dami ko ng hiniling di ko na rin mabilang

Kinuha ko nalang ang bag ko at nilagyan ng damit iyon.Kamusta na kaya si Riri?

"Ivy!Pumunta muna kaya tayo kila Tita Lourdes?"ani ko at tiningnan niya lang ako ng mah pagtataka."Syempre saang lupalop naman natin hahanapin si Riri kung di natin alam sa skbrang laki ng Maynila baka abutin tayo ng taon-taon."saad ko syang pagbato niya ng bra ko saakin

"Di na kailangan sa Malate,Manila daw siya pumunta eh sabi niya saakin nung nakaraan."tumango ako at pinagpatuloy na ang paglalagay ng damit sa bag."Elaine,Kakausapin ko si mama tungkol sa byahe dito ka na lang."minsan naiisip kokung sino ang mas matanda saamin kung siya ba o ako eh

Ivy

"Mama!"sabi ko at binuksan ang pintuan ng kanilang kwarto."Ma!Kailan po ba kami makakaluwas ni Elaine?"tanong ko at tiningnan niya ako at sinenyesan na umupo sinunod ko naman sya

"Bukas na bukas rin kinakailangan malapit na rin ang pasukan eh.Dapat habang maaga pa lang naga-asikaso na kayo."hinalikan ako ni mama sa noo at niyakap ko siya

"Mama wag po kayo malulungkot kapag wala na po kami rito ah!"sabi ko kay mama at mas lalo pa niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan ang aking ulo

"Ano ka ba!Basta mag-aaral ka ng mabuti at kayo ni elaine ang pag-asa namin para umahon tayo sa buhay.Hanggat maari wag pahihintulutan ang tukso."napahiwalay ako kay mama dahil sa tinuran nito na TUKSO

"Anong tukso ka dyan mama!Di yun mangyayare noh!May pangarap ako noh!Hindi talaga mangyayare yang tukso na yan."tumatawa pa kami ni mama andaming naming kwentuhan tungkol sa lahat ng mga bagay

Di ko mawari kung ano ang magiging buhay namin ni Elaine sa Maynila.Maraming pagbabago ruon na hindi namin o saakin pamilyar.

'Sana maging maayos ang lahat.'

RIRI

"Salmat Rosie ah!"napa-dighay pa ako sa harap niya at nakakahiya iyon ano ba yan riri

"Hahaha ano ka ba magkaibigan na tayo simula ngayon."ang tamis ng ngiti niya ang mas nakapag pangiti saakin lalo may kaibigan na ako dito sa maynila."Tara maghanap na tayo ng dorm mo."aniya at nagsimula na kami maglakad

Magaling maghanap ng dorm si Rosie at sa tingin ko may kinalaman sa sales ang kurso niya.Nakahanap kami ng Dorm ko ako pa lang sa kwarto na ito.Sinabi ko rin kadi na baka dumating ang kaibigan ko galing sa probinsya kaya pinabayaran na rin saakin yung upa.

Masakit sa bulsa pero okay lang yan kasya pa naman siguro yung pera ko para sa mga susunod na mga araw.Maaliwalas ang lahat dito sa dorm yung mga bagay-bagay eh walang alikabok.

"Salamat Rosie ah!Andami mo nang tulong saakin."nakayuko kong sabi sa kanya nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay at pinisil ito

"Ano ka ba Riri maliit na bagay lang ito,May cellphone ka ba?"tanong niya at umiling ako sa kanya at kinuha niya ang isang bagay mula sa kanyang bulsa

"Eto gamitin mo muna yung akin,Bukas may ibibigay akong bago sayo."aagad kong tinanggihan ang bagay na binigay niya sobra-sobra na kasi ang lahat kaya dapat di ko dapat abusin ang kabaitan niya

"Makakatulong sayo yan Riri!Sige na kunin mo na matatawagan kita dyan o matatawagan mo rin ako sa oras ng emergency at syempre mga katanungan."sabi nito at binigay sa palad ko yung cellphone at ngumiti ako sa kanya

"Salamat talaga ah!Makakabawi rin ako Promis yan!"niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap niya rin ako

"Sige riri!magkakagabi na rin mauna na ako!"tumango ako at hinatid siya sa labas ng dorm ko nagpasalanat talaga ako na may katulad niya dito

"Thank you rosie!"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C3
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập