Tải xuống ứng dụng
95.09% Online It Is / Chapter 96: Chapter 48.0

Chương 96: Chapter 48.0

Chapter 48.0:

Abby's POV:

"Matutulog ka na lang ba diyan?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Rigel, bagkus ay ipinagpatuloy ko lang ang pagyuko ko sa lamesa.

Pagkatapos kong magsalita sa harap ay agad rin akong dumiretso sa kinauupuan ko dahil mabigat talagang mabigat na ang talukap ng mga mata ko.

Kahit maingay ang buong venue dahil sa nagaganap na dance for all ay hindi ko ito batid dahil inaantok talaga ako.

"Why don't you just go to your suite at doon ka matulog? The venue is so loud, you can't sleep here."

Wala, dedma lang. Bahala kang magsalita diyan mag-isa.

Tsaka bakit ba 'to nandito, akala ko ba ay may ginagawa siyang importanteng bagay na hindi ko alam kung ano. Simula kasi kahapon ay halos hindi ko na nakita ang pagmumukha niya dahil daw may inaasikaso siya para sa kasal ni Nich at Steph. Ayaw naman niyang sabihin kung ano 'yon, edi bahala siya.

Kaninang procession lang sa aisle ko siya muling nakita dahil sabay kaming naglakad dito. As I have said, ako ang maid of honor at siya naman ang best man. So basically, siya ang partner ko dito sa kasal.

Then after the ceremony ay nag-missing in action na ulit siya, kaya pinabayaan ko na lang. Baka nga sobrang busy niya lang talaga.

Anyways, malapit na akong mainis dito kay Rigel. Kanina pa ako kinakalabit eh hindi ko na nga siya pinapansin.

"Ano ba Rigel!" Asik ko habang nakayuko pa rin sa lamesa. Nakaunan ang ulo ko sa aking mga braso which is medyo nakakangawit na rin.

"Nireregla ka nanaman ba at ang sungit mo?"

That's it.

"Pwede ba Rigel, ang tahimik ng buhay ko dito oh. Hindi mo nakikitang natutulog ako? Wala akong energy para makipag-sabayan sa kasiyahan dahil mas gusto ko munang matulog ngayon. Kaya kung pwede, lubayan mo muna ako. Shoo!" Pagtataboy ko sa kaniya bago ako yumuko ulit sa lamesa.

Pero ilang segundo pa lang ay iniangat niya ang ulo ko mula sa lamesa na mas ikinainis ko.

"Ano nanaman?" Nakangusong sabi ko, kulang na lang ay pumadyak ako dahil sa frustration.

"Damn, you're so careless. Hindi mo ba alam na nasisilipan ka na?" Nakakunot ang noo na sabi niya bago ipatong sa akin ang coat niya at isinara ang tatlong butones nito.

Namula naman ako sa sinabi niya. Oo nga, nakalimutan ko na naka-tube dress pala ako ngayon. So kapag yumuko ako ay--

"S-Sorry. Inaantok lang kasi ako Rigel, ayaw ko namang pumunta agad sa suite ko dahil  nakakahiya naman kila Nich at Steph kung aalis agad ako dito sa party nang hindi pa tapos." Then I yawned.

"You silly." Mahina niyang pinitik ang noo ko. "Then you should have told them, I know they will understand."

"Ehh kahit na, gusto ko ay mapatapos ko ang party." Pagpupumilit ko. "By the way, akala ko ba ay busy ka? Bakit nandito kang nakikipag-chismisan sa akin?"

He chuckled. "Yes I am. But someone told me that my girlfriend is being watched by some other guys. So I quickly ran over here then saw you recklessly sleeping here on your place. And you don't even care about it." He coldly said. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga.

"Hindi ko naman kasi alam duh. Nakalimutan kong naka-tube pala ako. Tsaka inaantok talaga ako kaya hindi ko na naalala." I pouted.

"Tsk, nevermind. But... Don't you dare remove that coat on you. If I saw you--" I cut him.

"Oo na copy. Doon ka na sa ginagawa mo baka hinahanap ka na nila."

"Alright." Pero bago siya umalis ay hinalikan na muna niya ako sa noo. Shete, ang landi.

~

Ang akala ko ay payapa na akong makakatulog nang makaalis si Rigel, pero nagkamali pala ako because it's a prank!

Hindi pa man akong nakakayuko ang bigla namang sumulpot sa harapan ko si Jackie.

"Antok na antok lang bakla?" Ani nito habang may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Porket nakatulog ka lang ng mabuti kagabi ay ganiyan ka na? Tsaka nasa'n na pala si Cheska? Nako, ikaw talaga bakla, iniiwan mo ang partner mo." Pang-aasar ko.

Hindi ko alam kung ano na ang real score between them. Kung sino ang nanliligaw kay kanino. Basta ang alam ko ay nagkaka-mabutihan na ang dalawa.

Matagal na pa lang may nagaganap na something sa kanila, pero nitong nakaraang araw lang namin nadiskubre ito ni Joyce habang nando'n kami sa condo nila. Actually, Steph was the one who accidentally discovered it.

Jackie was in the bathroom nang mag-ring ang phone niya. Ang akala ni Steph ay kay Joyce ang phone kaya iniabot niya ito kay Joyce. Pero 'yon na lang ang pagkagulat namin nang bigla siyang humagalpak ng tawa, kaya agad namin siyang dinaluhan ni Steph at nakitingin sa kung ano'ng meron sa phone niya.

"Echoserang Tomby" Ang nakalagay sa caller id with matching rainbow hearts pa after ng pangalan nito. Pero ang mas ikinagulat namin ay nang makita naming mukha ni Cheska ang nakalagay sa screen!

Kaya doon na kami nag-isip ng isang bagay.

May something nga sa dalawa.

Hindi naman kasi uso kay Jackie ang maglagay ng napakaraming puso sa contacts niya. At saka as far as we know ay enemy ang turing niya kay Cheska dahil nabuburyo siya dito. Pero bakit may pa-puso siyang nalalaman? 'Cause you don't put hearts beside your enemy's name right?

"Duh, nandiyan lang 'yon sa tabi-tabi. Don't mind her, kaya niya ang sarili niya." Umupo ito sa tabi ko.

"Talaga lang huh." Tinignan ko siya ng makaluhulugan. "Anyways, bakit ka nga pala nandito? At nasa'n si Joyce?" Luminga-linga pa ako sa likod niya, nagbabakasakaling kasama niya ang buntis.

"Seryoso ka ba bakla? Mukha ba akong hanapan ng mga tomboy?" Umirap ito. "Hindi ba pwedeng nandito ako dahil gusto ko lang?"

"At sino'ng tomboy ang sinasabi mo ha?" Nagulantang ang bakla nang marinig ang sinabi ni Joyce na kakarating lang.

"Tomboy bang matatawag ang isang kagaya kong magsisilang ng isang anghel?" Nakapameywang na sabi ni Joyce habang ang kaliwang kamay nito ay hinihipo ang kaniyang tiyan at kulang na lang ay sabunutan si baklang Jackie. Well, excited na akong makita ulit silang magsabunutan na dalawa. Matagal na kasi silang hindi nagpipisikalan simula nang mabuntis si Joyce, syempre ay ibayong pag-iingat muna sa ngayon.

Dang, malobo na talaga ang tiyan ni Joyce. Kung kaya'y kahit gusto niyang magsuot ng ganito sa suot ko ay hindi siya pinayagan ng doktor at syempre ni Jherwin. But despite that, she still looks stunningly beautiful with her maternity dress na nakaayon sa wedding theme. 

"Ang sabihin mo ay inggit ka lang dahil ang ama ng aking anak ay isang fafa." Pang-aasar naman ni Joyce habang papaupo sa upuan na katabi ni Jackie. Ipinaghila siya ni Jackie ng upuan at dahan-dahan siyang inalalayan paupo nito.

Kita mo 'tong dalawang 'to, ang lakas magbangayan, pero deep inside mahal na mahal ang isa't-isa.

Well, mahal naman talaga namin ang isa't-isa.

Nang makaupo si Joyce ay saka ulit siya inirapan ni bakla.

"Ba't naman ako maiinggit aber?" He flipped her imaginary bangs.

"Ahh oo nga pala, ba't ka maiinggit eh mayroon ka na palang echoserang tomby with rainbow hearts." Pakantang sabi ni Joyce at saka siya nakipag-apir sa akin.

"Korek ka diyan girl."

Kulang na lang ay mahulog ang eyeballs ni bakla dahil sa sinabi ni Joyce. Oo nga pala, hindi pa pala niya alam na nakita namin kung ano ang pangalan ni Cheska sa contacts niya sa phone.

"W-What?!" He shockingly said.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C96
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập