Chapter 43.5:
Abby's POV:
Grabe, ang layo na ng narating nila ate Rizza at ate Erika! Parang dati lang ay sa palengke lang sila nakapwesto, pero tignan mo naman ngayon, may sarili na silang shop sa isang malaking mall!
Suki kasi nila ako dati noong nag-aaral pa lang ako, lalo na noong active pa ako sa pagiging ambassador.
Well, ambassador ako ng ilang sikat na clothing brands, but ate Rizza and ate Erika's designs were my favorite.
Magaling silang designer at mananahi ng mga sari-saring klase ng damit. Mapa casual, everyday attire, sports attire, at syempre ang kanilang especialty na formal attires ay talagang patok sa masa dahil sa magagandang designs, matibay na kwalidad ng mga tela, at sa abot kayang presyo ng mga ito.
Katunayan nga ay ang mga damit nila ang gustong-gusto kong i-flex sa mga Peak-A videos ko dati dahil gustong-gusto ko ang mga ito.
Pero nang maka-graduate ako ay madalang na akong makapunta sa pwesto nila. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na lumipat na sila ng ibang lugar. At saktong sumabay pa ang mga pasanin ko sa buhay kaya hindi ko na sila nagawa pang kontakin.
"Naku ma'am Abby, ayos lang po. Gano'n talaga kapag matagal hindi nagkita."
"Hay naku ka rin po ate Rizza, just call me Abby gaya ng nakasanayan. Masyado ka naman pong pormal. Tsaka kahit nasa loob ako ng botique niyo ay wala naman ng tao kaya ayos lang. Isa pa, kayo naman ang may-ari nito at bukas pa ang bukas nito." Ani ko.
Napatawa siya. "Oo nga, siguro ay nasanay lang talaga ako na tawaging ma'am at sir ang kahit sinong customer."
"Siya nga pala, kukunin mo na ba itong dress?"
"Ahh opo ate, sobrang ganda nito para pakawalan ko pa. Pero ayos lang ba talaga? Kasi syempre, bukas pa ang opening nitong shop--"
"Oo naman Abby! Kaya 'wag kang mag-alala. Para sa'n pang New Era ang pangalan nitong botique kung hindi kita mapagbigyan?" Makahulugang sabi nito.
"What do you mean ate?" Nagtatakang tanong ko.
"New Era means New Erika, Rizza, and Abby!"
My jaw dropped when I heard what she just said.
"R-Really?"
"Oo naman Abby, para ka na naming kapatid ni Erika kaya sinama ka namin sa aming brand. Hinding-hindi namin makakalimutan yung mga panahong ineendorse mo ang mga gawa namin ng walang bayad. Kung alam mo lang Abby, dahil sa'yo kaya mas dumami ang customers namin. Tsaka ikaw din ang laging nagsasabi sa amin na balang araw ay magkakaroon kami ng sariling brand na tatangkilikin ng marami at hindi na kami maiinitan dahil may aircon na ang shop namin. At nagdilang anghel nga ka, dahil nakamit na namin ang sinasabi mo dati. Kaya kahit matagal tayong hindi nagkita at nakapag-usap dahil sa kanya-kanyang responsibilidad sa buhay ay hindi ka namin makakalimutan."
Oh my gosh.
I'm speechless.
At dahil wala akong masabi ay niyakap ko ulit si ate Rizza, pero mas mahigpit na this time.
"Thank you ate. Pero sa totoo lang ay deserve niyong magkaroon ng gan'to dahil masikap kayo ni ate Erika at hindi dahil sinabi ko. Naniwala lang akong sa inyo, pero kayo pa rin ang gumawa." Maluha-luhang sabi ko.
Yung pagod na naramdaman ko sa buong araw ay parang biglang nawala parang bula dahil sa mga sinabi ni ate.
Ang saya lang isipin na despite of the b*llsh*ts that I'm going through ay may gaya ni ate Rizza na kayang i-lift up ang mood ko in just a blink of an eye.
Yung pakiramdam na isa ka sa mga naging inspirasyon kung bakit successful ang isang tao ngayon, nakaka-proud lang ng bongga.
"At dahil alam ko na ang tungkol dito sa botique niyo ay dito na ako bibili lagi ng isusuot ko lalo na kapag may event." Masayang sabi ko. Pakiramdam ko nga ay naghuhugis puso ang mga mata ko ngayon dahil sa sobrang saya.
"Salamat Abby, basta lagi mong tatandaan. Ako si Rizza, kasama si Erika, ay laging at your service!" Sumaludo pa ito na parang sa sundalo.
~
Nang makarating ako sa venue ng ball ay agad akong umawra.
Charot!
Syempre ay tamang chin up lang kahit walang partner.
Halos lahat ng nakikita kong naglalakad sa red carpet ay may mga kasama. May mga ilang kagaya ko rin na mag-isang rumarampa sa red carpet, but hindi 'yon naging dahilan para hindi sila makakuha ng atensyon mula sa mga tao sa paligid.
Mas kaunti ang nakikita ko ngayong mga media sa paligid kumpara sa ibang event na dinadaluhan ko.
Mabuti na lang ay walang traffic on my way here kaya nakarating ako sa tamang oras. Also, I appreciate my dad for safely driving me here. Wala daw kasi akong boyfriend para ipagdrive ako, kaya siya na lang ang gagawa para hindi ko na kailangang alisin ang stillettos ko para mag-drive.
Bago pala rumampa sa red carpet ay babanggitin muna ang pangalan mo at pati ng partner mo if ever na may kasama ka.
Ayan na, turn ko na.
I proudly smiled at everyone.
Aba dapat lang self, be proud kahit mag-isa mo lang.
"And at this juncture, let us all welcome Miss Abby Dizon with her escort Mr. Rigel Petterson!" Masayang sabi ng emcee. Ngumiti ako ng bongga pagkatapos banggitin ang pangalan ko.
Pero agad napawi ang ngiti ko nang mapagtanto ang sinabi nito.
Huli na nang marealize ko na naglalakad na pala ako sa red carpet kasama si Rigel na nasa kanan ko habang nakakapit ang kaniyang kamay sa aking beywang!
Just what the hell is happening?!
Gusto ko mang sitahin si Rigel at tanungin siya kung paanong nandito siya bilang escort ko pero hindi ko magawa dahil nasa amin ang atensyon ng lahat!
I can't just push him away for that might cause a turmoil.
Anak shuta! Ito na ata ang pinakamahabang red carpet walk na naranasan ko sa buong buhay ko!
Habang mas tumatagal ang paglalakas namin ay parang mas humihigpit ang kapit ni Rigel sa beywang ko na siyang nagpairita sa akin.
Pasimple akong tumingin sa kaniya pero ang loko, kinindatan lang ako!
"What the hell Rigel?!" Pabulong na sabi ko sa kaniya habang may nakapasta pa rin na ngiti sa aking mga labi. Pasimple ko ring tinatanggal ang kamay niya sa beywang ko pero ayaw niya talagang paawat.
Juskolord!
Ano nanaman ba 'to Rigel?
Akala ko ay nairita na ako ni Rigel sa paghawak niya sa beywang ko, pero mas maiirita pa pala ako sa susunod niyang gagawin!
Sa kalagitnaang lang naman ng red carpet ay pumunta siya sa harapan ko at dahan-dahang inalis ang suot niyang coat at saka ito ipinatong sa balikat ko.
"Ano'ng ginagawa mo Rigel?" Matigas na sabi ko habang inaayos niya ang pagkakapatong ng coat sa aking mga balikat. "Eksena ka talaga."
Pero imbis na pakinggan ang sinabi ko ay ngumiti lang ito at saka ako binulungan.
"Alam kong maeksena ako, pero mas maeksena ang suot mo. Off-shoulder v-neck na nga, ang laki pa ng slit. Tell me, do you have plan seducing all the boys in this event?" Pakiramdam ko ay nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ibinulong ni Rigel.
Nagsisikantsawan ang mga tao sa paligid na siyang siguradong nagpapula at nagpainit sa aking mukha.
Oh my gosh! Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa katawan sa aking mukha! Like what the hell?!
Mabuti na lang ang naglagay ako ng blush on kaya hindi masyadong mahahalata ang pamumula ko.
Eksena ka talaga Rigel kahit kailan at magpakailanman!
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.
Like it ? Add to library!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!