Tải xuống ứng dụng
31.37% Online It Is / Chapter 31: Chapter 16.0

Chương 31: Chapter 16.0

Chapter 16:

Abby's POV:

Nandito kami ngayon ngayon nila Jackie at Joyce sa aming company cafe. Sinadya pa talaga nila akong dalawa ngayon dahil miss na daw nila ako. Sus, alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit sila nandito.

Si Joyce ay malamang nag-aaway nanaman sila ni Jherwin kaya siya nandito. Yes, ang aking bestfriend at si Jherwin ay hashtag in a relationship na. I think they've been together since uhh 2 years ago? Lagi silang may misunderstanding dahil LDR sila, madalas ay nasa tour si Jherwin, palibhasa ay sikat na sikat na siya. 'Pag naman magbabakasyon siya dito sa Pinas ay nasasaktong maraming client si Joyce kaya hindi rin sila masyado nakakapaharap.

Heto namang si Jackie ay malamang hindi nanaman tinitigilan ng manliligaw niya kaya nandito para takasan 'to. Oo, may manliligaw ang bakla. And guess what? Babae po ang manliligaw niya, at napaka-masikap ni ate girl dahil kahit ipagtabuyan siya ng kaibigan ko ay lapit pa rin siya ng lapit.

Edi siya na consistent. 

"Oh kamusta naman kayo ni Fafa Nicholai?" Jackie asked as he sip the frappe that he ordered.

"Ayos lang."

"Ayos lang pero matamlay ang pagkakasabi.  May problema ba kayong dalawa?" Tanong naman ni Joyce.

"Oo nga girl, correct ka diyan."

*Sigh*. "Ano ba kayo guys, masyado nanaman kayong maissue. Okay na okay kami ni Nich, parehas kaming busy sa buhay pero nagkikita naman kami paminsan-minsan, kagaya na lang kagabi."

"Really?! Nagkita kayo ni fafa Nicholai? Eh nagjugjugan ba kayo?"

"Ew bakla! Mandiri ka nga sa sinasabi mo. Alam naman nating hanggang ngayon na alam mo na..." Makahulugang sabi ni Joyce.

"Alam na ano Joyce? Tsaka alam niyo naman ang prinsipyo ko sa buhay--"

"Premarital sex is a BIG BIG NO for Abby Dizon." Sabay pa nilang pagpuputol sa sinabi ko saka nila ako inirapan.

"Alam niyo naman pala, so why ask about that thing anyway."

"Pero bakla, tapatin mo nga kami ni Joyce. 'Wag mo sanang masamahin pero hindi naman sa pinagdududahan namin ang relasyon niyo ni Nicholai, pero parang gano'n na nga-- Ouch! Papansin ka Joyce!" Gulat ang bakla nang batukan siya. Gaya ko ay malakas din mambatok itong si Joyce kaya halos maputol ang ulo ng babatukan namin, unlike Jackie na napaka-pabebe kung kumilos.

"Diretsuhin mo na kasi, masyado kang pasuspense bakla. Ako na nga, oh Abby may balak ka bang pakasalan si Nicholai?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Joyce.

"A-ah of course, hindi ko pa 'yan masasagot. Kasi 'diba isang taon pa lang naman kami ni Nich, marami pa ang pwedeng mangyari. Tsaka nagfofocus muna kami sa kanya-kanyang career." Actually ay hindi pa namin napag-uusapan ang planong pagpapakasal, hindi ko rin alam kung bakit, pero ni minsan ah hindi nasagi sa usapan namin ang topic na 'yan. "Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan." Pag-amin ko at saka bumuntong hininga.

Pinaningkitan ako ng mata ni Joyce at tinaasan naman ng kilay ni Jackie.

"Isn't it a bit uncommon na hindi nasasagi sa usapan niyo ang pagpapakasal? Kasi bakla alam mo, kadalasan sa mga magkarelasyon ay nag-uusap tungkol sa magiging future nila? Maski mga teenager na isang linggo pa lang magkarelasyon ay nagsasabihan na na magpapakasal sila sa isa't-isa, pero mas malupit pe rin ang mga walang label pero bawal ang magkaroon ng kabit. Looking at you both now ni fafa Nicholai, you're both matured naman na, 26 years old ka na at 27 naman siya." 

"Oo nga girl, ang weird lang. Pero ang para sa akin naman ay wala sa edad ang basehan ng pagpapakasal. It's just that nakakapagtaka lang." Ani naman ni Joyce.

"Baka naman hindi talaga kayo ni fafa Nicholai ang para sa isa't-isa, baka ay kami talaga." Nakakalokong sabi ni Jackie na siyang ikinatawa ko ng bahadya. Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Joyce.

"Aray ko bakla!  Pangalawa mo na 'yan. Ano ba'ng problema mo sa buhay at sa'kin mo ibinubuhos ang sama ng loob mo?"

"Ikaw kasi, kalalaki mong tao. Ang laki-laki niyan tapos ang landi-landi mong bakla ka!"

"Gosh bakla! Don't say bad words, ewww nakadiri ka. Tsaka makasabi ka naman ng malaki sa ano ko, eh mas malaki naman ang kay Jherwin-- Araaay! Pangatlo mo na 'yan. Ano ba?! 'Pag ako bumawi bakla, sisiguraduhin kong pati kilay mo ay makakalbo." Pagbabanta niya pero ni hindi man lang natinag si Joyce at nagpatuloy sila sa pagbabangayan. 

"Oh f*ck! Dali bakla, patago ako sa likod mo!" Pabulong na sigaw ni Jackie at saka siya nagtago sa sa likod ng ng inuupuan ni Joyce.

"Aish! Ano nanaman bang trip mong bakla ka." Iritadong ani Joyce. "Sino ba kasi 'yang tinataguan mo? Don't tell me may pinagkakautangan ka at ayaw mong magbayad, jusko ibubuking talaga kita ngayon."

"Shunga hindi! Ayun oh, kita mo ba yung babaeng naka-bun ang hairlalu in a white blouse and pencil skirt?" Napatingin kami ni Joyce sa part na nginunguso ni Jackie sa amin, sa may bandang counter.

"Yung maganda bang nasa counter? Oh bakit 'yon? Don't tell me--"

"Oo bakla! Siya yung sinasabi kong makulit na sunod ng sunod sa akin. My gosh, nagpunta ako dito para hindi siya makita pero nakita ko pa rin siya. Nakakaloka, ano'ng ginagawa niya dito?" Sinipat kong mabuti ang babaeng tinutukoy ni Jackie at napagtanto kong empleyado siya dito sa kumpanya. Siya si Ms. Cheska Lopez, ang head ng finance department.

Ang pagkakakilala ko sa kaniya ay isang mahinhin pero hindi makabasag pinggan na tao, but based on Jackie's description about her ay masasabi kong huwag tayong judgemental haha.

"Hoy Abby bakla, empleyado niyo ba dito 'yang babaeng 'yan?"

"Nope, baka isa siyang representative galing sa ibang kumpanya at may inasikaso lang dito, o baka naman..."

"Baka naman jowa niya yung ka-table niya, kita mo oh, inorderan pa niya ng inumin." Pagpapatuloy ni Joyce sa sinabi ko.

Yes, I lied. Mabuti na lang at hindi nakasuot ng company id si Ms. Lopez kaya madali kong mapapaniwala ang dalawa na hindi siya nagtatrabaho dito. And, imposible rin na jowa niya ang kasama niya dahil sa pagkakaalam ko, if I'm not mistaken ay older brother niya ito na nagtatrabaho rin dito sa kumpanya sa marketing department.

"How dare her, sabi niya ay wala siyang boyfriend dahil ako lang ang gusto niya." Nakabusangot na sabi ni Jackie. Hmmm, I smell something fishy. 

Bumalik na siya sa kinauupuan niya dahil medyo malayo ang pwesto nila Ms. Lopez at ng kaniyang kuya sa kinaroroonan namin. Hindi na niya kami mapapansin unless ay lumingon siya sa likuran niya.

"Bakit, selos ka? Mapanuring tanong ko.

"Oo nga, ikaw bakla ha. Baka nafafall ka na kay ate girl kaya ka nagseselos. Yieee, lalaki na siya..." Panunukso naman ni Joyce. 

Pulang-pula naman ang mukha ng bakla, jusko iba talaga ang nararamdaman ko dito.

"S-Sabi ko naman sa'yo bakla 'diba, don't say bad words. Tsaka duh, ba't ako magseselos? No never over my deadly hot and oh so freakin' hot body. Mas maganda naman ako kumpara sa kaniya hmmp!"


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C31
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập