Tải xuống ứng dụng
12.96% HOT vs COLD / Chapter 6: Chapter 6

Chương 6: Chapter 6

CHAPTER 6

--ALEX:

"Sa M.U na mag-aaral pren si Ants? " Tanong ni Aira habang kumakain.

"Ayy hindi, sa school ako papasok tsk -_-" Sarcastic na sagot ni bebs.

"Pilosoper psh at ikaw na pala ngayon si Alex, sorry ha 'di kasi ako nainform. =_="

Haynako, bangayan nanaman tsss.

Dumukot ako ng dalawang piso sa bag ko at binigyan sila tigisa.

"Oh pren para san 'to?" Nagtatakang tanong ni Aira

"Oo nga naman bebs, aanhin namin 'to?"

"Kaya ko nga kayo binigyan tig isang piso para humanap kayo ng kausap niyo tss."

"Ang hard mo pren."

"Bilisan niyo na diyan kumilos. Dapat after five minutes tapos na kayo." Saka na ako tumayo.

"Yess boss!" Sabay na sabi nilang dalawa sabay saludo na parang sa pulis.

"Gaya gaya!" Sabay ulit na sabi nila ulit.

"Pucha, kapag five minutes wala pa kayo, asahan niyong basag na yung bintana ng wheels niyo" Pagbabanta ko.

Dali dali naman na silang kumilos dahil sa sinabi ko haha. Syempre, panakot ko lang 'yon. 'Di naman ako gano'n kasama para sirain yung kotse nila haha. Pero kaya ko din namang gawin 'yon.

Then after five minutes, lumabas na sila ng bahay at grabe hitsura nila haha.

Si Aira, 'di pa nagsusuklay habang si bebs naman eh 'di pa naayos necktie niya. Pero imbis na tumawa ako, nagpokerface na lang ako para maitago ko yung tawa ko haha.

Pagdating namin sa parking lot ng school, may mga nagsisigawan na mga babae agad pagbaba ni bebs. Haynaku pogi problems nga naman.

Pero biglang uminit yung ulo ko kasi may nakapark na familiar na kotse sa parking space ko. -_-

Oo parking space ko kasi may nakasulat do'n na "ALEX's SPACE ONLY" na pinareserve ko talaga para sa'kin. -_- Tsk. Pero pinabayaan ko na lang at naghanap ng ibang parking space na paglalagyan ko ng kotse ko.

Tinawag na ako ni Aira at punta na daw kami ng classroom pero pinauna ko na silang dalawa ni bebs sa classroom at pumunta sa kotse na nakapark sa space ko at dinikitan ng note na "Back off, or else you're dead with your wheels." sa bintana ng kotse then pumunta na ako ng classroom.

Pagdating ko ng classroom, ang ingay ng mga kaklase ko hindi gaya dati na tatahimik sila kapag dumating na ako. May mga ibang bumabati rin sa'kin ng good morning pero wala nang hiyaan.

Ay nakalimutan kong sabihin na sinabi ko sa kanila kahapon na itreat nila ako as a normal student at hindi bilang kapatid ng may ari ng school. At sinabi ko rin na kapag may issue tungkol sa'kin, 'wag silang makialam mostly boys and sabi nila okay daw sa kanila 'yon.

Bigla namang kumunot ang noo ko kasi nakita ko yung unggoy na titig na titig sa upuan ko habang nakangisi at hindi niya napansin na pumasok ako ng classroom.

"BEEEEEBBBSSS!!!" Sigaw ni bebs habang papalapit sa'kin.

Bigla namang tumahimik ang classroom at nagsimulang magbulungan yung mga ibang kaklase namin. Pero nang makita nilang tinignan ko sila with my cold eyes, tumikhim sila agad at bumalik na sa dating ginagawa nila.

Nakita ko rin si unggoy na lumingon sa banda ko at kumunot bigla ang noo niya pero as if I care.

"Uy bebs dami mo ng friends agad huh ."Sabi ko kay bebs with matching suntok sa braso pero mahina lang.

"Ganyan talaga kapag pogi hehe." Sus ang hangin niya talaga.

"Oo na diyan, umupo ka na malapit na magsimula ang class."

Nang papalapit na ako sa upuan ko, nakita kong titig na titig si unggoy sa upuan ko at nakangisi.

Pero nang makita niya ako, bigla niyang inalis yung tingin niya sa upuan ko pero nakangisi parin siya. I wonder why.

Tinignan kong mabuti ang upuan ko then... BOOM! Got yah. Tsk akala niya 'di ko mapapansin tsk. Ano'ng akala niya sa akin? Tanga?

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag then tinawagan yung isang helper dito sa school. Lahat ng employees dito sa school may number sa'kin, alam niyo kung bakit? Wala, trip ko lang haha. Well of course, para sa mga ganitong bagay, alam kong maaasahan ko sila.^_^

So yun nga, tinawagan ko si manong Willy then sinabi kong magdala ng isang upuan dito sa sa classroom, tsaka naman ako napangisi ng nakakaloko.

Pagdating ni manong Willy, pinapalit ko yung upuan na dala niya sa dating upuan ko. Kung hindi ka isang keen observer na gaya ko, sigurado akong mapipilay ka nang wala sa oras.

And guest what? Kumunot ang noo ni unggoy do'n sa ginawa ko. At pagkabuhat na pagkabuhat ni manong Willy sa upan ko, biglang naalis yung isang paa ng upuan ko kasi wala yung turnilyo nito.

Tumingin ako kay unggoy at ngumisi, yung ngising tagumpay whahaha.

Well, sinimulan mo ang laro huh, pero sisiguraduhin kong ako ang tatapos nito. (Evil smile)

Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula na ang klase, at dahil nga transferee si bebs ko, pinakilala muna sya saka nagsimula na talaga ang klase.

Habang nagkaklase, an idea popped into my mind that made me smile devilish. >:)

"Ok class, you can now take your lunch." Sabi ng professor namin.

Palabas na kami ng classroom ni Aira kasi 'di daw sasabay si Anthony kasi sabay daw sila ni unggoy tsss. Pinagpalit na niya ako sa unggoy na yo'n tsss.

Nasa pinto na kami ng classroom nang makarinig kami ng sigaw. At pinagkakaguluhan ng mga kaklase namin.

"ARRGHHH. ARAY PUTEK! SINONG MAY GAWA NITO?!" Hmmm, I smell the scent of 1 point whahaha.

"Ano yo'n pren?" Tanong ni Aira.

"Hmm ewan?" Painosente kong sagot.

"Punta lang muna ako doon makikichismis hoho." Tss. Kahit kailan talaga 'to si Aira.

"Oo na punta ka na 'don, dito lang ako hintayin kita."

At narinig kong may nagbubulungan.

"Hala ba't nadapa si Jacob?"

"May nagtali ata ng sintas niya sa paa ng upuan."

"Sino kaya yung nagtali?"

"Baka walang magawa sa buhay yung gumawa sa kanya niyan at gusto lang magpapansin."

"May mga tao talagang kulang sa pansin."

"Siguro nagpapapansin lang siya kay Jacob."

"Tama ka diyan."

Psh nagpapapansin your face! Eh kung sabihin kong ako ang may gawa tss.

Tumingin naman sa'kin yung isang tsismosa na si Lexie.

"Alex, kilala mo ba kung sino yung walang hiyang nagtali ng sintas ni Jacob?" Tanong ng tsismosa na dahilan para mapalingon ang mga kasama niya sa'kin.

"Oo." Simpleng sagot ko .

"A-ah ano?" Paulit ulit? Gano'n? Try mo maglinis ng tainga tss.

"Oo ako ang may gawa no'n" Sabi ko sabay tingin sa kanya at bigla naman siyang namutla.

"Ah hehe ikaw pala ang gumawa, alam mo ba tama lang sa kanya yung ginawa mo." Haha grabe talaga reaksyon niya, priceless. Plastik tsk.

Gano'n na ba ako nakakatakot grabe lungs.

So ganito ang ginawa ko kanina, Hinulog ko yung ballpen ko sa tapat ng upuan ni unggoy habang busy ang lahat sa pagsusulat, then tumayo ako para kunwari hinahanap ko yung ballpen. Pero ang 'di nila alam, hindi ko na hinahanap yung ballpen ko at dahan dahang kinakalas yung sintas ng sapatos ni unggoy kasi P.E namin ngayon kaya required na magsuot ng rubber shoes, then after kong kinalas yung sintas niya, tinali ko ito sa paa ng upuan niya. Then tumayo na ako at 'di na hinanap yung ballpen ko kasi may extra pa naman ako haha.

Oh bongga 'diba, nyahahahaha. Idol niyo nanaman ako haha. Para-paraan lang 'yan.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C6
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập