Tải xuống ứng dụng
11.11% HOT vs COLD / Chapter 5: Chapter 5

Chương 5: Chapter 5

CHAPTER 5

--ALEX:

Dingdongdingdongdingdong

"Bebs pabukas naman 'nung gate oh baka andiyan na yung kasama ko." Utos ni Anthony sa'kin pssh.

"Ihhh ikaw na lang o di kaya si Aira , tinatamad ako eh." Nakangusong sabi ko.

"Ikaw na kasi bespren, kita mo namang tinutulungan kong mag-ayos ng lamesa si Ants oh." Alam kong tinatamad din si Aira pero mas tinatamad ako. Duh.

"Maureen!" =_= Sabi ni bebs in serious tone

"Bebs naman ihh ayan ka nanaman sa Maureen mo psh." >_< Nagpapapadyak kong sabi.

">_>" Grabe naman siya makatingin sa akin. Parang 'di niya ako bestfriend. Hmmph! .

"Oo na ako na, ako na lang palagi" Saka ako padabog na lumabas.

Dingdongdingdongdingdong

Pucha naman 'yang taong 'yan oh mamatay na sana siya. Maka-doorbell wagas. -_-

Ano 'yon? First timer lang mag doorbell o gusto niyang sirain ang doorbell ko?

"WAIT LANG NAMAN OH, POTEK 'WAG PONG ATAT AT WALANG GINAWA SA'YO 'YONG DOORBELL KO PARA MOLESTYAHEN MO LANG GAG*!!!" Sigaw ko habang palabas ng bahay. Wala eh, naiinis talaga ako.

Then pagkabukas ko ng gate... Pucha sana 'di ko na lang pala binuksan. -_-

Isasara ko na sana ang gate nang hinarang niya yung kamay niya para di ko masara tss. Kung ipitin ko kaya tss.

"Sa pagkakaalam ko, hindi pinagsasaraduhan ang bisita at marunong ka pala sumigaw haha." Sabi ng kaharap ko na walang iba kun'di 'yung unggoy na ansarap sakalin ng todo grabe. Kaya iniwan ko na lang 'yung gate na nakabukas at bumalik na ako ng bahay dahil wala naman akong choice kun'di papasukin siya tsss.

"Oh bebs whats with your eyes? Tignan mo oh anlamig na nga dito sa bahay mo tapos mas lumamig nanaman." Sabi ni Anthony, kasi pagpasok ko ng bahay ay sinalubong ko sila ng cold eyes ko grrr.

"Sa pagkakalam ko kasi wala tayong bwisitang unggoy tsss." Sabi ko sabay salampak sa sofa.

Pinagdiinian ko talaga ang last word ng sentence ko.

"OWMAYLAWAY!!" Sigaw ni Aira na laglag panga pagkakita niya kay unggoy na papasok sa bahay ko.

" 'Wag ka ngang sumigaw Aira." Sabi ni Anthony sabay takip ng tenga.

"Opo na po sorry naman na daw po." Sabay irap ni Aira kay Anthony .

"Uy pare long time no see." S.abi unggoy habang nakipag fistbump kay bebs ko

"Hello, Aira nga pala." nagpapacute na sabi ni Aira at nakipag-shakehands dinNkay unggoy.

"Astig naman ng bahay mo pre." Manghang sabi ng unggoy kay bebs habang nililibot ang mata sa bahay.

"Ahh pre hindi ko 'to bahay." Natatawang sabi ni bebs.

"Eh kanino?"

Tinuro naman ako ni bebs at ni Aira saka lumingon naman sa'kin si unggoy.

"Weh? Seryoso?" Parang na-amazed na sabi ni unggoy.

"Psh -_-" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Yes, bahay niya 'to at bisita niya kami este tayo pala." Sabi naman ni bebs sa kanya.

Tama 'yan bebs, ako ang may-ari ng bahay na ito at BISITA ko lang kayo.

"Kain na tayo. -__-" Nakapoker face na sabi ko sabay punta sa kusina at umupo na sa upuan.

"Osya chibugan nahhh." Sabi naman ni Aira.

Bale ang sitting arrangement namin ay magkatabi si unggoy at bebs at kaharap ko si unggoy at katabi ko si Aira na katapat naman ni bebs.

"Kakain ba kayo o magtititigan lang kayong dalawa." Tanong ni bebs sa'min ni ungoy dahil nakangisi siya habang tinititigan niya ako. At ako naman, as usual poker face with cold eyes.

Siya ang unang bumitaw ng pagtititigan namin at sumubo na ng pagkain kaya kumain na rin ako.

Our dinner is currently in a silent mode, only the utensils that we're using ang maririnig sa kusina.

At dahil alam kong 'di iyon kinaya ni Aira, siya na ang nagbasag ng nakakabinging katahimikan dahil kahit ako na tahimik, sanay na rin ako sa environment na maingay.

"So ano na gagawin natin pagkatapos kumain?" Tanong ni Aira.

" 'Di ko alam, siguro kwentuhan lang then shot ng ko'nti hehe." Sabay sulyap sa'kin ni bebs na nagsasabing payagan ko sila na mag-inuman.

"Okay." Sabay pa talaga na sabi namin ni unggoy tssss. -__-

Tapos na kaming kumain ng dinner at nandito kami ngayon sa sala na nagkukwentuhan este sila lang pala dahil OP (out of place) ako sa pinag-uusapan nila. X_X

Kaasar, pamamahay ko 'to but then hindi nila ako pinapansin.

"Oh pre musta naman ang pag-iistay mo dito?" Tanong ni bebs kay unggoy

"Ok lang naman, parehas lang din sa U.S" Sagot naman ni unggoy sabay kain ng pulutan.

"Paanong parehas lang sa U.S?" Dagdag ni Aira.

"Uhm sabihin na nating, hanggang dito habulin pa rin ako haha."

Grabe lang huh napakahangin talaga nitong unggoy na 'to tssss. Habulin daw? Wew... malandot kasi siya, flirt tssss. Or baka naman habulin ng kapwa niya unggoy, hahaha.

"Oo na diyan pre, kaso nga lang mas lamang ako ng sampung paligo sayo haha." Ito pa ang isang mahangin. Tss.

Haynako mas lalong humangin dito. Pero kung sabagay, pogi din naman 'yung bebs ko huehue.

"Haha paalbor naman ng mga kapogian niyo para maranasan ko rin maging habulin." Singit ni Aira. Seryoso ba siya? Nababaliw na din 'tong isang 'to.

"Pwede rin naman pero habulin ka ng mga tambay sa kanto na nag-iinuman hehehe." Pang-aasar ni bebs kay Aira.

"Ulol mo mo Ants, pag ako gumanda, hmpft, who you ka sa'kin"

"Bebs pakipatay nga yung aircon." Singit ko habang naka poker face.

"Ba't ko naman papatayin?"

"Masyado na kasing mahangin, dito sa bahay ko. Baka tangayin 'yung bubong." Walang ganang sagot ko naman.

"Grabe siya oh haha" Natatawang sabi ni Aira.

"Jacob, you've got a text message." Tumunog ang cellphone ni unggoy, naks, galing naman ng message tone ni unggoy. 'Di ko tuloy alam kung matatawa ako o ano.

"Nice message tone haha." Pagpuri ni Aira

"Ahm, guys uwi na muna ako ha nagtext na kasi si mom pinapauwi na ako." Sabi ni unggoy sabay tayo sa upuan niya.

Grabe maka-guys huh. Feelingero naman to masyado tss. -_- fc (feeling close) siya ahh.

"Kung sabagay maghahating gabi na." Habang nakatingin ni bebs sa relo niya.

"Sige Vince thanks sa pagbisita. ^_^" Paalam ni Aira. Ay wow, nakiki-Vince na rin siya oh.

"Ah sige thanks din Anthony at Aira, nice meeting you." Sagot naman ni unggoy habang kumakaway na parang sa beauty pageant.

Grabe 'di man lang siya magpapaalam sa'kin tsk. Ako kaya ang may ari ng bahay na 'to.

Eh paki ko ba sa unggoy na 'yan kung 'di ako batiin? Sabagay, bwisita lang naman siya tsk.

"And sa'yo din Maureen, thanks." Sabi ni unggoy sa'kin sabay smirk.

Akmang susugod na ako sa kanya para patayin siya pero mabilis na siyang nakalabas ng bahay. Tsk, he's getting into my cells grr. *_*

"Oh kayong dalawa? Ano pa hinihintay niyo?" Tanong ko kina Aira at bebs.

Psh. Taasan daw ba nila ako kilay tss.

"Oo na isara niyo na 'yang pinto. Do'n kayo matulog sa guestroom, tig-isa kayo at 'wag kayo sa iisang kwarto, paki-off na rin 'yung lights" Bilin ko sa dalawa bago ako umakyat sa kwarto ko.

Hindi pa ako naka akyat ng kwarto ko nang mag salita si bebs.

"Grabe ka naman bebs 'di ko naman gagapangin 'tong babaeng to." Parang nandidiring turo niya kay Aira.

"Psh para namang gusto kong magpagahasa sa'yo, ni tumabi nga sayo ayo'ko eh, no never over my gorgeous and sexy body hmpft." Saka binelatan ni Aira si Anhony.

"Tama na 'yan, kung ayaw niyong balatan ko kayo diyan nang buhay tss." Banta ko sa kanilang dalawa

"Geh goodnight." Dagdag ko pa at tuluyan nang dumiretso sa kwarto ko.

Pagkagising ko, 5:30 na pala, at alam kong 'di pa gising ang dalawa tsss. Mga tulog mantika ang mga yon.

Kaya I decided na magluto nalang ng breakfast ko at dahil mabait ako, pinagluto ko na rin sila.

"GOOD MORNING PREN. ^_^" Sigaw ni Aira habang pababa ng hagdan.

"ANO BA AIRA? KAY AGA AGA SUMISIGAW KA!" Sigaw naman ni bebs kay Aira habang papuntang kusina na halatang kakagising lan din.

"Nahiya naman daw ba ako sa bulong mo hmpft." Saka umirap ni Aira kay bebs.

"Shut up! Will you?! Kumain na kayo dito para makapasok na tayo at para di tayo malate." Pagalit na sabi ko sa kanila. Ang aga-aga nagsisigawan. Pagbuhulin ko kaya silang dalawa.

"Sorna naman daw." Sabay nilang sabi.

"At ikaw naman bebs, nasa unang guestroom 'yung uniform mo, pinadala ng mama mo." Pag-iiform ko sa kaniya.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập