-Athena Brix Alexandro-
"Uy, nasan na 'yung sinasabi nyong underground pre? " tanong ko nang mapansin kong sobrang layo na namin sa dorm.
"Malapit na pre, relax ka lang. " sabi ni Gray saka ako inakbayan.
"S-sige. " nasagot ko na lang.
Maya-maya pa ay tumigil kami sa isang malaking puno. Err.. anong gagawin namin dito? Nakita kong kumatok si Jerix sa malaking puno na 'yun.
Bat sya kumakatok sa isang malaking puno? Weird.
Ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang punong iyon. Literal na napanganga ang aking bibig. Wtf?!
"Nagulat ka ba? Haha, Ganto talaga dito sa DGA, maraming sikreto. " pabulong na sambit ni Kean sa "maraming sikreto".
"Let's go. " walang emosyon na namang sambit ni Jerix. Sumunod naman na kami sa kanya. Pagpasok pa lang namin sa loob ng malaking puno ay puro sigaw at hiyawan ang nadinig namin. Napapikit ako sandali dahil hindi ko kinakaya ang ingay na idinudulot ng mga tao dito.
Bumaba kami, may makiit kasing hagdanan dito sa entrance pababa sa mismong lugar.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan nito at masasabi kong malaki at maluwag ang lugar na ito para sa mga labanan. Nahagip ng aking paningin ang maliit na bar sa kabilang bahagi nitong underground achuchu na 'to.
"Sige, Hades! Talunin mo na 'yan! Hooo! "
"Kaya mo 'yan, Clyde! "
Dalawa sa mga sigawan na naririnig ko. Tiningnan ko ang nag-lalaban. Mukhang pareho silang malakas ah?
"Gusto mong i-try? " tanong ni Khal.
"Ha? "
"Gusto mo ba kako i-try makipag-laban kay Hades? " sabi nya pa saka ngumiti.
"Okay lang. " maikling sagot ko. Tiningnan ko ang mga kasama ko at tutok na tutok din sila sa bugbugan na nangyayari sa aming harapan ngayon. Sandali, parang pamilyar sakin 'yung tinawag nung isa na 'Clyde'. Argh! San ko nga ba nakita 'to?
"Drink this. " nabalik ako sa ulirat ng makita ko sa tabi ko si Jerix at may hawak na basong may lamang alak. Ngumiti ako saka umiling.
"Hindi ako umiinom. Salamat na lang. "
"Why? " tanong nya. Anong 'why?' eh sa hindi ako umiinom eh. Tsk.
"Nothing. I just don't like the taste of beer. " sagot ko.
"Okay. " sabi nya saka umalis. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang bugbugan. Nakita kong nakasalampak 'yung lalaking nakaitim at puro tattoo. Hades ba pangalan nun? Tapos 'yung lalaki namang pamilyar sakin ngayon ay nakatayo sa isa sa mga lamesa at umiinom ng alak. Sya siguro ang panalo.
"SINO PANG GUSTONG LUMABAN SAKIN? " sigaw nya. Walang naglakas-loob na lumapit sa kanya kaya ako na lang.
"Ako. " sagot ko habang nakapamulsa. Nakita kong nagulat sya.
"Brix? " tanong nya. Eh? Kilala nya ako?
"Uh? "
"Ako 'to, 'yung nakalaban mo nung isang araw. Anyway, I'm Clyde Leondle. " sabi nya at inabot ang kanang-kamay sakin. Tinanggap ko naman 'yun.
"Nice meeting you again, Clyde. " nakangiting wika ko.
"Me too, nice to see you again, Brix. "
"Simulan na natin? " tanong ko.
"Game! " nag-hubad na sya ng damit at.. *gulp* 6 pack abs ang tumambad sakin. Kailangan ba talagang mag-hubad?
"Ikaw Brix? Hindi ka ba mag-huhubad? " tanong nya.
"Nah. " maikling tugon ko. Hindi na sya nag-salita pa at basta na lang sumugod. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa at nakatayo lang at hinihintay syang bugbugin ako.
Akmang susuntukin nya ako ng iiwas ko ang ulo ko, habang na-out of balance sya ay tinulak ko sya dahilan para tumama ang mukha nya sa isang maliit na lamesa. Nahulog ang lahat ng boteng nakalagay doon. Humarap naman sya sakin ulit at akmang susuntukin ako ng bigla akong yumuko at sinuntok ang sikmura nya. Namilipit sya sa sakit kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon para bugbugin sya. Siniko ko ang ulo nya kaya dumausdos sya sa lupa.
"Who's he? "
"Newbie ata? "
"Oo nga daw. "
"Magaling ah? "
"Kaya nga eh, mukhang may tatapat na kay Clyde ah? "
"Pero wala pang tatapat kay Jerix. "
Usap-usapang narinig ko sa paligid ko. Jerix? Magaling ba si Jerix dito?
Nabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang kamao ni Clyde na sumapak sa mukha ko. Punyemas!
Nahilo ako ng onti ngunit agad din namang nakabawi. Hineadbang ko sya at beng! Tulog ang kingina.
"Hoooo! Tropa namin 'yan! " sabi ni Harry. Bumalik naman ako sa kanila.
"Ang galing mo, Brix! " -Khal.
"Oo nga eh! Idol na kita! " -Kean habang may lollipop sa bunganga.
"Laban tayo minsan ha? " -Gray na nakahubad na naman ngayon.
'Sige kapag hindi ka na nakahubad. ' sagot ng isip ko.
"Nice. Labanan mo 'ko minsan. " -Zef.
"Keep-it up. " walang emosyong sabi na naman ni Jerix. Si Funky naman ay tahimik lang.
"Salamat sa puri guys. Hehe. " nahihiya kong sabi.
"So, mamili ka na nang grupong sasalihan. " sabi ni Kean.
"Ahm, ano ba 'yung mga grupong meron dito? " tanong ko.
"Cahryx, grupo nila Clyde. Hell, grupo nila Hades. The Kings, grupo ng mga hari. " sabi nya pa saka kumindat.
"Tatlo lang? " tanong ko.
"Meron pang iba, pero advice ko lang sayo na sa tatlong 'yan lang ikaw pumili. " sagot nya.
Ngumiti ako bago sumagot.
"Ang pipiliin kong grupo ay.. THE KINGS. "